Share

Chapter 4

[Two weeks later]

Tamad na tinapon ni Misha ang katawan sa sofa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Dalawang linggo na siya sa Russia. Two weeks have passed since she started to borrow Zephyra's identity.

Zephyra Greene is a skilled agent and the daughter of Zedd Anthony Greene, one of the leader of a secret organization named ISHA, and Eveline Greene, an ISHA's executive and a close combat instructor. ISHA is an organization that do missions all over the world in secrecy, investigating big crime cases, preventing terrorist attacks, do undercover missions, etc, etc.

Ang isa sa pinakamalaki nilang base ay nasa Russia at doon siya sekretong pinasok ni Eveline at sinimulang hinasa.

Hindi pa patay ang totoong Zephyra, na-coma ito dahil sa huling mission na muntik na nitong kinamatay. At dahil kailangan nila ng isang Zephyra Greene na haharap sa mga tao ay kailangan niyang pansamantalang magpanggap.

Hindi pa nakakalimang minuto na nakahiga siya sa silid nang may pumasok para istorbohin ang tahimik niyang pahinga.

Hindi na niya kailangang tignan kung sino ang pumasok. Iisang tao lang naman ang nakakaharap at nakakausap niya sa loob ng dalawang linggong pananatili niya sa base. "Ugh, Eveline... Can I rest first for like thirty minutes?" she lamented.

Eveline chuckled. "Oh, you can stay still."

Narinig niya na ang ingay na papasok kaya napasulyap siya sa pintuan. May tinutulak si Eveline na isang clothing rack at may mga nakahanger dun na mga jacket at pants na karamihan ay black, green, blue, yellow at red na may mga lining na white sa bawat terno.

"What are these for?" nagtatakang tanong niya.

"They're tracksuits. Normally, ang mga ganito ang palaging sinusuot ni Zephyra kahit na saan siya pumunta. Ultimong sasabak siya sa mission, tracksuit pa rin ang suot niya."

"Interesting taste. Oh, I did notice her wearing these kinds of stuff in those photos and videos." Nilapitan niya ang rack at kinuha ang isang hanger na may itim na tracksuit saka walang hiya-hiyang hinubad ang sariling damit at pagkatapos ay sinuot ang jacket at pants.

Lumapit siya sa full-body mirror at tinignan ang sarili. Hindi naman masama, komportable yun sa katawan. No wonder Zephyra likes to wear them.

Sumunod si Eveline at nanatili sa likod niya.

"Now, you completely look just like her." May bahid na lungkot ang boses ni Eveline.

Inipon ni Eveline ang maalon niyang buhok at bi-nun iyon. Kitang-kita ang tattoo niya sa batok na una niyang nakuha pagdating niya sa Russia. Bungo na may sungay at may rosas ang itsura ng tatoo kagaya nang kay Zephyra.

Tinignan niya ang mga mata sa salamin. Nakasuot siya ng contact lenses dahil kakaiba ang kulay ng mga mata na merun si Zephyra. Zephyra has mismatch eye colors. Ang isa ay reddish brown at ang isa ay forest green. Hindi nun nabawasan ang ganda ni Zephyra, bagkus ay tumingkad pa ang kakaiba nitong kagandahan na kahit si Misha ay nagagandahan sa sariling mukha nang naglagay siya ng contact lenses.

Inaral niya ang mga bagay tungkol kay Zephyra as per Eveline's request. Habang pinapanuod niya ang mga video ng mga training ni Zephyra, she can't help but feel amazed by how badass she was.

Ang sabi ni Eveline, kayang patumbahin ni Zephyra ang ina ng dalawang beses sa loob ng limang laban. Pero siya, simula nang dumating siya sa Russia, hindi pa siya nananalo kay Eveline. Masyado itong malakas para sa isang babaeng nasa early fifties.

"I'm going to workout for a bit. I need to bring back my strength as soon as possible."

Alas-dos pa lamang ng umaga kaya walang makakakita sa kanya kapag pumunta siya ng training area. Saka nasa executive level sila ng base kaya walang masyadong tao.

Pagbukas niya ng pinto, she was welcomed by a pair of strong arms that suddenly wrapped her body making her surprised.

"Damn, Rara. I came back as soon as I heard that you woke up."

His breath is practically fanning her ear making her ear feel itchy for some reason.

Nakatulala lang si Misha at hinintay na kumalas ang lalaki. Pero dalawang minuto na ang lumipas na hindi pa rin ito gumagalaw.

She decided to tap his back. "Uh, excuse me? Who are you?"

Kumalas ang lalaki sa kanya pero ang mga kamay nito ay nanatili sa balikat niya. Tinignan siya nito sa mga mata na parang binabasa ang kung anong nasa isip niya.

She recognized the man. Nakita niya ito minsan sa training videos ni Zephyra. And according to Eveline, he's Zephyra's best friend.

While staring back at him, Misha wasn't sure but she saw a glint of excitement crossed his brown eyes as if he was thinking of doing something crazy.

Narinig ni Misha na nagsalita si Eveline. "Zephyra, that's Echo, your—"

"Your boyfriend," he said with an annoying grin.

Wow, he did say something crazy.

Napamaang si Misha sa narinig. "My what?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Umpisa na ng pagpapanggap. Kahit na kilala niya ang lalaki sa harap niya ay kailangan niyang magkunwari na hindi dahil pinalabas ni Eveline na may amnesia siya pagkatapos niyang magising sa pagka-comatose.

"Your boy—"

"Bullshxt," putol niya bago pa man nito matuloy ang sasabihin. "Liar."

Paano niya seseryosohin ang mga salita nito kung mapaglarong mga tingin at nakangising mga labi ang pinapakita nito sa kanya.

But Misha still can't help looking at his eyes. They are piercing yet bright and mischievous. Nakakainis man pero parang hinihigop siya ng mga titig nito.

His playful smile almost look sexy if he just tone down his cheerfulness a little bit...

She lightly shook her head. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganun sa sitwasyon na merun siya.

"How can you say I'm lying when you don't remember anything, hmm?"

Walang maisagot si Misha kaya tumingin siya kay Eveline na may pagtataka.

"Mom, are we dating?" tanong niya na nakaturo ang daliri sa lalaki.

Kibit balikat si Eveline. "I don't know, honey. You didn't say anything about dating and all stuff about romantic love. All I know is he is your best friend."

The man flashed a triumphant smile when she looked at him again. She stared at him seeking for an answer.

"We are secretly dating," he whispered.

Marahas na tinampal niya ang mga kamay nitong nakahawak sa balikat niya at umirap dito. "Liar. Look at your face before you lie through your teeth."

Narinig niya pa ang mahinang tawa ni Eveline kaya inis na tinignan niya ito. Bigla naman itong sumeryoso at tumikhim.

"You said you are going to the training area, right? You can go ahead, I'll be there after one call."

Bahagya siyang tumango at umalis nang hindi pinansin ang lalaking nakaharang sa pintuan. Simpleng tinulak niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey, that's rude, Rara" he accused.

Misha rolled her eyes. Rara talaga? Ang corny.

Hindi niya napansin na nakasunod ito sa kanya hanggang sa training area. Nang makapasok siya ay tinakbo nito ang boxing ring na kinagulat niya.

"Let's spar?" panghahamon nito.

Tinaasan niya ito ng kilay at pumunta sa treadmill nang tahimik.

He didn't give up. "Hey, are you really going to ignore me?"

Nagsimula siyang mag-ensayo.

"Rara, you really don't remember me?"

"Then, how about our buddies?"

"Hey, you know what? I honestly feel that you have changed. Your aura, your voice and your gaze."

"It feels as if you have become a different person. Is that the effect of having to lose your memories? It's kinda saddening."

Walang maisagot si Misha. Kahit na medyo kinakabahan na siya sa mga sinasabi ng lalaki, hindi niya 'yon pinakita. Expressive siyang tao, prangka at kapag may gusto siyang sabihin, sinasabi niya kaagad. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya magaling magtago ng emosyon.

Ilang beses sabihin ni Charlie na naiinis ito sa mukha niyang walang emosyon tuwing may lq silang dalawa. Sabi nito na sa halip na gumawa silang dalawa ng paraan para magkaayos ay pinapakita at pinaparamdam niya na parang hindi sila magkakilala.

She sighed. She missed him.

"Rara!"

Her line of thoughts were deterred kaya napatingin siya sa lalaking nasa loob ng ring. Saglit na nagtama ang mga paningin nila pero wala siyang sinabi. Binalik niya ang tingin sa harap at nagpatuloy.

"Wow, are you really going to do this? To your boyfriend?"

"Hey, miss. You can't ignore your boyfriend and treat him like a stranger, you know?"

"You are mean."

Tinignan niya ito ng masama. "And you are so loud. Leave me alone, for goodness sake."

Hindi natinag ang lalaki sa sinabi niya. Sa halip ay tumawa ito.

"Now you are talking to me," mayabang na saad nito.

Umalis si Misha sa treadmill at seryosong humarap sa direksyon nito. "Look here, mister. What is your name again?"

He grinned and answered coolly, "Lucien Clive, codename; Echo. Your dearest boyfriend, why?"

Inirapan niya ito. "Okay, then. Lucien, Clive, Echo whoever you are, let's break up."

Sigurado siyang hindi ito boyfriend ni Zephyra kaya malakas ang loob niyang magbitiw ng ganoong salita.

Natahimik ang lalaki sa loob ng ring. Ilang segundo itong nakatayo lang bago bumaba sa ring at naglakad palapit sa kanya.

Kinabahan naman si Misha sa matiim na titig nito habang naglalakad ito palapit sa kanya. Napasinghap siya nang bigla nitong hinapit ang baywang niya gamit ang braso at saka hinawakan ang pisngi niya.

"You can't break up with me when you can't remember anything, Zephyra. That's not fair in every way," sabi nito sa malamig at seryosong boses.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status