Kylie Pagka-park na pagka-park ng kotse ni Jace ay inayos ko muna ang aking sarili, kinuha ko ang maliit na salamin sa aking bag para silipin ang itsura ko at maglagay na rin ng konting liptint. Ayoko naman mag-mukhang haggard. Habang ang kasabay ko naman ay nauna ng lumabas, Akala ko ay iiwan na niya ako at pupunta na siya sa klase niya pero laking gulat ko ng umikot lang pala siya para pag-buksan ako ng pinto. Hindi ko inaasahan `yon! Napakurap-kurap pa ako ng tumikhim siya. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay sumalubong sa akin ang malamig nitong mga tingin, Napakaseryoso na naman niya. Mabilis ko namang binalik sa bag ko ang salamin at liptint tapos ay bumaba na. Hindi ko alam na may pagka gentleman siya. “Thanks.” Pasasalamat ko. Tumango lang naman siya bilang sagot tapos ay namulsa sa kanyang suot na pants. Nag-simula na rin kaming maglakad palabas ng parkinglot. Buti na lang maaga aga pa, medyo malayo ang building ng unang klase ko. “K-kylie..” Na
Kaming dalawa mahilig kaming mag advance study, na kabaliktaran naman ni Chantal na tamad. Kapag ganito si Trishana hindi talaga ako umiimik at hinahayaan siyang pangaralan ang kaibigan namin, May point naman kase ang sinasabi niya. “Waaaah, oo na mag-aaral na. Kapag ikaw talaga ang nag-salita, tagus-tagusan ’e.” Naka-labing sagot naman ni Chantal. Umiling ako bago tumayo at sinukbit ang bag ko. “That's enough, let's go and eat. I'm hungry.” Awat ko sa dalawa. Baka maubos ang oras namin sa bangayan nilang dalawa. Bago pa sila mag-salitang dalawa ay nauna na akong naglakad palabas ng room. Naramdaman ko naman ang pag-sunod nilang dalawa sa akin. Habang naglalakad ay binabati kami ng mga nakalasalubong namin, lalo na ang boys, ’yung iba ay gusto pa mag-papicture na pinag-bibigyan naman namin. Ang iba naman ay nag-bibigay ng kung ano-anong regalo o sulat. Sanay na kami sa ganito, gustuhin man namin na tumigil sila kaso hindi naman nakikinig kaya hinahayaan na lang namin. Pag
Kylie SATURDAY KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para makapag-asikaso. Nasasanay na ako na ganitong oras nagigising. Ayaw ko naman na mainis sa akin si Jace, At saka ayaw ko talagang nahuhuli sa klase. Katulad kahapon sabay sabay kaming kumain ng almusal nila mommy at daddy. Kasabay na rin namin kumain si Kuya na halatang antok na antok pa. Mukhang napipilitan lang gumising dahil kinausap siya ni mommy kagabi. Naunang umalis si Kuya kesa sa amin ni Jace doon daw siya matutulog sa tambayan nila. Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang kanyang kotse. Kahit kailan talaga, gagawa at gagawa siya ng paraan, Hindi talaga maganda ang nakapalibot sa kanyang kaibigan. Mga bad influence `e. Pasalamat na lang talaga na matalino siya kaya kahit bulakbol nasa top pa rin. Nabalik lang ako sa ulirat ng pag-buksan ako ng pinto ni Jace. Ngumiti naman ako sa kanya bago pumasok sa loob. Buti pa itong lalaking `to, hindi nademonyo ng kapatid ko. Seryoso siya sa pag-aaral a
Sa itsura kase ni Jackie mukhang walang balak umalis at magpatalo. Gusto niya talagang umattend kami. Syempre buong university ang ininvite niya. Nag-papakitang gilas at syempre bida-bida. Pag-bigyan na birthday naman. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa narinig. “Yes! Thank you. Masaya ako at pumayag na rin kayo. So, see you there! Aasahan ko kayo doon ah. Bye! Let's go, girls! Pupunta pa tayong mall.” Maarteng sabi niya at tinalikuran na kami. Nang mawala sila sa paningin namin ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. “That b*tch! Halatang pinaplastic lang naman tayo.” Gigil na anas ni Chantal. ”Kung hindi din tayo pumayag paniguradong hindi tayo, pakakawalan ’e. Tsk, Ayoko talaga umattend sa birthday ng bruhang ’yon, kaso ayoko naman kayo pabayaan kaya sasama na rin ako. Basta sandali lang tayo. Mag-paalam na rin tayo sa parents natin, para aware silang sa bar tayo pupunta.” Sabay kaming tumango ni Trishana bilang pag-sang-ayon. ”Wala rin namang tayong ch
“Don't worry mom, even if we're at the bar later, we'll make sure we have fun. Thank you mommy, I love you.” “I love you too, honey. Sige na, mag-prepare kana. Don't drink to much, ha? Iyong tama lang. Ok?” “Yes, mommy. Thank you po.” “Alright, ibababa kona ang tawag, may meeting pa kami ulit ng Daddy mo. bye honey.” “Bye po!” Pagkatapos kong makausap si mommy ay tumayo na ako, pinasadahan ko ng tingin ang sarili hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Ang idlip ko lang sana ay naging isang oras na rin pala. Kung hindi tumawag si mommy, baka hanggang ngayon tulog pa ako. Dumeretso ako sa walk in closet ko at naghanap ng pwedeng suotin, Pinili ko ang isang long sleeved waist slimming mini dress with square collar, Hindi ko naman kailangan bonggahan saka wala namang sinabing dress code si Jackie so, okay na ’to. Matapos makapili ng dress dumeretso ako sa mga heels, Isang black 3inches heels ang napili ko tapos sa bag naman isang small sling or shoulder handbag. N
“No worries, alam ko naman na hindi kayo nainom ng hard drinks. Saka hindi ko din hahayaan na inumin niyo ’yon.” Bumaling naman siya sa akin. “Ikaw? ok kalang?” Tumango naman ako. “Good, sige na ipag-patuloy niyo na kung anong ginagawa niyo, Hindi niyo kailangan ubusin ’yang alak. Babalik na ako sa table namin.” Sabay sabay kaming tumango. “Thanks kuya.” Pahabol ko bago siya tumalikod at bumalik sa table nila. Napabuntong hininga naman ako. “Kainis talaga ’yun si Jackie, Masyadong bad influence ’e. Gimikera kaya sanay na sanay na sa alak.” Naiinis na sabi Chantal, halatang kanina pa pinipigilan ang inis. “Good thing kuya Kylde is here. Nakakapanibago dahil ang seryoso niya kanina. Iba talaga ang nagagawa kapag seryosong usapan na. Kahit maloko at laging nang-iinis kapag kailangan ni Kylie ng tulong, Mabilis siyang dumadating.” Mahabang turan naman ni Trishana. Yeah, agree ako sa sinabi niya. Kanina ibang iba si kuya, Makikitang concern talaga siya sa akin/amin. “True
Agad akong tumayo kahit nang-hihina para lapitan at awatin si Jace. He was shivering with anger and still couldn't stop punching the man whose face was covered in blood. He punched again the man as if there was no tomorrow, He could no longer think clearly his thoughts are crowded with anger. “P-please, Jace stop! Please!” Sigaw ko, pero parang wala siyang narinig. Mas lumapit ako sa kanya. “Tama na, Jace!” Hindi ko siya inaaawat dahil naaawa na ako sa lalaking nambastos sa akin. He deserved it! Muntikan na niya sirain ang buhay ko. Tama lang sa kanya ang masaktan. Inaawat ko si Jace dahil ayokong makapatay siya dahil sa akin, ayokong dungisan ang pangalan niya. Tama na ang ginawa niyang pag-liligtas sa akin. Lumapit pa ako at hinawakan siya sa kanyang balikat. “Please, tama na..” Pakiusap ko habang lumuluha. “T*ngina, lumayo ka, Kylie!” Malakas na sigaw niya sa akin. Napa-atras naman ako dahil sa takot. Ibang-iba siya ngayon. Gosh, paano ko siya aawatin? Baka mapatay
KINAGABIHAN ay napag-desisyunan kong sumabay kumain sa kanila. Kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko. Nagulat silang lahat ng makita ako. Kahit si Jace ay ganoon din. Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sa kanya. “Darling, ok ka na ba? Gusto mo ba dalhan kana lang namin ng pagkain sa kwarto mo?” Umiling ako kay mommy. “It's ok mom, ok na po ako. Nakapag-pahinga naman na po ako.” “Are you sure, sweetie?” Tanong naman ni Daddy, ngayon ko lang siya narinig mag-salita simula kaninang umaga. “Yes, Dad.” Tumango naman sila at hinayaan na ako. Akma akong kukuha ng pagkain ng si Jace na ang gumawa non. Tahimik lang siya at walang kibo. Nag-pasalamat naman ako bago nag-simula kumain. Kanina habang nag-mumukmok ako sa kwarto napaisip ako na hindi ko dapat ikulong 'yung sarili ko sa nangyari dahil paniguradong mas lalala lang ang mang-yayari sa akin. Hanggang kaya ko labanan ang pag-pabalik-balik ng eksena sa akin isip. Lalabanan ko. Traumatic talaga pero kasalanan ko rin n