Share

CHAPTER 05

Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. 

" Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko.

" Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "

Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya.  Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. 

" Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi 'yan matutuyo kaagad. Ito ang jacket ni Terrence, ipasuot ko raw muna sa'yo. "

" Salamat. " Isinuot ko 'yong denim jacket na bumagay naman sa sports bra na suot ko kaya hindi na ako nag abalang ibutones ito. Maganda pa rin naman ako. " Nandoon pa ba si Chief sa kabilang table? "

Umiling ito. " Wala na. Umakyat si Chief sa second floor kasama 'yong nagpakilala saaming owner ng resto bar. Akala ko nga paaalisin kami, pero siya pa ang humingi ng pasensya saamin bago hilahin si Chief palayo."

Napatango ako saka nagpunta sa sink para hugasan ang kamay ko at wisikan ang buhok ko na amoy alak pa rin.

 

" Hindi ko akalaing gagawin mo 'yon sa sarili mo, Zenaida, " rinig ko kay Moira saka sumandal sa sink habang nakatingin saakin. " Ano bang punto mo roon at ibinuhos mo ang alak sasarili mo? "

Natawa ako nang bahagya. " Nagawa ko lang 'yon dahil sa pagiging desperada ko. Ayoko talagang mag sorry sa ginawa ko sa kaniya kagabi, kaya para maging fair, dapat buhusan rin niya ako ng alak nang makaganti siya."

" Pero ikaw ang nagbuhos ng alak sa sarili mo, hindi si Chief. "

" Okay na 'yon. At least, hawak naman ng kamay niya 'yong bote ng alak na binuhos ko. Parang ganoon na rin 'yon, " saad ko saka kinuha ang aking blouse sa hand dryer pero muli akong nagpakawala nang malalim na buntong hininga at isinandal ang noo sa pader sa kawalan ng pag-asa. Para akong tanga. " Sh*t, ayoko talagang iwanan ang trabaho ko, Moi. Hindi ko kayang umalis sa Updated dahil para ko na ring pangalawang tahanan 'yong office natin. Ayokong umalis, Moi. Anong gagawin ko? "

" Zenaida, isa lang ang paraan para hindi ka mawalan ng trabaho. Kailangan mo talagang mag sorry kay Chief, " lalo akong nanlumo. Alam kong iyon ang paraan pero ayokong mag sorry sa isang bagay na deserved naman talaga niyang maranasan. Katunayan, siya nga ang dapat na mag sorry saakin! Sa dami ng ginawa niyang panlalait at pag kuwestiyon sa trabaho ko, kulang pa ang isang baso ng mocktail na binuhos ko sa kaniya.

Lumabas kami ng restroom na bagsak ang balikat ko habang nakakapit sa braso ni Moira at laking pagtataka ko dahil nang makarating kami sa puwesto namin, may nakitang akong isang beer tower sa ibabaw ng mesa.

" Um-order kayo? " tanong ko kay Terrence na agad umiling.

" Galing sa owner. Humihingi ng dispensa sa nangyari kanina, " hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainsulto sa narinig kong sagot kay Terrence. Ako ang gumawa ng eksena pero saakin humingi ng despensa 'yong owner na sinasabing kaibigan ni Sir Joaquin. Anong dahilan at may binigay sila nito? Dapat ko bang inumin ito o kailangan ko ulit ibuhos sa sarili ko? 

" Sorry, natagalan ako. Si Manager kasi nalamang nandito ako. Sinermunan pa ako. " Napatingin ako kay Archer na kababalik lang sa mesa namin. Kita ko ang gulat sa kaniya nang makita ang beer tower sa mesa. " Whoa, akala ko tapos na kayo pagbalik ko pero mukhang mahaba-haba ang gabing 'to. "

" Hindi, pauwi na rin kami—"

" Walang uuwi, uubusin natin 'yan. Masama tumanggi sa biyaya. " Pagputol ko sa sasabihin ni Terrence dahil kagaya ng sabi ko kanina, gusto kong magpakalasing hanggang sa bumagsak ako. Ayokong problemahin ngayon ang pagtanggal saakin sa Lunes, kailangan kong enjoy-in ang huling gabi na kasama ko ang mga ka-trabaho ko dahil baka matagal pa bago maulit ito. 

***

" Zenaida? Gumising ka na. HIndi ka puwedeng matulog dito. " Naimulat ko ang mata ko nang marinig ang boses ng isang lalaki sa harap ko. Paulit-ulit niyang inuuga ang balikat ko dahilan para bumangon ako mula sa pagkakahiga.

" Ano ba? Kitang natutulog 'yong tao, gigisingin mo! " Iritable kong sabi sabay hampas sa kamay ng lalaki sa harapan ko. Hindi ko maaninag masyado ang kaniyang mukha dahil sa liwanag ng ilaw sa likuran niya. " Sino ka ba?! Layuan mo nga ako! "

" Zen, si Terrence 'to. Hindi ka puwedeng mahiga dito sa kalsada. Bumangon ka na at ihahatid na kita sainyo, " aniya kaya napatingin ako sa paligid ko at nakita ang ilang naglalakad na tao sa harap ko pati na rin ang mga sasakyan sa gitna ng kalsada. Ano bang nangyari at nandito ako? 

" Nasaan sila? " takhang tanong ko, inililibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko makita ang mga kasama ko. " Nasaan ba ako? Anong ginagawa ko rito? "

" Nandito ka sa labas ng resto bar. Sabi mo saglit ka lang pero hindi ka na bumalik, " sagot ni Terrence saka ako inalalayang tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa kalsada. " Nasa loob pa sila Ruiz at umiinom pa. Lasing na rin si Jana at Moira kaya ikaw muna ang ihahatid ko sainyo. Babalik ako dito para ihatid din ang dalawa. "

" Huwag mo na ako ihatid, kaya ko mag-isa. " Bahagya ko siyang itinulak ngunit kamuntikan na akong mawalan ng balanse, mabuti na lang ay nahawakan niya agad ako sa braso. Pabiro ko siyang hinampas. " Terrence, sige na, kaya kong umuwi. Mag ta-taxi ako at asikasuhin mo na sina Jana at Moira dahil malayo ang uuwian nila. "

" Pero—"

" Ako na maghahatid kay Zenaida. " Napatingin ako sa likuran ni Terrence at nakita ang paglitaw ng isang guwapong binata. Mataas, mestizo at singkit ang mga mata. Lahat na yata ng magagandang description sa physical na anyo ng isang artista ay na kay Archer na. 

" Hindi, ako ang maghahatid kay Zenaida, " pagpupumilit ni Terrence saka hinawakan ang braso ko. 

" Bro, huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama kay Zenaida. Kasama ko ang driver ko at si Manager Cha. Kami na ang bahala mag hatid sa kaniya, " ani Archer, " Isa pa, mahirap mag hanap ng taxi sa ganitong oras. Alas dose na. "

" Oo, siya na bahala saakin para makatipid pamasahe na rin. " Binawi ko ang braso ko kay Terrence saka lumapit kay Archer para akbayan siya at agad akong na distract sa pabango niya. " In fairness, ang bango ng pabango mo ah. Ang manly. "

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Archer. " Dapat ko na bang gawing permanent ang pabangong gamit ko? "

" Huwag, hindi naman kita type. Pabango mo ang pinupuri ko, hindi naman ikaw, " wika ko sabay tingin kay Terrence. " Sige na, balikan mo na sila Jana sa loob. Hindi kaya ni Ruiz 'yong dalawa kaya samahan mo na. Kaya ko umuwi. Text na lang kita kapag nakauwi na ako saamin."

Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya kaya kinailangan ko pa siyang itulak pabalik sa loob ng resto bar para balikan ang tatlo. Kalahati ng mata ko ang dilat nang lumabas ako at inalalayan naman ako ni Archer patungo sa gilid habang hinihintay ang sasakyan niya.

" Saan pala ang bahay niyo, Zenaida? " tanong ni Archer. " Iyong eksatong address, ha? Baka mamaya makatulog ka sa byahe, hindi ko alam kung saan ka namin ibababa. "

" Secret, walang clue. " Tinapik ko ang braso ni Archer. " Mauna na kayo. Kaya kong umuwi mag-isa. "

" Zenaida, lasing ka. Hindi ka puwedeng umuwi nang walang kasama. " Hinawakan ako ni Archer sa braso at kasabay noon ang paghinto ng sasakyan sa harap namin. Bumukas ito at nakita ko ang pamilyar na babae.

"Oh, bakit kasama mo si Miss Zenaida? " takhang tanong nito nang makita ako. Kumaway ako sakaniya upang batiin siya pero agad akong napatakip ng ilong dahil sa nakakahilong amoy sa loob ng sasakyan. Ang tapang ng car freshener nila, nanununtok!

" Puñeta, nasusuka ako. " Humiwalay ako kay Archer at agad na tumungo sa punong malapit sa kinatatayuan namin dahil umangat ang sikmura ko nang maamoy ang loob ng sasakyan. Akala ko may labas sa bibig ko, pero wala, laway lang.

" Zenaida, okay ka lang? " Tinapik-tapik ako sa likod ni Archer. " Nahihilo ka ba? Gusto mong mag kape muna? "

Umiling ako bago ko punasan ang bibig ko at harapin siya. " Mauna na kayo...kaya kong umuwi mag-isa, Archer. Salamat. "

" Ha? Teka, hindi kita puwedeng iwanan. Nag presinta ako kay Terrence na ako ang maghahatid sa'yo kaya sumakay ka na. " Inalalayan niya ako pabalik sa sasakyan pero nanatili ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko kayang maamoy muli 'yong nakakasukang amoy sa loob ng sasakyan nila. " Zenaida, ihahatid ka na namin. Masyadong delikado sa'yo bumyahe nang mag-isa ka lang lalo na't nakainom ka. "

" Ayoko nga! Ang baho kasi ng loob ng sasakayan. Nahihilo ako sa amoy! " Pagtatapat ko saka lumayo sa kaniya. " Hindi ko kayang sumakay sa loob. Nasusuka ako. "

" Ha? Pero—"

" Archer, halika na! " 

" Sandali lang, Manager Cha! " sagot ni Archer saka binalik ang tingin saakin. " Sumabay ka na saamin, Zenaida—"

" Ako na ang bahala sa kaniya, " mula sa likuran ko, narinig ko ang isang pamilyar na boses. Upang makumpirma ay nilingon ko siya at gusto kong matawa nang makita si Sir Joaquin sa harap ko. Puñeta, namamalikmata lang ba ako dahil sa kalasingan ko o talagang siya ang nasa harapan ko ngayon? 

" Sandaili, kayo 'yong boss ni Zenaida, tama ba? " Paniniguro ni Archer saka tumingin saakin. " Sa pagkakaalam ko, hindi maganda ang relasyon niyo. Sorry, pero hindi ko siya puwedeng hayaan sa'yo. "

" Bakit? Sino ka ba? " tanong pabalik ni Sir Joaquin. " Empleyado ko ang kasama mo at saating dalawa, mas may karapatan akong kuhanin siya mula sa estranghero kagaya mo. "

" Magkakilala kami ni Zenaida. "

" Wala akong pakialam. Ako ang boss niya kaya saakin siya sasama. " Hinila ako ni Sir Joaquin mula kay Archer na nakikipag sukatan ng tingin kay Sir Joaquin, hanggang sa lumabas na si Manager Cha para kuhanin ang kaniyang alaga at ipasok sa loob sa sasakyan. Rinig ko ang pagtatalo nila, pilit ipinaliliwanag ni Archer sa Manager niya ang dahilan kung bakit kailangan akong ihatid pauwi. 

" Talagang sasama ka doon? " Nabalik ang tingin ko sa lalaking na sa harapan ko.

" Puñeta, ikaw ba talaga 'yan, Chief? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa empleyado mo? " hindi ko mapigian ang sarili ko na hampasin siya sa braso at kasabay noon ang biglaang pagsuka ko hindi lang sa harap niya, kundi pati sa damit niya.

***

Unti-unti kong iminulat ang mata ko nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Nagising ako sa isang malamig na kuwarto at ang unang bumungad saakin ay ang isang lalaking nakatayo sa harap ko na walang suot na pang-itaas. Nakatalikod siya saakin pero malinaw kong nakikita kung gaano katikas ang katawan niya. Ang lawak ng balikat niya at ang guhit sa gitna ng kaniyang likod ay tila ba lalong nagpaganda sa pagkakahubog ng katawan niya.

Bigla siyang humarap siya saakin at nakita kong hawak niya ang cellphone niya. " Mabuti naman at gising ka na. Hindi ko alam ang bahay niyo kaya nag check in na lang ako sa hotel para sa tutuluyan mo ngayon."

Tumango ako pero ang mata ko, nakapako na sa katawan niya. Mula dibdib hanggang sa tiyan, malinaw kong nakikita ang kalangitan.

" Huwag mo akong bigyan nang ganiyang klaseng tingin, Miss Zenaida, " tila ba may pagbabantang sabi niya. " Sinukahan mo ang polo ko kaya wala akong choice kundi hubarin iyon. Kailangan kong patuyin saglit bago ako may maisuot. Aalis rin ako kaagad—"

" Huwag kang umalis. " Tuluyan akong bumangon sa kama habang nakatitig nang diretso sa kaniyang mga mata. " Iiwanan mo ako dito mag-isa? "

" Natural. Hindi ka naman bata para samahan pa kita dito hanggang sa makatulog ka. " Lumakad siya palapit sa isang lamesita para ituro ang telepono ng hotel. "Kung may kailangan ka, gamitin mo 'to—marunong ka naman siguro gumamit ng telepono dito? "

Sa halip na mainsulto, natawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako na d-distract sa katawan niya gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng katawan ng lalaki. 

" Pinagnanasaan mo ba ako? " tanong nito kaya nabalik ang tingin ko sa mukha niya. Salubong ang kilay at may matalim na tingin saakin. That's kinda hot. 

" Paano kung sabihin kong oo? "

Hindi ko alam kung nandidiri ba siya o hindi lang siya makapaniwala sa pag-amin ko. " Iba ang epekto ng alak sa'yo, Miss Zenaida. "

" Iba kasi ang epekto ng pagsusuplado mo ngayon saakin, " hindi ko maiwasang matawa muli sa sarili ko. Ang lamig sa kuwarto pero init ang hinahanap ngayon ng katawan ko. " Can I ask you a question? "

" You already asking. "

" Are you a virgin? "

Lalong nagsalubong ang kilay niya. " What the hell? "

" Nasa tamang edad naman na tayo para pag-usapan 'to, 'di ba? " Hinawi ko ang buhok ko na nakasampay sa balikat ko. " Maliban na lang kung nahihiya ka? "

Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa labi niya. " Miss Zenaida, hindi ko alam kung epekto lang ba ng alak 'yan pero alam kong hindi mo ako magagawang kausapin at tanungin nang ganiyan kapag hindi ka nakainom. "

" Diyan ka nagkakamali. Kaya kong gawin ang lahat nang walang alak sa sistema ko, pero mas lumalakas ang loob ko kapag nakainom ako. " Pagyayabang ko pa saka umalis sa kama para lapitan siya. Bahagya siyang umatras pero nabunggo lang niya ang lamesita kaya nahinto rin siya kaagad. " Huwag kang matakot saakin. Wala naman akong gagawin nang hindi nagpapalam sa'yo. "

" Hindi ko kailangang marinig dahil hindi rin naman ako papayag. " Binalak niyang umalis sa harap ko pero hinarangan ko siya. " Miss Zenaida—"

" Can I kiss you? "

" No, " agad niyang sagot. " Lasing ka at hindi mo alam ang sinasabi mo. "

" Alam ko ang sinasabi ko... " Mas nilapit ko ang sarili ko sa kaniya hanggang sa magdikit ang aming mga balat. Mariin akong napalunok saka ibinaba ang tingin sa labi niya. " Isang halik lang na may consent mo...papayagan na kitang umalis. "

" Kaya kong umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo. " Matigas niyang sambit bago hawakan ang kaliwang pisngi ko para siilin ng halik na hinihingi ko. 

Hindi sapat ang isang minuto para mapunan ang pangangailangan ko at ramdam kong ganoon rin ang lalaking nasa ibabaw ko ngayon. Malamig ang kuwarto, pero tagaktak ang pawis naming pareho. Hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman ang sensasyong ito pero sa bawat halik, haplos at galaw niya, dala nito ay ligaya na matagal ko ng inaasam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status