Share

OPERATION:Palambutin ang Matigas na Puso ni Boss Chivan Diaz
OPERATION:Palambutin ang Matigas na Puso ni Boss Chivan Diaz
Author: DBardz

01

01

"Pasensiya ka na, hija, pero wala talaga kaming availabe na slot ngayon, e."

Bumagsak ang mga balikat ni Nelvie sa narinig. Pang-ilang kompanya niya na ba ito? Tatlo? Apat? Lima? Hindi niya na alam. Hindi niya na nabilang. At lahat ng kompanya na sinubukan niyang pag-apply-an ng trabaho ay iisa lang ang sinasabi: Wala ng slot o bakante sa kompanya nila.

"Kahit janitor nalang, ma'am?" Pakiusap niya. Disperada na talaga siyang magkatrabaho. "Kahit ano po, ma'am. Kahit taga linis ng banyo o taga ayos ng mga damit. Kahit ano po, kaya kong gawin, ma'am."

Naawa naman ang babae sa kaniya. Ngumiti siya ng malungkot at hinawakan si Nelvie sa balikat. Wala rin siyang magagawa dahil sadyang wala talaga.

"Sorry talaga, hija, pero wala, e." Bakas ang lungkot sa tono nito. "Pero hayaan mo kapag may available na rito na kahit anong pwesto ay tatawagan kita." Kinalkal nito ang bulsa at may kung anong hinanap doon. "Pahingi ako ng number mo."

Nilahad niya ang cellphone kay Nelvie. Malungkot man, kinuha ni Nelvie ang cellphone ng babae at nilagay ang kaniyang cellphone number. Binigay niya ito ulit atsaka ngumiti ng maliit.

"Salamat po, ma'am. Hihintayin ko po ang tawag ninyo."

Tumango ang babae at binalik sa bulsa ang cellphone. "Mag-iingat ka. Pasensya ka na ulit ha?"

Tumango si Nelvie at malungkot na nilisan ang kompanya. Wala talaga, e. Gano'n talaga. Hindi niya naman pwedeng ipilit ang sarili gayong wala naman talagang espasyo para sa kaniya.

Nang nakalabas siya ng building ay napatingin siya sa kulay asul na kalangitan. Tanghaling tapat na at wala pa siyang kain. Ngunit hindi siya nakadarama ng gutom. Mas inaalala niya ang paghahanap ng trabaho. Kung wala siyang mahahanap na trabaho ngayon ay baka kung saan na sila pulutan ng kaniyang lolo at lola.

Ang lolo at lola niya ang tumayong ama at ina ni Nelvie. Hindi niya alam kung nasaan ang totoong magulang niya. Tinanong niya naman ang mga ito gnunit maski sila ay hindi rin alam. Bata palang siya ay alam niyang napulot lang siya sa tae ng kalabay.

Totoo iyon. Ayun ang kwento sa kaniya ng kaniyang lola. Maulan daw no'n at abala sila sa pagkukuha ng kalabaw nang marinig nila ang iyak ni Nelvie. Noong una ay hindi raw nila pinansin ngunit hindi kalauna'y agad nilang nilapitan kung saan nanggagaling ang iyak. At doon nila nakita ang batang si Nelvie. Wala ni anong bakas ng pangalan niya o kung saan siya galing.

In short, ampon siya.

Nelvie ang pinangalan ng lolo at lola niya sa kaniya dahil sa pinagsamang pangalan ng mga ito. Ang pangalan ng kaniyang lolo ay Neil at ang kaniyang lola naman ay si Salvie. Kaya naging gano'n ang pangalan niya.

"'Lo! 'La! Nakauwi na po ako!"

Binagsak niya ang sarili sa matigas nilang upuan. Sinandal niya ang sarili at pinikit ang mga mata. Hinayaan na niya ang sarili na magpahinga.

"Apo, ikaw ba iyan?" tawag ng kaniyang lola. Naglakad ito palapit sa kaniya gamit ang lumang tungkod nito. "Saan ka naman ba galing, apo? Kumain ka na ba?"

"Naghanap po ulit ng trabaho, 'la," nakapikit na sabi niya. "Hindi pa nga po ako nakain, e. May pagkain pa po ba?"

"Oo, apo, mayroon pa," sagot ng kaniyang lolo na nakain sa mesa. "Kaso kaunti nalang ang kanin. Gusto mo bang magsaing nalang ulit?"

Dinilat niya ang mga mata at tinignan ang dalawa. Natahimik siya habang tinitignan ang mga ito. Talagang matatanda na ang mga kumopkop sa kaniya. Ang kaniyang lola ay nasa edad na 87 na at ang kaniyang lolo naman ay 90 years old na. Medyo malalakas pa ang mga ito ngunit hindi naman araw-araw.

Kaya pa nama nila ang kanilang mga sarili pero hanggang kailan? Hindi naman kailangan pa hintayin ni Nelvie na may mangyaring masama bago siya kumilos at maghanap ng trabaho.

Pangarap niya pa naman na bigyan sila ng magandang buhay bilang sukli sa kagandahang loob nila. Kahit na ilang boses na ng mga itong sinabi sa kaniya na hindi kailangan, gusto niya pa rin gawin. Para naman bago sila lumisan sa mundo ay may ngiti sa kanilang mga labi. At masasabi niya ring naging parte siya ng kasiyahan ng mga ito.

"Apo, kakain ka pa ba?" Nabalik sa sarili si Nelvie nang marinig ang boses ng kaniyang lola. "Natahimik ka na riyan. Ayos ka lang ba? Tubig gusto mo?"

Huminga siya ng malalim at tumayo. Sinalubong niya nag kaniyang lola Salvie at inalalayan ito palapit sa kaniyang lolo na nakain.

"Tapos na akong kumain, apo," biglang sabi ng kaniyang lola. "Kayo nalang ang kumain."

"Samahan niyo nalang muna kami ni lolo, 'la." Sabi ni Nelvie at inalalayan makaupo ang kaniyang lola. Umupo naman siya sa gilid nito. "Salamat po sa pagkain."

Kumuha siya ng plato at nagsalin ng kanin at ulam. Katulad nang sinabi ng kaniyang lolo, kaunti na nga lang ang kanin. Parang tatlong subo niya nalang iyon. Hinayaan niya nalang at nagsimulang kumain.

"Apo, pinapagod mo masiyado ang sarili mo kakahanap sa trabaho," sabi ng kaniyang lola. "Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin ang alok ni Ate Melda mo?"

Nilunok muna ni Nelvie ang kinain bago sumagot. Si Ate Melda ay ang kakilala ng kaniyang lola na nagtitinda ng karne sa palengke malapit sa kanila. Ilang beses na siya nitong inalok at ilang beses niya na ring tinanggihan. Hindi dahil sa ayaw niya ngunit alam niya ang hirap sa trabaho sa palengke at liit ng sahod.

Gusto niya kasi iyong trabaho na makapag-iipon siya at ilang buwan lang ay pwede na siyang mapaayos ang bahay nila. Kaunti nalang kasi ay gigiba na ang bahay nila. Iyon ang nais niya kaya nagtitiis siyang magoabalik-balik sa bayan at magtiyaga n maghanap ng trabaho.

"'La, sayang naman po ang pagpapaaral niyo sa akin kung sa palengke ako babagsak," sabi niya. "Alam ko pong maganda naman ang trabaho sa palengke pero mas okay rin po kung magagamit ko iyong pinag-aralan ko sa kolehiyo. Kayo nga po ang nagsabi na gamitin ko iyon kapag magtatrabaho na ako, hindi ba?"

"Oo nga, apo, pero nahibirapan ka na, hindi ba?" sabat ng kaniyang lolo. "Ilang araw ka na ba sumusubok na maghanap ng trabaho sa bayan? Isang linggo?"

"Hindi po, 'lo."

"Hindi pa," kontra nito. "Pupwede mo naman sigurong gawing experience ang pagtatrabaho sa palengke, hindi ba? At least kapag naghanap ka ulit sa bayan ay may experience ka na. Hindi iyong pabalik-balik ka sa bayan pero wala ka namang napapala. Nasasayang ang oras at pagod mo, apo."

Sumimangot si Nelvie dahil may punto ang kaniyang lolo.

"Apo, tama ang lolo mo." Naramdaman niya ang paghawak ng kamay ng kaniyang lola sa kaniyang kamay. "Subukan mo muna magtrabaho kay Ate Melda mo."

Tahimik siyang kumain at nagpatuloy naman ang kaniyang lolo't lola sa pangaral sa kaniya. Kinahapunan ay nagtungo siya sa bahay ni Melda. Susundin niya ang gusto ng kaniyang lolo't lola.

"Si Ate Melda, Gian?" Imbes na si Melda kasi ang lumabas, ang binata na ank nitong si Gian ang lumabas mula sa bahay nila. May hawak itong cellphone sa mga kamay at hindi siya tinitignan. "Nariyan ba? Kakausapin ko sana."

"Wala, ate, e." Sagot nito nang hindi siya binabalingan. "Nasa palengke po, ate. Bakit po?"

"Ay, sige! Puntahan ko nalang siya. Salamat!"

"Sige po, ate."

Medyo malayo lang naman ang palengke sa kanila kaya nilakad niya nalang. Maraming bumati sa kaniya na kakilala halos ng kaniyang lolo't lola. Nang narating niya ang palengke ay agad niyang hinanap ang pwesto ng karnehan ni Melda.

"Ate Melda!" sigaw niya nang makita si Melda ngunit nawala ang ngiti sa labi niya nnag may sumulpot sa tabi nitong babae. Nakasuot ito ng apron na kakulay ng suot ni Melda. Unti-untinf bumagal ang paghakbang niya habang nagpabalik-balik ang tingin sa suot ng dalawa. Mukhang huli na siya. Mukhang may nakuha na si Melda na kaagapay niya

"Bakit, Nel? May bibilhin ka ba?" ani Melda. "O uutang?"

"A-Ah... opo, ate, pautang nga po ng isang kilong baboy." Nahiya siyang magtanong kaya naman iniba niya nalang kahit na ang balak niya ay tanungin ito tungkol sa alok nito. "Sa makalawa na ang bayad, ate, ha?"

"O, sya, sya," ani Melda at sinimulan siyang hanapan ng baboy. "Siya nga pala, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho? Nakakuha ka na ba?"

Nahihiyang umiling siya.

"Hindi pa nga rin, ate, e," sagot niya. Nahihiya siya dahil alam niya na ang susunod na sasabihin nito.

"Sabi ko naman kasi sa iyo mahirap maghanap ng trabaho sa bayan," anito. "Siya nga pala, si Rhea, bago kong kasama rito."

Ngumiti at kumaway sa kaniya ang babae.

"Ikaw sana kaso tinanggihan mo ako. Sayang." Binalot nito ang baboy sa isa pang plastic at binigay sa kaniya. "Oh, heto. Sa makalawa ha?"

"Opo, ate, salamat!"

Tumalikod siya at agad na umalis doon. Naluha siya habang naglalakad palayo. Totoo nga talaga ang kasabihan na: nasa huli ang pagsisisi. Kung sana tinanggap niya iyong alok ni Melda, kahit papaano ay kumikita na siya.

Kinabukasan ay muli siyang bumalik sa bayan upang maghanap ng trabaho. Dumaan siya maski sa mga fast food chains para sumubok ngunit lahat ay wala talagang bakante. Napaupo nalang siya sa labas ng huling kompanya na pinagtanungan niya.

Huminga siya ng malalim atsaka nilagay sa magkabilang tuhod ang mga siko. Yumuko siya at saka naluha na naman. Sobrang hirap ang maghanap ng trabaho lalo't wala soyang experience. Halos lahat kasi nang napagtanungan niya ay naghahanap ng may experience.

Hindi maintindihan ni Nelvie kung bakit halos ng kompanya ay ang hanap ay iyong may mga experience. Paano naman iyong mga katulad niyang kakagraduate lang ng kolehiyo? Paano sila magkaka experience kung walang tumatanggap sa kanilang kumpanya?

"Nel? Nelvie? Ikaw ba 'yan?"

Inanhat niya ang ulo at tinignaj ang pinanggalingan ng boses. Pamilyar ang bises sa kaniya ngunit hindi niya alam kung kanino iyon hanggang sa makifa niya ang babaeng nasa harap niya.

"Nelvie, ikaw nga!"

"Ate Ga!" Sigaw niya at tumayo. Pinagmasdan nito ang maayos na suot ng dati nilang kapitbahay na si Grasya. "Ate, ano pong ginagawa niyo rito? Naghahanap din po kayo ng trabaho?"

Natawa si Grasya. "Hindi, ah! Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Mukhang ikaw ang naghahanap ng trabaho ha? Tama ba?"

"Opo, ate, kaso wala akong mahanap, e. Kanina pa ako naghahanap pero wala talaga." Bagsak na balikat na sabi niya. "Baka may alam ka ate? Saan ka ba nagtatrabaho? Kahit ano, ate, basta trabaho, ayos na ako."

"Sakto!" Sumigaw ito. "May alam ako!"

"Talaga ate?!"

"Oo!" Hinawakan siya nito sa kamay. "Hali ka sa loob at doon natin pag-usapan."

Hinigit siya nito papasok sa building. Masaya naman ang dumaloy kay Nelvie. This is it! Magkakatrabaho na siya.

Written by DBardz

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status