Share

Chapter 2

Nagising si Rhian kinaumagahan at nakitang nasa loob pa rin siya ng sasakyan ni Lance.

Hindi na siya nagpaka-OA katulad ng mga nababasa at napapanuod. Ano ba naman kasing silbi ng pagtili-tili niya na parang hindi alam ang totoong nangyari pero sa isip, memorize naman ang detalye. Ginusto naman niya ito so bakit siya aarte.

Pinagmasdan niya ang binata na mahimbing pa rin ang tulog. Akala mo talaga sobrang pagod eh isang beses lang naman nilang ginawa. Katunayan, gusto pa nitong humirit kagabi pero ayaw na niya. Akala niya etchuss lang 'yong mga nababasa at naririnig niya pero totoo pala talagang masakit kapag first time. Akala niya mamamatay na nga siya kagabi. Dapat kasi diniscuss nila 'yon no'ng nag-aaral pa siya para napaghandaan niya.

Napailing siya bago dumukwang palapit dito at kinagat ito sa balikat.

"What the hell!" Napabalikwas ito at inis na tumingin sa kanya. "What are you doing?"

Umismid siya. "Hindi kita pinaparinggan o ano ha? Pero baka lang gusto mong umuwi na."

"Stop being sarcastic." Hindi natutuwang tugon nito.

"And stop with the death glare little brother."

Mas lalong sumama ang tingin nito. "Fuck. After what we've done. You have the nerve to call me that?"

"Ano ba dapat?" Taas kilay na aniya.

"Something sweet." Matigas nitong utos.

Mas lalong tumaas ang kilay niya. "Like pet names?" Tumango naman lang naman ito bilang sagot.

"O? E di pwede bang iuwi mo na ako bruno?"

"The hell." Ang lutong na naman ng mura nito. "Who the fuck is bruno?" Ang sama na ng tingin nito.

Kumunot ang noo niya. "Sabi mo gusto mo ng pet names. O ayan. Di mo kilala si bruno? Yong aso namin 'yon. Magkamukha kayo." Seryoso niyang saad.

"Damn it." He glared at her. "I don't really know what to do with your mouth woman."

Umismid siya. "Haru! Haru!" Hinampas niya ito. "Hoy! Tsong alam ko na 'yang binabalak mo. Pumaparaan ka na naman. Mga ganyan mo ha? Gusto mo lang akong halikan eh."

Tinignan siya nito ng masama. "Of course not."

Tumaas ang kilay niya. "Wow! Kung makatanggi parang hindi rin halos kainin ang bibig ko kagabi ah."

Mas lalong sumama ang tingin nito. "Damn it. Just shut up."

Natawa siya ng malakas pero agad ding nagseryoso ng may maalala. "Paano nga pala ako uuwi?" Sinapak na naman niya ito. "The hell." Hindi nawala ang masamang tingin nito.

Pinandilatan niya naman ang binata. "Walanghiya ka! Pinunit mo 'yong damit ko kagabi. Paano ako uuwi?" Naiinis na aniya. Suot naman niya ang polo nito pero paniguradong gigisain siya ng ina kapag nakita ang itsura niya.

"We're going to my house." Sagot naman nito.

"Ha? Magkapit-bahay lang tayo bakit sa bahay niyo pa ako uuwi? Shunga ka ba?"

"At bingi ka rin." Mabilis nitong sagot at tinignan siya ng seryoso. "I said my house not our house."

Pinakibot niya ang labi. "Gano'n ba? Ayoko kasing marinig 'yang boses mo kaya wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo. House lang talaga narinig ko."

Napabuntong-hininga na lang ito at napapikit ng mariin. "God help me." Mahinang bulong nito pero narinig naman niya.

"Stress ka na ba sa'kin?" Tanong niya.

"Damn yes." Mabilis nitong sagot at minulat ang mga mata.

Ngumisi siya. "That's great." At kinindatan pa ito.

"Shut up." Sagot nito at umayos na ng upo. Saka binuhay ang sasakyan.

Tumaas ang kilay niya. "Hoy bata! Ganyan ka magdadrive?" Tanong niya dahil wala itong pang-itaas na damit.

"Nasa 'yo ang damit ko malamang." Walang-modong sagot nito.

"O edi 'yong damit kong pinunit mo ang isuot mo. Total ikaw naman may kasalanan." Irap niya rito.

Tinignan siya nito ng masama. "Pwede ba ate tumahimik ka na lang."

Napaawang ang labi niya sa narinig. Hinampas na naman niya ito ng malakas.

"Ouch. Damn it." He glared at her.

"Wala kang galang sa nakatatanda." Galit na sagot niya.

Kumunot ang noo nito. "I said ATE." Walanghiya. Yon nga ang kinaiinis niya. Tapos inulit pa ng gago at mas diniinan pa talaga.

Tinignan niya ito ng masama. "Sinong nagsabing ate mo ako? Hindi tayo magkapatid okay?"

"O kung ayaw mo ng ate. Old stranger na lang. At kung gusto mo ng mas matanda, lola na lang." Walanghiyang sagot ng siraulo.

Sa inis, mabilis niya itong nilapitan at kinagat na naman sa balikat.

"Aray naman Leigh. Aping-api na 'tong masarap kong katawan sa'yo ah." Hindi natutuwang sagot nito at hinuli ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.

"Bitiwan mo ako." Gigil na aniya. But because he's squeezing her cheeks, hindi masyadong maintindihan ang sinabi niya.

Tumawa ito ng mahina. "What did you say?" Pang-iinis nito.

Tinampal niya ang kamay nito at mukhang alam na yata ang gagawin kaya mabilis nitong tinanggal at ang sarili niya ang nasampal.

Ang lakas ng naging tawa nito habang siya naman hindi na maipinta ang mukha.

Pinagsasapak na naman niya ito. "Gago ka talaga."

Tawa lang naman ito ng tawa hanggang sa siya na mismo ang tumigil.

Tinignan niya ito ng masama bago humalukipkip at tinuon na lang ang tingin sa labas.

"Doc masyado kang pikon." Sabi nito at halatang nagpipigil pa rin ng tawa.

Hindi siya kumibo at nakatingin pa rin sa labas.

Ilang segundo pa ang lumipas at narinig niya ang pagtikhim nito para pakalmahin ang sarili. At nagulat siya ng haplusin nito ang buhok niya.

Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. Pero bahagya siyang nagulat ng makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya.

Ngumiti ito at ninakawan siya ng mabilisang halik sa labi. "Tama na 'yang pagtatampo mo. Masyado na ng matanda para diyan."

Umingos siya at inirapan ito saka binalingin muli ang tingin sa labas ng binata. Para namang ang ganda ng view eh nasa parking lot pa rin naman sila ng bar ni Adrian.

Narinig niya ang muli nitong pagtawa pero hindi na niya pinansin. Naramdaman na lang niyang pinausad na nito ang sasakyan paalis.

Hindi siya kumikibo buong biyahe at nang makarating sa bahay nito, mas nauna pa siyang lumabas at naglakad patungo sa bahay nito.

Pero hindi naman siya makapasok kasi hindi din niya alam ang code. Kaya no choice hinintay niya ang gago.

Pinagmasdan niya ito habang pinipindot ang pass code ng pintuan. Minemorize niya talaga ang mga numero. Baka malugi ang hospitals nila at kailangin niya ng pera madali na lang niyang papasukin ang bahay nito.

Lord it's just a joke 'wag niyo pong seryosohin baka katayin ako ni daddy kapag nalaman niyang sinabi kong malugi ang hospitals namin.

Mahina niyang bulong sa isip.

Tumaas ang kilay niya ng matapos nitong pindutin ang mga numbers. 125978?

Ano ba kasing connect no'ng mga numbers? Wala namang date na gano'n. Napailing na lang siya. Siraulo talaga.

"Come---"

Pero hindi pa man nito natatapos ang sasabihin, nilampasan na niya at nagdiretso papasok.

Nakita pa niya ang reflection nito sa glass wall na napailing pero wala siyang pake. Taas noo siyang naglakad at nagdiretso sa sofa.

"So saan 'yong pamalit ko?" Taas kilay na tanong niya nang maramdamang umupo ito sa tabi niya.

Hindi ito sumagot at hinawakan lang ang kamay niya saka siya hinila patayo.

"Saan mo ako dadalhin?" Kunot-noong tanong niya.

Tumigil ito kaya napatigil din siya. Nilingon siya nito at tinignan ng seryoso. "Just shut up." Matigas nitong sabi at hinila na naman siya.

Ang bastos lang din talaga ng lalakeng 'to.

Pumasok sila sa isang kwarto at mabilis na namang tumaas ang kilay niya ng makita ang kabuuan nito. This is a girl's room. Bakla yata talaga ang isang 'to.

"Ba't ganito ang kwarto mo?" Puna niya habang inililibot ang tingin sa paligid.

"This isn't my room." Tipid nitong sagot at binitawan na siya. "The walk-in closet is right there." Turo nito. "Just pick the dress you want."

At dahil nacurious siya sa sinabi nito, patakbo siyang pumunta sa walk-in at nanlaki ang mga mata ng makita ang iba't ibang gamit pambabae. Lahat branded at mamahalin.

Tumakbo siyang muli palabas at nakitang nakahiga na ito sa kama. "What's this?" Nagtatakang tanong niya. "Are you collecting all these? Because the last time I checked you're not a fashion designer but a business man." Tinakpan niya ang bibig ng may maalala. "Don't tell me you're really a gay?" He asked with horror.

"Damn it." Ang lutong na naman ng mura nito. "Of course not." Tinignan siya nito ng seryoso. "Hindi pa ba sapat sa'yo ang nangyari sa'tin kagabi para sabihan mo pa ako ng ganyan?" Je clenched his jaw with annoyance. "Damn it. Do you want me to eat you again to prove I'm a man."

Sunod-sunod siyang napaubo sa narinig at nag-init din ang pisngi. Langya! Ang brutal ng bunganga hindi na nahiya sa ganda niya.

"Tumahimik ka nga." Pinandilatan niya ito. "Kung hindi ka bakla, bakit may ganito sa bahay mo?"

"This is for my future wife." Tipid nitong sagot. Hindi talaga uso sa lalakeng 'to ang mahiya. Usually kasi 'yong iba, mahihiya talaga kapag may nakakaalam na nagpaplano na ito para sa mapapangasawa kahit wala namang kasiguraduhan kung mag-aasawa ba talaga. Sa totoo lang parang ang awkward din kasi ng ganito. Paano nga kung wala talagang nakatakda para sa'yo di ba? Di nagsayang ka lang ng pera?

"Para ba 'to sa babaeng dapat mapapangasawa mo pero mas mahal 'yong kapatid mo at siya ang nakatuluyan?" Tanong niya na parang wala lang.

Tinignan siya nito ng masama. "No." Mariin nitong tanggi. "I just bought this house two years ago. And made this a year ago."

Kumunot ang noo niya. Kung two years ago kasi, kinasal na no'n si Anne at Jesther. So posibleng hindi nga para kay Anne ang mga ito.

"So kung para sa future wife mo 'to? Ba't mo pinapakita sa'kin?" Taas kilay na tanong niya.

Umismid ito. "Don't assume things. You needed dress that's why." Walang-modong sagot nito.

Inirapan niya ito. "I'm not assuming. I'm just asking. Magkaiba 'yon." Inis niyang sagot bago padabog na naglakad papasok ng walk-in closet.

Kumuha siya ng pants at off-shoulder na pang-itaas. Naligo na rin siya dahil feeling niya ang lagkit-lagkit na niya.

Nang matapos, lumabas siya at nakitang wala na ang binata sa loob.

Naglakad siya palabas ng kwarto at hinanap ito. Nakita niya itong nakaupo sa dining habang nakaharap sa napakaraming pagkain.

Kumunot ang noo niya. "Saan mo nakuha ang mga ito? Ang bilis mo namang nagluto." Namamanghang saad niya.

Tumigil ito sa pagkain at mabilis siyang nilingon. "You're here. Have a seat." Turo nito sa upuang kaharap. Mabilis naman siyang sumunod. "Pinahanda ko na ang mga ito sa mga kasambahay bago pa tayo dumating." Casual nitong sagot at tinuloy na ang pagkain.

Tumango siya at nilagyan na rin ang plato ng pagkain. "So where are they?" Tanong niya muli bago sumubo.

Nilunok muna nito ang kinakain at uminom bago sumagot. "Pinabalik ko na sa bahay. Tapos naman na nila ang kailangang gawin."

Tumaas ang kilay niya at tinignan ito ng serysoso. "Ayos ka lang?" Parang iba kasi ito sumagot. Hindi kagaya kanina na halatang may pagkapilyo. Bigla itong naging seryoso.

Mukhang nagulat yata sa naging tanong niya kaya hindi ito nakasagot agad. Napakurap pa ito ng ilang beses bago natauhan. "Yeah." Ang tipid ng sagot nito. Halatang may mali nga.

"You seem not. You're reaction says otherwise." Puna niya at tinaasan ito ng kilay.

"Damn it." Mahina nitong mura at nagulat siya nang bigla itong tumayo. At buong aalis ito at magwo-walk out pero mas nagulat siya ng lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya saka hinuli ang mga labi.

Marahas siya nitong hinalikan at pinakawalan lang pagkalipas ang ilang minuto.

"Ano bang problema mo?" Hindi natutuwang aniya nang humiwalay ang labi nito sa kanya at sinapak na naman ito.

Hindi ito nagreact at tinignan lang siya ng seryoso. "Please do me a favor."

Kumunot ang noo niya. "Hihingi lang ng favor kailangan talaga nanghahalik?" Pinapainit na naman nito ang ulo niya.

"Just say yes." Mariing utos nito.

Umismid siya. "Depende kung anong klaseng favor 'yan." Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano nga ba 'yon?"

Bumuntong-hininga ito at pumikit ng mariin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagmulat at sumagot habang napaka-serysoso ang tingin. This is the first time she saw him being this serious at hindi niya alam na ito na rin pala ang huli.

"After this day, don't ever come near me again. And if ever I'll be the one doing that to you, just ignore me like before. Please do this favor. Please just this one." He begged.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status