Share

Chapter 6

Pag-akyat ko sa taas ay sinarado ko agad ang pinto at nilock. Bahala silang dalawa kung gagala sila. Si Mommy at Daddy na ang bahala kay kuya.

Dumeretso ako sa aking kama at pabaksak na naupo. Mag-papahinga muna ako saglit tapos ay mag-aadvance reading ako.

Isang oras na ang nakalipas nang mapag-pasyahan ko munang itigil saglit ang pag-babasa. Nakaramdam na ako ng gutom, bababa muna ako para kumuha makakain. Naiinis nga ako dahil nakalimutan ko sa kotse ni Jace ang tatlong librong nilagay nito kanina sa back seat ng kotse. Kukunin ko sana kanina kaso naalala kong may lakad nga pala sila ni Kuya. Baka naka-alis na agad ang mga iyon kaya hindi na ako nag-abalang lumabas pa. Ibang libro tuloy ang binabasa ko.

Nag-unat muna ako bago naglakad patungo sa pinto. Hinilot-hilot ko rin ang batok dahil nakaka-ngalay ang matagal na naka-yuko. Pag-bukas ko ng pinto ay halos mapalundag ako sa gulat ng makita sa harap ng aking kwarto si Jace!

Gosh, What is he doing in front of my
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana nga kylie
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status