Share

Chapter 6

CHAPTER 6

LITERAL NA napanganga ang mga kaibigan ko sa ginawa ni Angel. Maging ang mga magulang ko ay awang ang mga labi habang walang namutawing salita sa aking bibig.

Tangina?! Anong ginagawa ni Angel dito?!

Naghuhuromentado ang kabog ng dibdib ko. Kanina pa ito parang tambol na nagwawala sa aking katawan.

'Shet! Ibang level ang gulat ko!'

Napatingin ako sa mata ni Angel na parang bata at tuwang-tuwa na makita ako. Niyakap nya ulit ako nang mahigpit kaya halos hindi na ako makahinga.

"A-angel! A-angel hindi ako m-makahinga," nanghihinang wika ko. I gripped his ripped arms tightly, begging him to let me go dahil nasasakal na ako. Sa tigas ng braso nya ay parang babalian nya ako ng buto dahil ayaw nya talaga ako pakawalan ng yakap.

"I missed you girlfriend," he muttered slowly, his voice was deep and dangerously sexy. Napalunok ako ng lalong nag-panic sa pagtibok ang puso ko.

Niluwagan nito ang yakap sa akin, sapat na para makahinga ako pero hindi pa rin ako bininitawan. Ibinaon pa nito ang mukha sa leeg ko at bahagyang nagpatak ng halik doon. Nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Ano ba ang iniisip ng lalaki ito? At ano ang ginagawa nito sa harap ng mga magulang ko?!

Gusto ko tumili at magtu-tumbling sa konsumisyon, gulat, at marami pang emosyon na sabay-sabay na nararamdaman ko.

Nang bitawan ako nito ay iniharap nya ako mama at papa na bakas parin ang pagkagulat sa mukha.

"Mr. Escyda, this is my girlfriend!" Tila proud na anito at hinapit ako papalapit sa bisig nya. Para syang tatay na sobrang proud na ipakilala ako sa mismong harap ng mga magulang ko! 

'Bwiset ka Angel!'

Napasapo ako ng noo.

Umawang ang labi ng mama ko at kumurapkurap. Ang papa ko naman ay parang loading sa mga nangyayari lalo na ang tatlo kong kaibigan na ang paningin ay nasa akin.

Angel's hand grabbed my waist slowly and offered me a sit while smiling cutely directly at my fvcking face! Parang wala rin itong pake sa paligid at nasa mukha ko ang atensyon.

Namula ang pisngi ko nang nakawan ako nito ng halik!

Sinamaan ko sya ng tingin pero pilyo lang itong ngumisi sa akin. Ano ang iniisip ng lalaking ito? Puro pa-cute at paghalik ang ginagawa nya sa akin simula ng makita nya ako!

Tyaka lang ata nawala ng atensyon nya sa 'kin nang tumikhim si papa na nakatungo at bumaling sa aming dalawa.

"Mr. Trinus, I would like you to meet Anna Marie Escyda. My daughter." Dad formally introduced me to him. 

He smiled cheekily as he turn his dark gray eyes at me and finally look at my parents.

"Yah, and she's mine." His tone  changes immediately with a serious and formal voice. 

Tumikhim ako ng ilang beses at napalunok. Lumingon ako kay Mama na parang humihingi na ng pasensya ang mga mata pero nandoon ang pag-aalala ng mga ito sa akin.

"S-so... ahmm s-sya ang m-mapapangasawa ko?" mahinang tanong ko.

Nababahalang tumango si Mama at ibinaling kay Angel ang paningin.

"A-anak, sya si Mr. Angel Trinus... he will be your future husband." Pahina nang pahina ang boses nito. 

I chuckled, amused by their reaction.

Halata ang gulat sa aking mga magulang ng  seryoso akong tumango. Gayundin ang mga kaibigan ko na nakiki-usyoso sa gilid... maliban kay Rin na kumakain ng biscuit at isinasawsaw iyon sa kape, wala ang paningin sa amin.

Balisang nagkatinginan sila mama at papa, gulat sa naging reaksyon ko sa kasal gayong sila naman ang nagpumulit no'n.

Ibinaling ko ang paningin sa lalaking hindi maalis ang tingin sa akin.

*

Bumuntong hininga ako habang naglalakad patungo sa aking kwarto kabuntot si Angel. Sinabi ko na sa guestroom nalang sya magpahinga pero makulit ang isang ito at hindi matigil sa kaka-rant na sa kwarto ko raw sya tutulog saglit. Magiging-asawa naman daw nya ako. Ngumiwi ako at napa-iling. 

Ilang araw ko rin sya hindi nakita at ganun nalang ang gulat ko ng malamang sya pala ang Trinus na sinasabi ni mama. Hindi ko tuloy mapigilang ngumuso dahil na-aawkwardan ako.

"Anong ginagawa mo d-dito?" bulong ko ng makapasok ito sa kwarto ko at tuluyang nahiga sa kama.

Tumawa lang ito at isinubsub ang ulo sa mga unan ko.

"Ang bango mo," ani nito pero unan naman ang ina-amoy.

"Aware ka naman na may laway ko 'yan hindi ba? Tumayo ka nga riyan at mag-uusap tayo Trinus!" kunwaring inis na wika ko at hinila ang kamay nito patayo pero ako naman ang hinila niya kaya napadagan ako sa kanyang ibabaw.

Ibinaon ulit nito ang mukha sa pagitan ng balikat at mukha ko bago ako yakapin.

"Your body feels so warm and huggable. I want to hug and cuddle with you everyday." Hinigpitan nito ang yakap sa akin kaya ganoon nalang ang gulat ko.

Napamulagat ako bago pilitin ang sarili na tumayo sa pagkakadagan dito pero niyakap lang niya ako lalo.

"Do you know that you always visited my mind lately? I always remember how you torture my belly when I first met you..." Nakatingin ito sa aking mga mata kaya napalunok ako. "The funny part is that I want to do it with you again, minus the belly ache part," walang preno pa na anito.

Napapikit ako nang mariin. 

'Patawarin nyo po ako lordie! Sigurado po na kung anu-ano ang pinagsasabi ko rito nung lasing ako. Paki banlawan po ulit ang utak nya ng holywater ng mga baby na anghel.'

"Bitawan mo ako Angel. Mag-uusap tayo." Pinilit kong itago ang emosyon sa aking boses. Angel's arms hugged my waist tightly. Ako na ang nakasubsob sa pagitan ng leeg nito at malayang naaamoy ang panlalaki nyang amoy.

He cutely mumbled something but I can't clearly understand it dahil na focus ako sa paraan nito nang paghinga.

'I can cleary smell his manly but sweet perfume! Ano kaya ang pabango ng lalaking ito dahil pakiramdam ko ay ang sarap niya kagatin?'

Inalayo ko ang sarili sa pagkakasubsob dito kaya napakunot ang noo ng binata.

"Why? Do I smell bad?"

Kinurap-kurap nito ang mga mata at ilang saglit lang ay bumakas na ang lungkot sa mga ito.

Hindi makapaniwalang pinitik ko sya sa noo.

"Sira! Kung ano-anong iniisip mo Angel! Bitawan mo ako at mag-uusap nga tayo nang matino!" inis na talagang sabi ko.

Ngumuso ang mapupulang labi nya at nagpapaawang kinabig ang bewang ko.

"We are already talking..." he said pouting. "Tell me girlfriend, do I really smell bad?"

Wala sa wisyong umiling ako at nagpa-ubaya sa yakap nya.

"H-hindi?"

Lalong syang ngumuso at parang batang sumiksik naman sa leeg ko.

"You are uncertain! You should say 'No' or a simple 'Yes'. W-why can't you answer that properly girlfriend? Do you hate me now? Huh? You don't like me anymore, don't you? Am I ugly? Huh? Huh? Am I? Am I?" 

Nagulat ako ng humihikbi na ito sa leeg ko at humigpit ang kapit sa aking bewang.

Awang ang labi dahil sa gulat ay naiyakap ko ang kaliwang kamay sa likod nito para hagurin at aluin.

"H-hoy hindi! Hindi! Ang bango mo kaya. H-hoy huwag kana umiyak," nawiwindang na ani ko at hinimas-himas pa ang buhok nito. 

"H-huy charot lang 'yun! Gusto naman kita. O-oo, huwag ka na ryang umiyak... n-nasisipunan mo ang OOTD ko. Jusko tulong! Bently! Rin! Shane! Potek, paano ba 'to?"

Sa sobrang taranta ko dahil ramdam kong nababasa na ang balikat ko ay iniangat ko ang mukha niya. Wala na ako ibang naisip na paraan kung hindi halikan ito para tumigil sa pag-iyak.

In a one swift move, my lips molded to his as if it's a feather. Napapikit ang binata at hinapit ako lalo para halikan ng madiin.

I gasped as his touch slowly holds my head turning it sideways to kiss me furiously.

Napanganga ako!

'Aba'y hokage 'to ah!'

Ano ang sumanib sa gagong 'to? Parang kanina ay para itong batang umiiyak pero nang halikan ko ay napatigil sa pagngawa?!

Inilayo ko ang aking labi ngunit hinabol nya lang iyon.

Inis kong kinagat ang ibabang labi ni Angel para tumigil.

Masama siyang napatingin sa akin, namumula ang mukha at tainga ay nag-iwas ito nang tingin.

"This is your fault," mababang tono na anito. Mariing nakatingin sa akin kaya inirapan ko nalang sya para itago ang sarili sa kahihiyan.

"At bakit naman? Hinalikan kita kasi..." Sandali akong napaisip ng isasagot. Hinahanap ang tamang katwiran para hindi na naman ito umasta na parang bata. "...kasi umiiyak ka," sambit ko.

"Why?" Nangunot ang noo nito at tinitigan ako nang diretso. "Will you still kiss me again if I cry?" tanong nito at hinayaan akong umalis sa kandungan nya. Bakas pa sa mukha ang mga luha at ang mahabang pilik nito ay parang nagusot dahil sa pagkakakusot.

'Tsk! Parang baby...

Parang baby ko.'

Sinaway ko ang kagagahan na naiisip at sinalubong ang maamong tingin ng lalaki. Kung maaari lang ay humahagikhik na ako sa kalandian.

'Okay self kalma! Hindi ka marupok!'

"Hindi. Hindi na kita hahalikan kapag umiyak ka pa." Kunwaring banta ko. Ang makapal na kilay nito ay nag-isang linya, hindi nagustuhan ang aking sinabi.

"Am I not allowed to kiss my girlfriend?" ani nya.

Deja vu.

Parang nangyari na rin 'to dati. Oo, pero 'touch' naman ang sinabi nya noon ngunit nawindang parin ako.

Kinareer ng kigwang 'to ang kalokohan ko noong pamahong lasinga ko! Dapat talaga ay nakikinig ako sa pinsan ko! Nakakasama na sa akin ang alak!

Napailing nalang ako. 

"H-hindi naman... pero kasi u-uhmm hindi lagi," pabebeng sambit ko.

Gusto ko mapa-irap sa nasabi.

'Ang sabihin mo, gusto mo rin ng kiss sa fafabelz na yan! Hitad ka kasing tangnacca!'

Maging ang isip ko ay gustong sakalin ang sarili dahil sa kalandian.

Dati, halos maglupasay pa ako at maghuromentado sa mga lalaki kapag iniiwan na ako. Sinong mag-aakala na may mabibingwit syang malaking—

Napahinto ako sa pag-iisip. 

Bigla akong nabalot ng guilt ng magtama ang inosente nitong mga mata sa akin. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang malambot niyang buhok.

"U-uhmm m-may alam ka ba sa salitang 'girlfriend' Angel?" malumanay na ani ko. Napasulyap sya sa akin at cute na cute na ngumiti.

"Yes. You. I know you right? You are my girlfriend," he giggled.

Napasapo ako ng noo. Bumuntong hininga ako bago mag-isip ng i-eexplain. Hindi ko kasi maatim na ang sweet-sweet niya sa akin at itinuturing akong kasintahan samantalang ako ay lutang sa mga nangyayari. Ayaw kong balang-araw ay masaktan ko sya.

Inaamin ko na may kaunti ako paghanga kay Angel, pero hindi pa umaabot 'yon sa puntong gusto ko na syang maging asawa. Alam kong nababalot pa ng makapal na ulap ang utak nito dahil halata naman sa kilos at gawi, halatang wala itong karanasan sa ganoong mga bagay. Saan nga ba makakatagpo ng ganitong uri ng lalaki? Karaniwang mga fvckboy na ang uso at tinitilian ng mga babaeng pachurva lang ang bet at sisihin ang boys kapag naloko.

I mean... may galit pa ako sa lalaking ganoon pero dapat alam rin ng babae ang worth nila. Alam ko iyon dahil naranasan ko na rin na ilang beses magpakatanga at lokohin. Takot ako kaya alam ko ang halaga ko.

I sighed deeply.

"Girlfriend is a term for person or a woman who's commited to you, and the same time you should be commited to her too. Hindi basta-basta ang pagpasok sa relasyon Angel, naiintindihan mo ba? Noong gabing sinabi ko na ako na ang girlfriend mo, I wasn't in the right state of  mind. I don't want you too force yourself to me Angel, ayaw ko rin ipilit ang sarili ko sa'yo. Ayaw ko magkasakitan tayong dalawa dahil obvious naman na wala kang clue about sa set up natin," i whispered slowly. Hindi sya sumagot at napatungo na lamang.

"Alam kong ikakasal na tayo. Aware ka ba na hindi ko gustong matali na lang at hayaang mawala ang matagal ko ng pangarap? Gusto ko maging fashion designer. I'm not blaming you but I will carry a burden of trust issues if I'm not honest with you right? Ayaw ko na mangapa ka Angel, you are too innocent and precious para idamay sa kung anomang deal ang napagkasunduan ng magulang natin."

I heaved another sigh. Nawala ang kislap sa mga mata nya kaya't nababahala ko syang niyakap.

"Nalilito parin ako Angel... nahihirapan ako iproseso lahat nang nangyayari sa ilang araw lang." Napahikbi ako, making him turn his gaze at me.

"Ikaw ba? Hindi ka nahihirapang intindihin bigla? K-kasi ako? Hindi ko pa nage-gets Angel... bakit gustong-gusto at atat na atat sila Mama na ikasal ako sa 'yo at isalba ang hotel ni Lola. K-kasi iniisip ko... napakababaw na dahilang 'yon para mabitawan ko ng ganoong kadali ang pangarap ko."

Tuluyuan akong humikbi at inisubsub ang dalawang palad sa mukha.

I can't imagine filing a resignation letter to my boss and completely let my dream go. Hindi ko ma-imagine na ang ilang taon kong ipinaglaban sa magulang ko... mabibitawan ko nalang dahil sa ganoon.

"Who says you can't reach your dream when we get married, Anna?"

My body shivered when I heared him whispered.

Inangat ko ang tingin sa kanyang mukha na may naglalarong mga ngisi. Napangiti ako ng punasan ng kamay nya ang ilang luha na bumasa sa aking pisngi.

"Who says you can't reach the stars you wanted?"

Umiling-iling ako kaya hinawakan nya ang aking pisngi at iniharap sa kanya.

"Kung inaalala mo na matatali kalang sa 'kin at gagawin ang mga bagay na gusto kong gawin, hindi mangyayari 'yun. Hindi kita pipigilang abutin ang pangarap mo. Susuportahan kita."

Tuluyan akong napangiti at iniyakap ang sarili sa kanya.  Nawala ang pangamba ko na baka mawalan ako ng karapatang abutin ang mga iyon dahil sa biglaang desisyon ng aking mga magulang.

Naramdaman kong hinalikan niyo ang noo ko at masuyong hinaplos ang aking buhok.

"I will protect you at all cost girlfriend. I won't let anyone hurt you or make you cry," he mumbled.

Nanatili akong tahimik at dinama ang yakap nya hanggang sa tuluyan syang makatulog habang yakap ako.

*

  "ALAM nyo ba? Nanaginip ako! Isa raw akong fairy!"

Inirapan ko nang palihim ang mga kaibigan habang tahimik akong naglalakad sa hulihan. Inaya ako ng mga ito na pumunta sa resort ni Tito Rick dahil daw sa sobrang intense ng mga nangyayari ay ininit daw sila.

Mapakla ko silang tiningnan dahilnaghaharutan na naman ang mga ito. Mabuti nga at hindi nanila ako kinulit na magkwento raw dahil kanina pa ni Bentlt pinapatsismis ang naganap daw sa kanila ni Angel noong pumasok daw sila sa kwarto.

Paano kasi, lumabas sya ng magulo ang buhok at may bahid ng luha ang mukha. Para raw akong baliw na nakangiti habang nakatingin sa kanila.

"Wala sa mukha ninyong dalawang ang pagiging wild pero parang kinareer nyo ang BDSM?"

Naalala kong ani ni Bently pagkalabas ko sa kwarto. Namula tuloy ang mukha ko at pinilit alisin ang mga mahalay na naiisip.

"Ah talaga ba Theodore? Baka lamok ka talaga sa panaginip mo. Nalito ka lang kasi may pakpak naman pareho 'yun," nakangiwing ani ni Rin. Nakasuot ito ngayon ng maiksing short pero ilang pulgada lang naman ang taas sa tuhod habang ang balat nito sa bandang likod ay nakikita dahil sa suot na pink off shoulder croptop.

Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang binata na naka polo at shorts. Si Bently naman ay ganoon din kaso nga lang ay may sumbrero. Shane wore a cute sexy dress, tama lang sa taas nito ang suot na damit at may suot na glasses.

I fixed my red slingbag and smiled as the fresh air blew my jackie dress making it dance in the wind.

Napaka presko ng hangin!

Na-miss ko ang walang pulosyon na lugar dito sa Quezon.

Nagulat ako ng may umalalay sa akin buhat sa likod. I glanced at the handsome man standing proudly and holding my hands as if I was falling while stepping down in the stone stairs.

Angel leaned at me and kiss my hair while smiling.

"Hoy tangina nyo huwag na kayong maglandian dyan!" Narinig kong sigaw ng isa sa kanila. Shenna looked at Rin irritatedly.

"Don't cuss nga! You and your mouth Rin Zel!"

"Para namang napaka bait mong bruha ka," singit ni Theodore at hinila pa nang bahagya ang buhok ni Shenna.

"Ouch Theodore! And yes Im so kind, thank you so much," sarkastikong sambit ng kaibigan at itinulak ang kamay ni Theodore na kanina lang ay umaalalay rito.

"Wow ha? At least maingay lang si Rin hindi english spokening. Mas naiintindihan ko pa sya mamsh!"

"And what if I speak english huh? You just can't understand because you are too dummy!"

Napahilot ako sa sintido. 

"Ay galet? May mens ata Bently huwag mo na inisin," nakangusong ani ni Rin habang ang lalaking nasa likod nito ay halos takpan ang suot ng dalaga.

"Suss! Walang mens dai! May nakitang Greek God kanina tapos naging Mondragon bigla! Ewan ko sa inyo! Kaya ayaw ko sa kapwa ko babae eh, napakahirap basahin!"

Binatukan ito ni Rin at natatawang nagtuloy sa paglalakad.

"Pag naging kauri kita, mas pipiliin ko nalang maging pulgas ng aso."

"Nakakahiya sa 'yo Rin 'no? Para namang gusto kitang maging kauri. At huwag ka na humiling na maging pulgas, mukha ka ng garapata."

Natawa ako ng malakas habang pinanuod ang mga ito lakbayin ang ilang minutong lakad patungo sa pagpi-picnican namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status