Share

Chapter 5

CHAPTER 5

HINDI KO inalis ang tingin sa aking plato. Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ng aking pamilya kaya na conscious agad ako sa paraan ko ng pagkain.

Napansin kaya nilang pumayat ako masyado?

O hindi kaya ay ayaw nila sa paraan ko ng pagkain? 

Kaunti lang kasi ang inilagay ko sa aking pinggan dahil busog pa ako sa mga kinain ko kanina sa byahe. Balde-baldeng tulog ang kailangan ko dahil alam ko naman ang mangyayari kinabukasan.

Inangat ko ang tingin ko kay Papa ng tumikhim sya, muntikan ko na tuloy maibuga ang kinakain ko kasi halos lahat ng bisita, kung hindi sa akin nakatingin ay sa mga kaibigan ko na bahagyang nakayuko at tipid na kumakain.

Well uhmm...

Almost.

Si Rin kasi at si Bently ay kuha ng kuha ng litson at kanin. Busy rin sila sa kani-kanilang pagnguya habang si Shenna naman ay mahinhing sumasandok ng salad.

Tumingin pa sa gawi ko si Bently Theodore at itinaas ang tinidor na may nakatusok ng karne, parang inaaya na kumain ako. Umiling lang ako sa kanya at iginala ang paningin sa mga tao na nasa kabilang lamesa.

"Mukhang malaki ang ipinayat ninyong magkakaibigan sa Manila anak."

Napalunok ako. 

Grabe ang boses ni Papa, parang hindi alam na on-diet ako. Maliban kasi sa maninibago ako sa size na tatahiin ko kapag naging-chubby ako, ang hirap ibagay sa akin ng damit! Ako lang ata ang fashion designer na alam ang fashion ng iba pero aabutin ng ilang oras bago makahanap ng pak na pak sa OOTD ko.

Napahinga ako ng maluwang nang sagutin ni Rin ang tanong ni Papa.

"Alam niyo naman Tito sa Manila 'di ba? Dapat magtrabaho bago makakain, kaso kasi ay naging busy talaga si Ate! Ang dami pong may gusto ng design nya! Pinaghirapan nya naman po kasi talaga ang mga iyon!" Sumubo pa ito ng kanin at hinarap si Papa at Mama na nakangiti. 

"Talaga anak? Parang kailan lang ay pangarap mong mag-design ng mga damit at mga gowns! Nakakatuwa naman at unti-unti mong matutupad ang mga iyon," ani Mama. Lihim akong napairap.

"Hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin Ma," malamig na ani ko. Iniwasan ko silang tingnan kahit batid ko na ang lahat ng atensyon ay nasa akin.

"Eh bakit naman anak? Narito naman kami para suportahan ka ah! Kaya nga pina-"

"Kaya nga ipinapakasal nyo ko?" maang kong tanong. Mapait akong ngumiti bago titigan silang dalawa. Natahimik ang buong lamesa. Maging ang mga kaibigan ko na kanina ay nagkukulitan ay huminto.

"Sa tingin nyo ba... matutupad ko ang mga pangarap ko dahil gusto nyo ako ipakasal?" Natawa ako ng bumadha ang gulat sa mata ni Mama. Si Papa naman ay hindi nakasagot at napatungo.

Ibinaba ko ang kubyertos at isinandal ang likod sa upuan. I laugh coldly, pailing-iling habang ang mga tao sa paligid ay nasa aming lahat ang atensyon.

"Hindi pangarap ko ang gusto nyong matupad Mama. Pangarap mo lang... pangarap nyong dalawa."

My father creases his forehead. His face reddened in anger as he tried to control his self from bursting because of my sudden reply.

"Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bunganga mo Anna Marie," he said in a low, yet dangerous voice.

I just laugh it off as it was nothing. Sa totoo lang, ngayon lang ako hindi kinabahan sa ganoong tono ni Papa. Everytime he'll use it to me when I was a kid,I actually got scared, but now? I felt nothing but anger.

Dati, I used to be a daddy's girl. Napapagalitan man nya ako dahil sa kakulitan at kasuwailan ko noon, didisiplinahin nya lang ako gamit ang words but he never hit or hurt me. Pinapaintindi nya lang lahat. Kung bakit ako pinagalitan ni Mama, kung bakit masama ang ganito at ganiyan. Kung bakit hindi dapat ako pumatol sa mga umaaway sa akin. Kung bakit dapat mas maging maunawain ako. He taught me all of that. Lahat, sya ang naging guro ko.

Pero ngayon, hindi ko na sya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang rason nila. Kahit ilang ulit ko pilit intindihin ang mga nangyayari ay hindi ko magawa.

Hindi ako sumagot. Hanggang sa magsi-alisan ang mga tao ay hindi nalang ako umimik.

Tahimik akong umakyat sa aking kwarto. Hindi sila pinag-aksayahan ng panahon. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, alam kong alam nila ang dahilan kaya nagpaalam sila ng maaga. 

Sabi ni Shane, sa kanila muna makikitulog si Bently, bukod doon ay wala na akong ibang narinig.

Humiga ako sa malambot na kama. Pinikit ko ng mariin ang aking mata dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mga katok sa aking pintuan. Tamad akong bumangon at pinihit ang seradura ng pinto.

"A-anak pwede ka b-bang makausap?"

Gusto kong saraduhan ng pinto at pabayaan na lamang si mama magkakatok sa labas. Tutal naman ay pagod ako at mabilis akong makakatulog... pero hindi ko parin ginawa.

Walang emosyon na tumitig ako sa kanya bago tuluyang lawakan ang bukas ng pinto.

"Ano po bang kailangan pag-usapan?" Hindi ko matiis na mag tanong. Nandoon lang kasi sya sa gilid ng kama at nakatuon ang tingin sa akin.

"Anak gusto ko lang sana makausap ka tungkol sa pagdating nang mapapangasawa mo," ani nya habang nakatungo. 

Tinaasan ko sya ng kilay at nakangiwing umupo sa malambot na kama.

"Ano naman ho? Sasabihin nyo ba na maging mabuti akong babae sa harap nya? Na huwag ko sya pakitaan ng kabastusan kasi baka bawiin nya ang offer sa inyo?" sarkastikong ani ko. Bakas ang galit at pagkadisgusto ko sa aking mukha habang sinasalubong ang bawat sulyap niya sa akin.

Inalis nya muna ang bara sa lalamunan at humarap sa akin.

"Anak para rin sa kinabukasan mo 'to. Naniniwala kasi kami ng Papa mo na mas mapapabuti ka kapag dala mo ang apelyido ni Mr. Trinus," nanginginig na ani niya. Agad na nangunot ang noo ko dahil sa sinambit nya.

Nagtataka man ay pinilit ko mapanatiling blangko ang mukha.

"At pag dala ko ang apelyido ng Escyda ay hindi?" Taas kilay na ani ko.

"Alam ko na taliwas sa pang-unawa nyo ang gusto kong gawin sa buhay ko Ma. Alam ko 'yun kasi kahit hindi nyo sabihin ay iyon na ang ipinaramdam niyo dati." Nangild ang luha ko nang maalala ang mga araw na pinag-awayan namin ang pagpupumilit ko na kunin ang curse ng fashion designing. 

"Kasi ang gusto nyo pag-aralan ko ang bagay na hindi ako interesado gawin hindi ba? Sabi mo, gusto nyo na paglaki ko, ako ang mamahala sa hotel na pinipilit nyong buhayin ngayon... Na pinipilit nyong buhayin para sirain ang pangarap ko ngayon! Gaano ba ka importante ang hotel ni Lola at mas importante iyon sa buhay ko? Gaano ba ka-importante na makuha ko ang apelyido ng Trinus na 'yon?!" Tumaas ang boses ko sa sobrang frustration. Natigil lang ako nang humikbi si Mama sa harap ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Tuluyan akong napaiyak.

"G-gusto ko naman kayong intindihin Mama eh. Gusto ko pong intindihin dahil iniisip ko nalang na gagawin ko ang bagay na iyon para kay Lola... m-mahal na mahal ng Lola ang hotel na 'yun Mama... kaya gusto ko pong intindihin... Gustong-gusto ko po. Pero mama pwede namang maging maging maayos 'yun ng walang kasalang magaganap 'di ba? 'Di ba Ma?" umaasang tanong ko. Pero hindi sya umimik. Ilang segundo akong naghintay ng sagot nya pero tanging pag-iyak nya lang ang nakikinig ko.

"Mama naman eh." My voice broke as I called her softly.

"Buong buhay ko Mama... a pangarap ko lang ako sumuway sa 'yo. Hindi ko pa po naaabot Mama... Hindi ko pa po nagagawa yung ipinaglaban ko sayo dati. Kasi akala ko pumayag na kayo eh." Pumikit ako ng mariin nang maiyak na ako.

"Ang daya naman Mama... ang daya nyo naman po." I cried as I looked at her sadly.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya lalo akong naluha. She caress my hair and whispered at me.

"A-anak pasensya na ha? S-sorry anak kasi ganito ang buhay na naibigay ni Mama sa 'yo...vs-sorry anak." Pagkatapos sambitin iyon ay lumabas sya sa kwarto ko.

Napaiyak ako ng mahina at niyakap ang aking unan.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

*

"RACE IN SHRINE BAKLA!"

Naalimpungatan ako ng isang malakas na sigaw ang yumanig sa apat na sulok ng aking kwarto.

Agad na nahampas ng unan sa sofa ni Shenna ang katabi.

"Dummy, rise and shine 'yun! duh!" Sabay irap nito bago ibalik sa akin ang tingin.

"Huwag mo pansinin si Theodore, bes. Nung ilabas kasi 'yan ay na stuck sa labas ang ulo ng ilang oras kaya nahanginan ang utak," natatawang asar ni Rin. Tinawanan lang ito ng bakla bago hilahin ang buhok at inastang ingud-ngud sa sofa. 

"Ikaw ngang bruha ka wala kang utak kaya hindi ka na nahanginan eh!"

Kinurap-kurap ko ang mata dahil nasisilaw ako sa liwanag na galing sa bintana kaya ipinikit ko ang mata bago bumalik sa pag-kakahiga.

Napatili ako ng hilahin ni Shenna ang paa ko at tinanggalan naman ako ng unan ni Rin. Si Berta naman ay binuksan ang lumang speaker at nagpapatugtog ng 'Estudyante Blues'.

"Hoy bruha! Alas syete na ng umaga, syete ka! Ingungud-ngud kita sa toilet pag hindi ka pa na ligo! Nandyan na ang daks na fafabelz mo!"

Kumunot ang noo ko. Hindi pa pinoproseso ng utak ang sinabi ng kaibigan. Tinatamad na bumangon at nag-inat ng katawan. Nagtatalon pa ako at nag-stretching habang ang mga kaibigan ay napasapo lang ng noo.

"Lutang pa si Ate, kailangan mo atang ulitin." Dinig ko na ani ni Rin. Nagmulat ulit ako bago harapin sila.

"Buti pinapasok kayo sa kwarto ko..." wika ko bago sulyapan si Bently. "...lalo na sya," ani ko pa at humikab.

"Buti at hindi sya hinabol ng itak ni Papa," dugtong ko ulit.

Napangiwi ang tatlo at umirap sa akin.

"Paano 'yan hahabulin, eh sila nga ang nagpapasok dyan para gisingin ka? Nandyan na raw kasi ang mapapangasawa mo?" sarkastikong ani ni Rin at prenteng umupo sa kama ko.

Napatanga ako.

'Ano nga ulit?'

Nagimbal ang kaluluwa ko ng unti-unting pumasok sa aking utak ang sinabi nila at patakbong tinungo ang C.R. Parang bigla ako natauhan dahil sa narinig. Natatarantang binuksan ko ang shower kaya napatili ako nang maramdaman ang lamig no'n sa aking balat. Dali-dali kong nilinis ang sarili. 

"Bakit hindi nyo sinabi sa akin agad?!" sigaw ko habang mabilis na inaayos ang underwear.

Tanging tawanan lang ng tatlo ang narinig ko, paniguradong aasarin na naman ako ng mga ito mamaya.

"Gaga! Ininform ka namin!" ani ni bakla habang patuloy sya sa paghalungkat ng bag para hanapin ang iba nyang na-pack na damit. Tumulong naman si Shena mamili nito.

In the end, I choose to wear a high waisted jeans and a black halter crop top. Binagayan ko iyon ng boots na suot ko at iniladlad nalang ang mahabang buhok.

"Halatang hindi ka masyadong nag prepare day," sarkastikong ani ni Bently.

Natatawa ko itong hinampas ng bolster at lumabas na lang pintuan pagkatapos ayusing ang light makeup na inilagay.

Napatigil ako ng may ma-realize.

"Wala pa sya no?" tanong ko sa tatlong nakasunod sa pagbaba ko ng hagdan.

Tinaasan nila ako ng kilay.

"Beh, bonakid ka talaga. Paano ko masasabing daks kung hindi ko nakita?" iritadong ani Bently.

Napakurap sya. Para kasing may mali talaga.

"May hindi kayo sinasabi sa 'kin," sambit ko at tumigil sa paghakbang. Tinitigan ko sila isa-isa kaya napangisi ako ng makita ang alanganing ngiti ni Shenna.

Bingo! 

Isa-isa ko silang pinitik sa noo.

"Wala talaga kayong maisip na matino ano? Ginising nyo ako dahil gusto nyo mag picnic! Kaya naka summer outfit kayo eh!"

Nagulat ako ng mapatawa si bakla at hinampas pa si Rin na katabi nya. Agad namang nahagip ni Rin ang braso nito at iaastang ihuhulog sa hagdan. Agad namutla ang binata.

"T-tangina Rin! Papatayin mo ba ako?!"

Inosenteng napakurap-kurap si Rin bago mag salita.

"Paano kita mapapatay? Eh tatlong hakbang nalang ay nakababa na tayo," ani pa nito at naunang nagderederetso patungo sa sala.

Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang wirdo ng mga ito ngayon?

Nagpati-una narin si Bently sa pagbaba kaya naiwan kami ni Shenna na nakatayo sa hagdan. 

"Ate. What Bently said? It's true! Your future husband just arrived kaninang five ng umaga. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-ink in sa 'kin ang lahat. Owemji ate! I thought that it's not true?! Why the hell na ikakasal ka na? How the hell there is a freaking man in your sala talking with your parents?"

Literal akong napanganga. Kaya pala parang lutang ang mga ito kanina at aligaga rin na tumulong sa pag-aayos ko. Hindi ini-expect ng mga kaibigan ko na seryoso ang usapan na natunghayan nila kagabi. 

Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mamataan ang bulto ng mga tao na nakapa-ikot at naka-upo sa aming malawak na living room.

I saw my father and mother in the left side, magkatabi ito at halatang masaya sa pag-uusap. 

Naglakad ako papalapit sa mga ito, my sight was fixed in my parents when her gazed suddenly caught a familiar man sitting comfortably in the couch.

Tumayo ito at nakangiting sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Natulos ako sa kinatatayuan. 

"My girlfriend!" Angel giggled happily as he hugged me tight and kissed my lips swiftly.

Napanganga ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status