Share

Office Romance: Who's your Daddy?
Office Romance: Who's your Daddy?
Author: janeebee

PROLOGUE

Matagal akong nakatingin sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang aking kabuon lalo na ang bandang tiyan. 

" Mukhang hindi naman halata, " bulong ko sa sarili suot ang isang kulay asul na blouse na tinernuhan ng itim na pants. Inalis ko mula sa pagkaka-paragan ang laylayan ng suot kong damit upang takpan ang unti-unting umuumbok na tiyan. Sa huling pagkakataon, tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin kung mukha na ba akong presintable bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto.

" Ate, may singkuwena ka ba d'yan? " ang salubong saakin ng kapati kong lalake, si Zachary.

" Bakit? Saan mo gagamitin? " tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay dahil sa pagkakaalala ko, nagbigay na ako sa kaniya ng isang linggong allowance. Miyerkules pa lang ngayon, imposibleng naubos na niya agad ang mga 'yon.

" Pandagdag lang sa pagpapa-book bind ng thesis namin. Apat na kopya raw pala ang kailangan, kaya kailangan ulit namin magbigay, " sagot niya saakin at kung babasehan ang expression niya, mukhang nagsasabi naman ng totoo ang kapatid ko. 

Inilabas ko na ang maliit na wallet ko na may disenyo pang pusa upang dumukot ng singkuweta at ibigay sa kapatid ko na agad namang nagpasalamat saakin. 

" Ang tagal na niyang wallet mo, ah? Bakit hindi ka pa bumili ng bago? " Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ng nakatatanda kong kabatid na babae, si Zekainah. Hawak nito ang anak na nasa dalawang taong gulang pa lang, si Colleen.

" Magagamit pa naman,eh. Next time na ako bibili kapag sira na talaga, " ang sabi ko na lang bago ilagay sa bag ang wallet ko at lapitan ang pamangkin ko upang magpaalam bago ako pumasok sa trabaho. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip,  ganito rin kaya ka-cute ang hitsura ng magiging anak ko? Ako kaya ang magiging kamukha o baka ang ama niya? 

" Hayaan mo ate, ibibili kita ng wallet kapag nagka-trabao na ako, " wika ni Zachary saka kinurot-kurot ang pisngi ni Colleen na tila napasobra dahil bigla na lamang itong umiyak nang malakas. Sabay naming pinaghahahampas ni ate Zekainah si Zachary dahil sa ginawa niya pero mabilis itong nakatakbo palayo saamin.

" Hoy, Zach! Bumalik ka nga rito! Ikaw ang magpatahan kay Colleen! Akala mo napakadaling patigilin sa pag-iyak 'to! " Sigaw ni ate saka inalis ang kaniyang tsinelas sa kaliwang paa upang ihagis ito patungo kay Zach na tinamaan naman sa likod pero tuloy-tuloy ito sa pagtakbo hanggang sa makalabas ng bahay. " Puñeta, 'wag kang manghihiram saakin ng charger mamaya! "

" HIndi pa ba siya nakakabili ng charger? " takhang tanong ko matapos marinig ang sinabi ni ate. " Binigyan ko siya last week ng pera para bumili ng charger, ah? "

" Naku, hindi ko alam sa kapatid natin na 'yan! Baka nauuto ka na naman. " Iiling-iling na sabi ni ate saka naglakad palayo habang pinatatahan ang anak niya. Napahawak na lang ako sa sentido, ayokong ma-stress ngayong araw na 'to. Hindi pa man ako nakakapasok, parang sasakit na ulo ko sa ganap dito sa bahay.

Lumakad na ako palabas mula sa salas at naabutan ko naman sa terrace si Papa na nakaupo sa kaniyang paboritong tumba-tumba habang nakikinig ng kanta mula sa radyo. 

Agad akong nagmano at humalik sa kaniyang noo. " Pasok na po ako, Papa. Si Maam mo pala, nasaan? "

" Nasa labas ang Mama mo. May kinakausap na bisita. Mukhang mga nangangampanya dahil ang daming tao sa labas kanina pa, " sa narinig kong sagot kay Papa, nagsalubong agad ang kilay ko. Nangangamapanya nang alas-siyete ng umaga? Tsaka hindi ba't masyado pang maaga para sa kampanya dahil sa pagkakaalam ko, may isang taon pa bago ang barangay election?

Kunot ang noo kong lumapit sa gate namin at nang buksan ko ang pinto, doon ko nakumpirma na totoo nga ang sinasabi ni Papa. Marami ngang tao sa tapat ng bahay namin at lalo pang umingay nang makita akong lumabas ng bahay. So ano, ngayon lang ba sila nakakita nang maganda?

" Ate, hindi mo naman sinabi na may mga bisita ka. " Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses ng kapatid ko. May kakaibang ngisi ito sa mukha habang tumataas-baba ang kilay niya.

" Hoy, tumigil ka nga, Zach. Nasaan 'yong binili mong charger? Sinabi ni ate saakin na nanghihiram ka pa sa kaniya, " agad kong sinita ang kapatid ko dahil magaling siyang mag-iba ng topic lalo na kapag na-corner na siya. " Last week, binigyan kita ng pambili ng charger mo para hindi ka na humihiram kay ate. Ngayon nasaan na? "

" N-naka charge siyempre. " Umiwas ito ng tingin kaya agad kong hiinila ang damit niya dahil alam kong tatakasan na naman ako nito.

" Ipakita mo saakin. Saan naka-charge? "

" Sa may saksakan siyempre. "

" Zachary, isa! "

" Nandoon sa Mall. Out of stock—aray! " Agad kong pinitik ang tainga niya resulta para agad itong mamula. 

" Hindi lang tainga mo ang mamumula saakin, pati 'yang itlog mo magkukulay violet, kapag nalaman kong sa iba mo ginamit ang pera! " Inis na sigaw ko at nakahandang humirit pa ng isa nang mapansin ko ang biglang pananahimik ng paligid ko na kanina lang ay nagkakagulo.

" Masyado ka namang malupit sa kapatid mo, Miss Zenaida. " Napaligon agad ako sa likuran nang marinig ang pamilyar na boses ng aking boss na kailanman ay hindi ko inaasahan na makikita mismo sa harap ng bahay ko.

" Sir Joaquin... " ang tanging lumabas sa bibig ko saka binitawan ang kapatid ko. Nakita kong may hawak siyang bouquet pero nagpanggap akong walang nakita. " B-bakit kayo nandito saamin? "

" Para umakyat ng ligaw. " Mabilis kumilos ang mata ko para ilipat ito sa nagsalita sa bandang kaliwa ng boss ko. 

" Terrence? " Napaawang na lang ang bibig ko nang makita ang katrabaho ko. Alam kong maganda ako, pero hindi naman mahaba ang buhok ko para sa ganito! " W-walang hagdan sa bahay namin para makaakyat kayo. "

"  I like your humor. " Dahan-dahan akong lumingon sa kanan at hindi pa man tumitirik ang araw, nakasuot na siya ng shades. " But I like hu-mor. "

" Archer. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa bawat lalabas sa bibig niya, paniguradong isyu sa kagaya niyang sikat na artista. Puñeta, hindi ako handa sa mga kaganapan. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil first time nangyari 'to saakin!

" Anak, bakit hindi natin sila papasukin sa loob? Ang daming tao dito sa labas, oh. " rinig kong saad ni Mama mula sa gilid ko pero hindi ko magawang magsalita at kumilos dahil literal na natuod ako sa kinatatayuan ko habang dahan-dahang  kong tinaktakpan ang tiyan ko gamit ang tote bag ko. 

Hindi alam ng pamilya ko ang tungkol dito at wala ring nakakaalam tungkol sa pagdadalang tao ko. Gayunpaman, sa tatlong lalaking nasa harap ko, isa sa kanila ang ama ng batang dinadala ko at iyon ang inaalam ko kung sino.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status