Share

Chapter 1

  KYLIE

    Hey, kuya. sandali! Bakit ba nanghihila kana lang bigla bigla? Tsaka anong ginagawa natin dito sa parking lot? May gagawin pa kaming research paper nila Trishana at may pasok pa ako!” 

  Awat ko sa magaling kong kapatid, Bigla nalang kaseng nang-hihila. Tumigil kami sa mismong harap ng kanyang kotse.

    “Uuwi na tayo.” 

  Sagot naman niya sa akin.

    “Ha? bakit?” 

Naguguluhan kong tanong. Bakit uuwi na kami? May afternoon class pa ako. 

  “Pinapauwi tayo nila mom and dad. I don't know, why.” Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse.

  “Hope in, Sis.” 

 Sumusukong pumasok na lang ako sa loob ng kotse, Wala rin naman akong magagawa lalo na kung utos nila mommy at daddy na umuwi kami. Mag-tetext na lang ako kela Trishana at Chantal. 

Isang buwan at kalahati na rin buhat ng mag-simula ang pasukan, At eto ang first time na hindi ako papasok sa klase ng walang paalam. Kahit sabihin na second year college na ako, hindi ako sanay na mag-cutting class. My priority is still my study pa rin. 

 Nangangambang lumingon ako kay Kuya ng makapasok siya sa loob ng kotse.

    “Kuya hindi ba magagalit ang mga Prof natin? Hindi man lang tayo nakapag-paalam.” 

 Sinilip naman niya ako saglit bago nagsalita.

    “Don't worry tinawagan na ni Dad ang Dean.” 

  Napabuntong hininga nalang ako at umayos na ng upo. Bakit ba nakalimutan ko na magkaibigan ang Dean ng University namin at ang daddy ko? 

  Naguguluhan talaga ako, bakit kailangan umuwi pa kami, Hindi ba pwedeng mamaya nalang pag-uwi ang kung ano mang sasabihin nila or what? Sobrang importante ba? Na nagawa pa ni Dad na Ipag-paalam kami? Nang-hihinayang talaga ako sa pag-liban ko sa klase. 

  Muli naman akong  bumaling kay kuya na ngayon ay salubong din ang kilay, Mukhang hindi din niya nagustuhan ang biglaan naming uwi. Ang alam ko may laban ito ng billiard mamayang hapon. Well, Bulakbol ang kuya ko, pasaway kung baga. Pero kahit ganoon hindi naman niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.

    “Sa tingin mo kuya ano kayang dahilan bakit pinauwi tayo nila dad?” 

    “Baka aalis na naman sila? Or baka may party tayong pupuntahan.” Tamad na sagot niya sa akin.

    “Yeah,Baka nga ganoon.” 

 Ganoon naman kase lagi ang ginagawa nila Dad, Baka aalis sila at pupunta na naman ng Canada or kung hindi may party na pupuntahan na kailangan kasama kami. Pinag-kaiba lang ngayon hindi na nila nahintay na maka-uwi kami.

  Hindi na kami nagkibuan magkapatid, Naging tahimik na ang naging biyahe namin, parehas kaming wala sa wisyo. Sumandal na lang ako sa aking upuan at nilibang ang sarili sa pag-tingin sa labas ng bintana ng kotse ni Kuya.

Makalipas ang ilang minuto, Pumasok na ang sasakyan ni kuya sa Subdivision. Nasa gitna ang mansion namin kaya medyo malayo sa entrance.

Nang makarating kami sa malaking gate ng mansion ay bumusina na si Kuya, Sumilip naman mula sa guardhouse si manong Jun at agad kaming pinag-buksan ng gate ng makilala ang kotse ni Kuya. 

Pinarada niya sa harap ng maindoor ang kotse tapos ay mabilis na tinanggal ang seat belt at lumabas ng kotse.

 Hindi naman siya atat sa lagay na 'yon? Hindi man lang niya ako hinintay. Nakakainis! 

 Tinanggal ko rin ang seatbelt ko tapos lumabas din agad at mabilis na sumunod kay kuya.

Pagpasok namin sa loob, dumeretso kami ni kuya sa sala kung saan naririnig namin ang boses nila mommy. Agad kaming napansin nila mommy at daddy.

    “Oh, they already here.” 

 Nakangiting sabi ni mommy, Parehas nakaharap sa gawi namin sila mommy kaya agad nila kaming napansin. 

 Dumako ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa amin ngayon, Nakaupo ito at nakaharap sa magulang namin. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito bago kami dumating.

“Sit down klyde, kylie.” 

 Seryosong utos ni Daddy na agad naman naming sinunod ni Kuya. Naupo kami sa kabilang side kung saan may mahabang sofa. 

Napakunot noo ako ng mapansin na maraming bag sa lapag. ano bang meron? kanino ang mga ito? Wala sa sariling nag-taas ako ng tingin sa lalaking nasa harap namin. Mas lalong nangunot ang noo ko na parang pamilyar ang mukha niya? Sino ba siya? 

  “Ace? Bro?” 

  Napalingon ako kay kuya ng tawagin niya ang bisita namin na Ace? Kilala niya?

   “Do you know him kuya?” 

 Tanong ko, Nakangiting bumaling naman sa akin si Kuya, parang kanina lang naka-simangot siya ah? Ngayon ngi-ngiti ngiti na. 

  “Of course, I know him. ano kaba Kylie, Si Jace 'yan! 'yung anak ni aling Lilia 'yung nangangalaga ng bahay natin sa batangas?” 

  Nanlaki naman ang mga mata ko tapos hindi makapaniwalang tumingin sa lalaking nasa harap namin, Si Jace ba talaga ang lalaking ito? Iyong anak ni Aling Lilia? Weh? 

   “Sabagay bata kapa nung huli tayong nagbakasyon sa batangas, Hindi mo na siya namumukhaan. Nito kaseng bakasyon hindi ka sumama samin sa batangas 'e! ayan hindi mo nakita si Ace.” 

 Dagdag na sabi ni kuya. Hindi nga ako sumama nung nag bakasyon sila sa batangas, May modeling workshop kasi kami nila Chantal, Kaya hindi ako nakasama. Hindi ko pa rin maalis ang tingin kay Jace, Kaya pala pamilyar sa akin dahil siya pala 'yung batang lagi kong inaasar noon pag-napunta kami sa batangas. Lagi kase itong nakasimangot, suplado at tahimik noon.

  

    “Ano palang ginagawa mo dito bro? Nasaan si Aling Lilia? kasama mo ba siyang lumuwas dito sa ma—” 

     “Klyde..” 

 Hindi natuloy ni Kuya ang sinasabi ng seryosong tawagin ni Daddy ang pangalan niya. Nangunot tuloy ang aking noo tapos nilingon si Mommy ng tumikhim ito. 

     “Son, Aling Lilia is dead.” 

Napasinghap ako, Hindi makapaniwala sa sinabi ni mommy. What? Aling Lilia is dead? 

Biglang bumigat ang dibdib ko, nangilid ang mga luha dahil sa nalaman. Oh my gosh, Hindi ko maiwasan na hindi masaktan at malungkot. Close na close sa amin ni Kuya si Aling Lilia. Itinuring namin na pangalawang magulang ang matanda. Siya rin ang nag-babantay sa amin noong mga bata pa kami kaso nalipat lang siya sa batangas noong nangangailangan ng bantay roon. 

 Kung sa amin ang sakit sakit ng balitang ito, Paano pa kaya kay Jace? Muli ko siyang binalingan ng tingin na ngayon ay nakayuko na..Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Now, I understand why Dad ordered us to go home, Aling Lilia is important to our family. A sad news for us.

     “W-what? p-patay na si aling Lilia? a-anong kinamatay niya? Parang nung nakaraang buwan lang tumawag pa siya dito.” 

Nauutal na sambit ni Kuya, Nangingilid rin ang mga luha nito. Mukhang ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang sinabi ni Mommy. 

    “Inatake sa puso.” 

Mahinang sagot ni mommy. Tuluyan ng bumaksak ang mga luha ko. 

    “K-kailan pa siya namatay?” 

  Muling tanong ni kuya, Hindi ko magawang makapag tanong dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. 

   “Noong isang araw lang, Hindi na siya binurol ni Jace dahil wala rin naman silang kamag-anak na pupunta. Mas ginusto niya na icremate na lang si Lilia.” 

  Mahinahong sabi naman ni daddy. Hindi ko alam ang nararamdaman ngayon, Nakaramdam akong awa kay Jace, Si Aling Lilia nalang ang nag-iisang kamag-anak nito. Silang dalawa nalang sa buhay tapos namatay pa ang nanay niya. Paano na siya ngayon? 

  “H-hindi ko man lang nakita si aling Lilia, Ngayon ay nagsisisi ako kung bakit hindi ako sumama noong bakasyon. Bakit biglaan ang lahat?” 

  Nauutal kong sambit. Nagawa ko rin makapag-salita. Ngayon ay hinayangna hinayang ako, kung alam ko lang na mang-yayari ito, Sana lumiban na lang ako sa workshop namin nila Chantal.. 

    “Sweetie, ganoon talaga ang buhay, Hindi natin masasabi kung kailan tayo kukunin ng panginoon. Oras na ni Aling Lilia, Gustuhin man niya na magtagal pa sa mundo, kaso hanggang doon na lang ang pinahiram sa kanyang buhay. Alam kong masakit para sainyo lalo na kay Jace ang lahat pero alam ko namang masaya na ngayon si Aling Lilia kung nasaan man siya, Lalo na at nandito na si Jace sa atin, Lalo na ngayon na magiging parte na siya ng pamilya natin.” 

Malumanay na sabi ni mommy, Naguguluhan naman kaming  tumingin ni kuya kay mommy dahil sa huling sinabi nito. 

 “What do you mean mom?” 

 Nagtataka kong tanong. 

 “Dito na ba titira satin si Ace mom?” 

  Tanong naman ni kuya, Ngumiti si mommy tapos dahan dahan tumango at nagsalita. 

 “Yes, Kaya namin kayo pinauwi ngayon para mag-celebrate. Napag-desisyunan namin ng daddy niyo ito, Malaki rin ang naging utang na loob namin kay aling Lilia. Oras na para suklian lahat ng ginawa niya para satin, Parte na rin siya ng pamilya natin, At alam namin na magiging masaya siya kung nasaan man siya ngayon, Lalo na kung malaman niyang nasa maayos si Jace, Magiging maganda ang buhay at makakapag tapos ng pag-aaral. Napag desisyunan ng Daddy niyo na ampunin siya, Magiging  kapatid niyo na si Jace.” 

 Napa-maang naman ako dahil sa sinabi ni mommy, Aampunin? magiging kapatid ko na siya? May kakaiba naman akong naramdaman dahil doon, Bakit parang ayaw ko?

   “Cool! Ok lang sakin maging kapatid si Ace!” 

Biglang tumayo si kuya, Umupo sa tabi ni Jace at inakbayan ito. 

   “Welcome to the family Bro!” 

Tipid na ngiti lang ang ginanti ni Jace kay Kuya. Bigla namang tumingin sa gawi ko ito. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa itsura ng titig nito, Parang nagtatanong kung pumapayag ba ako sa desisyon ng magulang namin. 

*****

Continuation sa next chapter..

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
magiging kuya mo si ace kylie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status