Share

CHAPTER 53

Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak.

Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress.

" Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status