Share

Chapter 4

CHAPTER 4

"SABI KO i-prepare mo lang ang mga kailangan nating damit! Hindi ko sinabing magdala ka ng mga swimsuit ko Shenna."

Nagmamaktol na pinulot ni Rin ang mga damit na napili ni Shane para sa pagluwas namin sa Central.

Biyernes na ng umaga kaya naman todo prepare na kami. Nakabihis na rin ang mga ito at nagbubuhat nalang ng mga gamit patungo sa kotse ni Bently. Ituring nalang daw naming big break ang bakasyon sa kanya-kanyang trabaho para makahinga sa polusyon ng Manila. 

Ngumuso si Shenna at inirapan ang babaeng kanina pa nagrereklamo.

"Cut it out Rin. Kung ayaw mo mag-wear ng ganyan pipilitin nalang kita pagdating dun okay? Aren't you exited? We are going to Central and the resort near by in our area is very awesome!" Shane eyes twinkled because of excitement.

Napailing-iling ako at kinuha ang foundation sa lapag bago mag-apply no'n sa mukha.

Rin's eyes rolled as she looked at Shane, irritated.

"Hindi mo ako mapipilit! Ibalik mo 'yan! Ayaw ko ng swimsuit! Saan naman tayo mag si-swimming huh? Sa putik?" sarkastikong anito habang inaagaw ang mga hinanda ng kaibigan.

Inirapan ko ang pagtatalo ng dalawa at inayos ko nalang ang pagme-make up sa mukha. Halos araw-araw nalang ay puro ganyan ang bumubungad sa akin kaya sanay na sanay na ang tainga ko sa ganitong routine.

"Goodness sake Rin Zel! You own a fvcking resort near your house!" Iritadong nakipag-agawan si Shenna at pinilit ibalik ang mga damit sa maleta.

"Hindi sa 'kin 'yun, kay Papa 'yun!" bulyaw naman ng isa.

Napa-buntong hininga ako.

Jusko! 'ke aga-aga ay para akong nasa sabungan! Kulang nalang ay magkaroon ng pustahan dito sa loob ng bahay!

Napalingon ako sa may pintuan nang bumukas iyon at iniluwa si Bently. Nakasimangot sya at masama ang tingin sa dalawa.

"Tumigil kayo mga mamsh! Nababasag ang eardrums ko alam nyo yon?" singit ni bakla na kakagaling lang sa paghahakot ng bagahe.

"HINDI!" 

Katulad ko ay napa-irap nalang ang bading at binuhat nalang ang mga natirang bag sa kotse nito. Natawa pa ako nang makitang hirap na hirap ito sa pagbubuhat kaya naman nagtatakbo si Rin para tulungan ang binata. Ayaw raw kasi masira ang bagong nail polish nya. Arte day!

Gulat akong napatingin sa kalsada ng may pumaradang kotse at lumabas doon ang isang lalaki. Maangas pa na isinara nito ang pinto, hindi man lang inayos ang parking! 

Napanganga ako ng bigla itong lumapit kay Rin at hapitin ang bewang ng dalaga bago ilayo sa pagkakatabi kay Bently.

Gusto kong maubo bigla.

"Huy sist!" mahinang tawag ko kay Shenna na hindi matapos-tapos sa pag-empake.

"Sino 'yun?" curious na tanong ko at tinuro ang bagong dating.

Natatawa itong umirap at bumalik sa ginagawa.

"Boss ni Rin," simpleng anito.

Ibinalik ko ang paningin sa tatlo na nakatitig lang sa isa 't isa. Para bang kahit anong oras ay magsasapakan na silang tatlo. Halos hindi naman maitsurahan ang mukha ni Rin at pinipilit tanggalin ang kamay ng binata sa bewang nya ngunit hindi naman ito natinag.

"Mukhang mapapasabak nang away ang bakla natin sisst," usal ko.

Natapos ni Shenna ang ginagawa at ini-ayos ang next na maleta para ma-ilagay sa kotse.

Lumapit ito ulit sa pwesto ko bago naki-usyoso.

"Oo nga ate, parang may fight na magaganap!"

Natawa ako sa ka-conyohan nya bago pakinggan ang pagtatalo ng tatlo.

"Gago ka ba, ha? Gago ka nga. Hindi ka pwedeng sumama ro'n!" Halatang iritado na ani ni Rin. Napangisi ako dahil kanina pang umaga sira ang araw ng isang 'yan. Baka red days nya kaya hindi ko na 'rin kinulit.

"Let me go with you or I'll fire you in a snap Rin Zel," ani ng lalaki. Lalong namula sa galit ang mukha ni Rin at hinila si Bently papalayo roon.

Nang matapos ay inis na naglakad papadabog si Rin at lumapit sa gawi namin.

"Kay boss daw ako sasakay. Sasama raw ang gago," nakangusong anito.

"Nahihilo ako sa inyo simula kaninang umaga ha! Masasapak pa ata ako ng boss mo mamsh!" tili ni Bently at maarteng pumasok sa loob.

Binalingan ko ulit ng tingin ang lalaki na preskong sumandal sa kanyang kotse, naghihintay at nakatitig kay Rin. Humarap ang babae at ipinakita dito ang gitnang daliri kaya natatawang bumaling sa iba ang paningin ng gwapong binata.

"Buntot mo ba si Charles huh? Pansin ko na lagi mo nalang 'yan kasunod," usal ni Shenna at nakangiwing tiningnan din ang nasa labas.

Humalukipkip ang tsismosang bading at masamang tumitig kay Shenna.

"Charles? You mean, Charles Andrei Ferrer? Sya 'yung may-ari nung Nightmare club 'di ba? 'Yung pinuntahan natin nung nakaraan? Kung makatingin sa 'kin parang masarap ata ako. Masarap ibitay! Hindi ata ako nakilala ni bakla! Napagkamalan ata akong man power nung fafabelz na 'yun!"

Napasapo nalang sa noo si Rin at yumakap sa akin.

"Ate Ems sa inyo nalang ako sasabay. Dali na," paawang ani nito at nagmamaka-awa pa ang loka. Tinulak ko ang noo nya kaya napanguso lang sya.

"Sumabay ka na sa boss mo. Ayaw mo nun? Maluwang sa kotse nya, free ka magta-tumbling." I laugh as she pouted irritatedly. Naiinis na talaga.

"Kapag daw hindi ko sya pinasama, huwag na raw ako sumama roon. Hindi nya ako papayagan sa hinihiling kong leave at tatanggalin sa trabaho! Magagalit naman si Papa kapag hindi ako natuloy kaya tangina nya talaga." Padabog na tumungo ito sa boss nya na nakataas ang sulok ng labi. Hila-hila ang isa nyang maleta at inis na itinulak sa amo nya. Umaray ito at sinamaan ng tingin ang nakabusangot na si Rin.

Napabaling ako ng i-lock ni Shane ang pinto at sumenyas na 'tara na raw'. Tumango ako bago i-check ang mukha ko sa maliit na salamin na aking hawak.

Tama lang ang light make-up na in-apply ko at bagay ang kulay nito sa aking damit.

I choose to pick an off-shoulder beige dress making my attractive colar bone in sight. Hindi maliit ang dibdib ko kaya tama lang sa outfit ko ngayon, besides wala naman kaming ibang makakasalamuha sa Central kung hindi ang Mama at Papa ko at ang ibang mga kapit-bahay namin na laging updated sa buhay naming tatlo.

Ewan ko ba, people hates gossips and gossipers a lot but love to talks about someone elses life. Funny how they hated themselves so much, secretly.

Hindi naman ganoon kayaman ang pamilya naming tatlo pero bakit lagi kaming laman ng balita sa baryo namin? Para ngang walang mapapagkatiwalaan doon dahil kaunting kibo mo ay alam na dapat ng lahat. Although, friendly naman sila. I just hate the guts of some of them, hindi ko nilalahat, na magsalita na parang kilalang-kilala kami kahit hindi naman namin ka-close. Dagdag-bawas ang mga kwento nila at talaga namang nakaka-irita!

"Alam mo Anna Marie nag-umpisa na akong kabahan. Biruin mo mamsh, ikakasal ka tapos hindi mo alam kung daks o juts ba? Ang hirap lang isipin nun!" ani Bently na naka-upo ngayon sa likod ng sarili nitong kotse. Ako muna ang nagda-drive dahil ayaw nga raw nyang masira ang mga kuko nya.

Nangunot ang noo ko.

"Kahit daks o juts 'yan wala naman akong pake Bently, okay? Basta ayaw ko ikasal," mapait na ani ko.

Pumalakpak ang bakla habang kinalabit pa ako sa braso na parang may naisip na idea.

"Pwede naman tayong lumihis ng way mamshi! 'Di ba Shekangkang?"

Nabalot ng pagkadisgusto ang mukha ni Shane at sinampal ng mahina ang pisngi nito.

"Lahat ng nicknames na ikaw ang nag-create sounds so wrong!" inis na anito at nagsuot nalang ng head set. 

"Anong lumihis ng way baks?" Umirap ako at bumuga ng hangin. "Mamaya atakihin pa sa puso si Mama dahil sa kagaguhan mo eh," sabi ko.

"Wow ha? Ako pa ang mali eh nag propose ka nga sa 'kin, 'di ba? Etchosera ka!"

"Hindi ka naman pumayag 'di ba? Anong inaarte-arte mo? Kahit sana itong kotse mo nalang ang kapalit huwag lang ako makasal," biro ko ngunit sinampal nya ang braso ko nang mahina.

"Wow ha? Nanahimik ang Poochi ko. Pag gwapo talaga ang mapapangasawa mo Anna Marie nako ka! Itabi mo, ako na!"

I rolled my eyes and cursed mentally.

Sana nga...

*

Nagpatuloy ang ilang oras naming byahe. Ako muna ang nagda-drive, pag-antok na ako ay papalitan naman ako ni Shenna dahil marunong naman ito. Minsan ay titigil kami para kumain o hindi kaya ay kapag naiihi raw si Rin na kasunod lang namin ang kotse. 

"Alam nyo, may something fishy sa dalawang 'yan," tukoy ni Bently kila Rin habang nakatuon ang pansin sa pagtatalo nito ng boss nya. Huminto kami sa isang resto dahil malayo-layo pa ang Central. Padilim na rin naman kaya mag hahapunan na kami. Gutom na raw ang dalawa kong hinayupak na kasama kaya no choice na pababain din ang kasunod naming kotse.

Sumandok ako ng kanin at nilingon ang nasa likuran.

"Typical lang siguro na relasyon ng boss at madaldal na secretary," aniko at uminom ng tubig.

Tinaasan ni Shenna ng kilay si Bently at ngumiwi.

"Ikaw lang naman ang amoy malangsang isda dito." Irap ni Shane at nagpatuloy sa pagkain. 

Napasapo nalang ako ng noo. 

Baka maya-maya ay magsigawan na sila, at tama nga ako. Nagsisipaan na sila ng paa sa ilalim ng lamesa kaya napatingin sa amin ang mga taong kalapit lang ng aming table.

Sinita ko ang dalawa at yumuko.

"Ano ba kayong dalawa? Para kayong mga bata. Bawal mag-away sa hapag okay? Nasaan ang respeto nyo sa pagkain at sa mga tao rito?" inis bahagya na angil ko.

Winahi ni bakla ang imaginary luha nya at maarteng ipinagdikit ang kamay. "Sana naging madre ka nalang," ani nito. Nang-aasar.

"'Pag hindi kayo tumigil, pag-uumpugin ko ang magsisimula ng ingay," banta ko at bahagyang sumimangot.

Agad namang nagturuan ang dalawa habang parehong may laman na pagkain ang bibig.

Bumuntong hininga ako at pekeng ngumiti. Para akong nagka-anak dahil sa kakulitan nila.

"Sabi mo, ikaw at me~

We are things sa isa't isa~

Ngunit now wala ka na~

Nasayang laaang~"

Pagkanta ni Bently sa kanta ng ' The Juans' na halatang iniinsulto si Shane na agad naman napansin ng dalaga.

Napapikit ako nang mariin dahil sa matinis na boses nito.

"How dum-dum Theodore, hindi ako ganyan kumanta," sambit ni Shenna habang nagre-retouch ng make up. Prenteng nakaupo iyon doon sa backseat at busy sa pag-aapply ng lipstick.

Pinaglayo ko na silang dalawa dahil nagsasakitan na kapag nagkapikunan. 

Hawak ko ang manibela at tumingin sa orasan. Alas syete na pala ng gabi pero wala pa rin kami sa patutunguhan namin. Kung hindi kasi kami titigil nang matagal dahil sa kaek-ekan nitong dalawa, may bibilhin na pagkain at mga kung ano-ano sa daan.

Para ngang na-alog na ang utak ko sa sobrang haba ng byahe namin. Kapag may naraanan pa raw kami nila Bently na tindahan ay bibili pa raw kami ng pasalubong. 

Ayos lang naman iyon, kesa ma-isip ko ang mangyayari once na maka-uwi na kami.

"How arte Shenna, madilim na tapos nagli-lipstick ka pa? Gusto mo bang may humalik sa 'yo as in now?" mataray na ani ng bading.

"I'm fine, thank you. Ayaw ko mahalikan ng tsokoy kaya no thanks," sarkastikong ani ni Shenna.

Dramatic naman na mapasinghap ang katabi ko at lumingon sa back seat. Umungos ako. Tsk! Parang mga bata!

"May sinabi ba ako na ako ang hahalik sa'yo? At mermaid ako, hindi tsokoy! Feelingera." 

"May sinabi ba ako na ikaw ang tsokoy na ayaw kong halikan? Etchosera!"

"So gusto mo mag-kiss tayo ganun?" Bakas ang pandidiri sa boses ni Bently pero lamang ang pang-aasar doon.

Peke akong napangiti at pinigilan ang sarili na busngalan ang dalawa.

"How gross Theodore! Fvck you," pikon na ani Shane. Maarteng nag flip hair si bakla.

"Sinabi ko naman sa 'yo, pag naging boylet ako ayaw ko sa flat Shentot. Halika palakihin natin." Nagpatuloy ito sa pang-aasar.

Natawa naman ako ng hiklatin ni Shenna ang buhok nito mula sa backseat at sinabunutan.

"I hate you! I hate you!"

"Ang flat mo! Ang flat mo!"

"Inggit kalang because I have natural boobies unlike you! You witch!"

"Paano ako maiingit? Eh wala ka namang boobs na kakainggitan?!"

Natigil lang ang dalawa sa pag-aaway nang mauntog sila pareho dahil sa bako-bakong daan. I smile sheepishly.

Inis ang mga itong tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"What did I do?" maang na sabi ko.

"Malapit na tayo kaya pinagsi-seatbelt ko na kayo kanina pa, duhh," irap ko at hindi pinansin ang dalawa sa pagra-rant.

Maya-maya lang nanahimik ang mga ito ngunit nabasag din ang katahimikan ng magtanong si Bently.

"Hunted house ba ang baryo niyo dai? Bakit parang na-scam ako ni Shenna?"

Shane's eyes rolled in annoyance.

"Anong ako? Besides I actually told you that we leave in a province so quit butting in with your shenanigans," anito.

"Eneng eke? Beseyds nyenyenyenye en de prebens nyenyenye," pang-aatig ng isa kaya naman natapik ko sya at nginusuan.

"Theodore na mukhang chipmunks, tumigil ka o ihahagis kita palabas," angil ko. Ngumuso sya at inungusan ako.

"Hilig mong mang basag-trip Anna Marie, hindi ka naman nag papanty." Sinamaan ko sya nang tingin.

"Victoria ang tatak ng panty ko bakla, inggit kalang kasi wala kang keps." Pang-aasar ko sa kanya. Bahagya pang umalog ang daan dahil mabato na ito, hudyat na malapit na kami sa baryo namin.

"Yah ate. Inggit lang sya kasi pinanganak syang lalaking chipmunks," natatawang ani rin ni Shenna.

"Ah talaga ba Shenna May Chlorine? Apelyido mo pang tanggal ng mancha sa damit."

"Ah talaga ba Bently Theodore Santos? Apelyido mo pang banal, at Collins 'yun dzuhh. Nasaan ang 'r' doon?"

"Check mo sa dibdib mo mars, baka nalaglag sa foam mo."

Tinadyakan ni Shenna ang upuan ng katabi ko kaya napa-iktad si Bently at natatawang dinuro si Shenna.

"Oh 'di ba? Pikon kasi flat." Tinitigan pa nito ang sariling dibdib. "Kapag naging babae ako, pakiramdam ko machurva ang boobs ko," nangangarap na ani nito.

Tumawa ng malakas si Shenna at napahawak pa sa tyan bago nagsalita.

"Luhh asa ka!"

Sabay naming ani kaya naman napahalukipkip ang bading at para silang mu-murderin na tinitigan.

*

"KIAHHHHHHH! Namiss kita super!"

Umalingawngaw ang mala mega phone na tinig ng pinsan ko bago hapitin nang yakap ang isa naming kababata.

"Hala?! Rin! Shenna! Ate?! Ang gaganda nyo na! Anong sabon nyo?" Nagbibirong ani nito pero maangas ang dating. Suot ang oversize T-shirt at naka baliktad at suot ang sumbrero habang sinalubong kami ng ngiti.

Nangingiting niyakap at nakipag-beso ako sa kanya at binati ito.

"You look pretty parin Kiah! Kamusta si Nanay Selya and Tatay Coco?" Mahigpit na niyakap ni Shenna si Kiah at nagkamustahan. Sa kanilang tatlo kasi ay ito ang pinaka close nito.  

"Anong maganda? Kadiri ampota." Nabalot ng pagkadisgusto ang mukha ni Kiah bago matawa sa sinabi ni Shenna.

"Ayos lang sila Nanay Selya at Tatay Coco. Nandiyan sila sa loob ng bahay nila Ate Ems. Tumulong kasi kami sa pag-lilinis at pag luluto eh, tiyak na gutom na kayo at kailangan ng magpahinga," sambit nito.

Nilingon ko si Bently at natatawang minasdan ang ekspresyon nito. Nakatingala kasi at parang dinadama ang preskong hangin.

"Ang fresh ng air!" sigaw nito sa kalagitnaan ng gabi. Agad na tinakpan ko ang bunganga niya. Nag-echo pa kasi ang boses nito sa aming lugar kaya nagsitahulan ang mga aso.

"Ano ka ba? Tulog na ang mga tao ng ganitong oras Berta okay? Bawal ang maingay dito," bulong ko.

Umungos ito bago sumulyap kay Kiah na nasa likod, kausap si Shane. "Bently ang itawag mo sa pretty na ako Anna. At tulog na ba ang mga tao dito sa ganitong oras? Anong tawag mo ryan sa negrang kausap ni Shenna? Alien?"

Napangiwi ako.

"Gago napaka sama talaga ng ugali mo," inis na bulong ko at hinatak ito papalapit sa dalawang busy sa pakikipag-usap.

"Kiah, si Bently Theodore kaibigan ko. Bently si Kiah, kababata namin." Pagpapakilala ko. 

Nagulat ako nang tumikhim si Bently bago magsalita.

"Uhmm... H-hi?" alanganing anito.

Ngumiwi ito sa akin at bumulong.

"Shuta ka 'di ako prepared."

Nahampas ko ng palad ang sariling noo dahil para itong tanga na nakatitig lang sa kamay na nakalahad ni Kiah.

Tumaas ang gilid na labi ng huli at binawi ang kamay.

"Bakla ka 'no?" Nakipagtitigan ito kay Bently, walang ekspresyon at seryoso.

Pinilit kong hindi matawa. 

Para namang natulos sa kinatatayuan si Bently. Nabigla ata sa angas na ipinakita ni Kiah. Kinagat ko ang loob ng pisngi para hindi makapagsalita dahil ang tagal nilang nakatingin sa isa't isa.

Binalingan ko si Shenna na parang gulong-gulo sa inaasal ng dalawa.

"Bakla ka nga," sarkastiko pang tumawa si Kiah at nang-aasar na binalingan ang bading, hindi parin ito nagre-respond.

Na-star struck ata.

Hindi ko ma-imagine na nilalait nya ito mga ilang segundo lang ang nakalipas at ngayon ay wala syang masabi.

Bakla nga sya.

Natauhan lang ito ng sumulpot si Rin galing kung saan at hiniklat silang dalawa. Kakain na raw kahit kakakain lang namin kanina at naka-ilang tigil sa mga nadaraanan na tindahan sa bayan. Pasalubong at snacks daw sa picnic kung may magaganap man na ganoon.

Nangingiti akong sumunod sa kanila at naglakad patungo sa loob ng bahay.

Humakbang ako papasok sa pintuan, naroon nga sila mama at papa. Nakatingin ng diretso sa akin at halatang nagagalak na nakarating ako rito. Hindi dahil namiss ako ng mga ito...

Kung hindi dahil sa ako ang magiging paraan para matupad ang gusto nila...

Kapalit ng kalayaan ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status