Share

Chapter 5

   

   Papalabas na kami ng building ng may mapansin ako na isang bulto ng tao malapit sa bench sa mismong harap ng building. Napatigil ako sa paglalakad ng wala sa oras ng makilala kung sino iyon, Why is he waiting for me here? He could have just waited me in the parking lot. feeling ko tuloy ay sobrang abala na nitong ginagawa ko.

 Nagtataka namang bumaling sa aking 'yung dalawa ng mapansin hindi ako nakasunod sa kanila.

  “Sis, bakit tumigil ka? May naiwan ka ba?” Nagtatakang tanong sa akin ni Chantal. Saglit ko lang silang tinignan bago binalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa labas habang nakatungo at nakapamulsa, sinisipa-sipa din nito ang batong nasa harap.

 Dahil walang nakuhang matinong sagot sa akin ang dalawa ay sinundan na lang nila ng tingin ang tinitignan ko. Narinig ko ang eksaheradang singhap ni Chantal.

“OMG! Bakit ang gwapo naman ng sundo mo, sis? Lakas ng dating shems!” Kinikilig na sambit niya. 

  “Sinusundo kana pala bes ng soon to be brother mo.” Saad naman ni Trishana, kahit hindi ako nakatingin alam kong nakangiti ito.

  “Tsk, Kaya pala parang mga kiti-kiti 'yung mga babaeng nauuna satin maglakad kanina, Dahil nasa baba lang ng building natin 'yang  soon-to-be-brother mo sis." 

"Yeah." 

  “So mukhang dito nalang kami sis, Dito ka pala sinundo niyang brother mo `e. Akala ko kanina sa parking lot. Nakakahiya naman na sumabay pa kami sainyo.” 

 Doon na ako bumaling sa kanilang dalawa dahil sa sinabi ni Chantal, Napataas pa ako ng isang kilay.

“At bakit kailangan mahiya? Sabay sabay na tayo. Pare-parehas lang naman na sa parking lot ang punta natin.” 

 Nilapitan kona  silang dalawa na ngayon ay humarap na sa akin ng tuluyan.

  “You know sis, Hindi pa naman namin kilala 'yang soon to be brother mo e. Mahirap makisabay ang awkward lang in both side. Mas mabuti na kayo muna.” 

"Yeah, Chantal is right, girl, Nahihiya rin kami. Siguro kapag matagal tagal na? sa ngayon kase bago palang, Baka hindi niya magustuhan ang kadaldalan ni Chantal or ang mga pinag-uusapan natin. Siguro sa mga susunod na araw nalang, Syempre bago palang din dito `yang brother mo. Nakikiramdam pa `yan." 

"Wait..what? ano 'yung sinabi mo sis? Sinong madaldal?" Parehas naman kaming napangiti ni Trishana dahil ngayon lang ata nag sink in sa kanya lahat ng sinabi nito. 

Muli akong tumingin sa kanilang dalawa.

"Bakit kailangan pa sa susunod na araw kayo ipakilala kay Jace? kung pwede naman ngayon 'di ba? Much better nga iyon para mawala ang ilangan?" Bumuntong hininga si Chantal at hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha.

"Alam mo kase sis, Ewan ko ba pero kase parang iba 'yung awra ni brother mo. Nakakailang siyang kausapin or batiin. So, next time nalang ok? see you tomorrow! Ingat kayo bye bye." 

  Napanganga ako ng hilahin na niya si Trishana at pareho itong nag-madali maglakad. Hindi naman umangal si Trishana dahil agree ito sa sinabi nung isa, mukhang nag-kasundo silang dalawa ngayon. 

"W-what!? He-hey! w*-" Naglakad ako para habulin ang dalaw* kaso naglakad takbo naman ang mga ito. Akma akong tatakbo para mahabol sila kaso napatigil din agad ng mapansin kong nakatingin sa gawi ko si Jace. Sh*t, w*la na nakita na ako.

  Wala akong ibang nagawa kung hindi umayos ng tayo at humakbang patungo sa kinaroroonan nito. Gosh, nakita kaya niya 'yon? Tinatanong pa ba 'yun, Kylie? Malamang nakita niya! Kase naman bakit ba ako iniwan ng dalawang 'yon 'e. Sana sinamahan na lang nila ako sa parking lot. 

  Sa totoo lang na iilang ako. Eto kase ang unang pagkakataon na makakausap at makakasama ko ang lalaking' to na kaming dalawa lang. Ilang years din ang nakalipas mga bata pa kami noong huli ko siyang nakausap. At noong nasa batangas pa kami wala akong ibang ginawa kung hindi asarin ito. well mga bata pa kase kami noon. Ngayon hindi ko alam paano ko ito pakikisamahan lalo't pa magiging kuya ko na ito.

"H-hey!" Nauutal kong bati ng makarating sa harap nito. Akma ulit sana akong mag-sasalita ng mapatigil at matigalgal sa ginawa nito. Hindi ko 'yon inaasahan! Bigla na lang kase nitong kinuha ang librong hawak ko. 

"Let's go."

  Seryosong yaya niya sa akin, sabay nauna ng mag-lakad. Hindi makapaniwalang sinundan ko naman ito ng tingin, Wala man lang bati-bati, basta na lang niyang kinuha ang libro sa akin. Grabe! Ayos lang naman kunin niya ang libro sa akin dahil mabigat talaga, ang kaso kinuha ng hindi man lang ako inabisuhan! Akala ko pa naman gentleman hindi pala, bastos din. 

  Nakaramdam ako ng konting inis dahil sa inasal nito. Tinitigan ko ang malapad nitong likod at inismidan bago naglakad para sundan ang hudyo. 

  Binilisan ko ang aking lakad para makabasay sa kanya, Kailangan mawala ang ilang na nararamdaman ko at pati ang inis. Naisip ko na hindi pwedeng ganito 'yung awkward. Hindi ko kayang matagalan ang ganitong set up. So, kahit naiinis ay isinantabi ko' iyon. Ngumiti ako bago nag-angat ng tingin sa lalaking katabi ko. 

"Kanina ka pa ba nag-hihintay sa baba ng building namin?" 

Tanong ko, pero ang walanya hindi man lang ako sinulyapan ng tingin at hindi man lang sinagot ang tanong ko. Deretso lang itong nakatingin sa harap tapos seryosong seryoso. 

  Mukhang walang balak sagutin ang tanong ko, Bakit ang suplado niya? Dati naman hindi siya ganito, kapag inaasar ko siya noon ngingiti o iiling lang ito, kapag may tanong ako sasagutin niya agad. Okay naman kami noon kahit lagi ko siyang inaasar. Grabe, laki na nga talaga ng pinag-bago niya. 

 Bumuntong hininga na lang ako, tapos inalis na ang tingin sa kanya. Wala rin naman ata siyang balak sagutin ang tanong ko. Fine, kung ayaw niya 'e di `wag! Ako na nga' tong nag- eeffort para mawala ang awkwardness. Tatahimik na lang a—. 

  "Hindi naman, Sakto lang ang pagbaba mo."

 Gulat na napalingon ako sa aking katabi ng bigla itong mag-salita. Tignan mo! Kung kailan balak ko nalang manahimik doon siya nagsalita? Seriously? Robot ba siya o matagal lang mag-process sa kanya 'yung tanong ko? Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. 

  "Oh, akala ko matagal kang naghintay `e. Tsaka bakit doon mo pala ako hinintay? Hindi nalang sa parking lot?"

 Ilang minuto ang lumipas pero wala na naman akomh nakuhang sagot. Gosh! Matagal bang mag sink-in sa kanya ang mga tanong ko? 

Nakarating nalang kami sa parking lot hindi man lang siya nagsalita ulit. 

Pero pag tapat namin sa kotse. pinag buksan niya ako ng pinto. Walang imik nalang akong pumasok sa loob. Sinarado nito ang pinto at mabilis na umikot patungo sa driver seat. Ang hawak niyang libro ko ay nilagay nito sa back seat. 

Hindi na ako nag-abala pa ng tignan siya o kausapin dahil para lang akong kumakausap sa hangin, Mas minabuti ko nalang na sa bintana bumaling. 

Wala naman akong problema sa pag dadrive niya, Kase pag nasa batangas kami siya minsan ang nag dadrive samin nila dad pag napunta kami sa mall or pag kumakain sa labas.

Magiging ganito ba ang araw araw ko? Parang mas gusto ko pa sumabay kay kuya, Kahit papaano hindi nakakaboring at lagi kaming nag uusap. 

Nang makita ko na ang subdivision ay napaayos na ako ng upo. Hindi kona matagalan na makasama ang lalaking ito, Mapapanisan ako ng laway 'e. Nang tumigil ang kotse sa garahe ay agad akong bumaba at naglakad papasok sa loob. Saktong naabutan ko namang papalabas si Kuya. Tumigil siya sa aking harap. 

"Oh nandito kana pala, nasaan si Ace?" 

  Tanong nito sabay tingin sa likuran ko. 

 “Susunod na 'yun, pinark lang sa garahe `yung kotse ni Dad." Walang gana kong sagot. Lalagpasan kona sana si Kuya ng may maalala. Nakataas ang isang kilay ko ng mag-angat ng tingin sa kanya na siyang kinataka naman nito. 

  “What? why you look at me like that?” 

 “Why are you here? Hindi ba't mamaya pa ang uwi mo?” 

Mapanuri kong tanong, huwebes ngayon dapat mamayang 6pm pa ang uwi niya. Alam ko iyon dahil tuwing sumasabay ako sa kanya hinhintay ko pa siya at tumatambay na lang sa Library o Cafeteria. 

 Napakamot naman ito sa batok at tipid na ngumiti. 

 “Hindi na ako pumasok sa dalawang klase ko, Sumabay ako umuwi kay Ace kanina.” Lalong naningkit ang mga mata ko sa kanya. 

"Nag cutting ka? Nagpapasaway kana naman! Isusumbong kita kela Dad." 

 Pananakot ko sa kanya, nanlaki naman ang mga mata nito. 

 “Wag naman bunso, lagot ako kela mommy.” Parang batang turan nito. ngayon ang bait niya. Kanina lang iniwan niya ako at maaga siya pumasok. 

  “Alam mo naman palang lagot ka kela mommy, bakit nag-cutting ka pa? Bakit ka ba umuwi agad?” Nakataas ang isang kilay na tanong ko sabay humalukipkip. 

"Hehe ngayon lang naman bunso, may lakad kami ni Ace ngayon. Isasama ko siya sa tambayan, Ipapakilala ko sa ibang tropa ko.” 

  Umismid ako, So sasama si Jace kay Kuya? Ano magbubulakbol din siya? 

 “Tsk, pasaway ka talaga kuya. Idadamay mo pa siya sa pagiging bulakbol mo.”

 “Hey, grabe ka bunso ah! Isasama ko lang si Ace para may maging kaibigan siya dito. At masanay siya sa manila."

"Kaibigan na ano? Bad Influence? Hay, nako kuya." Naiiritang napairap na lang ako sa kawalan. Ito ang ayoko sa kapatid kong ito 'e. 

"Oy! grabe ka hindi naman bad influence sila Richard, Pasaway lang." 

"Ay, ewan ko sainyo. Bahala kayo."  

  Akma na ulit akong maglalakad ng makita kong may sinenyasan si kuya. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Jace na nakasandal sa gilid ng pinto. Luh? kanina pa ba siya doon? Nang tumingin sa akin ang lalaki ay mabilis na akong tumalikod at naglakad patungo sa hagdan. Bahala sila sa buhay nila, Malalalaki na sila. 

*********

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay concern sya kay jace ay inlove naba yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status