Share

Chapter 2

Bumilis ang tibok ng puso ni Misha sa narinig. "You know who did this to me?"

Napababa siya bigla at aabutin sana ang envelope pero mabilis na tinago 'yon ng babae sa likod nito kaya tinignan niya ito ng masama

"What a gaze, so feisty. Just like you, baby," nagbibirong komento ng lalaki na nakatanggap ng tampal sa batok galing sa babae.

Tumingin ang babae sa kanya. Kalmado at walang halong panganib ang mga mata nito.

Natahimik siya sandali. Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Pagkatapos ay marahang tumango sa dalawa. Siguro naman walang masama kung makinig muna siya. "Okay, let's hear it."

Ngumisi ang babae. "Now we're talking."

Pormal na tumayo ang babae sa gilid niya saka nagsalita. "I will give this to you. Lahat ng gusto mong malaman at kahit ang impormasyon na hindi mo akalaing malalaman mo ay nandito sa loob ng envelope. Kapag napasakamay mo 'to, tutulungan ka namin maghiganti kung nanaisin mo. Ang kapalit? Kailangan mong sumama sa'min."

Kumunot ang noo niya at magsasalita sana pero tinaas ng babae ang malayang palad sa harap niya para pigilan siya.

"Let me finish first. Kailangan ka namin, specifically, that face." Tinuro nito ang mukha niya. "We need that beautiful face of yours. Nagkataong kamukhang-kamukha mo ang isa sa pinakamahalagang tao sa organisasyon namin at may nangyaring hindi inaasahan kaya kailangan ka namin sa mga susunod na plano. At para maisagawa 'yon, of course, we need to have you. We'll bring you with us in Russia and erase all your whereabouts here in the Philippines. We will give you a new life and—"

Pinutol ni Misha ang susunod na salita ng babae. "New life my ass, what you are asking me to do is too much for just a piece of information about the fiend who ruined my life. Paniguradong nagsagawa na kayo ng background check tungkol sa buhay ko at alam kong nalaman niyong dati akong imbestigador. I can do my own investigation and uncover the things I want to know."

Mukhang hindi naman nainsulto ang babae sa mga salitang sinabi niya. "Oh, honey. The intel we have is not your ordinary piece of data that you can have just because you want to know about it. I'm giving you an advice right now. The data you want to know is not an easy chunk to dig. I'm giving you—"

"No, I don't want it. Please, get out. I don't have time for this."

Tahimik na nagkatinginan sila ng babae. Mata sa mata. Walang sinuman ang may gustong bumawi ng tingin.

"Wow, baby, it's like watching two versions of yourself clashing against each other."

Dahil sa komento ng lalaki, unang nagbawi ng tingin ang babae at malakas na sinuntok sa braso ang lalaking kasama. At kahit na walang kwenta ang eye-to-eye contest na ginawa nila, pakiramdam ni Misha ay nagwagi siya sa malaking patimpalak.

Hindi pinansin ng babae ang nasasaktan nitong kasama at may kinuhang card sa bulsa saka nilagay sa gilid niya.

"Bibigyan kita ng oras para mag-isip. Call me when you think otherwise. And for the record, we're also going to pay you handsomely."

Hindi na nakahirit pa si Misha dahil mabilis na nawala ang dalawa sa harapan niya.

***

Sa halos dalawang araw na pananatili niya sa hospital, wala ni anino ng mga magulang niya ang nagpakita. Siguro dahil abot hanggang langit ang galit ng mga ito sa kanya na naintindihan naman niya.

Kailangan nilang mag-usap ng masinsinan at kailangan niyang ipaliwanag na wala siyang kinalaman sa mga nangyari. Inosente siya at biktima lang din. Yun ang kailangang intindihin ng mga magulang niya.

Siguro mauunawaan din siya ng mga ito kung makakapag-usap sila ng maayos.

'Yon ang akala niya. Buong akala niya makikinig ang mga magulang niya sa kanya. Pero kahit isang salita mula sa kanya ay hindi nila pinakinggan, masyadong galit ang ama niya para makinig. Magpapaliwanang pa lang siya, parang machine gun na sunod-sunod na naglabas ng hinanakit ang ama niya. Wala namang nagawa ang mommy niya dahil sa tahanan nila, ang ama niya ang palaging nasusunod.

"Umalis kana!" malakas na sigaw ng dad niya. Nagmarcha ito sa kwarto at marahas na sinarado ang pinto.

Saglit siyang tinignan ng mommy niya. Pareho silang may mga luha sa mga mata. "I think you should go first."

'Yon lang ang sinabi ng mommy niya saka sumunod sa tatay niya.

Tahimik na humihikbing sumunod si Misha at napasandal sa nakasarang pinto. Gusto sana niyang kumatok at sumubok ulit pero narinig niyang nagsalita ang ama niya.

"She shouldn't have come back, hindi na sana siya bumalik at ipaalala ang mga katangahang ginawa natin para lang mahanap ang sunog niyang katawan na sa huli ay hindi naman pala totoo. I don't want such cruel woman in my house. I'm actually relieved that we're not related by blood. Pinalaki natin siya para pakinabangan pero hindi siya nakikinig sa'tin. Hindi natin siya kailangan, sapat nang kinopkop at pinakain natin siya. Babalik na si William, we don't need such disgrace in the family."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Misha sa narinig.

Trinaydor siya ng mga luhang mas lalo pang nagsipag-unahan sa paglabas sa kanyang mga mata. Pinigilan niyang humikbi. She covered her mouth with her palm to stop herself from making any noise.

Gustong-gusto niyang buksan ang pinto at humingi ng kompirmasyon pero natatakot siya sa maririnig.

Umalis siya sa bahay at tumakbo sa labas nang walang direksyon. Kahit hilam ng luha ang mukha at kahit na parang nagdadrama siya sa mata ng mga tao sa paligid ay wala siyang pakialam.

Ano pang silbi ng pagbalik niya kung wala naman palang naghihintay at tatanggap sa kanya.

Ano na ang gagawin niya?

Napahinto si Misha sa pagtakbo dahil naalala niya si Charlie. Habol ang hiningang nilabas niya ang cellphone na binigay ng binata nung nasa hospital siya.

Tinawagan niya ang numero nito pero busy iyon. Kinalma niya ang sarili at nagdial ulit.

Sa araw na 'yon, ilang beses na sinubukang tawagan ni Misha si Charlie pero kung hindi busy, walang sumasagot.

"One last try, Misha. Kapag walang sumagot, susubukan ulit natin bukas."

Fortunately, sinagot ang tawag niya pagkatapos ng tatlong ring.

"Charlie!" masayang bati niya.

"Misha, I'm busy. I have a lot on my plate right now."

Parang piniga ang puso niya sa malamig na boses ng fiance niya. "P—Pasensiya na. I'm just wondering if you have time to talk? Kung hindi kana busy."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Sige, I'll call you later."

Hindi na siya nakasagot dahil agad na pinatay ni Charlie ang tawag.

Pero okay na 'yon. Maghihintay siya.

[Three days later]

Nakipagkita si Charlie sa kanya sa isang restaurant. Dinala siya nito sa pinakadulo kung saan walang tao at hindi masyadong nakikita.

"Charlie, kamusta kana? You look tired," pagbasag niya ng katahimikan.

"I'm doing fine. Busy lang sa kompanya. I have to get things done before my engagement party."

Mapait siyang ngumiti. "You are engaged?"

Sandaling hindi nakasagot si Charlie. "Yeah..."

"Then, what about me?" She doesn't really care if she sounded selfish. "Mahal kita, Charlie. Paano naman ako? Ano na ang gagawin ko kung pati ikaw..."

Hindi na natuloy ni Misha ang sasabihin dahil pumiyok na ang boses niya at nagsimulang mamasa ang mga mata.

"Misha, your death broke me into pieces that I didn't imagine I'd be able to recover. Malaking bahagi ng buhay ko ang namatay nang mawala ka. I was so heartbroken and I even thought that I might as well die with you."

Sandaling natahimik si Charlie at siya naman ay tahimik na napaluha. Pagkatapos ng halos dalawang minuto, nagsalita ulit ang binata.

"Margo... She was there when I needed someone. She saved me. Kahit na pinagtabuyan ko siya, hindi siya sumuko, hindi niya ako sinukuan. She was there all those times when I was wrecked. Hindi ko maisip kung saan ako pupulutin kung wala siya noon sa tabi ko. Hindi man niya nabuo ang nadurog kong puso, hindi man niya nabuhay ang isang bahagi na namatay sa loob ko, nabigyan naman niya ako ng isang bagong pag-asa. Binigyan niya ako ng isa pang buhay, ng panibagong pag-ibig. Misha, I can't imagine my life without Margo. I loved you but I don't want to love you again. Nakakatakot kang mahalin."

Tuluyan na siyang napahagulgol. Parang may tali ang puso niya at lalo iyong humihigpit habang naririnig ang mga salita ng binata.

Inabot niya ang kamay ni Charlie na nasa ibabaw ng mesa at mahigpit na hinawakan 'yon na parang iyon na ang pinakahuling pag-asa niya para mabuhay.

"Charlie, please... just please. Don't leave me. I don't have anyone with me now. Pati ba naman ikaw? Pakiusap Charlie, mahal kita. Mahal na mahal kita. Let's get back together, hmm? Just give me a chance to make up for everything. Please, Charlie, we can still work things out, just one last chance."

"I'm sorry, Misha. I can't abandon Margo for you. Hindi dahil bumalik ka ay mamahalin ulit kita na parang walang nangyari. Ayoko maging unfair kay Margo."

Dahan-dahang binawi ni Charlie ang kamay mula sa mahigpit na kapit niya at huminga ng malalim bago nagsalita ulit.

"I don't love you anymore and I don't have any plan to love you again so please, let go. Let's end us, Misha."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status