Share

02

02

"Handa ka bang makasaksi ng demonyo araw-araw?"

Hindi alam ni Nelvie kung matatawa ba siya o maaawa sa amo nitong si Grasya. Kanina niya pa kasi ginagamit ang salitang 'demonyo' imbes na boss o amo. Gano'n ba talaga kasama ang amo nito para tawagin niyang amo?

"Grabe ka naman, ate." Natatawang binaba niya ang baso na may laman na orange juice. "Sobrang sama ba ng amo mo? O baka palpak lang kayo kaya laging galit?"

"Papasok palang kami sa opisina niya, dama mo na ang galit niya," para siyang takot na nagkukwento nang kaniyang karanasana kay Nelvie. "Alam mo 'yong wala ka namang ginagawa, humihinga ka lang at manghihingi ng pirma at approval niya, pero galit agad siya? Gano'n si Sir Diaz! Galit ata 'yon sa mundo tapos sa amin binubunton.

'Boss Diaz? Siya ba ang amo nila? Hmm, parang amoy mayaman nga.' Ani Nelvie sa isip niya.

"Gwapo naman?" Hindi alam ni Nelvie bakit niya iyon tinanong.

"Oo, sobra! Kaso nga lang ayun, galit sa mundo lagi." Tila dismayado na sabi ng kaharap niya. "Bakit mo naman natanong kung gwapo?"

"Wala lang." Nagkbikit balikat siya. "Gano'n naman sa mga teleserye, 'di ba? Kapag gwapo ang amo o boss, kadalasan masama ang ugali, maarte at parating galit. Baka akala ng boss mo nasa teleserye siya."

Natawa sila pareho.

"Gaga ka! Ni hindi ko nga siya nakikitang nanonood ng tv," sabi ni Grasya. "Puro cellphone, laptop at tablet lang ang ginagamit no'n pati na rin ang mga mamahalin niyang relo."

"Baka iba pinapanood."

Mas lalo silang natawa dalawa.

"Ano? Tatanggapin mo ba?" pagbabago ng topic ni Grasya. "Kakayanin mo ba si sir? Kung susubukan mo, huwag mong kalimutan na binalaan kita ha? Huwag kang lalapit sa akin na parang sawi kasi hindi kita binalaan. Laging gano'n kasi ang eksena ng mga sumusubok na maging sekretarya ni sir. May iba pang lumuluha at nanginginig sa takot after nilang makausap si sir."

Natahimik si Nelvie. Actually hindi siya natatakot. Mas naging excited nga siya sa gano'ng tao. Hindi rin naman kasi siya mabait. May pagkasuplada at maarte siya lalo na kung hindi niya tipo ang kausap. Hindi siya anghel o kung anomang tawag sa may mabuting loob. Sadyang mahal niya lamang ang lolo't lola niya kaya siya naghahanap ng trabaho ngayon.

"Ay shete! Tapos na ang break ko!" Mabilis na tumayo si Grasya at dinampot ang hindi niya naubos na juice. "Bumalik ka rito bukas ng umaga. Maagang-maaga ha? Ayaw no'n sa late. Tapos ako na maghahatid sa iyo papunta sa opisina ni sir."

Tumango si Nelvie at tumayo rin.

"May dapat ba akong dalhin?"

Umiling si Grasya. "Wala, sarili mo lang sapat na. Basta ihanda mo ang sarili dahil hindi basta-basta tao ang makakaharap mo bukas."

'Handa naman ako ngayon palang.' Sabi ni Nelvie sa isipan.

Ngumiti siya sa kaharap. "Maraming salamat, ate, ha?"

"Huwag ka munang magpasalamat, hindi ka pa natatanggap."Natatawang saad nito." Kung matatanggap ka, huwag kang mag-alala, gagabayan kita. Mauna na ako, Nels. Mag-iingat ka. "

"Salamat pa rin, ate!" Sigaw niya at kinawayan ang papalayong babae.

Kumaway rin si Grasya bago patakbong tinahak ang daan patungo sa elevator. Pinanood ni Nelvie ang pagpasok ng babae at ang pagsarado ng elevator.

"Sa wakas may trabaho na ako!" masayang bulong niya sa sarili.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi nga siya nakatulog nang maayos dahil iniisip niya kung maaga ba siyang magigising o hindi. Hindi naman kasi siya iyong tipo na maaga magising. Mahirap din siya gisingin dahil tulog mantika siya. Kaya kinabahan bago natulog pero heto siya't dilat na dilat. Madilim pa lang ay gising na ang kaniyang diwa.

Martes ang araw na iyon kaya panigurado marami siyang kasabayan na mga nagtatrabaho rin. Kung hindi siya aalis ng maaga ay baka maubusan siya ng masasakyang jeep at mahuli sa oras na sinabi ni Grasya. Ayaw niya naman maging late sa interview o kung interview nga ang gagawin nito.

Mabilis siyang naligo at nagbihis para maaga umalis. Tamang-tama lang ang suot niya para sa araw na iyon. Tila isa na nga siyang ganap na office worker sa suot niya. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang salamin nila para maglagay ng light make up.

"Mas mabuti na iyong maganda kahit na bagsak sa interview, 'di ba?" Kausap niya ang sarili.

"Ang aga mo naman yata ngayon, apo."

Napitlag siya at halos mabitawan ang hawak na lipstick. Napatingin sa lamesa kung saan nakita niyang nakaup at nagkakape ang kaniyang lolo.

"Nakakagulat namna kayo, lo." Aniya na napahawak pa sa dibdib. "Bakit gising na po kayo? May masakit po ba sa inyo?"

Umiling ang kaniyang lolo. "Wala, apo. Maaga lang talaga akong nagising. May lakad ka ba? Ang aga naman masiyado, apo?"

"Trabaho po, lo." Pinatunog niya ang labi atsaka hinarap ang kaniyang lolo. "Mukhang magkakatrabaho na po ako. Sana talaga matanggap. Naalala niyo po si Ate Grasya? Iyong dating nakatira riyan sa tapat?"

"Si 'Ga ba?"

"Opo, lo, siya nga."

"Oh? Anong mayroon sa kaniya? Bumalik na siya?"

"Hindi, lo, pero nagkita kami kahapon sa pinag-apply-an ko. At binigyan niya ako ng trabaho. Tutulungan niya pa ako ngayon para magkatrabaho na."

Napangiti ang matanda. "Aba'y magandanga iyan para hindi ka na mapagod kakabalik sa bayan."

Buong pag-aayos niya ay kausap niya ang kaniyang lolo. Mas naging motivate siya sa mga iniwang salita ng kaniyang lolo. Nagpaalam siya na aalis na para hindi maabutan ng traffic at maubusan ng masasakyan. Mabilis siyang nagtungo sa paradahan ng jeep na malapit lang sa kanila at agad na sumakay.

Wala pang ala sais nang maratin niya ang bayan. Kailangan niya pang sumakay ng isa pang jeep para marating ang kompanya nila Grasya. Nahirapan siya sa pagsakay dahil punuan nga ang mga jeep. Mabuti na lamang ay may bumaba at agad siyang nakipag-unahan para makasakay. Kahit na parang upong-singko lang ang upo niya ay pinagtiyagan niya nalang para makapunta agad sa kompanya. Paano ba nama'y kalahati lang ng pwet niya ang nakaupo. Dosehan daw kasi ang jeep ni manong driver pero hindi para na silang sardinas sa sobrang siksikan.

Pakiramdam Nelvie ay haggard na siya pagkababa ng jeep. Nilakad niya ang daan patungo sa gate nitong kompanya nila Grasya. Agad siyang hinarang ng gate nang makita siya.

"Saan po ang punta niyo, ma'am?" tanong nito. "At ano pong pangalan?"

"Good morning, kuya," nakangiting bati niya. "Mag-aapply po ako, kuya. Kilala po ako ni Ate Grasya."

"Grasya?" 'tila napaisip ito. "Ah, ikaw po ba iyan, Ma'am Nels?"

Natawa si Nelvie. Nickname niya kasi ang 'Nels' at ang mga kapitbaha niya lang ang tumatawag sa kaniya no'n.

"Opo, kuya, ako po si Nelvie Salsado o mas kilala sa tawag na Nels po." Pakilala niya sa sarili. "Nandiyan ba si Ate Grasya sa loob?"

Tumango ang guwardiya. "Opo, ma'am, kakapasok lang din po. Pasok na po kayo."

Ngumiti si Nelvie at tumango. Papasok na sana siya nang may naalala at muling hinarap ang guwardiya.

"Kuya, may banyo po ba rito malapit? Mag-aayos lang po sana ako saglit."

"Yes, ma'am," bigla niton tinuro ang kaliwang side ng building. "Dumiretso lang po kayo diyan, ma'am. May makikita po kayong parking lot tapos diretsuhin niyo po 'yon at makikita niyo ang cr."

"Salamat, kuya."

Sinunod niya ang sinabi ng guwardiya. Agad niyang nakita ang palikuran na sinasabi nito. Mabilis siyang pumasok at nag-ayos ng sarili.

"Dapat maganda ka, Nels." Kausap niya ang sarili sa salamin. "Para naman hindi ka tanggihan ni boss Diaz." Natawa siya sa tawag. "Taray! Boss Diaz, hindi pa nga natatanggap at nakikita."

Inayos niya ang make up at ang buhok niya. Ilang ulit siyang umikot sa salamin para tignan kung ayos na ang suot niya. Nang makitang ayos na ang sarili niya ay mabilis siyang lumabas.

"Ay palaka ka!"

Nagulat siya nang may nabangga siyang tao pagkalabas niya. Napapikit siya at napahawak sa noo nang tumama iyon sa taong nakabunggo niya. Sumakit ang noo niya at tila namula dahil parang sa bato siya tumama.

"Are you okay, miss?"

"Hindi ka ba marunog tumingin—"

Natigilan si Nelvie nang makita ang hitsura nang nakabungguan niya.

'Totoo ba ito?' tanong niya sa isipan. 'Nasa langit na ba ako?'

Hindi sapat ang salitang handsome sa mukha nitong lalaking kaharap niya ngayon. Matangkad, moreno, mmagandang lalaki at... at hot ang kaharap niya. Even though she can't see his whole body because of the suit he's wearing, Nelvie can tell he has a good body shape. Pumuputok ang braso niya na akala mo'y mapupunit ang suot niya. Maliit rin ang bewang nito dahil naka-tuck in ang suot niyang - - - -

"Are you okay, miss?" He snapped his finger in front of her face. "Miss?"

Nagising ang diwa ni Nelvie at napaatras. Hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lalaking kaharap niya. 'Tila nakakita siya ng artista.

"D*mn! Can't you hear me?! Are you mute or what?!" Naubos ang pasensiya ng lalaking kaharap niya dahil wala siyang ginawa kundi tumunganga at tignan lamang ito. "You're drooling while looking at me. Wala ka bang hiya?"

"A-Ano?!" utal na sagot niya. "Wow, mister! Sino kaya itong hindi tumitingin sa daan? Ikaw! And what are you doing here?" Tinignan niya ang likod bago muling tumingin sa kaharap. "Sinisilipan mo ba ako?!"

Mas lalong kumunot at naging masama ang tingin ng lalaking kaharap niya.

"Are you in drugs?" malalim na saad nito. "In this early morning? Really?"

"Ano!" mas nainis siya. "Ang kapal mo naman! Sa hitsura kong ito? Mukha ba akong nagdadrugs?!"

"Well..." he scanned his whole body. "You can't tell if someone taking drugs by looking at his or her physical appearance."

"Aba't!" Kumulo na talaga ang dugo niya. "Are you saying na I'm taking drugs talaga? Is that what are you implying to?"

"Ikaw nagsabi niyan," ngumisi lang ito saka siya nilagpasan. "Good bye, Miss Little Pony."

Napahawak siya sa clip niya at agad iyong inalis. Doon niya lang napagtanto na nasuot niya pala ang paborito niyang clip na little pony ang tatak. Lucky charm niya kasi ito. Lagi niya iyong dala kung nasaan siya.

Masamang sinundan niya ng tingin ang lalaki ngunit wala na ito.

"Baliw!" sigaw niya kahit wala na siyang kausap.

Kinalma niya ang sarili bago tinahak ang daan sa entrance nitong building. Sinubukan niyang alisin ang sinabi ng lalaki sa isip niya ngunit nagpaulit-ulit lamang iyon.

"Tama nga si Grasya, may mga gwapo talaga rito na masasama ang ugali!" bulong niya sa sarili at umupo sa kung saan sila huling nagkita ni Grasya. "Nasaan na ba si ate?"

Saglit siyang naghintay bago dumating si Grasya. Nagsign in pa kasi ito at mahaba ang pila kaya natagalan. Agad nilang tinungo ang elevator at agad siyang pinaalalahanan ni Grasya.

"Ang sinabi ko ha?" ani Grasya na akala mo siya ang ma-i-interview dahil mas kinakabaha pa siya kaysa kay Nelvie. "Sana talaga matanggap ka ni boss. Kaso kung matatanggap ka man, ilang araw ka kaya magtatagal sa kaniya?"

"Gano'n ba talaga siya kasama?" tanong ni Nelvie. "Ilang araw ang pinakamatagal na sekretarya niya?"

"Nitong nakaraan na nag-apply sa kaniya? Isa lang. " Sagot nito na ikinagulat ni Nelvie. "Wala pa nga atang isang araw iyon."

"I-Isa?"

Tumango si Grasya. "Hindi pa nga nag-iisang araw, sila na ang kusang nag-re-resign. Gano'n nakakatakot si boss. Kaya mo ba?"

Natahimik si Nelvie. Kakayanin niya nga ba? Pero para sa kaniyang lolo't lola ang trabahong iyon. Kaya kahit na anong galit o demonyo ng sinasabing boss ni Grasya, titiisin niya— kakayanin niya.

"Kaya." Bulong niya.

Bumukas ang elevator at lumabas sila pareho. Walang tigil sa pagpapaalala si Grasya na nagpapadagdag sa kaba ni Nelvie. Base kasi sa mga sinasabi ni Grasya, mukhang mahihirapan nga talaga siya. Makakapasok man siya, pero magtatagala kaya?

Huminto sila sa pinakadulong pinto. Napansin din ni Nelvie na iyon ang pinakamalaki at mamahaling pinto sa lahat ng pinto na nadaanan nila.

"Dito na ang opisina ni boss." Sabi ni Grasya habang nakatingin sa pinto. Hinarap niya si Nelvie. "Handa ka na ba?"

Tinitignan ni Nelvie ang pinto. Wala nang atrasan iyon. Nandiyan na siya kaya itutuloy niya na ang kung anong pinunta niya.

"Ready na, ate."

Tumango rin si Grasya saka kumatok sa pinto.

"S-Sir..." tawag nito. Kinakabahan na sa pagkatok palang.

"Come in!" Mahina lamang nilang narinig iyon ngunit maawtoridad.

Nagkatitigan sila bago tinanguan ni Grasya si Nelvie.

"Hindi na ako papasok kasi may gagawin pa ako," aniya. "Good luck, Nels."

Nginitian niya ito. "Salamat talaga, ate."

Tumango-tango ito. "Maiwan na kita ha?"

Sinundan ng tingin ni Nelvie ang pag-alis ni Grasya. Huminga siya nang malalim bago tinignan ulit ang pinto.

"Kaya ko 'to!" bulong niya sa sarili.

Buong puso niyang hinawakan ang door knob at pinihit iyon papasok. Halos hindi siya makahinga nang makita ang loob ng opisina. Tama nga si Grasya. Papasok ka palang, para ka nang tinutulak palabas.

Nakita niya ang lalaking nakaupo. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Ngunit dama niya na agad ang presensiya nito. Ang nakatatakot... nakakakaba...

"G-Good morning po, sir..."

Sinarado niya ang pinto at dahan-dahan na humakbang palapit sa lalaki. Kabog ang dibdib niya habang hindi inaalis ang tingin.

"I'm Nelvie Salsado po..." saad niya. "I'm applying to be your secretary." Tumayo siya sa tapat ng table nito. "What can you say, sir?"

"Well..."

Dahan-dahan itong umikot paharap sa kaniya. Tila siya nalagutan nang hininga habang hinihintay ang pagharap ng lalaki.

At gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata niya at pagbuka ng bibig nang makita ang amo nila Grasya.

"I-Ikaw?"

"Good morning, Miss Little Pony." Ngumisi ito at saka mapaglarong tinignan siya. "Good to see you again."

Written by DBardz

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status