Share

Chapter 4

"Mom I'll be out of town for two days." Paalam ni Rhian pagkalabas niya ng kwarto at makasalubong ang ina.

"Where are you going?" Nagtatakang tanong naman nito.

"I needed a fresh air." Sagot niya habang inaayos ang backpack na dala.

Tumaas ang kilay nito. "What happened?"

"Basta." Tipid niyang sagot saka ito hinalikan sa pisngi. "I'll go ahead. Just tell dad if he ever look for me." But she doubt he would.

Lumabas na siya ng tuluyan pagkatapos magpaalam.

She will go hiking. This is her stress reliever. Hindi niya kasi nagustuhan ang panaginip kagabi.

Kailan pa kasi siya pinakaialam ng mga magulang patungkol sa pag-aasawa. Oo nga at parating sinasabi ng mga ito na mag-asawa na siya pero hinding-hindi nila magagawang ipagkasundo siya. Kaya napaka-imposible talagang mangyari 'yong napanaginipan niya. At ang pinaka-nakakainis sa lahat ay ang pagiging knight in shining armour ng gagong si Lance do'n. Like what the hell? Anong kabaliwan ang panaginip na 'yon?

Napailing siya at pinagtuunan na lang ng pansin ang pagdadrive. Hindi na niya iisipin ang bangungot na 'yon.

Ilang oras din ang biyahe niya bago nakarating sa bundok na aakyatin. Dito siya palaging pumupunta kapag bad mood siya kaya kilala na siya ng mga taga-rito. Napakaganda naman kasi ng tanawin dito. Lalo na kapag nasa taas ka na.

Kinuha na niya ang mga gamit at lumabas na. Iniwan niya ang sasakyan sa bahay na nasa paanan ng bundok. Dito niya parating iniiwan ang sasakyan. Wala namang problema sa kanya kasi mapagkakatiwalaan naman ang mga tao rito.

"Mag-ingat po kayo Doc at mag-enjoy." Sabi ni Mang Roger.

Ngumiti siya. "Oo kuya. Salamat ulit."

Tumango naman ito at ngumiti.

Naglakad na siya paalis at sinimulan na ang pag-akyat. Although it's tiring but worth it naman kapag nakarating na sa taas.

Ilang oras din ang ginugol niya sa pag-akyat bago nakarating sa tuktok ng bundok. Pagod na pagod siya kaya sumilong siya sa puno at sumandal. Dito siya palaging nagpapahinga.

Uminom siya ng tubig at naglabas ng isang piraso ng chocolate. She likes sweets even though she's not a sweet person but the opposite.

"Woah! That was so tiring." Mahina niyang usal habang ngumunguya.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. "I really love in here. It's so peaceful." Pumikit siya at dinama ang ihip ng hangin. Isa ito sa pinakagusto niya sa lugar. Aside from the fact that she really loves nature and the view in here. It's really calming. Napakatahimik ng paligid kasi iilan lang ang nagagawi dito.

"Wow! Ang sarap ng hangin at sobrang tahimik talaga." Aniya habang nakapikit pa rin.

"Tahimik sana kung hindi ka salita ng salita."

Mabilis siyang napamulat dahil sa gulat nang may marinig na nagsalita sa likuran. "Omo!" Sinilip niya ang pinagmulan nito at agad na tumaas ang kilay nang makita ang isang lalakeng prenteng nakaupo habang nakasandal din sa puno at nakapikit.

"What the hell! Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang aniya.

Nagmulat ito ng mga mata at tinignan siya ng seryoso. "Isn't it obvious? Natutulog ako Doc. Kaya pwede ba? Busalan mo 'yang bibig mo."

Tinignan niya ito ng masama. "Wag kang pilosopo gago. At wag mo akong ginagalit baka 'yang bibig mo ang mabusalan ko." Pinataas niya ang kilay. "Are you following me?"

Natawa ang gago. "Ikaw susundan ko? Doc naman. Please 'wag kang assuming. Mas naunan akong dumating dito. So baka ikaw 'yong sumusunod sa'kin." Walanghiyang sagot nito.

She gritted her teeth in annoyance at slapped him on the chest. "P*****a. Ba't kita susundan? Gwapo ka ba?"

"Ouch Doc." D***g nito habang hawak ang dibdib. "Mga para-paraan mo para makachansing. Hindi talaga nakakatuwa." Naiiling nitong sabi.

Mas lalo naman siyang nangalaiti sa galit. Napakafeeling talaga ng lalakeng 'to. Feeling na 'to dati pero mukhang mas lumama yata ngayon. Dalawang buwan lang silang hindi nagkita at nagkausap, naging ipo-ipo na sa kahanginan. Ang sarap ilibing ng buhay.

"Wala na bang mas makapal ang mukha kaysa sa'yo? Ang feeling mo eh noh? Buti sana kung masarap 'yang katawan mo. Hindi naman." Pang-iinsulto niya.

Ngumisi ito. "Alam ko na kung ano ang gusto mong ipahiwatig. Dalawa lang tayong nandito ngayon at gusto mo na namang matikman ang masarap kong katawan. Pero pasensya na Doc hindi kita mapagbibigyan. Alam mo na, hindi ko naman kasi basta-basta na lang pinapatikim ang katawan ko sa kung kani-kanino. Lalo na kapag matanda na."

"Tangina mo!" Galit na galit niya itong sinuntok sa tiyan.

"Aray naman Doc. Ba't ka ba nananakit?" Reklamo nito habang hawak-hawak ang tiyan.

Tumalim ang tingin niya at pinagsasapak na naman ito. "Gago ka. Mas lalo namang ayaw kong tikman 'yang katawan mo. Ni presensya mo nga nasusuka na ako. Do'n pa kaya sa bagay na 'yon. And c'mon let's be honest. You're not really that good in that field. Kaya nga naka-isang beses ka lang sa'kin di ba? So please bata 'wag kang masyadong mayabang. And I prefer older men with much experience than you." Pang-aasar niya.

Nakita niya ang pag-igting ng panga nito kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya. She really hit a nerve right there and she's loving it.

Umayos ito ng upo at tinignan siya ng seryoso. Hinawakan nito ang kamay niya na may hawak na chocolate saka walang-modong gumagat. Napasinghap siya ng sobra sa nasaksihan.

He smirked. "So? Do you think I care?"

Tinignan niya ito ng masama. "Ang kapal kapal kapal talaga niyang mukha mo." Binato niya ang chocolate sa binata na tumawa lang naman.

Padabog siyang tumayo at naglakad paalis. Maghahanap na lang siya ng ibang masisilungan at pagpapatayuan ng tent.

Pero ilang minuto na siyang naglalakad, wala pa ring makitang magandang lugar. Do'n talaga ang pinaka-best kaya bumalik siya.

Hinanap niya ang binata at nandoon pa rin naman sa kinaroroonan kanina at mukhang natutulog na naman.

Nilapitan niya ito at sinampal ng mahina dahilan para mapabalikwas ito ng bangon.

"The hell." Tinignan siya nito ng masama.

"This is my territory kaya pwede ba umalis ka na." Pagpapalayas niya.

Tumaas ang kilay nito. "May pangalan ka ba dito? Binili mo 'tong bundok? Kung makaangkin ka naman Doc wagas."

Umismid siya. "Baka hindi mo alam, I discovered this place before you okay? Kahit itanong mo pa sa lahat ng taga-rito. Kilala ako ng lahat dito."

Hinawakan nito ang baba niya kaya inis niyang tinampal ang kamay. Tumawa lang naman ang gago.

"Well Doc they know me too. Because maybe I've been here before you." Mayabang nitong sagot.

"Damn you Reynolds. Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka! Wag mong hintaying magalit pa ako." Matigas niyang sabi.

Umiling ito saka ngumisi. "And you think I'm scared? Well, think again Doc." At ang walanghiya pumikit na naman.

"Arrghh!!" Inis na inis na siya. Inuubos ng lalakeng 'to ang dugo niya.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa habang nakapikit. Tinignan niya ito ng masama saka pinitik sa noo bago padabog na pumunta sa kabilang bahagi ng puno at doon naupo.

Hihintayin na lang niyang umuwi ito. Mukhang hindi naman kasi ito magtatagal sa lugar.Pumikit siya at natulog.

Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pagtulog. Basta naramdaman na lang niyang hinihipan ang mukha niya ng kung sino man.

Minulat niya ang mga mata at tumambad sa kanya ang mukha ng binata na sobrang lapit na sa kanya.

Sumama ang mukha niya at tinulak ito. "Anong ginagawa mo?" Hindi natutuwang aniya habang umaayos ng upo.

"Hapon na. Baka gusto mong ipatayo na 'yang tent mo." He said raising his brows.

Tinignan niya ang relo at tunay ngang hapon na. Mag-aalas kwatro na. At hindi pa siya kumakain.

Tinignan niya ito at iirapan na sana pero mas naunang nahagilap ng mata niya ang tent na nakapatayo sa likuran nito.

"What's that? Hindi ka uuwi?" Turo niya.

Nilingon nito ang tinutukoy bago siya binalingan. "I'll be staying here for the night? Why? Are you afraid?" Tanong nito at tinaas baba pa ang kilay.

Umisimid siya. "No. Why would I?" Matapang niyang sagot at tumayo na para ayusin ang tent na dala.

Narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa bago sumunod sa kanya.

Pumunta ito sa sariling tent saka ito binuksan at naupo doon habang nakatingin sa kanya.

Inirapan niya muna ito bago sinimulan ang gagawin.

"It's okay to ask for a help miss." Rinig niyang sabi nito pagkalipas ng ilang minuto.

She rolled her eyes and didn't say anything. She just continued what she's doing.

"You're not really going to ask are you?" Sabi na naman nito pero hindi niya ulit pinansin.

Napailing ito at pumasok na sa loob ng tent. Nakahinga siya ng maluwag. Pinapasakit na talaga ng lalakeng 'yon ang ulo niya.

Akala niya magiging tahimik na ang buhay niya pero lumabas itong muli na may hawak na mansanas at mukhang timang na titig na titig sa kanya habang kumakain. Iniinggit siya ng gago. Akala naman nito maiinggit siya.

Umismid siya bago tinuloy ang ginagawa.

"Gusto mo?" Alok no'ng gago.

Tumigil siya saka ito tinignan ng masama. "Alam mo, ang papansin mo talaga. Kulang ka sa aruga."

"Tsk! Ako na nga 'tong nagmamalasakit, ikaw pa 'tong galit. Kung ayaw mo edi 'wag." Balewalang sagot nito.

Sa inis, mabilis niya itong nilapitan at kumagat sa kinakain nito. Sabay sila ng binata kaya muntikan na niyang mahalikan.

"Damn it Leigh!" Ang sama na ng tingin nito. Mukhang nagulat yata sa ginawa niya. Pati rin naman siya nagulat din. Malay ba niyang sabay silang kakagat. "Paano kapag iba 'yong nakagat mo?" Hindi natutuwang sabi nito.

She rolled her eyes. "Nag-aalok ka kanina. Tapos ngayon magagalit ka? Okay ka lang? And besides, hindi ko naman nakagat 'yang daliri mo. Kaya pwede ba? Wag kang OA."

"I'm referring to my lips." Mabilis nitong sagot.

Tinignan niya ito ng hindi makapaniwala. "Eww! Asa ka pa!" Tinalikuran niya ito at pumunta na naman sa tent para ayusin. Narinig pa niya ang mahinan nitong pagtawa. Napaismid na lamang siya.

Ba't ba hindi sumasang-ayon ang panahon sa kanya ngayon? Kanina pa niya inaayos ang tent pero hindi pa rin napapatayo. Madali lang naman niya itong nagagawa dati. Malas talaga sa buhay niya ang lalakeng 'to.

Nagulat siya ng may biglang humablot sa kamay niya ang hawak.

"Let me do it." Prisinta nito. "Baka masira mo. Makitulog ka pa sa'kin." Okay na sana eh. Mukha na itong gentleman. Pero ba't kailangang dagdagan ng kawalangyaan?

Hinampas niya ito sa balikat.

"Aray naman Leigh. Kanina ka pa. Nakakarami ka na."

Tinignan niya ito ng masama. "Mas dadami pa 'yang sakit ng katawan na mararanasan mo sa'kin kapag patuloy mo akong pinakialaman. Kaya akin na 'yan." Hinablot niya ang pole sa kamay nito pero hindi nakuha dahil mas hinigpitan nito ang hawak dito.

"Ano ba?" Galit na aniya.

"Ako na nga sabi ang gagawa." Pakikipagtalo naman nito pero syempre hindi niya pinakinggan. Nakipag-agawan siya rito hanggang sa masira ito.

Mas lalong nadagdagan ang inis niya. "Tignan mo na ang ginawa mo? Paano ako matutulog nito?" Ihahampas na niya sana ang nahating parte ng pole na nasa kanya pero natigilan siya nang makita ang pag-agos ng dugo sa kamay nito.

"Anyare?" Kunot-noong tanong niya at kinuha ang kamay nito saka tinignan ang palad na may malaking hiwa. Gawa yata ng pag-aagawan nila.

Umiling siya. "Ang weak mo talaga." Kinuha niya ang bag at inilabas ang medical kit.

"Give me your hand." Utos niya na mabilis naman nitong sinunod.

Malaki ang hiwa kaya inabot din siya ng ilang minuto para malinisan ito ng mabuti at malagyan ng bandage.

"Pasalamat ka may magandang doctor kang kasama." Sabi niya pagkatapos.

"Well, this wouldn't happen if it's not because of you. Kaya dapat lang gamotin mo." Tignan mo ang walangyang 'to? Wala talagang modo. Hindi na nga nagpasalamat, sasagutin pa siya ng pabalagbag.

"Nga pala, bakit mo ako kinakausap? Di ba sabi mo I should stay away from you?" Ngayon lang niya naalala ang drama ng gagong 'to noon.

"Yes I said that, but did you do it?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Tinaasan niya rin ito ng kilay. "I did. I ignored you for two months and I can do it forever. Ikaw lang naman kasi talaga 'tong papansin."

Ngumisi ito. "Talaga? Eh ano 'yan?" Tukoy niya sa kamay nitong hindi niya alam na nakahawak pa rin pala sa kamay nito.

Mabilis niya itong binitawan saka tumikhim.Narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa kaya tinignan niya ng masama. "Ewan ko sa'yo. Makaalis na nga."

Tatayo na sana siya pero mabilis siya nitong pinigilan.

"Ano na naman?" Naiinis na aniya. Hindi niya alam kung anong trip ng mokong na 'to ngayon.

"Just stay here and talk to me." Seryoso ang tingin nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Pinagsasabi mo?"

"I miss you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status