Share

Chapter 3

KINABUKASAN

   Busangot ang mukha ko ng bumaba sa kotse, nag-pahatid ako sa driver  namin dahil iniwan ako ng magaling kong kapatid, Maaga daw umalis ang mga ito sabi sa akin ng katulong sa bahay. Paniguradong sinadya ng damuho kong kuya na iwan ako! Iyon ang naging ganti niya sa akin sa nang-yari kahapon. Nakaka-inis muntikan lang akong malate buti na lang nakabalik agad ang driver nila mommy kaya naihatid ako. 

  Mabibigat ang mga paang nag-lakad ako patungo sa building kung saan ang unang klase ko. Papasok na ako sa entrance ng building ng biglang sumulpot ang mga kaibigan ko. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito ng ganitong oras na. 

  “Omg! your finally here na sis! Akala namin hindi kana naman papasok 'e.” Bungad na sambit ni Chantal tapos humawak sa braso ko.

  

“Are you ok, girl? Bakit ganyan ang mukha mo? May nang-yari ba?” 

Napatingin naman ako kay Trishana ng nag-aalala itong nag-tanong. Bumuga ako ng hangin bago nag-salita.

   “Tsk, si kuya iniwan ako, Hindi ako sinabay pumasok, Buti na lang nakabalik agad ang driver nila mom kaya nahatid ako, kung hindi na-late na ako.” Sumbong ko sa kanila. Parehas naman ngumiti ang mga ito dahil sa aking sinabi. Napa-kunot tuloy ang aking noo.

  “Sus, 'yun lang ba? 'wag kana sumimangot, wala tayong first subject ngayon, hindi pumasok si Mrs. Chavez dahil may emergency daw sa bahay nila. So, kalma.” 

 Maarteng sabi ni Chantal, para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya. Gosh, Buti na lang. Maswerte pa rin ako ngayong araw.

   “Hay, mabuti naman, kaya pala nandito kayong dalawa sa labas at sinalubong ako dahil wala pala tayong prof.” 

    “Well, sinalubong ka talaga namin dahil may kailangan kang i-chika sa amin no! Kanina pa kami hindi mapakali ni Trishana, dahil sa usap-usapan na kumakalat dito sa University.“

   “Correction, Ikaw lang ang hindi mapakali sa tsimiss na nasasagap mo, Chantal, Dinamay mo lang ako.” 

  Depensa naman ni Trishana na kina-ngisi lang naman ng katabi ko. Well, sa aming tatlo si Chantal ang may lahing marites sa amin, Pero ano ba 'yung kailangan kong i-chika? ano ba ang usap-usapan na kumakalat? Nangunot tuloy lalo ang noo ko, ang University talaga na 'to, ang daming tsismosa kay aga-aga kalat na kalat na ang tsismis. dahil sa naging reaksyon ko mukhang nabasa naman ni Chantal ang nasa isip ko.

  “Sino `yung kasama ng kuya mo na gwapo? Totoo bang magiging kapatid niyo 'yun? Alam mo bang iyon ang usap-usapan ngayon sa buong university? Bagong transfer at magiging isang Montemayor daw.”

  Gulat na nilingon ko sa aking tabi si Chantal, Seriously? Iyon ang tsimiss na kumakalat sa buong university? Paano naman nila nalaman? 

  “How did that news spread throughout the university? Sino ang nagpakalat?” 

 Tinitigan naman ako ni Chantal na parang may nasabi akong mali.

  “Seriously? you really asking us that thing? Who else knows about that thing? probably your older brother! Duh?”  Maarteng sagot niya sa akin. Tsk, Oo nga naman, Bakit ko pa ba tinanong kung obvious na kung sino ang nag-pakalat. Bakit napaka-daldal ng kapatid ko? Kalalaking tao mahadero. Bakit kailangan ipalandakan? for what? Tss..

  Napahawak na lang ako sa aking noo at umiling-iling. 

  “So, totoo nga ang balita? Magiging kapatid mo ang gwapong iyon, sis?” 

  Kinikilig na tanong ni Chantal na siyang kinalingon ko na naman sa kanya habang nakataas ang isang kilay, sa tono kase ng boses nito ay may ibig sabihin mukhang binabalak niyang isama sa collection niya ang soon to be brother ko.  

 “Whatever you are planning Chantal, Jace is off limits' don't include him in your collection.” Seryoso kong sambit na siyang kinangisi naman ng loka-loka.

  “Woah! Here comes the protective sister 'e?” 

Inirapan ko na lang siya bago lumingon kay Trishana na naka-ngiti lang sa amin tapos ay nag-tanong na rin.

  “Iyon ba ang dahilan kung bakit umuwi kayo kahapon ni Kuya Kylde?” 

   “Yeah.”

Maikle kong sagot. 

   “You know what sis, Kailangan mo talagang mag-kwento 'e. curious kami.” Singit naman ni Chantal. Napaka-tsimosa talaga.

  “I'll tell you later girls, for now join me in the cafeteria first, I'm hungry, Hindi ako nakakain ng almusal dahil sa pag-mamadali ko.” 

  Parehas namang tumango ang dalawa.

  “Alright, Let's go. May sasabihin din ako 'e.” Sambit ni Trishana na siyang kina tango ko, Tapos sabay na kaming nag-lakad. 

  “Sandali! Iwanan ba naman ako.” Ngumisi lang ako ng marinig si Chantal na naka-sunod sa amin. Daldal kase 'e. Bagay sila ng kuya ko.

******

       “Omg! Really?” 

     “Magiging kapatid mo nga siya.” 

  Sabay na sagot ng dalawa, Kinuwento kona sa kanila ang nang-yari kahapon. Habang kumakain kaming tatlo.

  “Yeah, pero sabi ni Dad, matatagalan pa dahil may mga kailangan pa siyang alamin at siguraduhin bago asikasuhin ang pag-papalit ng apelyido ni Jace.” 

 Tumango naman ang mga ito.

    “So, kuya na ang Itatawag mo sa kanya sis, kase kasing tanda siya ni Kuya Kylde?” 

 Nag-kibit balikat ako sa tanong ni Chantal tapos uminom sa juice na binili ko.

    “Anong klaseng sagot 'yan, sis?” 

   “Well, hindi ko alam kase mas sanay ako na si Kuya lang ang tinatawag kong ganon, pero susubukan ko bilang pag-galang na rin.” 

  “Sabagay, pero matutuhan mo rin 'yan at makakasanayan.” 

  “May bago na namang pag-kakaguluhan ang mga babae sa University natin, may itsura pa naman ang soon to be brother mo, Girl.”

 Komento naman ni Trishana na sinang-ayunan ko. Ngayon pa nga lang ang dami ko ng naririnig. Sikat na sikat na agad ang lalaki. Loko-loko kase ang kapatid ko, Imbes na tahimik ang buhay ni Jace, binigyan niya ng sakit ng ulo. Parang hindi niya kilala ang mga babae sa batch nila. 

 “Ay, totoo 'yan, sissy! narinig ko kanina na pinag-kaguluhan agad 'yung soon to be brother mo kanina.” Segunda naman ni Chantal. Iba talaga ang radar ng kaibigan kong ito. Well, gwapo naman talaga si Jace. May ibubuga ang lalaking 'yun sa mga gwapo dito sa university.

  “Maiba tayo, ano pala 'yung sasabihin mo, girl?” Tanong ko kay Trishana ng maalala ang sinabi nito kanina. Tumigil naman ito sa pag-kain ng salad niya bago kami binalingan.

  “Si mommy kase..” 

   “Anong meron kay Tita Aaliyah?” 

nakakunot noong tanong ko. Bumuntong hininga naman siya.

  “Kinausap niya ako, Alam kong tapos na 'yung contract niyo sa company namin, kaso si mommy kase sabi niya kausapin ko kayo, kung pwede daw ulit tayo mag model sa bagong labas na product ng DCC, Shirts and Jeans and of course sumali sa fashion show.” 

 Nahihiya ng sambit ni Trishana sa amin. Ow, iyon lang pala. 

  Si Trishana ay anak ng isang sikat na model at designer na si Tita Aaliyah Eunice Dela-Cerna. At ang daddy naman niya ay isang sikat na businessman. Si Tito Kaden Travis Dela-Cerna. Naging mag-kakaibigan kaming tatlo since elementary, Bata pa lang parte na kami sa models ng DCC kaso natapos na ang contract namin at hindi na kami nag-renew dahil nag-focus kami sa pag-aaral sa ngayon.

   “Sus, iyon lang ba? Syempre payag kami ni Chantal dyan, 'di ba?” Sabay lingon ko sa kanya tapos sunod-sunod na tumango.

   “Oo naman, Kailan ba kami tumanggi kay Tita? Saka alam naman namin na favorite kami non 'e. Pero grabe talaga ang kompanya niyo sissy, May bagong labas na naman si Tita na damit at jeans. Idol ko talaga siya!” 

 Isang malawak na ngiti ang pumaskil sa magandang mukha ni Trishana.

  

  “Thank you, girls. Kilala niyo naman si mommy kapag may bagong labas silang product tayo agad ang gustong mag-model. Actually, nahihiya ako mag-sabi sa inyo lalo't pa tapos naman na ang contract natin sa company. Tayo kase lagi ang kinukuha ni mommy.” 

  Ngumiti naman kami sa kanya, 

   “H'wag ka nga mahiya sa amin girl, Alam mo namang pareho tayong tatlo ng hilig, Tumigil lang naman tayo dahil gusto muna natin mag-focus sa pag-aaral. Pero syempre hindi naman porket tumigil hindi na tayo e-extra extra. Saka hindi namin kayang tanggihan si Tita Aaliyah.” 

  Nakangiti kong sambit, Sa totoo lang parang pangalawang magulang na namin si Tita Aaliyah. Dahil sa kabutihan niya unti-unti namin natutupad ang mga pangarap namin sa modeling. Saka kahit sobrang yaman nila Tita, hindi sila maarte, Hindi din nila pinalaking spoiled si Trishana. Pinapayuhan din kami ni Tita Aaliyah, kapag sikat na daw kami 'wag na 'wag daw lalaki ang ulo namin, dapat stay humble. Maging pantay sa kapwa. 'wag maging mataas dahil sikat at mayaman. Hindi lang 'yun tinuruan niya rin kami ng mga gawain bahay at pag-luluto kapag nasa mansion nila kami. 

  Kailangan daw namin iyon dahil mga babae kami. Well, Agree naman ako kay Tita dahil malaking tulong ang may alam.

  “True! Gustong-gusto ko talaga ang modeling, kaya tuwang-tuwa ako kapag kinukuha tayo ni Tita.” Masayang sagot naman ni Chantal.

  “Thank you, guys. masaya talaga ako na naging kaibigan ko kayo, pare-pareho tayo ng hilig. Siguradong matutuwa si mommy mamaya kapag sinabi ko sa kanya na pumayag kayo.” 

  “Ano ka ba sissy, naka-tadhana talaga tayong maging mag-kakaibigan no! Basta kapag gusto ni Tita na maging model tayong tatlo, G agad! Bawal tumanggi. Anyway, kumain na nga tayo baka mamaya mapunta na sa ka-dramahan ang pinag-uusapan natin 'e. Basta it's settle na. Ubusin na natin ang kinakain dahil malapit na ang susunod na klase natin.” 

  Sumasang-ayon na tumango naman kami ni Trishana habang nangingiti. Tapos ay binalingan na ang pag-kain namin.

*******

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ah naalala ko na anak pala nila Aaliyah at Travis si Trishana
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status