Share

Chapter 15

Hindi pumasok si Rhian ngayon dahil tinatamad siya. Kasalukuyan siyang nakatambay sa terrace nila at nagpapahangin. At dahil nga nasa second floor siya, kitang-kita niya ang nangyayari sa garden ng katabi nilang bahay.

Dalawang tao ang naroon at halatang naglalandian. Nakatalikod sa kanya ang lalake kaya ang kasama lang nitong babae ang nakikita niya ang itsura, na wagas naman kung makangiti. Akala mo talaga endorser ng toothpaste ang bruha.

Umismid siya saka kumagat sa mansanas na hawak habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Ang saya ng dalawang bobong 'to ah." Bulong niya sa sarili ng marinig ang malalakas na tawa ng mga ito.

Nang kumalma, nakita niyang hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti at malalagkit na tingin no'ng babae sa kausap.

Umingos siya. "Psh! Pacute amputa." Tinignan niya sandali ang kinakain at mabilis na naman na kinagat.

Nang tignan niya ang mga ito, agad na tumaas ang kilay dahil sa nasaksihan. Unti-unti na kasing naglalapit ang mukha ng mga ito.

"Aba't!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status