Share

Chapter 5

"Miss alam mo bang masakit 'yong kamay ko?" Nilingon ni Rhian si Lance nang bigla itong magsalita sa gitna ng pagkain niya.

"O tapos?" Tanong niya saka ulit sumubo. Ang sarap talaga ng adobo ni aling Betty, 'yong asawa ni mang Roger. Palagi siyang binabaunan ng mga ito kapag nagha-hiking. Kaya malapit talaga ang loob niya sa mag-asawang 'yon.

"Ah." Binuka nito ang bibig kaya mabilis na kumunot ang noo niya.

"Ginagawa mo?"

"Subuan mo kasi ako miss. Kailan ka pa naging tanga para hindi mo malaman ang gusto kong ipahiwatig?" Hindi natutuwang sabi nito. "At ang dami mo ring tinatanong. Masyado kang madaldal."

Napasinghap siya ng sobra sa kabastusan ng bunganga nito at tinignan ito ng masama. "Hindi kita susubuan. Mamatay ka sa gutom p*****a ka."

Pumikit ito sandali bago lumapit sa kanya at nagpacute. "Sige na baby kanina pa ako nagugutom."

Mas lalong tumalim ang tingin niya dito. "Ang dugyot mo! Anong baby?"

"Edi hindi na baby. Pakain mo na kasi ako ate. Hindi ka na naawa sa mas bata sa'yo. Child abuse to ah." Walanghiyang sagot nito.

Mabilis niya itong binato ng takip ng tupperwear. Hindi nito napaghandaan kaya tumama ito sa braso.

"Aray ko naman Leigh. Mapanakit ka talaga." Reklamo nito bago kinuha ang binato niya at tinakip ulit.

Inikot niya lang ang mga mata at tinuloy na ang pagkain. Sumubo muna siya bago kumuha ulit saka ito inuman sa binata. Nakita naman niya ang mabilis nitong pagngisi pero sumeryoso rin nang taasan niya ng kilay. Kinain nito ang binigay niya saka siya kinindatan pero inirapan niya lang.

"You think Leigh, can we still be friends? You know just like before."

Natigilan siya sa pagkain dahil sa sinabi nito. Tinignan niya ito at nakitang seryoso itong nakatitig sa kanya.

Tumikhim siya at iniwas ang tingin. "No." Tipid niyang sagot.

Hinawakan siya nito sa mukha para patinginin. "Why?" Kunot-noong tanong nito.

Tinampal niya muna ang kamay nitong nakahawak pa rin sa mukha bago sumagot. "Past is past. You should know that broken things can never go back to it's original look again. And friendship is one of those things."

"But we can start again right?" He look so hopeful pero mabilis niyang binasag.

"I'm sorry but I'm not the kind of person. For me, once you decided to stay out of my life. You'll never come back again. Because I won't welcome you anymore."

"That's a very strong statement coming from you Doc." Seryosong nitong saad. "But you should also know that we all commit mistakes. And everybody deserves a second chance."

Pinataas niya ang kilay. "And you think you deserve it?"

Mas sumeryoso naman ang mukha nito. "You tell me, do I deserve it?" Titig na titig ito sa kanya kaya medyo nailang siya.

"No you don't." Sagot niya saka tumayo. "Mauna na ako sa loob." Binigay niya ang pagkain dito. "Eat up. Baka nagugutom ka pa."

Hindi niya alam kung makakatulog ba siya ng maayos dahil nasa iisang tent sila. Hindi na kasi talaga niya naipatayo 'yong kanya dahil nasira ito kaya wala siyang choice.

Hindi nga siya nakatulog ng gabing 'yon. Mas nauna rin siyang umuwi dahil sa hindi lang din naman nakatulog, madaling araw pa lang umalis na siya.

Ayaw niyang makausap pa ang binata kaya laking pasasalamat niya nang malaman na pumunta ito sa ibang bansa dahil nagkaroon ng problema ang branch ng kumpanya ng mga ito doon.

"Anong nangyayari sa'yo?" Kunot-noong tanong niya sa assistant na kanina pa hagikhik ng hagikhik.

"Wala Doc. Nakakakilig kasi si Shara Marie at Lance." Sabi nito habang patuloy sa pagtingin sa cellphone.

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Shara Marie who? At sinong Lance?"

"Si Shara Marie Doc. 'Yong Ms. Universe at si Lance Angelo Reynolds. 'Yong may-ari ng Reynolds Cruise Ship. Hindi mo sila kilala Doc? Ang sisikat kaya ng mga 'yan. Try mo rin kaya kasing tumingin sa internet minsan para hindi ka napag-iiwanan."

Mabilis niya itong binato ng ballpen na hawak. Tumama ito sa mukha ng dalaga kaya panay na naman ang reklamo.

"Aray ko naman po Doc. Ba't ba kayo nananakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"Isa pang salita mo, tatahiin ko na talaga 'yang bibig mo." Tinignan niya ito ng masama na mabilis namang tumahimik.

"Ano nga palang nakakakilig sa dalawang unggoy na 'yon?" Usisa niya.

"Doc, grabe kung makaunggoy ka naman. Ang ganda at sobrang gwapo kaya nila. Tignan mo kasi." Depensa nito at pinakita pa ang cellphone.

Umismid siya. "Wala akong time para diyan. At ba't ba ang dami mo pang sinasabi? Di mo na lang sabihin sa'kin kung anong meron sa kanila." Naiinis na siya sa makulit na babaeng 'to.

"Kasi nga Doc, dating na sila. Spotted sila sa New York." At ang gaga tumili pa.

Tumaas ang kilay niya. "Dating?"

"Oo Doc." Excited nitong sagot. "Ship ko na sila. Sobrang bagay kasi. They are the hottest couple for me."

Tinignan niya ito ng masama. "Hot? Eh kung gawin kaya kitang hotdog? Umalis ka nga dito." Pagpapalayas niya.

"Doc meron ka ba ngayon? Ba't masyado kang high blood?"

Tinignan niya ito nang masama at akmang ibabato na naman ang isa pang ballpen pero mas nauna na itong kumaripas ng takbo papalabas habang natatawa ng malakas.

Umismid siya bago kinuha ang cellphone na nasa lamesa.

Inopen niya ang twitter at tinignan kung totoo ang sinasabi nito.

Mabilis na tumaas ang kilay niya nang makitang totoo nga na spotted ang dalawa habang kumakain sa isang sikat na restaurant. Akala ba niya ayaw ng lalakeng 'to ang atensiyon? Gusto nito private life. Kaya nga hindi ito masyadong sumasama kasama ng pamilya sa mga business gatherings dahil ayaw nitong pinapakialaman ang buhay lalong-lalo naman masangkot sa entertainment industry. Kaya ano 'to? Malandi talaga ang gagong 'yon.

'Wow they look so good together. The guy isn't familiar with me but damn. He's so hot and handsome. I hope he's serious with Shara and not just playing with her to gain attention.'

Tweet no'ng isa na sa palagay niya fan no'ng babae.

'Did Shara's agency already confirm this? They look good together but it would be nicer if they aren't dating. The guy look so damn handsome and I want him to be mine lol. Who is he by the way?'

Marami din talagang malalantod na mga babae.

Napailing siya bago pabagsak na binalik ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Wala siyang oras para makichismis. Pakialam ba niya kasi sa lalakeng 'yon. Bahala ito sa buhay nito.

"Doc! Doc! OMG Doc!" Nagulat siya nang biglang pumasok ang assistant na si Marie habang nagtitili. Parang lintang nabudburan ng asin ang loka.

"What?" Hindi natutuwang tanong niya.

"Doc kasi ano....waaa!!!" Tumili na naman ito kaya mas lalo siyang nainis.

"Isa Marie! Sasabihin mo pa sa'kin kung ano 'yang tinitilian mo o puputulin ko na 'yang dila mo. Kainis kang babae ka ha." Nakakatakot na yata ang itsura niya kaya mabilis itong natigilan.

Pinakalma muna nito ang sarili bago sumagot. "Kasi Doc nandito si Lance Reynolds." Yong mukha nito kinikilig pa rin habang binabanggit ang pangalan nito.

Tumaas ang kilay niya. "O tapos? Ospital 'to baka magpapacheck-up. O di kaya patay na?"

Sumimangot ito. "Doc naman! 'Wag namang patay. Masyadong gwapo. Baka 'yong ngiti niya 'yong nakamamatay Doc!" Tumili na naman ito kaya mabilis niyang tinakpan ang tainga.

"Gaga ka ba? Ba't tili ka ng tili? At isa pa, porket gwapo di na pwedeng mamatay? Sana all noh? Gwapo na lang din sana tayong lahat." Sarcastic na sagot niya saka ito tinignan ng masama.

Mas lalo namang humaba ang nguso nito. "Ang KJ mo talaga Doc. Pero di nga, ikaw po 'yong hanap."

Tumaas ang kilay niya. "Ako? Anong kailangan niya sa'kin? Magpapa-ultrasound? Buntis ba siya?"

Biglang nagliwanag ang mukha nito kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. "Doc, hindi kaya buntis na si Shara Marie. Oh My! Baka gano'n nga. May ship is sailing Doc." Excited nitong sabi.

Mabilis siyang dumampot ng kahit anong bagay na nasa lamesa at binato dito. Hindi na niya tinignan kung ano 'yon kaya naman nanlaki ang mga mata nito ng makitang nawasak ang cellphone niya.

"Doc 'yong cellphone mo po nabato mo." Paalala nito pero wala siyang pakialam.

"Lumayas ka na nga dito. Nai-stress ako sa'yong babae ka." Inis na tugon niya.

Pinulot muna nito ang sirang cellphone niya saka nilagay sa lamesa. "Sige po Doc babye." Paalam nito at kumaripas na ng takbo.

Napapikit siya ng mariin at hinawakan ang sentido. Walanghiya talaga ang babaeng 'yon. Dinadagdagan ang inis niya.

Isa pa ang lalakeng 'yon. Tatlong buwan lang nawala. Nakabuntis na ang walangya.

Speaking of the devil.

Napamulat siya nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang binata.

Ang angas ng dating nito kaya mas lalo sumama ang mukha niya.

"What are you doing here?"

"I just want to talk to you about something." Sagot nito at naupo sa upuang nasa harapan.

Tumaas ang kilay niya. "Did I tell you to sit down? And what is it that you wanted to talk? Tungkol sa pagbubuntis? So tunay ngang nabuntis mo 'yong babaeng malaki ang mga biyas pero ang papayat naman. Parang kawayan." Dire-diretso niyang sabi.

Kumunot ang noo nito. "What? Who the hell are you talking about?"

Umismid siya. "Yong Shara Marie na 'yon. Miss Universe pero hindi naman kagandahan."

Nakita niya ang pagsupil ng ngiti sa labi nang gago kaya mabilis na kumunot ang noo. Maya-maya pa, tumawa na ito ng malakas kaya nag-isang linya na ang kilay niya. May nakakatawa ba naman kasi sa sinabi niya? Siraulo yata ang isang 'to eh.

"Anong nakakatawa?" Inis na aniya.

"Ikaw." Sagot nito habang tumatawa pa rin.

Tinignan niya ito ng masama. "Tong ganda kong 'to pagtatawanan mo? Siraulo ka ba?"

Umiling ito at pinakalma ang sarili bago sumagot. "No that's not it." He raised his brows. "How do you know about Shara? Are you stalking me Doc?"

Sunod-sunod siyang napaubo dahil sa sinabi nito.

"You?" Tinuro niya ito saka tumawa ng nakakainsulto. "Bakit ko i-stalk ang isang pangit na kagaya mo? In your dreams gago."

Imbes na mainsulto, tumawa lang ito. "Yeah right. You didn't stalk me that's why you know about Shara."

Tinignan niya ito ng masama. "My assistant was the one who told me about it. Hindi ko naman sana tinanong. Basta na lang sinabi."

Tumawa naman ito kaya mas lalong tumalim ang tingin niya rito.

"Ano ba kasi talagang kailangan mo?"

"Mamaya na 'yon. Mas magandang pag-usapan 'yong pagstalk mo sa'kin." Nakangising sagot nito.

"Lumayas ka kung gusto mo pang mabuhay ng matagal." Naiinis na aniya.

Tumawa lang itong muli maya-maya pa'y biglang ngumisi at kinuha ang cellphone niyang nasa lamesa.

"Anong nangyari dito? Binato mo ba dahil sa sobrang selos mo?"

Hinablot niya ang cellphone at tinignan ito ng masama. "Umalis ka na nga. Baka hindi kita matantiya."

Mas lalong lumawak ang ngiti nito saka tumayo. Akala niya aalis na kaya kumunot ang noo niya nang maglakad ito papunta sa likuran at nagulat siya nang maramdaman ang pagyakap nito sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo?" Naiinis na talaga siya. Kunti na lang sasabog na siya.

"I miss you. Di mo lang ba ako namiss?" Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo kaya mas lalo na namang nadagdagan ang galit niya.

Kinagat niya ito sa braso na nakapulupot pa rin sa kanya dahilan para mapabitaw ito.

"Damn it Leigh. Nananakit ka na naman." Hindi natutuwang saad nito.

Tiningala niya ito. "Nagdrugs ka ba sa New York? Ba't sobrang high ka?"

"Hindi ako nagdadrugs miss. Sa labi mo nga lang ako naaadik." Sagot nito at kinindatan pa siya.

Mabilis niya itong tinampal sa mukha. "P*****a ka. Lumayas ka nga."

Hinuli nito ang kamay niya saka hinalikan. "Totoo nga kasi 'yon Doc." Tinignan nito ang pintuan kaya wala sa sariling napasunod siya ng tingin dito. "Pakilock 'yong pintuan Doc. Gagawa tayo ng milagro baka may biglang pumasok."

Tinignan niya ito saka mabilis na hinampas sa dibdib. "Walanghiya ka talaga."

Tumawa ito. "What? I'm telling the truth. Limang buwan na akong tigang."

Tinampal niya ang bibig nito at tinignan ng masama. "Bunganga mo gago. Ang dugyot mo."

Umismid ito. "Ang tanda mo na. Painosente ka pa. And besides, we already did it."

Hinampas na naman niya ito. Ang lakas ng trip ng siraulong 'to ngayon sa totoo lang.

"Walanghiya ka. Aalis ka ba o tatawag na ako ng security?"

Umiling ito. "Nope. Hindi ako aalis."

Napabuntong-hininga siya. "Okay. Anong problema?"

Kumunot ang noo nito. "Problema? Wala naman. Masama bang mamiss kita?"

Tumaas ang kilay niya. "Stop fooling me. I know something is up."

Ito naman ang bumuntong-hininga. "I heard mom and dad. And they were planning to marry me with someone. I just got home from a very stressful work. Kakaayos ko lang ng problema doon tapos pagdating ko problema na naman." Umiling ito. "That's why I'm here. I needed fresh air."

Tumaas ang kilay niya. "Kailan pa naging fresh air ang opisina ko? Ang naalala ko nakaircon kami dito."

Tumawa ito at nagulat siya nang buhatin siya nito at paupuin sa lamesa.

Hinaplos nito ang mukha niya. "Just seeing your face means fresh air to me." He gave her a peck on the lips kaya mabilis na tumaas ang kilay niya.

"What?"

Kinindatan siya nito. "Let's get married." He whispered.

At hindi pa man siya nakakarecover sa pagkagulat dahil sa sinabi nito. Hinuli na naman nito ang mga labi niya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status