Share

Chapter 6

Kagaya ng gusto ni Lance, nagpakasal nga sila.

Pero siyempre charot lang. Hindi pa siya nababaliw para sumang-ayon sa kalokohan nito noh.

Hindi siya sumang-ayon kaya heto siya ngayon at pinanunuod ang binata na nag-aannounce ng engagement nito kay Shara. Ibang klase din talaga ang h*******k. May pa 'Let's get married' pero mag-aannounce ng engagement sa iba. Nakakaputangina!

Ngayon na talaga siya naniniwala sa kasabihan na kung ano ang napapanagipan natin ay kabaliktaran ng mangyayari sa totoong buhay. Sa panaginip niya kasi siya 'yong na-engaged pero ang nangyari ito pala talaga. Ano? Magiging knight in shining armour na rin ba siya? Ilalayo niyo ito at kakausapin saka hahalikan? Yuck! Nandiri siya bigla sa naisip.

"Nasasaktan ka na nga. Tinititigan mo pa." Nilingon niya ang nagsalita ang nakita ang nakakainis na mukha ng kapatid.

"Ako ba kausap mo?" Nakataas ang kilay na aniya.

"Yang iniinom mo siguro." Pamimilosopo nito.

Tinignan niya ito ng masama. "Siraulo."

Tumawa naman ang kapatid. "Pero di nga Rhian Leigh. Uwi ka na lang kaya. Baka bigla ka na lang ngumawa dito. Ipapahiya mo pa pamilya na'tin."

Tumaas ang kilay. "Wow ang yabang ah? Eh kung puntahan mo na lang kaya si Marianne at suyuin? Mukha kasing malapit ka ng limutin." Pang-iinis niya.

Bigla itong natahimik at tinignan siya ng masama. Tumawa siya bago tumayo saka ito tinapik sa balikat at naglakad na papuntang buffet para kumuha ng pagkain.

Habang kumukuha naman siya ng pagkain, may biglang lumapit sa kanya.

"Are you enjoying the food?" Bulong nito.

Nilingon niya ito at mabilis na tumaas ang kilay nang makita ang pagmumukha ni Lance.

Umismid siya. "Nakikita mong kukuha pa lang ako di ba? So paano ko malalaman kung nag-eenjoy ba ako sa mga pagkaing ito? Utak mo please. Pakigamit."

Akala niya maiinsulto ito sa sinabi pero hindi dahil tumawa pa ito. "Okay miss. But can't I even get a single congratulations from you?"

Naningkit ang mga mata niya. "Bakit kita ico-congratulate? Achievement na 'yan para sa'yo?"

Nagkibit-balikat ito. "Ikakasal na ako. Hindi ba 'yon achievement?"

Umirap siya. "Kung natapatan niya sana kahit kunti 'tong ganda ko, achievement tawag do'n. Pero sorry, ni dumi ng kuko ko hindi niya kaya."

Natawa ito saka binalingan ang platong hawak niya. "Ginugutom ka ba sa inyo Doc? Ba't andami niyan?"

Tinignan niya ang hawak at tunay ngang napakarami ng laman. Tiningala niya ito at tinaasan ng kilay. "Paki mo ba? Gutom ako. Kumuha ka rin kung gusto mo."

"I'm just afraid baka maubusan 'yong ibang bisita."

Tinignan niya ito ng masama. "O edi magpadeliver tayo. Sagot ko na, nakakahiya naman sa pagiging pooresa mo."

She heard him chuckled. "No need. Sa kasal ko na lang."

She raised her brows. "Really you're that poor? Kailangan mo talaga ng sponsor sa sarili mong kasal. Then yes, I'll gladly do it. Damn you. Baka sabihin mong hindi ako marunong makisama." Hindi na niya hinintay itong makasagot at tinalikuran na pero narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa habang papalayo siya.

Buong gabing kumain lang ng kumain ang inatupag niya sa party kaya hindi nakapagtatakang sumakit ang tiyan niya kinabukasan. Pero siyempre kailangan niya pa ring pumasok.

"Hoy!" Tawag niya sa assistant. "Ayusin mo 'tong mga charts sa cabinet."

Nakasimangot itong naglakad papalapit sa cabinet. "May pangalan po ako Doc. Marie po M-A-R-I-E."

Tinignan niya ito ng masama. "Pangalan ba 'yan? Ba't ang pangit pakinggan?"

Mas lalo namang humaba ang nguso nito. "Ang ganda kaya Doc. Pareho kami no'ng idol kong si Shara Marie."

Bwisit na babae. Mas lalong pinapakulo ang dugo niya.

"Kaya nga ang pangit eh. Papalitan mo nga 'yan."

Tinignan siya nito ng hindi makapaniwala. "Bakit ko naman po gagawin 'yon? Ayoko nga."

Tumalim ang tingin niya rito. "Papalitan mo o ikaw ang papalitan ko?"

"Waah Doc! Bakit ko ba kasi kailangang palitan? Makukurot ako ni mama kapag ginawa ko 'yon. Ang mahal kaya no'ng gano'n." Reklamo nito.

"Alam ko namang wala kang pera. Ako ang magbabayad." Iritadong aniya.

Sumimangot na naman ito. "Aray Doc. Ang sakit mong magsalita. Ganyan ka ba talaga kagalit sa pangalan ko? Inaano ka ba?"

Tinignan niya ito ng masama. "Wala. Pero naririnig ko pa lang nakakairita na. Kaya 'wag na 'wag mong mabanggit ang pangalan na 'yan. Kundi puputulan kita ng dila."

"Doc, ang harsh mo." Nagkunwari itong naiiyak. "Kung hindi ko lang alam na ganyan na talaga kasama ang ugali mo, iisipin kong buntis ka at naglilihi."

Umismid siya. "Tumahimik ka na nga lang at tapusin na lang ang pinapagawa ko." Tatayo sana siya para kumuha ng tubig sa mini ref niya pero biglang sumakit ang tiyan niya.

"Ouch! Damn it." She squeezed her stomach.

"Doc, ayos ka lang?" Lumapit sa kanya si Marie.

Tumango siya. "I'm okay. Uuwi na muna ako. If there's a patient, papuntahin mo na lang kay Dra. Lacuesta." Bilin niya.

"Sige po Doc." Mabilis nitong sagot.

Kinuha na niya ang mga gamit at nagmadaling lumabas ng ospital. Nanghihina siya dahil sa sakit ng tiyan. Kailangan niyang mahiga.

Pagdating sa parking lot, nagulat na lang siya nang may biglang tumakip sa bibig niya at sapilitan siyang pinasok sa isang van.

Walangya! Sumasakit na nga ang tiyan niya maki-kidnap pa siya.

"Sinong unggoy ang nag-utos sa inyong hulihin ako?" Sigaw niya habang nag-aapoy ang mga mata sa galit.

Walang nagsalita sa mga ito kaya isa-isa niyang sinampal ng sobrang lakas. Pati driver hindi niya pinalampas.

"Aray ko po." Panay ang d***g ng mga ito.

"Ano? Sasagot kayo o pupudpurin ko 'yang mga pagmumukha niyo." Banta niya.

"Brad patulugin mo na muna. Baka kung anong magawa na'tin. Bawal pa naman siyang saktan." Rinig niyang sabi no'ng driver.

Tumaas ang kilay niya at magsasalita pa lang sana nang bigla na lang takpan ng panyo ang ilong niya and the last thing she knew. Nilalamon na siya ng kadiliman.

Nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kwarto.

Kumunot ang noo niya at inilibot ang tingin sa paligid. The room looks so luxurious. She bet she's in some kind of a modern house made up of woods.

The bed where she's in is so cosy and comfortable. The surroundings look so peaceful. It's so green at napakasarap din ng simoy ng hangin na pumapasok sa loob ng kwarto dahil sa nakabukas na pintuan papuntang terrace. Wala talaga sa bokabularyo niya ang iappreciate ang isang bagay. Masyado kasing mataas ang standards niya sa mga bagay-bagay. Ang totoo niyan hindi nga siya nagagandahan sa sarili nilang bahay eh. Pero ito, para sa kanya ang pinakamaganda sa lahat ng nakita niya.

Ang kaso, hindi niya mae-enjoy ang pananatili dito dahil kailangan na din niyang umuwi. She has been kidnapped for heaven's sake.

Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan pero hindi pa man siya nakakalayo sa kama sumakit na naman ang tiyan niya kaya nagmadali siyang pumasok ng banyo.

Kailangan niyang ilabas ang baho sa tiyan dahil hindi rin siya makakapag-concentrate tumakas kapag may iniinda siyang sakit.

Halos abutin siya ng isang oras sa loob bago natapos.

Napapitlag siya paglabas nang makita ang taong nakaupo sa kama.

"P*****a! Ano? Papatayin mo ako sa gulat?" Galit na aniya habang hawak ang dibdib at pumikit ng mariin pero biglang natigilan nang may maalala.

Minulat niya ang mga mata at kunot-noong tinignan ito. "Teka. Anong ginagawa mo dito?"

Tumayo ito at naglakad papalapit sa kanya. "I kidnapped you. Hindi ba obvious?" Walangyang sagot nito.

"Ano?" Galit niya itong nilapitan at sinampal ng malakas.

"Damn it." Malutong nitong mura habang hawak ang pisngi nito. Tinignan siya nito ng masama. "You slap hard. No doubt kung bakit namumutla pa rin ngayon ang mukha ng mga tauhan ko."

Nagbabagang tingin ang binigay niya rito. "Anong kagaguhan na naman 'tong naisip mo? Wala ka na namang magawa sa buhay at natitrip ka na naman?"

Nagkibit-balikat ito. "Parang gano'n na nga."

Hinampas niya ito. "Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong mailibing ng wala sa oras."

Hinawakan nito ang brasong hinampas niya. "Aping-api na talaga 'tong kagwapuhan ko sa'yo Leigh." Reklamo nito.

"Aping-api ka lang pero hindi ka gwapo." Pambabasag niya. "Ano ba kasing kailangan mo sa'kin? Wala ka na talagang pera ano? Kidnap for ransom ito? Di ba pumayag na akong mag-sponsor sa kasal mo? Ano pa bang kailangan mo? Gusto mo ako lahat ang gagastos? Tangina! Ang poor mo na masyado ha. 'Wag ka ng magpakasal. Pakamatay ka na lang." Dire-diretsong aniya habang nakatingin dito ng masama.

"Hindi talaga natatahimik 'yang bibig mo ano?" Puna nito saka umiling. "Ang sarap mo tuloy halikan."

Tumaas ang kilay niya. "Kung may balak ka, hindi mo na dapat sinasabi pa. Gawin mo na bobo."

Nalukot ang mukha nito. "Leigh. Yang bunganga mo. Kanina ka pa mura ng mura." At pinangaralan pa talaga siya nito. Akala mo naman kung sinong napakabait na tao.

Umismid siya. "Wag mo nga akong pinagsasabihan. Mas matanda ako. Yan ang itatak mo sa utak mo."

"Oo nga ang tanda mo na. Buti nakakalakad ka pa."

Hahampasin na naman sana niya ito dahil sa inis pero hindi nagawa dahil hinuli nito ang kamay niya saka winaksi. "Kanina ka pa. Tama na. 'Wag mong hintaying magalit pa ako sa'yo." Matigas ang boses na sabi nito.

"Hindi ko na talaga hihintayin kasi papatayin na kita." Winaksi niya ang kamay. "Kung magagalit ka pa lang, ako galit na galit na." Kinuha niya ang frame na nasa gilid at binato dito na mabilis naman nitong nailagan.

"Tangina. Leigh mahal 'yang mga 'yan."

Tumigil siya at tinignan ito ng masama. Tinaas niya ang isa pang frame na hawak. "Ito mahal? Bayaran ko pa pati buong bahay eh." Pagmamayabang niya at binato na naman ang hawak.

"Damn it." Galit na lumapit ito sa kanya at mabilis siyang pinigilan nang ang vase na ang kukunin niya para ibato. "Wag na 'yan. Seryoso, mahal 'yang mga 'yan. Oo nga at mas mahal kita. Pero miss, millions din ang ginasto ko sa mga 'yan. Maawa ka naman."

Binitawan niya ang vase at inirapan ito. "Anong mas mahal mo ako?"

Kumunot ang noo nito. "Ha? Mas mahal? Ikaw? May sinabi ba ako?"

Tumaas ang kilay niya. "Hindi pa naman siya bingi sa pagkakaalala niya. She really heard him say those words. O baka assuming lang talaga siya? My goodness! Kailan pa siya naging assuming?

"Ang sabi ko gaano 'yan kamahal? Bingi ka?" Pagdadahilan niya.

He smirked. "Oh? Pasensya na. Matalas kasi talaga 'tong pandinig ko." Pamimilosopo nito.

She rolled her eyes. "Can you just tell me why am I here? Masyado ng nonsense ang mga sinasabi mo."

Napabuntong-hininga ito. "Well, my parents gave me another chance."

Kumunot ang noo niya. "Anong connect?"

Tinignan siya nito ng masama. "Patapusin mo muna kasi ako bago ka magreact." Tinignan siya nito ng seryoso. "So as I said, they gave me another chance to free myself and I need your help." Umiling ito. "No. What I mean is I needed a favor from you."

Tumaas ang kilay niya. "Favor na naman? Ba't ang hilig mo sa mga ganyan? Nakakarami ka ng favor ha. Ang dami mo ng utang sa'kin."

"Please just this one. This is the last. I promise." Pagmamakaawa nito.

Hindi talaga siya mabait kaya syempre hindi siya papayag. "Ano ba 'yon?" Tanong lang 'yan. Hindi pa siya sumang-ayon. 'Wag kayong OA.

"Pretend to be my wife."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status