Share

Chapter 2

   Why don’t I want him to be my brother? Was it because I had always annoyed him before? But it looks like I'm shallow, right? Or is it just something new to feel? Argh, I can't understand my feelings right now. Naka-sanayan ko lang na dalawa lang kami magkapatid. At iisa lang ang kuya ko. 

   “How about you princess? ok lang ba sayo na maging kapatid si Jace? Magiging dalawa na ang kuya mo.” 

Tanong naman ni Daddy sa akin, Nilingon ko siya at kahit kakaiba ang nararandaman ko ngayon ay dahan dahan pa rin akong tumango. I have no choice if that is my parents' decision. Iisipin ko na lang para ito kay Aling Lilia. Magiging panatag na ang kalooban niya kapag nasa mabuti ang kanyang anak. Siguro nga'y naninibago lang ako. 

Saka tama sila mommy malaki talaga ang naitulong ni Aling Lilia sa pamilya namin, At Alam namin na kami lang ang mapupuntahan ni Jace. Abnormal lang ata 'yung pakiramdam ko. 

Lumawak naman ang pag-kakangiti ni mommy at daddy. 

   “Ok pero bago ko ayusin ang lahat. sisiguraduhin ko munang nag-iisa nalang talaga si Jace. Bago ko ayusin ang mga papel.” 

Dagdag naman ni Daddy na siyang kinatango namin pareho ni Kuya. 

   “May makakasama na rin ako maglaro ng basketball! Ang hirap pag nag iisang babae ang kapatid e. Sobrang arte at ang hirap intindihin.” 

 Biglang sambit naman ni kuya kaya nilingon ko siya, ang loko naka-ngisi sa akin. Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya bago kinuha ang unan sa aking likod at hinagis sa kanya. 

 Nasalo naman niya ito habang tumatawa. 

     “Ang kapal mo kuya! hindi ako maarte! Hindi lang talaga tayo nag-kakasundong dalawa sa mga bagay-bagay.” 

  Inis kong sambit bago siya irapan. 

   “Ows, Talaga ba sis? parang hindi naman ganon, Hindi lang talaga tayo nag-kakasundo dahil maarte ka. Nako, dalawa na kami ni Jace ang sasakit ang ulo at iintindi sa kaartehan mo.” 

 Nakangising pang-aasar niya sa akin. Naka-akbay pa rin ito kay Jace. 

     “Wow ha? coming from you kuya? Sino kaya satin ang pasaway? E, ikaw nga `yung matigas ang ulo at bulakbol! `di ba po mommy?” 

Bumaling ako ng tingin kay mommy na ngayon ay nakangiti at naiiling na lang sa aming mag-kapatid. Well, Alam kong kakampihan ako ni mommy. 

    “Tama ang kapatid mo Klyde, Puro ka bulakbol, Pasalamat nalang kami at magaganda ang grades mo. kung hindi mawawala sa`yo ang kotse at mga cards mo.” 

   Ngiting tagumpay naman ako dahil sa sinabi ni mommy, Sabi na, Napangiwi naman si kuya dahil naungkat na naman ang mga kalokohan niya. Nang tignan niya ako, binelatan ko lang siya. 

     “Umayos ka klyde, Alam mong sa`yo ko ipamamana ang mga business natin, Mag-aral kang mabuti.” 

   Biglang singit din ni daddy. Mas lumawak tuloy ang ngisi ko. I'm bunso kaya malakas ako sa parents ko. Napakamot naman sa kanyang ulo si kuya. tapos ay masama na akong tinignan na siyang kinatawa ko lang ng mahina. Now, what? Panalo ako! 

   “Anyway, maiba tayo. Jace Iho, napaayos na namin ang magiging kwarto mo, H'wag kang mahihiya ok? Isa kana rin sa pamilya.”

Nakangiting sabi naman ni mommy. Tipid na ngumiti lang naman si Jace bago nahihiyang nagsalita.

    “Thank you po tita.” 

Mahinang sagot nito kay mommy. Kahit mahina lang iyon rinig na rinig ko, Napaka-manly ng boses, ang sarap sa tenga. Binata na nga talaga ang dating inaasar ko lang noon. Well, hindi lang iyon, ang gwapo rin. Kaya hindi ko nakilala kanina 'e. 

   “Nako, Iho, Magiging pamilya kana namin kaya dapat ang itawag mona samin ay mommy at daddy, Magiging isang Montemayor kana rin soon..” 

  Nahihiyang tumango naman si Jace kay mommy. 

   “Ok po mommy.” 

   Lumawak ang ngiti ni mommy dahil sinambit ni Jace,napapalakpak pa ito dahil sa tuwa.

     “Ehem.” 

 Tumikhim naman si daddy na siyang kina-agaw ng aming atensyon, Lahat kami ay bumaling sa kanya na ngayon ay umayos ng upo at tumingin kay Kuya.

    “Klyde, Bukas samahan mo si Jace sa university parehas kayong third year college na, Itour mo siya dahil doon na din siya mag-aaral.” 

Seryosong sabi ni daddy, Ngumiti naman ng malawak ang kuya ko. Naku, I know that smile. May ibig sabihin 'yon. 

   “Dont worry daddy akong bahala kay Jace.” 

 Tinapik tapik pa ng kapatid ko ang balikat ni Jace. Masayang masaya ang loko. 

   “H'wag mong isasama sa mga kalokohan mo si Jace, Klyde. Wala akong tiwala sa`yo, Maloko ka pag nasa university, Akala mo ba hindi nakakarating samin ang mga ginagawa mo? Alam namin lahat, Klyde Felix.” 

 Napakamot sa kanyang kilay si Kuya dahil alam pala ni Daddy ang mga pinag-gagawa niya. Deserved! Pasaway kase 'e. 

    “At kapag nagsimula ng pumasok si Jace, Ibibigay ko sa kanya ang isang kotse sa garahe.” 

 Pahabol na sabi ni Daddy. 

    “Woah! Talaga dad? So, hindi kami sabay-sabay papasok? Hmmm..Pareparehas naman kami ng oras ng pasok Dad, Bakit hindi na lang isang kotse ang gamitin? para tipid na rin sa gas. ang taas pa naman ngayon ng gas nag-taas ulit.” 

   Tanong ni kuya, Sus gusto lang nito na kasama sa kotse si Jace. kaya ganito siya kung makapag react.

Sumandal nalang ako sa upuan at nakinig sa pinag-uusapan ni kuya at daddy.

  “About that, Hindi na sasabay sa`yo si Kylie pag-pasok. Kay Jace na siya sasabay kapag pumapasok na rin ito.” 

 Bigla naman akong napaayos ng upo dahil sa narinig. Seriously? 

    “What? bakit naman daddy? ang lungkot pag mag-isa lang ako papasok at uuwi. Bakit hindi nalang po kami magkakasama? Isang sasakyan nalang dad.” 

  Angal ni Kuya, well mas ok nga kung sabay sabay na lang kaming tatlo. Parang nakaka-ilang naman kase kung kami lang dalawa ni Jace sa iisang sasakyan, Hindi ko pa naman siya close. 

     “Tsk, wala akong tiwala sa`yo pag dating sa pag-dadrive kaya nga minsan pinapasundo kopa ang kapatid mo sa driver natin, At hindi ba at lagi kang umaalis? Kasama mo lagi ang mga barkada mo. Minsan ay nag papasundo pa si Kylie, Mas maganda na kay Jace siya sasabay, Alam kong mababantayan niya si Kylie at panatag akong matitignan ng maayos ang kapatid mo. Ang inaatupag mo lang naman lagi ang barkada mo.” 

   May point si Dad doon, pero nakaka-ilang talaga! Wala namang nagawa si kuya. kakamot kamot nalang ito sa ulo. Sabay sunod-sunod na tumango, Napa-ayos naman ako ng upo ng sa akin na bumaling si Daddy sabay ngiti. 

    “Ayos lang naman sa`yo bunso na kay Jace kana sasabay? Sa kanya kase tiwala kami. Siya na ang mag-dadrive sa`yo papasok at pauwi, Mababantayan ka rin niya kesa sa isang kuya mo na puro barkada ang ina-atupag. Nabalitaan ko pa naman marami ang umaaligid sayong mga binata, Balak pa atang ligawan na ang unija iha ko.” 

 Nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi ni Daddy. Pati ba naman 'yon nakarating sa kanila? Argh! Ilan ba ang mata nila sa University? 

   “What?! May nanliligaw na sa`yo Kylie? Bakit hindi ko alam `yan! Sino ang mga `yan at mapag-sabihan.” 

Biglang sabat ni kuya. Inirapan ko nga. Nakikisali pa' e. 

    “Paano mo kase malalaman, Klyde? kung puro barkada inaatupag mo.” 

   Panunumbat ni daddy. Muling natahimik si kuya, nahuli ko pa ang pag- ngiwi nito. Guilty, totoo naman kase ang sinabi ni Dad. 

   Napatingin naman ako kay Jace kaso wrong move dahil naka titig pala ito sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Napaka-seryoso ng tingin nito, Napakalalim na parang binabasa ang nasa isip ko. Saka, bakit ba ito naka-tingin sa akin? 

    “So iho, ok lang naman sa`yo kung ipag-katiwala namin sa`yo si Kylie? Ikaw ng bahala sa kapatid mo.” 

  Malambing naman na sabi ni mommy. 

  Ewan ko ba bakit kailangan bantayan pa ako? third year collegel na naman ako. Dalaga na. Bakit kailangan pa ng may bantay? Isa pa hindi naman maiiwasan na may manligaw sa akin. o, may mga umaligid na lalaki. As if naman din na mag-papaligaw ako? 

    “Opo mommy, Ako na pong bahala kay Kylie.” 

Magalang na sagot nito, Hindi ko alam pero tumaas ang balahibo ko ng banggitin niya ang pangalan ko. May kakaibang dating kase.

    “Good, so it's settle then.”

  Tumingin naman sa akin si Mommy at nginitian ako. 

    “Kylie, sweety, pwede mo bang ihatid muna si kuya Jace mo sa magiging kwarto niya? Tapat 'yon ng kwarto mo. Sa ngayon ay mag-pahinga muna kayo, Mamaya aalis tayo at mag-cecelebrate ok?"

  Natameme naman ako, why me? Bakit hindi na lang si Kuya ang pinag-hatid ni mommy? Saka Kuya Jace? Err, ang awkward. 

  “Kylie anak?” 

 Napakurapkurap naman ako tapos mabilis na tumayo. Jeez! 

   “A-ah yes mom, Let's go, K-kuya Jace..” 

   Sh*t, bakit nautal ako? Nakakahiya! wala naman akong nagawa kung hindi sumunod kay mommy, Baka isipin pa nila na labag sa loob ko ang pag-payag na maging kapatid si Jace.

  Nauna na akong naglakad tapos ay huminto ng malapit na ako sa hagdan bago nilingon kung naka-sunod ba ito sa akin. Sakto naman na palapit na ito sa kinaroroonan niya kaya pinag-patuloy na niya ang pag-akyat sa hagdan. Ramdam naman niyang naka-sunod ito, napakagat siya sa ibabang labi na ramdam din niyang nakatingin ito sa kanyang likod. 

  Jeez. Nakakailang.

Mabilis akong umakyat ng hagdan, Sa second floor lang naman ang kwarto ko. Magkatabi ang kwarto namin ni kuya, Samantalang ang parents namin ay sa Third floor, kung nasaan ang mini office ng mga ito.

  Nang makarating kami sa tapat ng magiging kwarto ng soon to be kuya ko. Nilingon ko siya at tinuro ang pinto sa harap namin. 

     “This will be your room.” 

   Pormal na sabi ko. Oh gosh, buti nakaya kong hindi mautal! Bakit ba kase ako kinakabahan at naiilang? kainis naman o! 

  Tumango lang naman ito bilang sagot. Gumilid ako para bigyan siya ng daan para makapasok na sa loob. 

  Binaba nito ang dalang bag at akmang bubuksan na ang pinto ng lumingon ito sa akin. Nagulat naman ako at napat*nga sa kinatatayuan ng makitang ngumiti ito. 

  “Thank you Lie. See you later.” 

Matapos sabihin `yon ay binuksan na nito ang pinto at pumasok sa loob.

 At iniwan akong nakatulala pa rin. Totoo ba `yon? Nginitian niya ako? Ang gwapo niya pag ngumiti! saka Lie? Ito lang ang tumawag sa kanya ng ganoon. 

 Wala tuloy sarili akong tumalikod at pumasok sa aking kwarto. 

********

Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay mukhang nabighani ni ace ang puso ni kylie na magiging kapatid nya
goodnovel comment avatar
Nicman011
Ganda ayos to
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status