NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
Dinig ang mabibilis na yabag at mabibigat na paghinga ni Prinsipe Joven sa madilim na pasilyo ng kanilang kastilyo. Tagaktak na ang kanyang pawis habang walang tigil sa paglingon sa kanyang likuran sa pangambang nasundan siya nang kanyang mga pinagtataguan.Mas bumilis pa ang kanyang pagtakbo nang maulinigan ang mga boses ng mga taong humahabol sa kanya. Bumungad sa kanya ang isang mataas at paikot na hagdan nang lumusot siya sa isang lagusan patungo sa tore ng kanilang kastilyo. Mabilis subalit buong pag-iingat niyang inakyat iyon hanggang sa natagpuan niya ang isang maliit na silid. Nang makapasok ay kaagad niyang iginala ang kanyang paningin upang maghanap ng pwede niyang mapagtaguan subalit tanging ang maalikabok at malaking kama lamang ang naroroon sa loob ng silid. Parang binayo ang kanyang dibdib nang marinig ang malakas na pagkalabog sa kanyang pinto. Halos magiba na ang pinto sa lakas ng pagkatok ng sinumang nasa likod niyon. Mabilis siyang gumapang sa ilalim ng kama at malu
Napabalikwas ng bangon si Calista matapos mapanaginipan si Prinsipe Joven, ang pinagmulan ng kanilang angkan. Sa hindi malamang dahilan ay napapadalas ang mga gabing napapanaginipan niya ito. Napalingon siya sa kanyang katabing kama nang marinig ang pagbulong-bulong ng matalik na kaibigan na si Hera. Nagsasalita na naman ito nang tulog. Naiiling siyang napangiti, saka dumako ang tingin sa kama ng pinsan niyang si Althaia. Nagtaka siya nang makitang wala ito roon.Bagamat malalim na ang gabi ay hindi siya nakaramdam ng pag-aalala para sa pinsan sapagkat normal na sa kanilang mga taong-lobo ang gumala nang gano'ng oras, lalo na kapag kabilugan ng buwan. Babalik na sana siya sa pagtulog nang mapansin ang makinang na bagay na nakapatong sa mesa, sa ibabaw ng isang unan. Ang kan'yang korona. Napabuntong-hininga siya nang maisip ang mga obligasyong kanyang kahaharapin simula bukas bilang bagong Reyna ng kanilang tribo.(flashback)Masayang nagsasalo-salo ang mga taong-lobo sa malawak na ba
"HINDI ko sinasadya."Umiiyak at nanginginig na nakasiksik si Althaia sa sulok ng bahay ng kanyang kasintahang si Henry.Bagamat ilang araw na ang nakalipas, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga nangyari nang gabing iyon.(flashback)Umiiyak at galit na ibinalibag ni Althaia sa puno ang isang usa na nasalubong niya sa kagubatan. Ibinunton niya sa kawawang hayop ang kanyang sakit na nararamdaman. Paulit-ulit niyang tinadyakan ang wala nang buhay na usa habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Labis-labis ang sama ng loob na kanyang nararamdaman dahil sa naging desisyon ng kanilang Inang Reyna na ang pinsan niyang si Calista ang dapat na maging susunod na reyna ."Bakit?! Bakit?! Bakit?!" Humagulgol siya at napaluhod sa lupa.Magmula nang magkaisip, pinangarap niya na ang maging pinuno ng kanilang tribo. Buong pagsisikap niyang ginawa ang lahat upang mapansin siya ng reyna. Nag-aral siya nang mabuti, nagsanay upang maging bihasa sa pakikipaglaban, at naging responsableng alpha ng kanyang p
"ARE you saying we should exterminate Calista and her parents?" "You want the throne, right? Ang paraan lang para makuha mo 'yon ay kung mawawala sila," wika ni Henry na ikinagalit ni Althaia.Mabilis na umiling si Althaia sa pagkadisgusto sa ideya nito. "I am not a murderer!""You just killed Ina, remember?"Dahil sa sinabi ni Henry ay tuluyan nang naubos ang pasensya ni Althaia. Mula sa sofang kinauupuan ay sinunggaban niya si Henry na nakatayo sa kabilang panig ng sala. Pareho silang bumagsak sa kahoy na sahig. Gamit ang maliit subalit malakas niyang kamay, sinakal niya ito."Yes, you are my mate pero huwag mong kakalimutan, I am still your alpha," gigil niyang sabi bago nilubayan si Henry na ngayon ay habol na ang paghinga at ubo pa nang ubo.*****"HINDI pa rin ako makapaniwala na hindi man lang nagpakita si Althaia sa burol ni Ina," nakasimangot na sabi ni Hera habang ninanamnam ang ice cream na binili nila nina Calista at ng kanyang kasintahan na si Marcus na isang tao.Nakata