Share

Reaching Stars [Central Series #1]
Reaching Stars [Central Series #1]
Author: Luna Equestia

Chapter 1

CHAPTER 1

I JUMPED EXCITEDLY as I entered at my boyfriend's apartment. Nakasuot ako ng isang nude croptop na ibinagay ko sa black blazer at maiksing designer short. Naka-ponytail din ang mahaba kong buhok na abot hanggang bewang at hawak-hawak ng isang kamay ko ang cake na binili ko pa mula sa Red Ribbon nang mapagsaluhan namin ni James mamaya. 

"Babe! Nandito na 'ko!" 

Ibinaba ko ang pagkain sa maliit na island counter doon. Nangunot ang aking noo ng ilang minuto ay walang tao na sumagot man lang sa aking tawag.

'Baka naliligo.' Napatango ako sa naiisip. 

'Oo nga, baka nasa banyo lamang si James. Ala-sais na rin kasi ng gabi at alam ko namang ganoong oras naglilinis ng katawan ang boyfriend ko.'

Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, kampante na ko kay James. Sigurado ako na hindi ito katulad ng mga nauna kong naging nobyo na iniwan ako dahil hindi ko raw napupunan ang pangangailangan nito bilang lalaki. 

Ano sila? Gold? May pangangailangan din naman ako bilang babae at kung hindi nila kayang irespeto iyon, mas mabuti nga na hiwalayan ko sila.

Mahal ako ni James at nararamdaman ko iyon kaya sigurado akong hinding-hindi ako nito magagawang lokohin.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago pagpasyahang dumeretso sa kwarto ng binata. Walang kaso dito kung mag lilinis muna ako sa loob dahil nakasanayan na namin ang ganoon tuwing dumadating kami pag katapos ng trabaho.

I'm a fashion designer and currently working at CA's, isang kilalang fashion institute sa Pilipinas at pagmamay-ari ng iniidolo kong designer na si Miss Catherine Abellano. Masuwerte akong natanggap doon kahit alam na wala ako sa kalingkingan ng ibang fashion designer, ngunit alam ko na matututo rin naman ako at pasasaan ba at mahihigitan ang mga katrabaho.

Napatigil ako sa paghakbang nang makarinig ng mumunting mga tunog. Animo'y may kung anong aso na umuungol roon kaya lalong lumalim ang pagkaka kunot ng noo ko.

'Kailan pa nagkaroon ng alagang aso si James?'

Gusto kong matawa sa naiisip. Kailan man ay hindi mag-aalaga ng hayop si James dito sa kanyang tinutuluyan, maliban kasi sa bawal ito rito sa inuupahan nya, may allergy ito sa balahibo ng mga aso o pusa.

Ipinilig ko ang ulo at inalis ang mga negatibo sa isipan. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa utak ko dahil sa stress sa trabaho. Marami kasing nagpapagawa ng designs nitong mga nakaraang araw kaya naman pina-rush kami ng head sa mga bagong ideas. 

Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang pintuan at napaatras sa nasaksihan.

Si James, nakapatong sa babaeng walang saplot ang katawan at parang isang mabangis na hayop na bumabayo sa kaniig. Natutop ko ang labi at unti-unting naglandas ang mga luha sa aking pisngi.

Tinakpan ko ng palad ang bibig ko at impit na napahagulhol. Kaya pala, kaya pala hindi ako nito naririnig na tumatawag ay dahil busy ito sa pakikipagtalik sa babaeng mukhang nababaliw na umuungol sa ilalim nito.

Sana hindi ko nalang tinuloy ang pagpunta. Sana hindi ko nalang nakita ang panloloko nito sa akin. Napaluhod ako habang hindi inaalis ang paningin sa dalawang tao na nasa kama.

Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luhang nag-aalpasan sa aking mga mata. Mapait akong napangiti habang inayos ang sarili at tumikhim.

T-ngina. Hindi pa ako napansin ng mga ito kaya kinailangan kong basagin ang picture frame na nasa tabi ng pintuan. Litrato namin iyon ni James na parang totoong-totoo ang kislap sa mga nito at sinasabing mahal nya ako.

"M-masarap ba?" nanginginig na tanong ko at pinigilan ang sarili kong sugurin at pagsasampalin sila. 

Napabalikwas ang dalawa habang bakas ang gulat ng tumingin sa direksyon ko. Nilunok ko ang bara sa lalamunan at pilit nilabanan ang unti-unting pagsikip ng dibdib. 

"A-anna..." mahinang usal ni James habang tinakluban ang hubad na katawan at patakbong lumapit sa gawi ko. 

Napailing-iling ako habang parang baliw na sinenyasan ito na huwag lumapit. Nandidiri ako rito. Nakakasuka. Paano nito naatim na lokohin ako nang ganoong kadali at balewalain ang ilang buwang relasyon namin?

"M-may mali ba sa'kin?" mahinang tanong ko habang pinipigilang maglandas ang luha na unti-unti na namang tumutulo sa aking pisngi. Lumambot ang ekspresyon ni James at astang lalapit ulit sa akin ngunit tinabig ko ang kamay nito.

"B-babe... B-babe hindi..." James blurted out.

"M-minahal naman kita 'd-di ba? Hindi pa ba s-sapat yun J-James?" Lumuluhang nakipagtitigan ako rito at ibinaling ang paningin sa babaeng halatang gulat sa mga nangyayari.

"I-Im sorry... I-I d-didn't know he's in a relationship already. I-Im so s-sorry," nakikiusap na ani ng babae ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Nanggagalaiti ako sa galit. Ang sakit na nararamdaman ko ay lalong nadaragdagan habang nakatingin ako sa mata ni James.

"B-bakit kailangan mong gawin sa 'kin to? H-huh?! Bakit?! Ipaintindi mo sa 'kin... Hindi ako nagkulang t-ngina naman! Hindi naman ako pumalyang iparamdam sa 'yo na mahal kita 'di ba? Bakit ang s-sakit?" namamaos na sigaw ko habang ang lalaki ay pilit hinahawakan ang aking kamay.

"T-angina... m-mahal na mahal na kita eh..." umiiyak na hikbi ko. 

Nanghihinang napasandal ako sa may pintuan at pinilit ikalma ang sarili. May parte sa akin na gustong pakinggan ang paliwanag ng kasintahan ngunit ang isip ko ang mismong tumatanggi.

'Bakit wala ka kasing kadala-dala Anna Marie?!'

Pilit kong ginigising ang diwa. Sinisinghalan na ako ng utak na gumising sa mga kahibangan dahil wala nang bago. Sa huli ay iiwan at iiwan din talaga ako kapag nagsawa na. Natawa ako ng bahagya nang isipin ang magiging reaksyon ng mga kaibigan. I heaved a sigh as I wiped my tears away. Tinitigan ko ang mukha ng dating kasintahan na parang minememorya ang bawat anggulo noon bago lumapit dito at tuhurin ang pagkalalaki nito. Hindi pa ako nakuntento at sinampal ng ilang beses ang lalaki, binuhos ko ang sakit at galit na nararamdaman dahil kung tutuusin ay hindi pa iyon sapat sa pangloloko nito sa akin.

Patakbo kong nilisan ang lugar na iyon dala ang cake na dapat ay kakainin namin ni James. Sa siyam na buwan naming pagsasama, nakuha pa nitong mag loko para matustusan ang kinginang libido nya!

Nagpupuyos ako sa galit at poot na nararamdaman. Bakit hindi pa kasi ako nasanay?! Sa loob ng ilang taong pamumuhay ko malayo sa magulang ay ilang beses na akong pumasok sa toxic na relasyon. Ilang lalaki na ang paulit-ulit nangako at paulit-ulit din binilog ang ulo ko.

Pumikit ako ng mariin habang tinatahak ang direksyon ng tinutuluyang bahay. Hindi ko namalayang nasa kalahating oras na kong naglalakad papalayo sa lugar na iyon at malapit na 'ko sa tinutuluyan naming magkakaibigan.

Pumatak na naman ang pilit kong pinipigil na mga luha. Hindi pa rin pala ako sanay. Kahit ilang beses na kumbinsihin ko ang sarili at sanayin sa ganoong klase ng sakit ay hinding-hindi ako masasanay. Taliwas doon ang nararamdaman ko.

*

PAGOD NA HINUBAD KO ang blazer at sandals bago ihagis lang 'yun sa gilid. Nadatnan ko namang nagsusulat sa gilid si Rin habang nakaharap naman sa laptop si Shane at nagpipipindot.

Sabay silang napalingon sa akin. Rin sighed before looking at her notepad at ilang beses na sinulyapan ako.

"Oh? Niloko ka 'di ba?"

She looked at me in a pokerface while Shane just plastered a small smile on her lips.

Nahalata nya siguro na mugto ang mga mata ko sa kakaiyak.

Binato ko sya ng strawberry na nakalagay sa ibabaw ng lamesa ngunit balewala nya lang na sinalo iyon at kinagatan.

"Ang ganda mo bumungad. Paano mo nalaman?" masama ang loob na tanong ko at inilugay ang hanggang bewang na buhok.

Tumungo sya sa sulok na pinaghagisan ko ng mga damit at pinulot ang basta-basta kong hinagis doon. Pinagpag nya ang blazer at tinupi bago ako harapin. Inayos nya rin ng salansan ang sandals at umupo sa bangko ng nakataas ang paa.

"Nakita ko na may kahalikan sa mall 'nong nakaraan," bored na anito at nagbalat ng saging.

Kumunot ang noo ko at sinamaan sya ng tingin.

"Nakita mo na pala bakit hindi mo sa 'kin sinabi? Para naman na informed ako 'di ba?" sarkastikong saad ko ngumit ngumiwi lang sya bago ako ikutan ng mata. Hindi nya ako sinagot kaya bumaling ako kay Shenna na inosenteng nakatingin sa akin.

"Ikaw? May alam ka rin?" nang-aakusang ani ko.

Ngumiti lang ito sa akin at nag-piece sign. Napasapo ako ng noo at isinuklay ang daliri sa aking buhok.

"Pinaalalahanan kana namin Ate, sadyang ayaw lang namin manghimasok sa desisyon mo pagdating sa isang relasyon," mahinahong ani ni Rin na hindi natigil sa pagkain ng prutas.

"Naalala mo ba noong college ka? Sabi namin nakita naming nangmamanyak 'yung boyfriend mo tapos no'ng sinabi namin sa 'yo, nagalit ka pa. Kaya ayaw na namin mangialam sa love life mo eh." Tumigil pa sya ng bahagya at inubos ang nginunguya.

"Kami kasi ang mapapasama sa mata mo." Bumuntong hininga pa sya bago nangingiting humarap sa akin. 

"Sabi nga roon sa nabasa ko, ang true love raw darating 'yan kaso sa tamang oras at panahon." She stared at me smugly.

Sumubsob nalang ako sa lamesa at naiiyak na pinapadyak-padyak ang mga paa.

"Malapit na kami mag-anniversary eh! Ang daya naman! 3 months na lang!" I ranted as my eyes welled up in tears.

"Kung lolokohin ka, lolokohin ka Ate Ems. Aminin na kasi natin, mahal lang tayo pag tayo ang nandyan. At ano ka ba? Kahit umabot naman kayo ng sampung taon, pag hindi ka na mahal, iiwan ka rin 'di ba?"

Nangunot ang noo ko ng mahimigan ang kung anong pait sa boses nya.

"Broken ka ba? Parang iniwan ka na ah! Sabihin mo nga! May hindi ka shini-share samin no?" Nanlalaki ang mata ko syang tinuro-turo.

Humarap sa gawi namin si Shane na natigil sa kakatipa sa keyboard.

"Paano magiging broken 'yan ate? Eh wala naman syang naging boyfriend simula nung highschool," anito at natatawang tinitigan si Rin.

Napaismid lang ang dalaga at tinuloy ang ginagawa.

Natawa tuloy ako sa itsura nya dahil siguradong wala naman itong pakialam sa mga lovelife. Baka nga mas mahal pa nito ang mga character nya sa w*****d at mga romance novels kaysa maghintay ng sarili nyang true love.

Bumuntong hininga ako. Gusto ko kalimutan ang mga nakita ko kanina dahil kumukulo ang dugo ko sa sobrang galit at pagkamuhi! 

My pearl should be my anniversary gift for him! Hindi nya nahintay ang anniversary namin at pumatol sa iswad na hipong 'yun!

Tumayo ako sa pagkakasubsob at itinaas ang dalawang kamay bago sumigaw.

"Arat, punta tayo sa bar!"

Napangiti ako nang biglang isinara ni Shane ang computer at tumigil ang isa sa pagbuklat ng pahina.

"Game!" sabay nilang sigaw at nagtatakbo sa kani-kanilang kwarto.

*

INAYOS ko ang suot kong pulang croptop at mini skirt habang ang dalawa naman ay hindi pa rin magkaintindihan sa mga susuutin.

"Ano ba 'yan! Bakit ganito 'to ate? Labas ang likod ko! T-ngina!"

"Umayos ka nga Rin-rin, ang pretty kaya sa 'yo!"

"Anong pretty? Ayaw ko ng ganitong damit! At ano 'tong short na 'to? Short pa ba 'to? Bakit sobrang maiksi?!"

Binatukan si Rin ng kaibigan habang nagra-rant sa mga damit na iniregalo nila rito noong birthday nya.

"May short bang mahaba? Magba-bar tayo at hindi kakanta ng Ave Maria sa simbahan! It's bagay naman sa 'yo, right ate Ems?"

Napatango nalang ako. Hanggang sa matapos ang pagsusuot ko ng stiletto ay nagbabangayan pa rin sila.

Nang matapos ay floral fitted dress ang suot ni Shane na may black slingbag. Mataas din ang takong nito samantalang si Rin naman ay naka pantalon at tube. Tinernohan nya lang ito ng black na blazer at flat sandals.

Napangiti ako dahil ang gaganda nila tingnan. Kung dati ay sipunin pa sila at amoy araw, ngayon ay nanunuot sa ilong mo ang pinaghalo nilang pabango.

Nag-unahan pa nga ang dalawa sa pagbaba sa condo namin at excited na nagpara ng taxi. Napailing-iling nalang ako.

*

Sumalubong ang maingay na tugtog at mausok na kwarto ng makapasok kaming tatlo sa loob. Maraming mga nagsasayaw sa saliw ng nakakaganang musika at may mga babae at lalaki rin na nakaupo at nanonood lang.

"Welcome mga mars! Ang tagal niyong nagawi dito! Tagal mong hindi naging brokeyn!" sigaw ni Bently para makipagsabayan ang boses sa lakas ng ingay doon. Pinitik ko sya sa noo kaya inirapan nya lang ako bago ilahad kami sa favorite seat naming tatlo.

"Wititit lang kayo dyan mga bakla! Ipapakuha ko ang order nyo!" masayang ani ni Bently at kekendeng-kendeng na lumakad palayo.

Tumango lang ako sa kanya bago harapin ang dalawang kasama ko na tuwang-tuwa na sumasabay sa beat ng tugtog.

"Ano?! Okay lang ba?! Marami raw customer sabi ni Bently Theodore kaya marami kang maipapalit na asukal de papa sa gago mong ex!" ani Rin.

Humagalpak kami ng tawa at naupo sa paikot na single couch na naroon. Sandali kong inilibot ang paningin sa paligid at ngumiti nang makita ko si Bently kasama ang isang waiter.

"Oh mga daĆ®! Libre ko kayo ng tatlong boteng drinks dahil ang tagal nyo nagpakita! Idaan sa walwalan ang pagkadurog ng heart! Sayang ang mahabang herlalu pag hindi kayo namingwit!"

Nagtawanan muli kami at ipinalista sa waiter ang order namin. 

"Kuya, may kape kayo dyan?" 

Nangunot ang noo ko ng makinig ang boses ni Rin. Parang siga pa siya na inakbayan ang waiter at seryosong-seryoso ang mukha.

"Eh ma'am, bar ho ito hindi coffee shop." Kumakamot sa batok na ani ni kuya. 

"Kung hindi ka pala iinom bakit ka sumama na naman Rin-rin? We supposed to have some fun! Besides we are legal age na para mag drink," conyong paliwanag ni Shane.

Napailing nalang ako ng humalukipkip si Rin at minasdan nalang ang ilaw.

"Sumama lang naman ako kasi alam ko na pareho kayo malalasing mamaya. Baka may mang-trip sa inyong dalawa at ikapahamak nyo pa," malumanay na aniya at tinitigan ang tatlong bote ng alak sa lamesa.

Shane and I hugged her tight. Pinisil-pisil pa namin ang pisngi nya.

"Ang sweet naman ng Rin-rin ko! Kiss nga dyan!" Shane giggled at ngumuso pa. Natawa ako ng pitikin sya sa noo ni Rin. 

"Lumayo kayo sa 'kin! Ano ba!"

Tinigil ko ang panggigigil sa pisngi nya at tinawanan ang pagta-taray nya sa akin.

"Oo na! Hindi na kami iinom ng madami. 'Di ba Shane?"

Tumango-tango naman ang loka at sinang-ayunan ang sinabi ko. Pero alam ko naman na scam ang hindi namin pag-inom ng madami lalo na at ako ang nagsabi.

Tumayo si Rin at dumiretso sa counter, manghihingi raw sya ng tubig na mainit dahil may baon naman daw syang kape. Sa tuwing pupunta kami rito ay hindi naman talaga sya nainom. Mas gugustuhin nya pang sumayaw sa dance floor kahit hindi lasing, lalo na at pag alam nya ang kanta. Hindi katulad namin ni Shane na inaabot ng ilang bote bago tumigil, ang kaibahan nga lang ay mabilis akong malasing kaysa sa babaeng 'yun.

Nag-umpisa kaming uminom ng dumating ang ilang order namin at ialiw ang sarili. Minsan ay itsini-check kami ni Rin kung ayos lang daw kami o hindi kaya ay may lumalapit sa kanya na lalaki para makipag sayaw.

"Wooh! Let's party ate!"

Nagpatianod ako sa pag hila ni Shane sa kamay ko at nagtungo sa dancefloor.

Magulo.

Maingay.

Halos hindi na nga ata sila nasayaw at nagwawala na. Sanay naman na ako dahil ilang beses na kami napunta dito sa Nightmare club, pangalan ng bar. Pag minsan ay nag-rerent nalang kaming tatlo ng kwarto kapag hindi kami kaya iuwi dahil sa sobrang kalasingan. Uuwi nalang kami na may hangover at sesermonan ni Rin na para sya ang ate. Si Shane naman, pag minsan ay bubusalan na lang sya ng panyo sa sobrang ingay.

Nag-umpisa akong sumayaw. Nanlalabo na pala ang mata ko, siguro dahil marami na rin akong nainom. Nakailang bote na rin ako ng beer at ilang hard drinks kaya pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. I bounced my body up and down as the music had gone wild.

Nagsisigawan na ang mga tao dahil sa kalasingan at ang iba naman ay nag sasayaw na parang walang nakaka-kita sa kanila.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang may maramdamang kamay ang umalalay sa bewang ko kaya lalo akong sumayaw at ginanahan ang pagsabay sa musika. Tumatawa pa ng bahagya at parang nawawala na sa sarili.

Sandali na tumigil ako at hinanap ng mata si Shane pero wala na sya sa paningin ko. Paniguradong nagwawala na rin yun at may kasayaw na.

I felt something in my neck, making me stilled for a second. Nararamdaman ko ang hininga nya sa aking leeg patungo sa batok. Dahil sa kalasingan ay walang inhibisyong hinawakan ko ang ulo nya para idiin pa sa leeg ko.

Jusko! Ano bang nangyayari sa akin? 

I wiggled my hips as my body started to heat up. Namumuo na ang pawis ko sa noo habang ang lalaki naman ay dumiin ang hawak sa bewang ko. 

Humarap ako sa kanya at sumubsob sa matitipuno nyang dibdib. His manly smell lingered immediately in my nose. Humawak ako sa balikat nya at sumayaw ulit. Lumakas lalo ang tugtog at mas lalong nagkagulo sa kinakatayuan ko.

Nagulat ako ng hapitin nya papalapit ang katawan ko sa kanya at niyakap ako. Hindi ako makakibo dahil nanlalabo na talaga ang paningin ko. Nag-uumpisa na nga ata talaga tumalab ang nainom ko.

"Let's get you a room so you can rest," bulong na ani ng lalaki na umaalalay sa akin. Hawak nya ang bewang ko habang ang kamay ko naman ay nasa batok nya.

Hindi ako umimik at naramdaman na lang na pasiring-siring na kaming naglalakad patungo sa isang kwarto. Maingat ang haplos nya sa katawan ko na parang isa akong mamahalin at babasaging bagay.

Binuksan nya ang pinto at namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa malambot na kama. Umungot pa ako dahil naramdaman ko na may nagkukumot sa akin, pilit ko naman iyong tinatanggal dahil sa init ng pakiramdam.

"P-please lang... k-kukumutan lang k-kita." He looked at me before mumbling softly. "Nakikita ko kasi ang dibdib mo."

Natawa ako dahil sa boses ng lalaki na pilit akong kinukumutan. Para kasing ngayon lang sya nakakita ng boobs ng babae. I stared at him and pulled him closer to me making him lose his balance. Natumba sya sa ibabaw ko kaya ngumiti ako at hinawakan ang pisngi nya.

"Hinde ka s-si James p-pero alam ko manloloko ka rin," lasing na ani ko habang hawak ko ang mukha nya.

Naramdaman ko na pigil nya ang hininga at nakatingin lang sa mata ko.

"G-ganun ba ako kapangit? Ha? Galit ba ang m-mundo sa mga single? Pag nakahanap na k-kami ng jowa, kung hindi i gho-ghost, lolokohin naman?!"

His breathing hitched when I cupped his face and touched his red lips using my thumb. Ang lambot ng labi nya, parang nakaka-conscious dahil mas natural ang pula niyon kaysa sa labi ko. Pinunasan ng palad nya ang mainit na luha sa gilid ng aking pisngi.

Naiyak na pala ako?

Natawa ako.

Tinitigan ko ang reaksyon nya ng pagapangin ko ang kamay ko sa makakapal niyang kilay. Hindi sya gumagalaw at mukhang binabasa ang mga galaw ko.

Arghh lasing na nga ako.

Kusang gumalaw ang kamay ko patungo sa buhok nya. Ang lambot niyon at ang pino, nakakaadik hawakan. 

"N-nakita na ba kita?" lutang kong tanong at tinapik-tapik sya sa pisngi. Nakatuon ngayon ang kamay nya sa magkabilang gilid ko para hindi ma-out of balance. Ang kulay abo nyang mata ay inosenteng minamasdan ang itsura ko habang lasing na nakatitig sa kanya.

"May k-kamukha ka talaga eh," pabulong na ani ko at inaalala kung nakita na ba talaga sya.

"Sino?" maang nyang tanong at hinawakan ang kamay ko para ihiga ako nang maayos.

"Asawa ko." Natatawa kong kinagat ang aking labi. "Oo, kamukha mo ang mapapangasawa ko." I laughed loudly habang nakapikit at dinadama ang maingat nyang haplos sa ulo ko para maka-unan ng tama.

He smiled cheekily so I pinched his cheeks again making him groan. Ang sarap pakinggan ng ganung tunog pag nanggagaling sa kanya.

"A-ano, matulog kana. Babantayan kita."

Tumaas ang gilid ng labi ko at hinapit sya papalapit sa aking tabi.

"Tabihan mo nalang ako. Magchukchakan tayo ngayon," walang prenong ani ko at tuluyang hinubad ang pulang croptop. Dumagan ako sa kanya pero nagulat lang siya sa ginawa ko at bumaba ang tingin sa hubad kong pang-itaas.

"A w-what? C-chukchakan? What is that and why are you naked? Let me dress you up," anito at hinawakan ang bewang ko para ma-ipirmi. Bahagya kasi akong gumalaw kaya nalikutan ata sya sa'kin.

"Hindi mo ba alam 'yun? C-chukchakan 'yung s-x... 'yon! S-x ang tawag du'n. Tara gawin natin. Favorite 'yun gawin ng lalaki."

"I'm a man, bakit hindi ko ginagawa 'yun?"

Nagulat ako sa sinabi nya. May lalaki bang hindi gumagawa nun? Malabo. Lahat ng lalaking kilala nya ay mahilig do'n. Maliban nalang siguro kay Bently. Pero bakit nga ba? Saglit akong tumigil sa pag huhubad ng damit nya at nag-isip.

"Baka hindi ka pa nagka girlfriend," ani ko nalang. 

Takang-taka na ibinaling nya ang paningin sa akin. 

"Do I need to have one?" tanong niya ulit at walang alam na tumingin sa mata ko. Hinawakan ko siya sa batok at siniil ng halik ang labi. I moaned when I felt his tight grip at my waist. 

"Kailangan mo ng girlfriend para makipagchukchakan."

"Bakit ko nga kailangan?"

Natatawa kong inilandas ang daliri ko sa depinadong panga nya.

"Kasi masarap 'yun," siguradong-sigurado na ani ko.

Tumaas ang kilay nya at binasa ang mapupulang labi.

"M-masarap ang s-s-x?" inosenteng tanong nya ulit.

Hinalikan ko ulit sya para matigil sa pagtatanong. Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi nya kaya napaawang iyon ng bahagya. Hinapit ko ang batok nya at idiniin ang ulo papalapit sa gawi ko para lalong halikan.

Humihingal na bumitiw ako sa pagkakahalik sa kanya ay nang-aakit na ngumiti.

"Oo... m-masarap 'yun..." Inilapit ko ang sarili sa kanyang katawan at pilyang bumulong.

"Kaya simula ngayon girlfriend mo na ako."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status