10"Revise this again!"Two days had passed after they went to Hell's bar and everything went back. Nelvie thought her boss became, even a little bit, kind after their bar and hatid experienced but she was wrong. Maling-mali siya. Dahil bumalik sa ugali nito ang boss niya na akala mo'y laging may kaaway."Fine!" Pangatlong soft copy na iyon na ibibigay niya kay Kristal.Bago pa siya makalabas ng pinto ay muling nagsalita si Ivan."Brew me a coffee." Utos nito. "And move quick! You're so slow!"Umirap lang si Nelvie at lumabas ng opisina nito."Ang sungit talaga!" Inis na sabi niya at binigay kay Kristal ang pina-revise nito. After niya ibigay kay Kristal ang document ay dumiretso siya sa 1st floor kung nasaan ang coffee maker at ginawan ng kape ang boss niya. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na si Nelvie sa trabaho niya. Alam niya na ang pasikot-sikot ng kompanya.At mas lalong alam niya na ang takbo ng utak ng kanilang boss.Pansin niya na talagang mainitin at tila parating galit a
11"Sir, your coffee is here na." Nakangiting nilapag ni Nelvie ang tasa ng kape sa gilidnng laptop ni Ivan. Tinignan niya ang boss suot ang pinakamagandang ngiti niya. "Enjoy your coffee, sir. Balik na po ako sa table ko."Sinundan ni Ivan ng tingin si Nelvie. Nitong mga nagdaang araw, pansin niya na 'tila may nagbago sa pakikitungo ng secretary niya sa kaniya. He could feel it and see it. The way she acts in front of him, it changed suddenly. It was like she's being good to him. She acted weird and it made him to questioned it."Pony." Tawag niya rito.Natigilan si Nelvie at muling hinarap ang boss. Suot niya pa rin ang ngiti sa mga labi. At tila nagpapa-cute pa dahil pumipikit-pikit ang mga mata nito.Tumaas ang kilay ni Ivan sa inaakto nito."Are you sick or something?" tanong ni Ivan. "Did you eat something that made you act like that? Are you okay?" He's not worried at her, he's worried for himself."Act what, sir?" Hindi pa rin inaalis ni Nelvie ang ngiti sa mga labi. " What
12'Tanging ang malakas na pagkidlat at pagkulog ang maririnig sa buong opisina ni Ivan. Halos magliwanag ang buong kwarto sa tuwing kikidlat ng malakas at susundan ng malakas na kulog. Wala pa ring ilaw ang buong opisina kaya naman walang nagsisilbing ilaw para gabayan silang dalawa.Mahigpit pa rin ang yakap ni Nelvie kay Ivan na halos bumaon na ang kuko niya sa braso nito. Takot siya. Takot na takot siya. The past she had been trying to engrave a long time ago was all coming back to her. The dark past of her where she used to be the victim of those bully kids in high school.Kagat ang mga labi na tinitiis ni Ivan ang sakit nang pagbaon ng mga kuko ni Nelvie sa kaniya. He could feel how her body trembling like she was afraid of something. Hindi niya ito magawang sigawan o pagsabihan dahil damang dama niya ang takot sa kayakap. So he let her do whatever she wants to ease the fear she was feeling."D-Don't..." Nelvie murmured. She even moved closer to him. Binaon niya ang mukha sa dib
13"ONE WEEK?!" Sigaw ni Nelvie. "Isang buong linggo talaga, sir? As in walang uwian? Buong linggo dire-diretso gano'n?"Pagkapasok na pagkapasok ni Nelvie sa trabaho kina bukas ay iyan ang bumungad sa kaniya. Hindi alam ni Nelvie ang mararamdaman sa sinabi ng boss. Mayroon daw silang a-attend-an na meeting ng buong isang linggo sa Palawan. Ni hindi siya handa at hindi siya nakapagpaalam sa lolo't lola niya. Napamasahe ng sintido si Ivan sa reaction niya. He expected this kind of reaction from. her but he still can't bear her loud voice. Parang sinisira nito ang eardrums ng mga tenga niya sa sobrang lakas. "Kakasabi ko lang, 'di ba?" Iritadong sabi ni Ivan. "Uulitin ko pa ba?""E, sir, kasi naman!" Hindi alam ni Nelvie ang gagawin. Nablanko siya habang iniisip ang sinabi nito. "I'm not prepared. Bakit kasi ngayon mo lang sinabi? And I really need to got with you? As in need na need talaga?""Ano ba kita?" tanong bigla ni Ivan.Natigilan si Nelvie.Napatitig siya kay Ivan. Hindi niya
Chapter 14"Dalawang room talaga, sir? Ayaw mo magsama nalang tayo sa iisang room para mas makatipid tayo?"Hindi sa gusto ni Nelvie makasama ang boss nya sa iisang kwarto ngunit sa mahal ng narinig niyang presyo nang tutuluyan nila ay para siyang tinitiklop sa walo. Nagkahahalagang 150,000 pesos lang naman ang per room sa kung saang hotel sila napapad dito sa palawan. Halos mabingi siya pagkarinig sa presyo no'n.Bumukas ang elevator door bago pa makasagot si Ivan kay Nelvie. Sumunod naman agad si Nelvie sa lalaki."Sir, ayaw mo talaga?" Habol niya sa boss. "Ang mahal kaya rito. Sayang pera."Hindi naman pinansin ni Ivan ang mga sinasabi ni Nelvie. He's tired. He just wanted to throw himself on bed and sleep peacefully. And how can he do that if they will stay in one room. The woman will surely not let him sleep even a bit.Tumayo sya sa pinto ng room number na binigay kanina. Binuksan niya ang pagkaka-lock ng pinto bago humarap kay Nelvie. He then extended his hand giving the keys
CHAPTER 15Kumapit sa railings ng balcony si Nelvie habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang pagtama ng malamig na hangin sa kaniya. Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin na siyang dahilan kung bakit ngayon nakatayo si Nelvie sa balcony ng silid nya.Kanina pa sila nakauwi ng kanyang amo. Ni hindi niya nga alam kung matatawag bang dinner ang ginawa nila dahil pulos paggamit lamang ng cellphone ang ginawa ni Ivan. 'Tila wala siyang kasamang kumain kanina."Hayy…"She opened her eyes and stared at the moon in the sky. Maaliwalas ang panahon. Punong puno ng mga bituin ang kalangitan. Napangiti si Nelvie habang nakatanaw sa kalangitan."Gusto ko nang umuwi. Wrong choice pala na sumama ako sa boss kong masungit dito." Kausap niya ang sarili. "Wala naman ibang magawa rito kundi humilata."Inalis nya ang kamay sa railing at niyakap ang sarili."Namimiss ko na sila Lola at Lolo. Sana ayos lang sila ngayon." Tumunganga pa siya ng ilang minuto sa kalangitan bago nagpasya na pumaso
CHAPTER 16Lihim na pinagmasdan ni Nelvie ang lalaking nagmamaneho sa gild niya. Hindi niya mawari kung bakit mukhang galit ito. Nakakunot at ‘tila nanlilisik ang mga mata habang nagmamaneho. Ganyan ang itsura ng boss niya. At wala siyang alam kung bakit.Kanina niya pa pansin na mukhang wala ito sa tamang huwisyo ngunit wala siyang lakas ng loob para magtanong. She just sits there quietly watching him and waiting for him to calm down. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay anumang segundo ay sasabog ito at magbubuga ng apoy. Nagnanakaw lamang siya ng tingin at tahimik sa gilid.“Can you stop doing that?”Napaayos ng upo si Nelvie pagkarinig sa sinabi nito. Napalunok siya at napatingin ng diretso sa daan. She acts normal. Simula pagsakay nila ng sasakyan, ngayon lamang ito ang salita kaya alam ni Nelvie na malalagot na naman siya.“H-Huh?” she restrained herself before looking at him innocently. “Doing what?”“Kung ano man ‘yang ginagawa mo.”Hindi pa rin nagpatalo si Nelvie. “Anon
CHAPTER SEVENTEENSilence.Muling namayani ang katahimikan sa sasakyan ni Ivan nang matapos ang pakikipag-usap nila kay Mr. Choi. Hindi alam ni Ivan kung ang pinunata ba roon ng lalaki ay ang proposal niya o ang babaeng kasama niya. Mas nabuhay ang galit sa loob niya. Hindi niya alam kung bakit siya galit. Hindi niya alam kung kanino siya galit. Sa kabilang banda, kitang-kita naman ni Nelvie ang galit sa mukha ng boss niya. Hindi na lang siya nag salita o nagtanong pa at baka lalo lamang magalit. Sinandal niya ang ulo at saka dumungaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Tahimik niyang pinanood ang labas habang nasa byahe sila. Pagdating sa silid ay walang imikan ang dalawa. Gusto sanang nagtanong ni Nelvie ngunit tinikom niya na lang ang bibig dahil mukhang galit pa rin ang amo. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto ata agad na nagpalit ng pantulog para makapag pahinga. Si Ivan naman ay umupo sa may malambot na sofa habang may kung anong gumugulo sa isipan niya. Hinilot niya ang sintido a