Share

CHAPTER 55

" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? "

" Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon.

" Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—"

" Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin.

"...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status