Share

Chapter 06

06

"Ang bait ni sir today, ah? Ano kayang nakain niya?"

Nakatanggap ng hampas si Kristal mula kay Helen.

"Baka marinig ka, ano ka ba!" Sita nito. "Pero oo nga. Ano kayang mayroon bakit tayo sinama ni sir?"

"Bakit? Ngayon niya lang ba ginawa ito?" tanong ni Nelvie.

Naglalakad na sila papasok sa isang maingay at mamahaling bar. Medyo malayo sila sa kanilang boss dahil nahihiya pa rin sila. At naninibago dahil sa biglaang pag-anyaya nito sa mga empleyado.

"Oo, 'te," sagot ni Rein. "Ikaw ba, Kristal? Ngayon ka lang niyaya ni sir? 'Di ba mas malaki ang chance na makasama mo siya kasi malapit lang ang silid mo sa opisina ni sir."

Umiling-iling naman si Kristal.

"Hindi pa. Ni minsan ay hindi niya ako tinanong para sumama sa kaniya." Sagot ni Kristal at tinignan ang boss nilang may kausap na na mga naglalakihan mga kalalakihan. "Ayaw niya kayang ginagawa iyon. Ayaw niyang may sumusunod o sumasama sa kaniya. Kaya nagulat din ako kanina."

"Wow, ha, sa sobrang gulat mo nasa loob ka na ng sasakyan ni sir." Natatawang saad ni Grasya.

"Kahit naman sino sa atin ay tatakbo agad talaga papasok sa loob ng sasakyan ni sir," ani Helen. "Minsan lang mangyari ang gano'n, kung hindi mo tatanggapin baka hindi ka na makaulit."

"Baka naman hindi 'yan si sir," bulong ni Rein. "Hindi kaya doppelganger 'yan?"

"Uso ba 'yon?" takang tanong ni Helen. "Hindi naman ata."

"Gaga, anong uso?" saad ni Grasya. "Doppelganger as in ka-doble kara ni sir, gano'n!"

Pinanood lang ni Nelvie ang mga kasama na mabaliw sa kakaisip kung bakit sila niyaya ng kanilang boss.

Tumingin siya kung saan nakatayo ang lalaking dahilan nang pagganyan ng mga kasama niya. He's talking with three muscled guy like they are settling something. Bahagya siyang lumapit para tanawin sana kung anong ginagawa nila ngunit huli na siya.

Humarap si Ivan sa kanila at agad na dumapo ang tingin niya kay Nelvie. He saw how curious the lady is while looking at him.

Umiwas ng tingin si Nelvie at tinignan ang mga kaibigan na hindi pa rin tumitigil sa pag-uusap.

"Let's go." He said.

Agad na sumunod ang apat. Kumapit naman si Grasya kay Nelvie at hinigit siya para sumama sa kanila. Nagtaka silang apat kung bakit hindi sila sa entrance nitong bar dumaan.

Nagkatitigan sila at naguguluhan sa nangyayari.

"B-Bakit tayo rito dumaan?" natatakot na bulong ni Rein. "Hindi kaya binenta tayo ni sir sa mga lalaki kanina?"

"G-Gaga ka!" Nakaramdam din ng takot si Helen. "Huwag kang magbiro ng ganiyan. Mahal ko pa ang buhay ko. May pamilya pa akong binubuhay."

"Tumahimik kayo," suway ni Kristal sa dalawa. "Baka naririnig na kayo ni sir, ibenta talaga kayo niyan."

"Shh!" suway din ni Grasya sa tatlo. "Huwag na kayong maingay."

Maski si Nelvie ay nagtataka kung bakit imbes na sa entrance sila dumaan ay nasa gilid sila ngayong ng building dumaan. Ano kayang pinaplano ng boss niya sa kanila? Totoo kaya ang hula ni Rein? Binenta nga kaya sila ng kanilang amo?

Hindi nakatiis si Nelvie at inalis ang kamay ni Grasya sa braso niya. Gusto niyang malaman kung saan sila pupunta at anong plano ng kaniyang amo sa kanilang lima.

"Ano—" sigaw ni Grasya sa gulat.

Hindi iyon pinansin ni Nelvie at mabilis na nagmartsa palapit sa amo.

"Nelvie!" sigaw ng apat ngunit wala siyang pake.

Nang maabutan ang amo ay hinawakan niya ito sa braso at pinaharap sa kaniya. Ni hindi man lang nagulat o natakot si Ivan sa ginawa ni Nelvie. He just stared at her then to the ladies behind her and back to her again.

"Why?" he said. "Do you want to say something, Miss Little Pony?"

"Saan mo kami dadalhin?" agaran na sabi ni Nelvie. "May pinaplano ka ba sa amin?"

"What do you mean by that?" Ngumisi si Ivan. "Planning on you what?"

Hindi alam ni Nelvie ngunit kinabahan siya sa sagot ng amo. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot.

"May pinaplano ka bang masama sa amin?" tanong niya. "Kung mayroon man, itigil mo na. Wala kang mapapala sa amin."

Ivan chuckled on how brave she is while looking at him.

"Miss Little Pony, I don't have any bad plans to you and to your friends." Nilingon niya ang apat na babae bago ulit tinignan si Nelvie. "We're just going to have fun tonight."

"Paano naman kami makakasigurado?" ani Nelvie. "Saya nga ba ang aabutin namin sa pupuntahan na'tin?"

"Why?" Ivan took one step towards her. "What else do you expect to feel tonight then, Miss Little Pony?"

Napaatras si Nelvie sa paghakbang ng boss.

Habang ang apat ay pinapanood lang sila at natatakot para sa kay Nelvie. Magkakahawak pa sila ng kamay na tila nagdadasal.

"I'm asking you a serious question, SIR." Madiin niyang sinabi ang salitang 'sir'. "If you can't answer me a serious answer then uuwi na lang po kami."

Tinalikuran niya si Ivan at lalapit na kung nasaan ang mga kasama niya nang hawakan siya ni Ivan sa braso. Natigilan siya at napatingin sa kamay nitong nakakapit sa braso niya. Malaki masyado ang kamay niya para sa braso niya.

"I'm not planning something bad on you and with your friends, Miss Little Pony," sabi ni Ivan habang nakatitig sa likod ni Nelvie. "We really just going to have fun really. I wanna treat my employees tonight."

Hinarap ni Nelvie ang boss at tinanggal ang kamay nito sa kamay niya.

"Seryoso po, sir?" aniya. "Ano pong reason niyo para i-treat kaming mga EMPLEYADO mo?" She emphasized the word 'empleyado'.

Never in Ivan's life, he agreed to someone he's not familiar with and especially to woman like in front of him now. But he just found himself nodded his head to answer Nelvie's question.

"Nothing, Little Pony, but I can assure you that there's nothing bad will happen to you there." Seryosong sabi niya. "Just fun and nothing else."

Minutes had passed bago naunang naglakad si Nelvie. And that's make Ivan smiled before following her. Sumunod naman agad ang apat kahit na nagtataka sa mga galaw nila Nelvie at ng kanilang boss Chivan.

Kaya naunang naglakad si Nelvie dahil hindi niya kinaya ang mga titig ng amo. She thinks the way he look at her is like he's engraving her soul. Na tila ba hinihipnotismo siya ng mga titig nito. Kaya hindi niya na nakayanan at nauna na siyang bumitaw at naglakad.

Hindi pa man siya klarado kung may pinaplano nga ba sa kanila ang amo ngunit wala na rin naman silang takas kung mayroon man. Kaya naman aakto na lang siyang matapang para naman hindi na madagdagan ang takot ng mga kasama niya.

"Grabe ka talaga, 'te," bulong ni Rein nang tumabi silang apat kay Nelvie. Nauuna na ulit maglakad si Ivan. "Paano mo nagagawang ganon-ganunin si sir? Ang tapang mo, gurl!"

"Sabi sa inyo, e, she's the one," proud na sabi ni Grasya at umakbay kay Nelvie. "Bata ko ata 'to."

"Pero, Nels," si Helen. "Ano raw gagawin sa atin ni sir? Bakit tayo narito?"

"Ibebenta ba talaga tayo?" dagdag ni Kristal.

Umiling siya. "Hindi ko rin alam pero maging handa kayo."

"B-Bakit?" utal na sabi ni Grasya.

Tinignan ni Nelvie sila isa-isa bago sinabi ang mga katagang,

"Baka ibenta nga tayo."

Natakot naman ang apat sa tinuran niya.

"The fvck man! Bakit ngayon ka lang?!"

Napatingin silang apat sa unahan nila ng may panibagong boses silang narinig. Nakita nilang lumabas ang nakapulang suit na lalaki sa may pintong kulay itim na parang daanan ng exit.

"I told you, I'm not interested going here."

"And what are you doing here, then?" tanong ng kaibigan ni Ivan. "You kept saying that but you're still going here. What an excuse, man!"

Nagawi ang tingin ng kaibigan ni Ivan sa limang babae na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang daalwa.

"Oh, what we have here?" Ngumisi siya at nilagpasan ang kaibigan. "Are you with them, Ivan?" He scanned the faces of the five ladies. "Didn't know you change your taste now, huh?"

"Stop, Kiel," ani Ivan sa kaibigan. "They're my employees."

"Huh?" Gulat na tinignan ni Kiel si Ivan bago muling tumingin kina Nelvie. "Really? So you're a good boss now, huh? Treating your employees, I see."

Humakbang palapit si Keil kina Nelvie. Natakot naman ang apat habang si Nelvie ay nakipagtitigan sa kay Keil. He has a big tattoo in his right arm at lumalabas din ang matikas nitong dibdib na may tattoo rin.

Tumayo si Kiel sa harap ni Nelvie at naglahad ng kamay.

"Hi, there," Ngumiti si Keil. "I'm your boss' friend, Kiel."

Tinignan lang ni Nelvie ang kamay ni Kiel. Ni walang siyang balak na tanggapin iyon. Hindi siya natatakot sa lalaki ngunit masama ang kutob niya.

"Stop it, Kiel." Saad ni Ivan sa kaibigan. "Let's go inside."

Nginisihan at kinindatan lang ni Keil si Nelvie bago sinunod ang sinabi ng kaibigan.

Nakita ni Nelvie na may kung anong sinabi ang kaibigan kanilang amo rito bago ito pumasok sa loob. Tinignan naman ni Ivan sila Nelvie at sumenyas na sumunod sa kaniya.

"Natatakot ako," bulong ni Rein. "What if totoo ngang ibebenta tayo ni boss? Baka pagpasok na'tin hindi na tayo makalabas ng buhay."

"Ako rin," sang ayon ni Helen. "Tumakas na kaya tayo?"

"Parang hindi naman," saad ni Kristal. "Mukhang okay na ang kaibigan ni sir. Hindi naman siya mukhang masamang tao."

"Kaya nga," sang-ayon ni Grasya sa sinabi ni Kristal. "Malay niyo ililibre talaga tayo ni sir, sayang naman kung tatakas tayo. Ngayon lang 'yan nanlibre si sir baka hindi na maulit."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido sin Rein at Helen sa sinabi nila Kristal at Grasya.

Humarap naman sa kanila si Nelvie.

"Mukhang hindi naman tayo ipapahamak ni sir," paliwanag niya.

"Paano mo naman nasabi, Nelvie?" tanong ni Rein.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam. Masama man ang ugali ni sir pero mukhang hindi naman siya iyong tipong mamamatay tayo."

"So, papasok tayo?" tanong ni Helen sa kaniya.

"Bakit hindi?" sagot ni Nelvie. "Katulad ng sinabi niyo, ngayon lang ginawa ito ni boss at baka hindi na rin maulit edi sulitin na na'tin."

"Pero paano kung mga armadong tao ang nasa loob?" tanong na naman ni Rein.

Inakbayan siya ni Grasya. "Ano ka ba. Huwag kang matakot, lima naman tayo kakayanin na'tin sila."

Ilang salita pa mula kay Nelvie bago napapayag sina Hele at Rein. Sabay-sabay silang pumasok sa pinto kung saan pumasok ang knilang boss at ang kaibigan nito.

Bumungad sa kanila ang kulay pulang ilaw dahilan para maging pula ang buong paligid. May mahinang kanta na umeere at may iilang mga tao sa loob. 'Tila isa irong tagong bar at 'tanging kilala o mayayamang tao lamang ang pupwede base na rin sa mga suotan ng mga naroon.

Bigla naman na-conscious sila Nelvie sa suot nila. Halata kasi sa mga suot nitong damit at mga alahas na suot sa katawan na mayayamang tao ang naroon. Habang sila'y isang hamak na tao lamang na nabubuhay.

"Mukhang secret bar 'to, ah?" bulong ni Grasya. "Tignan niyo, oh, ang yayaman ng mga suot nila. Parang hindi ata tayo belong dito."

"Feel ko tuloy mayaman na rin ako," bulong naman ni Kristal.

"Ganito pala mga bar ng mayayaman 'no? Ang mamahalin din tignan." Maghang sabi ni Helen kay Rein.

"Oo nga," tugon ni Rein sa kaniya. "Ang swerte naman na'tin."

Nagpokus si Nelvie sa mga taong naroon habang naririnig ang mga bulungan ng mga kaibigan. Hindi kasi siya sigurado kung safe ba sila roon o hindi.

Hinanap ng mga mata niya ang kanilang boss. Natagpuan niya itong nakatayo sa may isang pinto habang nakatanaw sa kanila.

"Hali na kayo." Sabi niya sa mga kaibigan at dumiretso kung nasaan nakatayo ang amo.

Sumunod naman ang apat sa kaniya hanggang sa makatayo sila sa tapat ng kanilang boss.

"Do you want to join us or you want to have seperate table?"

Nagkatitigan sila. Ang apat ay nagtataka kung ang kausap ba talaga nila ay ang kanilang boss o ibang tao. Habang si Nelvie naman ay tumitig lang sa lalaki na 'tila inaalam kung may binabalak ba itong masama o wala sa kanila.

"Ano ba?" bulong ni Grasya. "Hiwalay na lang?"

"Huwag na," kontra ni Rein. "Baka mapaano tayo rito, e."

"Oo nga tapos wala rin tayong pambayad," ani Helen.

"Sigurado kayo?" tanong ni Nelvie.

Tumango naman sila Helen at Rein. Tumango nalang din sila Grasya at Kristal. Muling tinignan ni Nelvie ang boss nila.

"So?" Ivan asked. "What did you decide?" he looked to Nelvie.

"Sasama nalang kami sa inyo," ani Nelvie.

"Okay, then."

Hinawakan ni Ivan ang doorknob at dahan-dahan na tinulak para buksan ang pinto.

"Come in."

Written by DBardz

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Edgar Batina
......... ang lt nitong apat .........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status