Share

CHAPTER 13

" Hi Doggy, ang cute mo naman. " Nilaro ko ang isang tuta na nakita kong gumagala malapit sa puwesto kung saan kami nagtayo ng tent. Napakataba niya, ang sarap panggigilan kaya binuhat ko siya at marahang hinimas-himas ang balahibo. " Nasaan ang amo mo ha? Kumain ka na ba? Ang taba-taba mo naman. "

Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang isang hayop kahit alam kong hindi naman ako makakakuha ng sagot. Mahilig ako sa aso't pusa at sa katunayan ay nagkaroon na ako ng alaga dati, pero simula noong layasan ako ng pusa ko noon at hindi na bumalik pa, hindi na ako nag-alaga. Sumunod na araw ay namatay naman ang aso ko dahil sa sakit niya na huli ko noong malaman. Natakot na ako mag alaga dahil sa pagiging iresponble kaya hindi na sila nasundan. Five years ago na pero sariwa pa sa alaala ko ang magkasunod na pagkawala ng dalawa kong alaga.

" Coco, saan ka naman pumunta? " Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Leng. Lingon siya nang lingon na para bang may hinahanap, kaya agad ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status