Share

03

03

"N-No way..."

Napaatras si Nelvie nang makita kung sino ang kaharap niya ngayon. Hindi siya makapaniwala na ito ang amo na sinasabi ni Grasya. At ngayon niya masasabi na tama nga ang mga nilahad ni Grasya sa kaniya. Na masama nga talaga ang ugali ng kanilang amo.

"Can't talk again, huh?" Tumayo bigla ito at pumuwesto ang sarili sa likod ng swivel chair na inupuan niya kanina. "Shock to see me? Or I caught your heart?"

Inayos niya ang sarili at saka sinamaan ng tingin itong lalaki sa harap niya. Ni hindi niya inakala na ito pala ang amo nila. Hindi pa rin niya ma-process ang lahat.

Napansin niya ang pangalan nito na nakasulat sa may harapan ng table.

'Chivan Diaz.' Basa niya. 'Siya nga ang boss?'

"I-Ikaw ang boss?"

"No other than." He then smile widely. "Did you expect someone else? Or perhaps your friend warned you about me already?"

'A-Anong...' Bigkas niya sa isipan. 'Paano niya nalaman iyon?'

"Am I right, right?"

Hindi na talaga siya makasagot. Ang bilis masiyado nang pangyayari. At dumadagdag pa ang nakakainis na ngiti sa labi nitong lalaking ito.

"Do you want to continue your purpose here? Or you're going to stare at me until you satisfied?"

"H-hindi kita tinitignan 'no!" Tanggi niya kahit na obvious naman na ginawa nia iyon. "And to answer your first question, Yes. I'm not like the other applicants who applied here that scared to you, mister boss. You're just like me, a human, who can be whatever they want so you need me to be your secretary."

"What are you talking about?" Hindi naintindihan ni Ivan ang sinasabi nito.

"Secret!" Siya naman ngayon ang mang-iinis. Alam niya sa sarili niya na walang saysay ang mga binanggit niya. Wala lang para may masabi lang siya. "Ano? Tatanggapin mo ba ako o hindi? Kung hindi, aalis na ako. Kung oo naman, edi good! Mag-s-start na ako today if you want to."

"And who are you to decide?"

"An applicant?" Inosente ngunit mapang-asar na sambit niya. "Wala kang choice, sir. It's either tatanggapin mo ako o tatanggapin mo ako? Choice wisely."

Ivan couldn't believe what he's witnessing right now. A girl— a dump and brave girl is asking him like it was a matter of life and death. She is brave enough to ask that to him.

Ngumisi siya at bumulong sa sarili. 'Interesting, huh?'

Hindi naman alam ni Nelvie kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking kaharap niya. Nakangisi lang ito habang malalim na nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung tama ba ang mga sinabi niya. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisiyon niya. Pero nasabi niya na kaya wala na siyang ibang magagawa kundi hintayin ang hatol nitong lalaking kaharap niya.

"Well..." Dahan-dahan itong naglakad paalis sa pwesto niya at papunta kay Nelvie. Agad na dumaloy ang kaba kay Nelvie habang pinapanood itong nakatitig sa kaniya. "What benefit I will gain if I accept you to be my secretary then?"

Lumunok muna si Nelvie bago nagsalita. Hindi niya kinakaya ang presensiya nito na nasa likod niya. Hindi siya gumalaw. She didn’t look at him.

"S-Siyempre..." Nag-isip siya nang idadahilan. "Magkakaroon ka ng secretary. Duh! Obviously!" Maarte na saad niya, tinatago ang tunay na nararamdaman.

Napangiti si Ivan at pumuwesto sa likod niya. Nilapit niya ang bibig sa likod ng kaliwang tenga ni Nelvie.

"Well, then, congrats." Bulong nito. "You're now my secretary, Miss Little Pony."

Lutang ang isip ni Nelvie nang lumabas siya ng elevator. Hindi niya matandaan kung paano siya nakalabas ng opisina ng lalaking iyon. Ang natatandaan niya lang ay may trabaho na siya. Dapat ay nagtatatalon na siya sa tuwa ngayon kasi finally may trabaho na siya! Pero hindi niya magawa! Iba't ibang pakiramdam ang nararamdaman niya!

"Nels!"

Napalingon ulit siya sa gawing kanan nang marinig ang boses ni Grasya Nakita niya itong tumatakbo palapit sa kaniya. Tumayo ito sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat habang nag-aalaang tinignan siya.

"A-Ano?" utal na tanong nito. Pansin niya kasing tila hindi maganda ang hitsura ni Nelvie kaya siya kinakabahan. "Tinanggap ka ba? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Anong nangyari? Don't tell me..."

"Tanggap ako." Putol niya sa sasabihin ni Grasya. "Natanggap po ako, ate."

"O M G!" Sigaw nito at halos magtatalon na. "Congrats! Paano mo nagawa iyon? Paano ang naging pag-uusap ninyo?" sunod-sunod na sabi niya.

Hindi naman ako nakasagot.

"A-Ay sorry!" Bumitaw siya sa balikat ko. "Natuwa lang ako dahil natanggap ka. Pero saan ka pupunta? Uuwi ka na? Hindi mo tinanggap?"

Tumango si Nelvie.

"Opo, ate, uuwi na ako. Tinanggap ko, ate, trabaho na ang lumapit, tatanggi pa ba ako?" sagot niya. "Bukas na raw ako magsisimula."

"Talaga?!" Tuwang sabi niya. "Wow! Ikaw pa lang ang kauna-unahang nag-apply na bukas pa magsisimula, hindi ngayong araw. Lahat kasi nang nag-apply ay dapat nagsisimula na sila ngayong araw. Ikaw palang ang ganito!"

Matutuwa ba si Nelvie o kakabahan? Kung siya palang, bakit kaya?

"Anyway, congrats, Nels!" Niyakap siya ni Grasya. "Araw-araw na tayong magkikita. Bukas agahan mo ulit para ma-tour kita rito sa buong kampany."

Nagtagal ang pag-uusap nila hanggang sa matapos ang break ni Grasya. Nagpaalam na sila sa isa't isa at nagkaniya-kaniya na ng daan. Masaya ngunit may kaba na umuwi si Nelvie sa kanilang bahay. Paniguradong hindi magiging madali ang pagiging sekretarya niya gayong hindi naging maganda ang unang pagkikita nila ng kaniyang bosa. Hindi nga siya na-late, hindi naman naging maganda ang tagpo nila.

"'Lo, 'La, nandito na po ako." Alas diyes palang ng umaga nang makauwi siya. Pagod na pagod siyang sinalpak ang sarili sa upuan. "Nakaluto na po ba?"

"Oo, apo," biglang dating ng kaniyang lola. "Kumusta ang pag-apply mo? Hindi ka na naman ba natanggap?"

"Natanggap po ako, la."

"Talaga?" Narinig niya ang tuwa sa tono nito. "Nasabi sa akin ng lolo mo ang naging pag-uusap niyo kanina bago ka umalis. Katrabaho mo na ngayon si Ga?"

"Opo, la." Imbes na matuwa ay hindi niya alam ang magiging reaksiyon.

"Oh, e, bakit parang hindi ka masaya, apo?" Boses iyon ng kaniyang lolo. "Natanggap ka ba talaga o sinasabi mo lang na tinanggap ka?"

"Lo naman..." Umayos siya ng upo at hinarap kung nasaan ang kaniyang lolo't lola. "Totoo nga po, natanggap po ako. Napagod lang po ako sa interview."

"Gutom ka na ba?" tanong ng kaniyang lola. "Hali ka na, sumabay ka na sa amin."

Lumipas ang araw na nasa bahay lang si Nelvie. Sinulat niya sa kaniyang diary notebook ang nangyari sa araw na iyon. Lagi niya naman ginagawa iyon. Sinusulat niya ang mga kaganapan sa buhay niya. Pero hindi na araw-araw.

Sumapit ang kinaumagahan at kumilos si Nelvie para maghanda. Pagkagising palang niya ay hinanda niya na ang sarili sa kung anong trabaho ang kakaharapin niya sa araw na iyon. Hindi niya tunay na kilala ang amo niya kaya dapar siya maging handa. Katulad nga nang sinabi ni Grasya, binalaan na siya nito sa kung anong klaseng amo ang amo nila.

"Saan daw ang ako pupuwesto?" tanong ni Nelvie kay Grasya. Dumating na siya sa kompanya at nagkasabay pa sila ni Grasya papasok. "May sinabi ba sa inyo? Wala kasi siyang sinabi sa akin kahapon. Nakalimutan ko rin itanong."

"Wala, e." Umiling ito. "Puntahan mo nalang ulit ang opisina niya. Pero most of the time, nasa labas lang ang table ng secretary no'n. Ayaw kasi magpaistorbo. Kaya baka nakahanda na nag table mo sa labas ng opisina niya."

"Saan ka ba nakapwesto?" tanong bigla ni Nelvie. Hindi niya pa pala natatanong kung saan ito nakalagi. "Malayo ka ba sa akin?"

Tumango si Grasya.

"Oo, e, doon ako sa 2nd floor nakapwesto, ikaw naman nasa fifth floor kaya ang layo talaga." Sabi niya. "Pero ready ka na ba sa tour na'tin?"

Tumango siya.

Buong isang oras ay nilaan nila iyon para sa paglibot sa buong building. Nalaman niya na ang dapat malaman, kung saan nakapwesto. May mga nakilala rin siya sa tulong ni Grasya, mga iilang kakilala at kasundo nito.

"Sorry, hindi ata sapat ang isang oras para malibot na'tin ang buong building." Nakatayo sila sa harap ng elevator. Oras na kasi para sa trabaho. "Bukas nalang ulit."

Tumango si Nelvie. "Ayos lang, ate. Salamat talaga."

"O, sya, sige na. Baka magalit na ang boss na'tin. Ayaw pa naman no'n sa late. Kita nalang tayo mamayang lunch."

"Sige, pasok na ako." Pumasok si Nelvie sa elevator at kumaway sa kaniya. "See you later!"

"Good luck!" Habol na sabi ni Grasya bago sumarado ang elevator.

Muling dumaloy ang kaba kay Nelvie habang umaakyat abg elevator. This is it. This is her first day. Sana ay maging maayos at maganda ang unang araw niya. But she expect not, though. Lalo pa't kung ang lalaking iyon ang amo niya.

Mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa opisina ng amo. Nagtaka siya dahil wala ang sinasabi ni Grasya na lamesa sa labas ng opisina nito.

"Baka nakalimutan?" tanong niya sa sarili.

Kumatok nalang siya ng tatlong beses sa pinto nito.

"Good morning, sir! Your beautiful, sexy ang charming secretary is here!" Hindi na hinintay ni Nelvie na sumagot ito kaya binuksan niya ang pinto. Agad na dumapo nag tingin niya sa lalaking abala sa pagsusulat o kung anoman ang ginagawa niya sa hawak na ballpen." Good morning, sir."

Hindi siya nito pinansin, kahit tignan ay hindi ginawa. Nakapokus lamang ito sa kaniyang ginagawa. Akala ni Nelvie ay nang-aasar lamang ito kaya humakbang siya palapit. Saka niya napagtanto na may suot itong earpods sa magkabilang tenga.

Nakaisip ng kalokohan si Nelvie. Hindi pa siya nito napansin kaya mabilis siyang umaartas nang dahan-dahan at gumilid para gawin ang naisip niyang kalokohan. Dahan-dahan siyang naglakad sa gilid nito para hini siya makita at nang makapunta sa gilid nito nang hindi siya napapansin saka siya sumigaw at tinulak pa ang likod nito nang mahina.

"SIR!"

"THE FUCK!"

Napatayo si Ivan sa gulat ata agad na hinarap ang taong gumulat sa kaniya. Doon niya nakita nag nakangising aso ang babaeng sekretarya niya.

"Good morning, sir!" Bati ni Nelvie at magiliw na tumakbo sa harap ng table niya. "Saan po ang table ko?"

"Did you just..." Hindi naman alam ni Ivan ang sasabihin. Ginulat siya ng babaeng ito at umaakto itong walang nangyari sa harap niya. "You're fired!"

Umalingawngaw ang malalim na boses nito sa buong kwarto. Napahawak pa sa tenga si Nelvie sa sobrang lakas no'n.

"Get out of my office! NOW!"

Hindi naman kumilos si Nelvie. Nanatili siyang nakahawak sa magkabilang tenga.

"I said... GET THE FCKING OUT!"

"ANO BA?!" Hindi na nakatiis si Nelvie. Nabasag na ata ang eardrums niya sa sobrang lakas ng sigaw nito. "Bakit ka ba sumisigaw?!​ Kaharap mo lang naman ako! Ang sakit sa tenga ng boses mo!" Hawak-hawak pa rin niya ang mga tenga.

"Didn't you hear me?" Mas dumilim ang mukha ni Ivan. Did he just ignore what he said?

"Rinig ko!" sigaw ni Nelvie at nilabanan ang mga titig niya. "Rinig na rinig ko! Sa sobrang lakas ng boses mo parang nabingi ako! Oh? Ano? Tapos ka na?!"

"What the fvck!" gulat na reaksiyon nito. Kung galit siya galit din ang kaharap niyang babae. "Are you shouted at me, secretary?!"

"OBVIOUS BA?!" Sigaw niya. "And no! Hindi ako aalis! Secretary mo na ako ngayon! Hindi mo pa ko napapasweldo kaya wala kang karapatan na tanggalin ako!"

Napanganga si Ivan sa inusal nito. Did... what the heck?! Saan galing ang tapang ng babaeng kaharap niya? Hindi ba siya natatakot sa kaniya?

"I'm the boss so I can decide what the fvck I want!"

"And I am your secretary so I can decide what I want, too!"

Natahimik silang dalawa. Nagkatitigan sila habang habol ang hininga dahil sa pagsigaw.

"Are you not scared of what I am capable to do, huh, secretary?"

"Bakit ikaw? hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin, huh?" Ngumisi si Nelvie. "You don't know me, sir."

"Fvck!" Aniya. "That's my fvcking line!"

Ngumiti lalo si Nelvie. "Well, then... where's my table?"

"Are you fvcking serious asking me that?" Nanlalaking mga matang tanong ni Ivan. "I just fired you—"

"So fcvking serious, sir." She smiled the sweetest she can do.

Written by DBardz

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status