Share

04

04

"Repeat this! This, too! Give it back this, too!"

Nagliliparan ang mga soft copy na mga pinasa kanina ng iba't ibang team sa harap ni Nelvie. Ni wala pang na-a-approve sa mga pinasa. Hindi niya alam kung galit ba ang amo niya sa kaniya o mali lang talaga ang mga gawa? O baka hindi niya nagustuhan?

Dinampot niya lahat ng mga papel na tinapon ng kaniyang amo. Inis na siya at napipikon na dahil sumasakit na ang kaniyang balakang sa pagdampot at tayo para kuhain ang mga papel. Kung saan-saan ba naman kasi niya tinatapon ang mga papel kaya kung saan-saan din siya nadampot.

Lumabas siya dala ang anim na soft copy na tinapon. Agad siyang nagtungo sa kabilang kwarto kung saan niya inaabot ang mga rejected na papel.

"Nakakapagod 'no?" Sabi ni Kristal, ang babae na kumukuha ng rejected paper at nagdadala sa mga team. "Parang hindi naman binabasa ni sir ang mga ito." Kinuha niya kay Nelvie ang mga rejected papers.

"Baliw ba 'yong amo niyo?" gigil na bulong nito.

"Amo na'tin." Pagtatama nito, natatawa. "Ganiyan talaga si sir, masanay ka na dapat. Kung gusto mong magtagal dapat tiisin mo."

"Bakit ba siya ganiyan? Dati pa ba siyang ganiyan?"

Tumango si Kristal at niyakap ang mga rejected papers. "Oo, matagal na. Pagpasok ko palang dito, ganiyan na siya."

"Ilan taon ka na ba nagtatrabaho rito?"

"Three years?" Hindi sure na sabi nito. "Or four years? Hindi ko sure, e. Nawala na sa isip ko kung gaano ako katagal dito."

"Natiis mo siya nang ganiyang katagal?"

"Itong kompanya lang kasi ang tumanggap sa akin matapos kong mag-apply sa sampung company," anito. "Kaya hindi ko agad basta-batas mabitawan at maiwan."

Magtatanong pa sana siya nang biglang marinig nila pareho ang galit na boses ni Ivan sa mikropyono.

"Do you want to chitchat all day long?! I can give you the whole da*mn day to do that!" Sigaw nito. "Come back here!"

Nagkatitigan silang dalawa.

"Mukhang hinahanap ka na ni sir, balik ka na ro'n." Sabi ni Kristal. "Sabay nalang tayo mag-lunch?"

Tumango naman si Nelvie. "Balik na ko. Nagagalit na ang dragon."

Natawa si Kristal bago siya sinamahan hanggang sa makalabas. Mabait si Kristal. Kahit na kanina palang ni Nelvie nakilala ang babae, masasabi niyang mabait talaga ito. Mahinhin din kung kumilos ito na akala mo'y dalagang pilipina. Naawa lang si Nelvie dahil napunta si Kristal sa maling amo.

Pagbukas palang ni Nelvie ng pinto ay sinalubong siya ng mga nagliliparan na papel. Kanina ay kumalma na siya sa tulong ng pakikipag-usap niya kay Kristal pero ngayon nakabalik na siya sa kwarto ng amo ay muling bumalik ang inis niya.

Hindi siya nagsalita at muling dinampot ang mga papel sa sahig.

"Revise this! And this one! This one, too!"

Walang salita ang lumabas sa bibig niya at dinampot ang mga ito. May ilang papel pa na tumama sa mukha at katawan niya. Hindi man masakit ang pagkakatama ngunit nagdudulot iyon para mas lalong uminit ang ulo niya. Sinong baliw ang gagawa ng ginagawa ng amo niya ngayon?

"I don't understand this one! What is this?! Change this!"

Muling tumama sa gilid ng ulo niya ang papel na tinapon ng amo. Nanggigigil na siya kaya imbes na kuhain ang papel na tumama sa kaniya ay tumayo siya ng diretso at tinignan ang amo na abala pa rin sa pagbasa ng papel.

"SIR!"

Hindi siya nito nilingon o maski tignan. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa na parang hindi siya narinig.

"SIR!" sigaw niya ulit. Humakbang siya palapit sa amo. "What are you doing?!"

"Don't you know what I'm doing?!" Sa wakas ay nag-angat na siya ng tingin. "I'm checking all the fvcking papers here! And you're disturbing me!"

"Ganito ka ba magtrabaho!" Sigaw niya ulit. "Ganito ka kakalat magtrabaho?!"

"What the fvck do you want?!"

"Ito!" Bigla niyang tinapon sa amo ang mga dinampot na papel. Kitang-kita ni Nelvie kung paano nagliparan papunta sa amo ang papel. May ilang natamaan siya at may ilang nahulog sa gilid niya. "Binabasa mo ba talaga ang mga iyan?!​ Sinasayang mo ang mga papel at pagod na nilaan ng mga employee mo para riyan!"

Hindi hinintay ni Nelvie na sumagot si Ivan. Mabilis siyang lumapit dito at pabagsak na kinalampag ang mesa niya. Saka niya masamang tinignan ang amo.

"Boss ka ba talaga?!" gigil na sigaw niya. She doesn't care if she's being rude right now. "Ganiyan ba umakto ang boss sa mga empleyado niya?!"

"What—"

"Kung ganiyan, mag-re-resign na ako!" sigaw niya sa mukha ni Ivan. "Oo, tama ang rinig mo! Mag-re-resign ako! Hindi ko kinakaya ang ugali mo!"

"You're—"

"Good bye!"

Mabilis siyang nagmartsa palabas sa table niya. Kinuha niya ang mga gamit at dinampot ang bag. Agad siyang nagtungo sa pinto at malakas na sinarado iyon.

Tama nga si Grasya. Walang nagtatagal sa ugali ng lalaking iyon. At napatunayan ni Nelvie iyon. Gano'ng kasama ba namang amo, sino ang magtitiis? Maski siya ay hindi niya kinaya ang ugali no'n!

Lalakad na sana siya papunta sa elevator nang may kamay na pumigil sa pulsuhan niya. At sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan nalang ni Nelvie na nakasandal ang likod niya sa pader habang nakaharang ang boss niya sa kaniya.

Masama, malalim at nakatatakot na mga mata nag sumalubong sa kaniya. Kitang-kita niya ang paggalaw ng panga nito at ang nanggagalaiti nitong mga labi habang nakatingin sa kaniya.

"Huh! Do you think you can run away like that, Miss Little Pony?"

Nagsitayuan ang balahibo ni Nelvie sa tono ng boses nito.

"Don't you remember you sign a contract earlier this morning?" Ngumisi ito na tila nanalo siya. "The contract said, you can't and never leave my company unless I said so. Remember?"

Napalunok siya. Paano niyang nakalimutan ang tungkol doon?

"P-Pero I am the one who will decide to do what I want!" Nilabanan niya ang kaba. "Wala kang magagawa kundi payagan ako! Bitiwan mo 'ko!"

Ngunit malakas ang kapit niya. Mahigpit ang kapit niya sa magkabilang pulsuhan ni Nelvie na pakiramdam ni Nelvie ay babakat iyon sa kaniya.

"No," mariin na sabi nito. "You can't do anything but to stay with me until I let you go."

"A-At sinong nagsabing susunod ako sa kontrata mong 'yan?!" Sinubukan kong umalis sa pagkakahawak niya. "I can tear it apart in front of your face, SIR! Let me go!"

"Hmm..." 'Tila mas nasiyahan siya sa sinabi ni Nelvie. "You did not read the contract carefully? I see."

Natigilan si Nelvie sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?

"B-Binasa ko!" Kahit hindi totoo. "I read it loud and clear! Kaya bitiwan mo na ako!"

"So, you do remember the note I wrote in the lower part of the last paper then?" Nakangising saad nito. Naramdaman ni Nelvie ang mainit nitong hininga na tumama sa tungki ng ilong niya nang ilapit ang mukha sa mukha niya. "Do you?"

Inalala ni Nelvie ang sinasabi nito. Pero hindi niya maalala. First page lang kasi talaga ang sinabi niya. Pagkakita niya kasi sa sahod na 50,000 pesos ay pumayag agad siya. Kaya dumiretso agad siya kung saan maglalagda. At hindi na binasa ang buong tatlong pahinang papel na binigay ni Ivan sa kaniya.

"A-Ano... ah..." Nangapa siya ng sasabihin. "'Yung tungkol sa ano..."

Napangisi lalo si Ivan. Halata kasi sa babaeng kaharap niya na hindi nito binasa ang last part. Nilapit niya ang mukha sa kay Nelvie saka ito niliko para abutin ang kanang tenga niya.

"If you're going to resign, you need to pay me..." Sinadyang huminto ni Ivan para mas lalong kabahan ang nasa harap niya. "... 5 million pesos."

Hindi alam ni Nelvie ang i-re-reak. Nalilito siya kung matatakot ba o lalanghapin ang mabangong amoy ng amo. Na-di-distract siya sa lalaking-lalaking amoy nito. Tila siya na nawala sa sarili sa sobrang bango nito.

"Can you pay me that much money, Miss Little Pony?" Bulong niya. "If you can, then resign." Bigla niyang kinagat ang tenga ni Nelvie.

Doon bumalik ang ulirat ni Nelvie at mabilis na tinulak ang amo. Napalayo ito sa kaniya ngunit sobrang lapit pa rin. Para kasi siyang nanghina sa amoy at sa ginawa nito sa kaniya.

"H-Hindi kita susundin!" Utal man ngunit galit na sabi ni Nelvie. "I'll do everything on my own without following any rules with you, sir!"

"Are you saying you want to continue being my secretary?"

"Do I have any choice?!" sigaw niya. Wala siyang 5 Million Pesos kaya itutuloy niya nalang. Ayaw niya naman makulong dahil walang tutulong sa lolo't lola niya kapag nasa kulungan siya. "Let me go already! Lunch time na! Nagugutom na ako!"

Natawa ng mahina si Ivan. He does feel challenge to this woman. May ibang awra ito na kinagigiliwan niya.

"Fine then." Umatras siya at binigyan espayo ang babae. Tinignan niya nag suot na relo. "You have 30 minutes before you come back here."

"What?! Isang oras ang lunch time, 'di ba?" Binasa niya iyon kanina sa baba. "Bakit may 30 minutes lang ako?!"

"This." Sabi ni Ivan. "Every word you spill to that loud mouth of yours consume a seconds. Time is running, Miss Little Pony." Tinuro-turo pa nito ang suot na relo.

Inis na nagmartsa palabas si Nelvie palabas ng opisina ni Ivan. Saktong lumabas din si Kristal sa silid nito. Mabilis na tumakbo si Kristal palapit sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang sabi nito habang tinitignan siya. "Narinig ko ang sigawan mula sa loob ng silid ni sir. Nag-away kayo?"

Umiling ako at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya sa akin.

"Hindi," pagsisinungaling ko. "Na-high blood lang talaga ako sa kaniya. Kaya ayun nagsisigaw ako."

Natigilan si Kristal. "S-Sinigawan mo si sir? Seryoso ka ba?"

Napahinto rin ako at tinignan siya.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" sabi ni Nelvie. "Oo nga. Nakakabiwisit at nakakainis kasi siya!"

"H-Hindi ko alam ang sasabihin..." Hindi makapaniwala na sabi ni Kristal. "Sinigawan mo talaga si sir? As in sigaw like shout talaga?"

Natawa si Nelvie dahil parang hindi naniniwala si Kristal sa kaniya.

"Oo nga!" Natatawang sabi niya saka hinawakan sa kamay si Kristal. "Hali ka na nga! Gutom lang 'yan!"

Hinigit ni Nelvie si Kristal papasok sa elevator. Halata pa rin sa katrabaho ang hindi pagpapaniwala sa nagawa ni Nelvie sa kanilang amo.

Wala kasi talagang nakagagawa nang ginawa ni Nelvie, sa pagkakaalam ni Kristal. Ni minsan ay wala siyang narinig na sumigaw ang naging sekretarya ng kanilang amo. Wala ni isa na tumangka na gawin iyon Pero itong si Nelvie... isang araw palang niya ngunit nagawa niya na iyon.

Narating nila ang kainan at nakita ni Nelvie si Grasya sa isang table na may kasamang dalawa pang babae. Niyaya sila ni Grasya para umupo sa kanilang tabl. Hindi naman sila tumanggi at mabilis na umorder ng makakain.

Agad namang kinuwento ni Kristal ang sinabi ni Nelvie sa kaniya.

"Nagawa mo 'yon?!" sabay-sabay na sigaw nila Grasya. Lahat sila ay napatigil sa pagkain at nakangangang tinignan si Nelvie. "Seryoso ka?!"

Nagtaka naman si Nelvie. Pati siya ay natigilan sa mga naging reaksiyon ng mga kasama. Katulad iyon nang naging reasons ni Kristal kanina.

"Bakit ba gulat na gulat kayo?" Sambit niya. "May nakalagay ba na karatula na bawal sigawan ang amo?"

Umiling ang apat na kasama niya.

"Pero mali pa rin ang ginawa mo," saad ni Grasya. "Amo na'tin 'yon, Nels. Baka matanggal ka rito."

Umiling siya.

"Hindi niya ako basta-basta matatanggal dito."

"At bakit?" sabi ni Rein, isa sa kasama ni Grasya. "Anong power mayroon ka, Nelvie?"

"Baka brilyante ang mayroon siya," biro naman ni Helen, isa rin sa kasama ni Grasya. "Anong brilyante mayroon ka?"

"Wala, ah!" Umiling pa si Nelvie. "May kontrata kasi na hindi ako basta-basta matatanggal hanggang hindi niya sinasabi."

"Kontrata?" takang tanong ni Grasya. "Bakit may contract agad?"

"For being secretary?" Naguguluhan din na sabi ni Nelvie. "Gano'n naman 'yon, 'di ba?"

Umiling silang apat.

"Walang kontrata na pinilirmahan ang mga naging secretary ni sir kasi anytime pwede sila umalis dito." Si Grasya.

"Anytime they can go if hindi na nila kaya ang ugali ni sir." Sabi naman ni Rein.

"At anytime pwede silang lumapit sa kung anong kompanya nila gusto." Si Helen.

"Pero ikaw, may kontrata?" Dugtong ni Kristal. "Wow! Iba ka nga talaga, Nelvie!"

Nagkatitigan silang apat habang may ngiti sa mga labi. Habang si Nelvie ay naguguluhan sa mga sinasabi nila.

"So?"

"You're the one!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

Written by DBardz

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status