Share

Chapter 79

ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.

Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.

Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.

Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.

Ilang buwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status