Share

Chapter 3

Napapataas na lang ang kilay ni Rhian habang nakatingin sa mga taong dumalo ng party nila. Sa totoo lang hindi niya talaga alam kung ano ang trip ngayon ng pamilya niya at naisipang magparty.

"What's the occasion?" She asked her brother na ngayon ay kasama ang girlfriend na grabe kung makalingkis.

She rolled her eyes. She really hate this girl Noreen.

Nagkibit-balikat ito. "I don't know." Tipid nitong sagot at umalis na kasama ang girlfriend na hindi man lang siya kinausap. Kahit batiin lang sana.

"Buti sana kung maganda." Bulong niya habang tinitignan ito ng masama.

Kinuha niya ang wine na nasa harapan at tinungga ito.

"Hi. It's nice to see you here." Napalingon siya nang may biglang magsalita sa likuran niya.

Tumaas ang kilay niya. "And you are?"

Natawa naman ito ng mahina. "Seems like you can't remember me anymore. Well, I didn't formally introduced myself to you back then. I'm David Cueva by the way." Pakilala nito at inilahad pa ang kamay.

Hindi niya ito tinanggap at nagtanong lang muli. "Where did we met?"

"Oh at the bar. That was last month. Kaya siguro hindi mo na maalala." Nakangiting sagot nito habang pasimpleng inaalis ang kamay nakalahad.

Umasim ang mukha niya. Well, that's true. Ayaw na nga niyang maalala ang araw na 'yon. That's the worst day of her life. She just gave herself to a bastard that night.

"Oh sorry but memorizing things isn't on my vocabulary." Nginitian niya ito ng tipid. "I'm Rhian by the way."

Ngumiti naman ito at magsasalita pa lang sana pero may mas naunang tumawag dito kaya hindi rin nagawa.

"I need to go. I'll see you around." Paalam nito. Tumango lang naman siya. Sinunod niya ito ng tingin habang naglalakad paalis habang napapailing. "What a small world." Bulong niya.

Muli niyang tinuon ang tingin nang mapag-isa at nasagi ng mga mata niya ang pamilya ng asungot na feeling gwapo. Tumaas ang kilay niya nang makitang wala ang binata. Talagang pinandigan ang sinabi nito. Langya! Akala naman nito maghahabol siya. Excuse him! Masyado siyang maganda para do'n.

"Good evening everyone." Napatingin siya sa mini platform kung nasaan ang daddy at nagsasalita. "I would like to thank all of you for coming here tonight. This is a special day for our family because this is an engagement party."

Tumaas ang kilay niya at tinignan ang direksyon ng kapatid at nahuling nakatingin din ito sa kanya habang nakakunot ang noo.

"You already proposed?" She mouthed. Umiling lang naman ito kaya mas lalong tumaas ang kilay niya.

"At last I'm happy to announce that my daughter Rhian Leigh is now officially engaged with my friend's son David Cueva."

Nagpalakpakan ang mga tao habang siya naman nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa harapan.

Nakita niyang lumapit sa kanya si David habang nakasunod naman ang spotlight dito at inilahad ang kamay pero hindi niya pinansin at nagtataka pa ring nakatingin sa ama. "Rhian." Rinig niyang sabi ng daddy.

"Me?" Hindi makapaniwalang aniya. Tumango naman ito at pinandilatan pa siya na parang sinasabing kunin niya ang kamay ni David.

Umiling siya. "Excuse me." Aniya at tumakbo paalis. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya pero hindi niya pinansin at tuloy-tuloy lang ang pagtakbo.

Nang akmang papasok na sana siya ng sasakyan, may biglang humawak sa kamay niya kaya inis niya itong tinignan at mas lalong dumoble ang galit niya nang makita ang mukha ng binata.

"Get away from me." Mariin niyang sabi at pilit na winawaksi ang kamay. Hindi naman ito nakinig at hindi rin sumagot. Basta na lang siyang hinila at pwersahang sinakay sa sasakyan nito.

"What do you think you're doing?" Galit na saad niya nang makapasok ito sa loob. Gusto niyang lumabas kanina habang naglalakad ito sa driver's seat pero hindi niya naman magawa. Hindi niya alam kung anong klaseng lock mayroon ang sasakyan nito.

Hindi na naman ito sumagot kaya inis na niyang sinapak. "Sagutin mo ako tarantado. Saan mo ako dadalhin?"

"Magtatanan tayo." Walanghiyang sagot nito kaya mas lalo siyang nangalaiti sa galit.

Sasapakin na naman niya sana pero mas nauna nitong binuhay ang sasakyan at walang-modong basta na lang pinaharurot kaya napatili siya sa gulat at mahigpit na napakapit sa seatbelt.

"Drive slowly." Galit na utos niya rito.

Tinignan siya nito ng masama panandalian bago tinuon muli sa daan ang tingin. "Shut up." Matigas ang boses nitong sagot at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo kaya hindi na niya napigilang mapapikit at manalangin ng taimtim.

Akala niya katapusan na nila dahil sa bilis nitong magpatakbo kaya nakahinga siya ng maluwag nang huminto ang sasakyan sa bahay nito.

Hinintay niyang iunlock nito ang sasakyan bago siya mabilis na lumabas. Nakasunod lang naman ito sa kanya.

Binuksan nito ang front door at tahimik silang pumasok sa loob.

"Wait for me at the pool." Utos nito bago naglakad papasok ng kusina. Umismid siya pero sinunod naman ang utos nito.

Nang makalabas at makarating sa pool area, mabilis siyang naupo sa gilid at nilublob ang mga paa sa tubig.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang pag-upo nito sa tabi.

"Here." Abot nito sa isang canned beer na mabilis naman niyang kinuha at binuksan.

"Why did you brought me here?" Tanong niya pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.

Tumingin ito sa kanya habang walang kung anomang emosyon sa mukha. "You should be thankful. I'm doing you a favor."

"Well I am not." Tipid niyang sagot bago uminom ng beer. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya.

"What?" Taas kilay niyang tanong rito.

Umiling naman ito at tinungga ang beer. "Nothing." Sagot nito at nagbukas muli ng bago.

Umismid siya. "Just admit that you're being mesmerised by my beauty." Mayabang niyang tugon.

Tumingin naman ito sa kanya at tinignan siya ng seryoso. "Nope. I don't find you beautiful at all." Napasinghap siya ng sobra sa narinig.

Tinignan niya ito ng masama. "Excuse you! Para sa kaalaman mo, I'm the most beautiful woman in earth."

Sunod-sunod itong napailing kaya nangalaiti siyang itulak ito sa pool. Walanghiya talaga ang gagong 'to.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Your dress is way too revealing Doc." Puna nito. Well she's wearing a backless dress that reaches five inches above her knee at hapit na hapit din sa kanya.

Tinuon nito ang tingin sa mukha niya. "Your lips is so red. Looks like you drink a pale of paint. And what are those you put on your face?" Pang-iinsulto nito sa make-up at tinanggal pa ang blush on.

Inis niya itong tinampal sa kamay. "Hoy! For your information I'm oozing with sexiness tonight. Stop being bitter." Naiinis na aniya.

"Your look tonight is not the definition of a real beauty for me. It's more like you just want to attract men."

Hinampas niya ito. "Kahit anong isuot ko, maraming maa-attract sa'kin kasi napakaganda ko naman talaga." Pagmamayabang niya.

Umiling ito. "I still prefer the simple you." Bulong nito na narinig naman niya.

Umismid siya. "What's this by the way?" She's emphasizing what he did. "I thought you don't want me near you anymore? That's your favor right? So why do this?" Taas kilay niyang tanong.

"Well, I told you when I asked the favor that if ever I'm the one went near you, you should ignore me. Why didn't you do it?" Balik-tanong nito.

Tinignan niya ito ng hindi makapaniwala. "I tried to stay away from you earlier but you didn't let me."

"You can do it now. Call someone to pick you up." Kibit-balikat nitong sagot.

Tinignan niya ito ng masama. "I don't have my phone with me."

Kinuha nito ang cellphone sa bulsa. "You can use mine." Alok nito at binigay ito sa kanya.

"Do you have my brother's number?" She asked raising her brow. Umiling ito.

She rolled her eyes and checked his phone. May passcode ito kaya napaismid siya. "Unlocked your phone and call your brother to tell Ranz to pick me up." Utos niya.

Umiling ito. "You're not the boss of me." Sagot nito at hinablot pa ang cellphone sa kanya saka binulsa.

Tinignan niya ito ng masama. "Ano ba talagang trip mo at bakit mo ako dinala dito?"

"You have nothing to go. I'm just being nice."

Mas lalong sumama ang tingin niya rito. "Nice my ass."

"You really have a nice ass." Sabad nito at kinindatan pa siya. Hinampas naman niya ito sa braso. "Shut up. And who told you that I have no one to go to? I have friends for your information so don't assume things."

Tumaas ang kilay nito. "Really?" Inirapan niya ito kaya natawa naman ang gago. "O edi sa ospital ako matutulog kung wala akong pupuntahan." Naiinis na aniya dahilan para mas lumakas ang halakhak nito.

Tinignan niya lang ito at hinintay na kumalma.

"Ako talaga ang happy pill mo ano?" Puna niya pagkatapos.

Hindi ito sumagot at tumitig lang sa kanya habang nakangiti pa rin kaya kumunot na ang noo niya. "Is there something in my face?" Tanong niya habang pinapahid ang mukha.

Umiling ito. "Aside from being beautiful, there is none." Sagot nito.

Ngumisi siya. "See I told you? I'm beautiful kunwari ka pa."

Nanlaki ang mga mata nito. "Fuck! You heard that?"

Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "You say it aloud. Oopps." Tinakpan niya ang bibig at kunwaring nagulat. "Is that supposed to be a secret?" She asked trying hard not to laugh.

Tinignan siya nito ng masama. "That's supposed to be a joke."

Tumawa siya. "Well, sorry pero hindi bumebenta sa'kin 'yang palusot mo. Aminin mo na lang kasi na maganda talaga ako." She said proudly and even flipped her hair. Napailing na lang ito.

"How are you?" Nagulat siya sa tanong nito pagkalipas ng ilang segundo.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Still beautiful. Ikaw?" Para silang mga tanga na nagkukumustahan.

"Missing you." Seryoso nitong sagot habang titig na titig sa kanya.

Naibuga niya ang iniinom na beer sa mukha ng binata dahil sa narinig.

Inis nitong pinunasan ang mukha at tinignan siya ng masama. "Damn it Leigh. Can't you be more careful. Kailangan talaga sa mukha mo ibuga?"

Inirapan niya ito. "Walanghiya. 'Wag mo kasi akong binibigla."

Mas lalong sumama ang tingin nito. "Your mouth damn it."

Kumunot ang noo niya. "Ano na namang ginawa nitong masarap kong bibig?"

He clenched his jaw. "Your language." Alam naman niyang 'yong pagmumura niya ang sinabi nito. Gusto niya lang talagang inisin ang binata.

Inikot niya ang mga mata. "Ano ikaw lang may karapatang magmura?"

"Of course. I'd kiss you if you do that again." Mariin nitong sabi.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Hoy! Mukhang kailangan ka pa talagang paalalahanan na mas matanda ako kaysa sa'yo noh? 'Wag mo akong binabantaan hijo. Umiihi ka pa lang sa kama, marami na akong pina-iyak dahil sa kamalditaan ko kaya 'wag ako!"

"At proud ka pa talagang m*****a ka." Hindi makapaniwalang sagot nito.

"Of course I was born this way. I should be proud. Wala ka naman kasing maipagmamayabang, wala namang special sa'yo."

Tumaas ang kilay nito. "Well, I can have every woman in my bed with just a simple kiss. And I'm the only man who can make that. If that's not something special then it's called talent combined with hot body and handsome face." Pagmamayabang nito.

Nagkunwari siyang nasusuka sa narinig. "Yuck! Hindi man lang tumindig ang balahibo mo noh?" Tinignan niya ito ng masama. "Is that what you're doing when you said you want me out of your life?" Hindi natutuwang aniya.

Ngumisi ito at inilapit ang mukha sa kanya. "Why? Jealous?" He said wiggling his brows.

Hinawakan niya ito sa mukha. "Nope. I've already tasted you at hindi ka naman masarap, so why would I?" She smirked then release his face.

"The hell." Ang lutong na naman ng mura nito. Ngumisi siya para mas lalo itong inisin.

He clenched his jaw and looked at her dangerously. "Fuck it. You're messing with the wrong guy." He cupped her face. "I'll prove to you that you're wrong. Damn you really are." And with that he kissed her lips roughly as if punishing her.

Hinampas niya ang likuran nito para patigilin pero hindi siya pinansin at mas nilapit pa ang mukha saka pinalalim ang halik.

Alam niyang kahit gawin hindi ito titigil kaya hindi na lang siya nag-inarte at pinulupot na lang ang mga kamay sa leeg nito at tinugunan ang halik nito.

Hindi niya alam kung gaano na sila katagal naghahalikan. Basta ang alam lang niya pareho nilang habol ang hininga nang kumalas sa labi ng isa't isa.

"I'm sorry." Bulong nito habang masuyong hinahaplos ang mukha niya. "Can I have a request again?" Tanong nito at hindi pa man siya nakakasagot dinugtungan na nito ang sinabi. "Forget what I said before and stop ignoring me. Because I think I might go insane if we continue being like this."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status