Share

Chapter 7

CHAPTER 7

"KALOKA! KASING fresh ko ang water!"

Napanood ko kung paano taasan nila Shenna at iba pang kaibigan ng gitnang daliri ang bakla na parang nasa Titanic, nakadipa ang kamay at feeling may yumayakap sa likod.

"Ulul!"

"Tangina ihuhulog ko 'yan dyan."

"So gross, Theodore!"

Napangiwi ako. Mga wala talagang support sa isa't isa ang mga ito. Mas gusto pa atang magbangayan all night hanggang sa matuyuan ng laway kaysa mag open forum at maging sweet.

Speaking of maging sweet, nasa tabi ko ngayon si Angel habang nakalublob sa tubig ang mga paa nito. Ginagaya nya raw ako sa pagre-relax dahil maliban sa malamig ang tubig ay malalim din iyon. Hindi ako marunong lumangoy.

"Bakit? Ganoon ba ako kaganda para kainggitan ang beauty?!" eksahaderang ani ni Bently at madramang hinawakan ang sariling d****b. Isa-isa namang umikot ang mga mata ng mga kaibigan ko.

"Kadiri ka Bently! Bakit ba isinama pa kita dito?" nang-uuyam na ani ko.

Pumilantik ang kamay ng bakla at nag-fashion show sa mahabang bato na naroon. 

"Isinama mo ako kasi gold ako mamsh!" Parang tanga na ani nya at dinuro ang sarili. "At ano kaba! Para gawing katulong noong bruha dyan! 'Di ba Shenna?" sarkastikong ani nya pa.

Pinakyuhan sya ni Shenna na naglalangoy habang si Rin naman ay tinawanan ang mga ito.

"Ginawa nya akong tagahugas ng plato kagabi. Wala pa raw kasing mga tao sa bahay nila! Wala pa ring maid jusko! Kalaki ng bahay tapos walang maid!" tsismis nya at sinamaan nang tingin si Shane.

Sa inis ni Shenna ay tinilamsikan niya ng tubig ang bading na nagtitili.

"Hindi kita ginawang katulong Theodore! Ngayon lang darating ang mga maids kasi they thought na bukas pa ang arrive natin! My Daddy and Mommy also thinks the same! Hindi sila prepare, and fvck you! Pinagkainan mo 'yun tapos ako ang pag huhugasin mo?" angil nito.

Bumuntong hininga nalang ako bago tumayo at hilahin si Angel patungo sa balsa na naroon.

May falls at malinaw ang tubig sa napili naming pag-picnican.

Ayaw kasi kaming dalhin ni Rin sa mismong resort kaya ang karugtong nalang na ilog ang pinagdalhan nya sa 'min. Summer daw kasi ngayon at hindi rin naman namin ma e-enjoy dahil puno na daw ang tao doon.

Maganda ang lugar, may balsa at dalawang cottage na naroon. Pinasadya daw ni Tito Rick dahil kapag minsan ay dito rin napunta sila Tita Jo para magpahangin o magbalsa. Masyadong crowded ang resort at hindi makapag-relax ang mag-asawa.

Inalalayan ako ni Angel na sumampa sa kawayang balsa at sumunod naman ito sa 'kin. Exited kong hinawakan ang tali na nagsisilbing trail ng balsa patungo sa dulo at pabalik naman sa kinaroroonan namin.

I smiled as the cool air touched my body so I gently closed my eyes as a sign of relaxation. 

Hinawakan ng dalawang kamay ko ang tali kaya napasinghap pa ako ng unti-unting gumalaw ang kinaroroonan namin.

Tinitigan ko si Angel ang na minsan-minsang tumatawa kaoag muntikan na kaming parehong matutumba o mawawalan ng balanse kaya uupo ito at sasabihan akong huwag gaano gumalaw. Stable naman ang balsa at alam king hindi ito basta-basta tatangayin ng agos kung maingat at dahan-dahan ang hatak ng lubid.

Masaya akong ngumiti at pinanood sya na mag-control sa balsa kaya't na-enjoy ko ang tanawin na aming dinadaanan.

Hindi ko itatangi, nangangamba pa rin ako. Hindi maiaalis sa utak nya iyon dahil simula ng gumulo ang sitwasyon ay napupuyat sya sa kakaisip nang kalalabasan ng ganoong set-up.

Ibinaling ko ang tingin kay Angel na malumanay na hinihila ang tali. Sumusulyap ito sa akin at ngingiti ng labas ang biloy at ibabalik ang paningin sa ginagawa.

Tahimik ito simula kanina. Iilang salita ang nalabas sa bibig at magsasalita lamang pag kinakausap ko. Napalunok ako ng pagmasdan ang kabuuan ng katawan nito. Gwapo talaga sya, inaamin ko iyon. Ang abong mata nito na masigla ngunit misteryoso ang unang nakakuha ng atensyon ko simula nang una ko syang makita. Ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi, makapal na kilay at higit sa lahat ay ang mapupulang labi na hinalikan nya para lang mapatahimik ito. 

Binalot ng pamumula ang mukha ko. Napahawak ako sa noo ng maramdaman ang kahihiyan. Bakit ba kasi ang harot-harot ko kapag kasama si Angel?

Pakiramdam ko tuloy ay nawalan ako ng dignidad dahil sa pagiging haliparot.

'Dignidad? Bigword!'

Nagulat ako nang tumigil ang sinasakyan namin at maramdaman ang kamay nito sa aking noo.

Ipinaling nito ang ulo ko na para bang sinusuri nya ako bago ibinaba ang haplos niyon sa aking leeg.

Napasinghap ito at nag-aalalang tinanong ako. "You look red.Do you have a fever?"

Napakurap-kurap ako at umiling. 

"Hindi no! Masyado ka lang hot kaya kailangan kitang itulak," nakangiwing wika ko para itago ang pamumula ng mukha.

Kumunot ang noo nito at tumaas ang isang kilay.

"Really huh? But I don't have any fever," he said, pouting his red lips. 

Labas ngipin akong ngumiti at walang pasabing itinulak siya sa balsa. Na-guilty tuloy ako bigla nang umahon itong b**a at bakat ang mga abs.

Napatakip ako ng bibig bago takpan ang aking mga mata.

'Owemji! May abs!'

Naghuhuromentado ang malandi kong isip dahil sa nakita. Tinakpan ko ang mata pero nakasilip pa rin naman sya at pinagpipiyestahan ang katawan nito.

Ngunit bumalatay ang gulat sa mukha ko when Angel grabbed my pulse and push my body to fall in the water. I scream and gasp when the cold water touches my skin.

Tangina! Hindi ako marunong maglangoy!

Binalot ng takot ang sistema ko nang pinilit kong pumadyak sa ilalim ng tubig pero bigo na maka-ahon sa pagkakahulog sa balsa. Naghuhurumentado na ang kaloob-looban ko pero pinilit kong lumangoy.

Naramdaman ko nalang na itinataas ang katawan ko nang may pumulupot na kamay sa aking bewang at iniahon ako.

Humihingal na hinabol ko ang hininga at kapos na napahawak sa d****b.

Sa sobrang inis at kaba ko ay naiiyak ko syang sinuntok-suntok sa braso.

"Papatayin mo ba ako? Ha?! Fvck ka ba?!" galit na sigaw ko at naiiyak na tinitigan ang mata nya.

Sinulyapan ko ang mukha ni Angel na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"I-im sorry. I thought you k-know how to swim." He lowered his head and pull me to a hug. Napamulagat ako sa gulat.

Ang kaba na kanina na nararamdaman ko ay unti-unting nawala.

Paano nya nagagawa sa akin 'to. Paano nya nalulusaw ang galit na naramdaman ko lang kanina.

Hinawakan ko ito sa balikat ngunit na pakurap-kurap ako nang makitang namumula na ang mga mata nito.

"H-hoy! Bakit ikaw ang umiiyak? H-hoy Angel t-tigilan mo nga 'yan!" nahahagas na ani ko.

Hinawakan ako nito sa magkabilang bewang bago hilain at yakapin ulit.

"I-I'm sorry. Did it hurt you? Did I scared you? S-sorry girlfriend," he whispered as my shoulder started to feel his warm tears.

"N-natakot lang naman ako. H-huwag kana umiyak. A-ayos na ako, hindi na'ko galit." I assured him. 

Napalingon ako sa pinanggalingan namin ng makitang may bato pala sa gilid na nakaharang doon. 

Ngumiti ako ng maramdamang kumalma sya at pinunasan ang mga luhang nagkalat sa pisngi.

"Ang iyakin naman ng boyfriend ko! Kaya mo ba ako hinulog dahil tatama tayo sa bato na nakaharang kanina sa daan?" 

Ngumuso ito at nilingon ang likuran ko bago tumango ng ilang ulit.

Natatawa kong sinapo ang pisngi nito na b**a dahil sa pag-iyak.

"Hindi mo naman sa 'kin sinabi. Edi sana naiwasan na 'tin agad." Kunwaring maktol ko.

Kinunutan ako nito ng noo.

"Paano natin maiiwasan kung hindi mo alam?" parang batang ani nito. 

Sinamaan ko sya nang tingin.

"Merong tali ang balsa natin Daewon. Madali lang iiwas 'yon. Maliban nalang kung tumama na ang balsa sa bato," sarkastikong ani ko at umirap sa hangin.

Hinawakan ni Angel ang mukha ko at iniharap sa kanang bahagi ng balsa. Napanganga ako ng makitang sira na ang gilid no'n.

Itinikom ko ang bibig at iniwas ang tingin nang makaramdam ng kahihiyan.

Gusto kong pagtawanan ang sarili. Mga benteng tawa para todo na sa pagkapahiya. Ang lakas ko kasi makapag-inarte, eh mabuti nga at naroon ang lalaki para alisin ako sa balsa kung hindi ay baka tumaob na ito ng kasama kaming dalawa.

Yun nga lang ay hindi talaga ako marunong lumangoy.

Napipi ako kaya sa buong pagbabalsa namin ay hindi ako nagsalita. Ayaw ko mapahiya ulit sa kanya.

Tipid akong ngumiti nang alalayan ako nito makababa. 

"T-thanks."

Parang batang ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, iginaya ako sa nakalatag na mantel doon.

"Wow naman! Akala ko ba ay hindi ka naglalangoy Anna Marie?" May pang-aakusang tinitigan ako ni Bently. Nagpalit na ito ng damit at nakasuot nalang ng loose shirt at summer short. Sila Shane at Rin naman ay may pinagku-kwentuhan at mukha hindi pa ako napapansin.

"Magbibihis lang ako. Babalik rin ako kaagad," sabi ko at hindi pinansin ang nanunuksong tingin ni Bently.

I open my bag and pick an off-shoulder and a designer short. Pinatuyo ko na rin ang basang buhok at nag-apply ng lotion para hindi mangitim.

"Tapos ka na?" I asked Angel as he looked at me intently. Sinuyod nito nang tingin ang aking suot mula ulo hanggang paa.

"Yes. Bently called, he wants us to go there and eat."

Tumango ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Pinartneran ko ng sunglasses and suot para magmukhang nasa beach.

Nilingon ko ang binata na nakasunod ang tingin sa aking ginagawa.

"What?" Taas kilay na sambit ko.

Angel's brows furrowed. 

He tilted his head and examined my clothes. 

"Wear something that don't expose your legs." Masama ang tingin nito sa damit ko kaya pinadyak ko ang paa para umangat ang tingin nito sa aking mukha.

"It's summer. What do you want me to do? Wear a goddamn sweater?" sarkastikong sambit ko at humarap sa salamin.

"Yes," tugon ni Angel na nakapagpa-awang ng labi ko

"As far as I know, I am your boyfriend. You shouldn't let your skin be expose. That's for me only, right? I'm your husband!" Parang bata na ngumuso ito at lumapit sa gawi ko.

Taas kilay na hinarap ko sya at pinitik ang nakakunot na noo nito.

"Magiging asawa palang kita Trinus. Tigilan mo ako. Hindi mo nga alam ang tungkol sa sex tapos pagbabawalan mo akong magsuot ng gusto kong damit?"

Naalala ko ulit ang una naming pagkikita sa bar. Naalala ko kung paano ito umakto na parang alien dahil sa sinabi ko.

Tumaas ang isang kilay nito. Naguguluhan sa sinabi ko bago hawakan ang laylayan ng off-shoulder ko at tangkang itataas iyon.

"Hoy! Hoy! A-ano sa t-tingin mo ang ginagawa mo?!" gilalas na sabi ko at hinawakan ang braso niya.

Napalunok ako nang maalala ang sinabi niya rito kanina lang.

"H-hoy! Mister Trinus! L-lumayo ka nga sa akin!"

A sexy smile crept in his lips as he looked at my eyes directly.

"Papalitan kita ng damit. Shut your mouth first okay? I don't want them to see you showing some skin."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status