Share

05

05

Linggo ngayon at walang pasok si Nelvie. Hindi niya namalayan na limang araw na pala siyang pumapasok bilang isang secretary. Hindi niya alam paano niya natiis ng limang araw ang ugali ng kaniyang amo.

Napaayos siya ng upo sa kama nang tumunog ang messenger app sa cellphone niya.

GRASYA: 1PM nalang daw tayo magkita-kita kasi may pupuntahan pa si Rein mamaya.

Mabilis na nagtipa ng reply si Nelvie.

NELVIE: Sige, ate.

Kahapon bago sila magkaniya-kaniyang uwi, nagplano silang pupunta sa mall para naman i-celebrate ang pagiging empleyado ni Nelvie sa kompanya. Pa-welcome party nila sa kaniya. Dahil wala pa silang mga sweldo ay nagpasya nalang sila na mag-mall.

Napatingin siya sa oras sa cellphone. It's already 10 in the morning. Nag-unat siya ng katawan bago tumayo at niligpit ang higaan. Sisipol-sipol at kakanta-kanta siyang lumabasng kwarto at tinungo ang lamesa kung saan nagtatanghalian na ang kaniyang lolo't lola. Maaga talaga siyang gumising, natulog lang ulit dahil sa pagod.

"Gising ka na pala, apo." Napansin siya ng kaniyang lolo. "Aalis ka na ba?"

Umupo siya sa tabi ng lolo at saka kumuhang plato. "Mamaya pa, lo, mga bandang ala una pa." Kumuha siya ng makakain. "Na adjust, e."

"Gano'n ba," anito. "Gagabihin ba kayo, apo?"

"Hindi ko pa po alam, e." Sumubo siya ng kain at nginuya bago sinundan ang sinabi niya. "Pero sana hindi, ang hirap po sumakay pauwi kung gagabihin. Galing na po ba kayong barangay?"

"Oo, apo," sagot ng kaniyang lola. "Ayos naman ang pakiramdam namin ng lolo mo."

Tumango si Nelvie.

Tuwing linggo kasi ay may libreng check up sa kanilang barangay. Lagi niyang pinapaalala sa kaniyang lolo't lola na magpatingin para malaman niya kung may nararamdaman ba ang mga ito o wala. Dati ay sinasamahan niya ngunit no'ng nagsimula siyang maghanap ng trabaho ay natigil iyon. Kaya ang dalawang matanda nalang ang bumabalik sa barangay para sa kanilang check up.

Sumapit ang alas dose at umalis si Nelvie ng kanilamg bahay. Pinaalalahanan niya nag kaniyang lolo't lola bago lumisan.

Tanghaling tapat kaya medyo natagalan siya makasakay ng jeep. Gano'n din pagdating sa bayan. Madaling ang masasakyan dahil puro punuan. Ala una pasado na nang marating niya ang mall. Sakto namang nasa labas na no'n sila Kristal at Grasya. Pagkakita sa kaniya ay sinalubong siya ng mga ito.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Nelvie sa dalawa. "Sorry. Ang tagal kasi ng jeep na sinasakyan ko, ang bagal ng takbo."

"Ikaw nalang ang kulang," sabi ni Kristal. "Nag-CR lang yung dalawa."

Nagsimula silang maglakad papunta sa loob ng mall. Gumala ang mga tingin niya sa mataas at malawak na lugar. Hindi niya ito first time makapasok sa mall ngunit hindi rin naman siya madalas magtungo sa mga ganitong lugar. Mas gugustuhin niya kasing manatili sa bahay kasama ang kaniyang lolo't lola.

"Saan naman tayo unang pupunta?" tanong ni Helen habang nakasakay sila sa escalator papuntang ikalawang palapag. "Saan niyo gusto pumunta?"

"What if kumain muna tayo?" Sambit ni Rein. "Wala pa kasi akong kain." Napakamot siya sa ulo. "Dumiretso kasi ako rito pagtapos ko kitain iyong pinagkakautangan ko."

"Saan naman tayo kakain?" tanong ni Kristal, luminga-linga siya sa paligid. "May nakikita akong Jollibee, McDo at Mang Inasal. Saan niyo gusto?"

"Mang Inasal na lang." Sagot ni Grasya na tinuturo pa ang gawi ng Mang Inasal. "Para sulit."

Nagkasundo sila na sa Mang Inasal nalang kumain. Pulos kwentuhan sila habang naghihintay sa pagkain na inorder. At hindi na naman nawala sa usapan nila kung gaano sila namangha kay Nelvie sa katapangan na akin nito. Siya na naman ang sentro ng kailangan pag-uusap.

"Bilib talaga ako rito kay Nels," proud na sabi ni Grasya habang nakangisi ng malaki. "Akalain mo 'yon, ikaw lang pala ang hinahanap namin para maging sekretarya ni boss. Bakit ngayon ka lang sumagi sa isipan ko? Kung hindi siguro tayo nagkita no'ng araw na iyon, baka naghahanap pa rin kami ng sekretarya para kay boss."

"Medyo masungit naman kasi talaga si boss," mahinang sabi ni Helen. "Buti nga at natagalan mo ang ugali no'n."

"Anong medyo ka riyan?" 'tila hindi naniwala si Rein sa sinabi ng katabi. "Masungit talaga at suplado at... masama ang ugali, 'diba?" humina ang boses niya.

"Madalas ko nga silang naririnig na nagsisigawan," ani Kristal. "Parang palengke ang opisina ni boss kapag nag-aaway sila. Akala ko nga gigiba na ang office ni boss sa sobrang lakas ng mga sigawa nila sa isa't isa."

Natawa silang lahat.

"Paano mo nagagawa iyon, Nels?" tanong ni Kristal at tinignan siya. "Paano mo nagagawang sigawan si boss? Hindi ka ba natatatakot sa kaniya?"

"Anong hindi? Syempre natatakot din. " Natatawang sabi niya. "Pero nakakainis kasi talaga siya. Hindi ako pinalaki ng lolo't lola ko para sigawan at pahirapan niya 'no! Naintindihan kong boss na'tin siya pero sana umakto siyang boss nga talaga na'tin. Ubod ng sama mg ugali, e, para akong laging may kaaway kapag kausap siya. "

"Pero aminin, ang gwapo ni sir." Nanunuksong sabi ni Grasya. "Gwapo na sana kaso iyong ugali nakakaturn off."

"Bakit ayaw mo sa masamang ugali?" inosenteng tanong ni Rein.

"Ano ka ba, Rein!" Mahinang hinampas ni Grasya sa braso ang kaharap na si Rein. "Siyempre oo! Baka saktan ako lagi kapag mag-asawa na kami. Ayaw ko nang gano'ng lalaki."

"Totoo," pag-sang ayon ni Helen. "Gwapo nga kaso iyong ugali ang pangit parang ang hindi no'n."

Natawa si Kristal. "Bakit papatulan ba kayo ni boss?"

"Ang sama!" sabay na sabi ni Helen ar Grasya.

Pulos sila tawanan na ikinasaya ni Nelvie. Gano'n pala ang pakiramdam na makagala kasama ang ibang tao. Hindi niya kasi iyon naranasan no'ng college student siya. Taong bahay at unibersidad lamang siya, kung kailangan lang umalis saka siya nakakagala.

Hindi rin marami ang kaibigan niya, hindi nga ata consider na kaibigan dahil wala talaga siya no'n. Loner siya no'ng college years niya. Nakikibelong lang sa mga circle of friends ng ibang tao. Kaya hindi niya alam na ganito pala kasaya ang makasama ang mga kaibigan sa labas at magkaroon ng oras sa isa't isa.

Inenjoy nila ang pag-s-stay sa mall. Nanood sila ng sine at naglaro rin ng mga pambatang mga laro. Pare-pareho silang pinagkaitan ng kasiyahan noong pagkabata kaya naman wiling-wili sila habang naglalaro. Hindi maalis ang malalaking ngiti sa kanilang mga labi habang patuloy sa pag-ikot sa mall. Kahit na walang sapat na pera ay masaya sila.

Madilim na nang nagdesisyon silang umuwi na. Malalayo pa kasi ang bahay ng ilan sa kanila. Hirap din makasakay gayong araw ng linggo. Tumayo at naghintay sila sa waiting shed ng masasakyan habang binabalikan ang mga naging ganap nila ng araw na iyon.

"Ulitin na'tin 'to ha?" Tuwang sabi ni Kristal. "Hindi ko na tanda kung kailan ako huling ginawa ang ganito."

"Ako rin," ani Helen. "Puro nalang trabaho ang nasa isip ko kaya nakakalimutan ko nang pasayahin ang sarili ko sa mga ganitong bagay."

"E 'di sa next sunday ulit?" tanong naman ni Grasya. "BFF na ba tayo nito?"

Nagtawanan sila.

"Gusto ko ulit i-try 'yon i-sho-shoot ang ball," sabi naman ni Rein. "ang saya pala laruin no'n!"

"Ni hindi ka nga naka-shoot!" Asar ni Helen. "Puro sablay."

Sumimangot si Rein. "Ang layo kasi ng ring nila."

Nagtawanan sila.

"Mukhang mahihirapan tayong umuwi nito," sabi ni Kristal habang nakatanaw sa mga jeep na dumadaan. "Walang humihintong jeep, mukhang punuan."

"Gabi na rin kasi," saad ni Nelvie. "kaya mahirap talaga."

Naghintay sila ng jeep na hihinto ngunit wala talaga. Nangalay na ang mga paa nila kakatayo kaya umupo muna sila habang nakatanaw sa mga jeep na dinadaan lang sila.

"May pasok na pala ulit bukas. Maririnig ko na naman ang sigawan niyo." Sabi ni Kristal at tinignan si Nelvie. "Kailan kaya kayo magkakasundo ni boss?"

"Magkakasundo nga ba sila?" singit ni Grasya at dumungaw pa para tignan si Nelvie. "Tingin mo magkakasundo kayo ni boss?"

"Oo? Siguro?" Hindi siguradong sagot ni Nelvie. "Kapag pumuti ang uwak, siguro oo."

"May puting uwak na kaya," saad ni Helen. "So magkakasundo na ba kayo?"

"Magkakasundo nino?" biglang sabi ni Rein. "Sino bang pinag-uusapan na'tin?" Nasa dulong parte kasi siya katabi ni Rein kaya hindi niya narinig ang sinabi ni Kristal na nasa kabilang dulo rin. Idagdag pa ang ingay ng mga sasakyan sa harap nila kaya hindi niya talaga naintindihan.

Nasa kalagitnaan sila nang pag-uusap ng bigla nalang may huminto sa harap nila ng isang BMW. Pare-parehong silang tinignan iyon. Nagkatitigan sila bago ulit iyon tinignan.

"Sino 'yan?" bulong na tanong ni Grasya. "Don't tell me. may anak ng mayaman tayong kasama rito ha?" Tinignan niya isa-isa ang mukha ng mga kasama. "Sino? Sino ang anak ng mayaman sa grupong ito?"

"Not me!" Si Helen.

"Hindi rin ako!" si Rein.

"Mas lalong hindi ako!" si Nelvie.

Nang tumingin sila kay Kristal ay ngumiti ito saka tumayo. Laht sila ay napanganga sa ginawa nito.

"Eme! Hindi rin!" biro ni Kristal at muling umupo. "Poorita rin ako 'no!"

Nakatanggap siya ng hampas sa mga kaibigan. Pero agad din silang bumaling sa sasakyan nang bumusina ito. Muli silang napatinin doon at pinagmasdan ang sasakyan.

"E 'di sino 'yan?" ani Rein. "Baka may jowa kayong mayaman?"

"Afam?" ani Grasya.

"Gaga!" Tawa ni Helen.

Lahat sila nakatutok sa sasakyan nang dahan-dahan bumaba ang bintana nito.

"What are you doing there? All of you?"

Nanlaki ang mga mata nila nang makita kung sino ang nasa sasakyan.

Walang iba kundi ang kanilang boss.

Si Boss Chivan!

Mabilis silang tumayo at agad na nag-bow bago ito binati.

"Good evening, sir!"

Samantalang si Nelvie naman ay hindi tumayo sa upuan niya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Sigurado siyang sa kaniya nakatingin ang amo kaya hindi siya gumalaw at hindi niya ginaya ang ginawa ng mga kasama.

Napansin siya ni Grasya at hinigit siya nito at pwersahan na pinag-bow.

"Gaga ka!" Bulong ni Grasya sa kaniya. "Umayos ka, boss pa rin na'tin 'yan."

Napairap lamang si Nelvie.

"N-Namasyal lang, sir," sagot ni Kristal sa tanong ng amo. "Pero pauwi na rin po kami."

"Opo, sir!" sang-ayon na sabi nina Helen at Rein.

Napatango si Ivan habang nakatitig pa rin sa babaeng masama ang tingin sa kaniya.

'What I did to gain that stare?' tanong niya sa isipan.

"Okay," sabi ni Ivan at isasara na sana ang bintana ng sasakyan nang marinig niya ang boses ni Nelvie.

"Good evening, sir." Walang bahid na emosiyon na bati ni Nelvie.

Muli siyang tumingin sa babae at pinagmasdan ito. She's really brave to said that with that kind of tone and kind of look.

"Good evening, Miss Little Pony." Ngumisi siya na 'tila nang-aasar. "Did you have fun?"

Napatango ang apat habang nanatiling naka-poker face ang mukha ni Nelvie.

"Opo, sir!" sagot ng apat.

Saglit nawala ang atensiyon niya sa mga empleyado nang tumawag ang kabigan niyang si Tristan. Sinagot niya iyon habang nakatingin sa harap.

"I'm almost there so stop calling me, fvcker!" sagot niya dahil ilang beses na siya nitong tinatawag na daig pa ang mga naging babae niya.

"The fvck, man!" Angal ng lalaking kausap niya. "Kanina mo pa sinasabi 'yan pero wala ka pa rin dito! Are you fvcking someone right now?!"

"None of your business!" pinatay niya ang tawag at binalik sa lagayn ang cellphone. Muli niyang tinignan ang mga empleyado. "Well, do you have time? Wanna hang out with your boss?"

Napanganga ang apat habang si Nelvie ay gano'n pa rin ang reaction. Ivan felt excited seeing her reaction. So, his affection doesn't affect her? Great.

"T-Talaga, sir?!" sambit ni Kristal, hindi makapaniwala. "Pwede po ba?"

Tumango si Ivan.

"I'll be meeting my friends today," aniya. "If you want to join us, come inside."

Mabilis pa sa alas kwarto na nagtakbuhan ang apat papasok sa backseat ng sasakyan ng amo. once in a blue moon lang iyon mangyayari kaya sinulit na nila. Gusto rin nilang malaman kung anong klaseng tao ang amo nila kapag nasa labs ng trabaho.

"Nels, tara!" sabay-sabay na sabi ng apat.

Nakatayo pa rin kasi siya habang nakatitig sa nakangising amo. Alam ni Ivan na naiinis na ito kaya mas lalo siyang ngumisi. Natutuwa siya sa tuwing nakikitang naiinis ang sekretarya niya. 'Tila isang kamatis ang mukha nito kapag naiinis.

"Are you coming or not?" tanong niya kay Nelvie. "We're going if your not coming with us." Pinatunog nito ang sasakyan.

Lumabas naman si Grasya at bumalik sa kung nasaan si Nelvie. Agad niya itong hinawakan a braso at hinigit papasok ng sasakyan.

"Huwag ka nang maarte, 'te!" bulong ni Grasya sa kaniya. "Baka hindi na 'to mangyari kaya sulitin na na'tin!"

Naunang pumasok si Grasya bago siya hinigit pero hindi na sila kasya sa backseat. Napansin iyon ni Ivan kaya tumingin siya sa mga ito.

"Shotgun seat is still available, ladies," aniya. "You can seat here. Don't worry I won't bite."

Natigilan naman sila bago bumulong si Rein kay Grasya.

"Si Nels nalang ang sa harap kaya niya naman si sir." bulong nito.

Napatango si Grasya at binitawan si Nelvie.

"Sir, si Nelvie nalang po riyan." Sabi ni Grasya na kinagulat ni Nelvie.

"H-Hoy! Ayoko nga!" tutol niya. "Ikaw nalang."

"Nakaupo na ko, bleh!" asar ni Grasya.

Walang nagawa si Nelvie dahil wala rin naman siyang mauuouan kaya dumiretso na siya sa unahan. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang nakangising mukha ng amo.

"Move faster." Sabi nito.

Napairap si Nelvie at saka pumasok.

"Put your seat belt on," sabi na naman ni Ivan. "Or you want me to do it for you?"

Inis na kinuha ni Nelvie ang seat belt at nilagay iyon.

"Okay na?" tinignan niya ang amo.

Ngumisi lang si Ivan bago pinaandar ang sasakyan.

"Good girl." Bulong nito habang minamanebela ang steering wheel.

Umirap naman si Nelvie at tumingin sa labas.

Written by DBardz

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status