Share

Chapter 5

5 years later...

MULING pumikit si Marcus nang tumama sa kan'yang mukha ang sikat ng araw. Pumihit siya sa kabilang panig ng kama upang tingnan kung gising na ang kasintahang si Hera subalit nagtaka siya nang makitang wala na ito.

Pupungas-pungas siyang naupo at sinuyod ng tingin ang buong silid. She was nowhere of sight.

Pinulot niya ang kan'yang boxer sa sahig at sinuot iyon bago nagtungo sa lababo at naghilamos. Pansamantala niyang tinitigan ang repleksyon habang iniisip na naman ang susunod na lugar na kanilang susuyurin ni Hera upang hanapin ang nawawala nilang kaibigan na si Calista.

Sa tagal ng panahon na hinahanap nila si Calista, naniniwala na si Marcus na posibleng wala na talaga ito. Subalit kahit ilang beses niya nang sinabi ito kay Hera, ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Ipinagpipilitan nito ang kutob na buhay pa ang kanilang kaibigan kahit wala naman itong sapat na basehan.

Dose anyos si Marcus nang makilala niya sina Calista at Hera. Ulila na siya nang lubos noon at tumutuloy sa isang bahay ampunan. Madalas siyang tinutukso ng kan'yang mga kamag-aral dahil sa wala na siyang mga magulang at sa kan'yang gulang. Subalit iba si Calista sa mga ito dahil bagamat matanda siya rito ng ilang taon, kinaibigan pa rin siya nito. Higit sa ipinagpapasalamat niya, si Calista ang naging daan upang makilala niya si Hera.

Masakit din kay Marcus na tanggapin ang sinapit ni Calista subalit sa paglipas ng mga taon ay natutuhan niya na ring tanggapin na wala na ito. Hangad niya lamang na sana ay matutuhan na ring tanggapin ni Hera ang pagkawala nito nang sa gayon ay maipagpatuloy na nila ang kanilang mga buhay at makapagsimulang muli. Tiyak niyang iyon din ang gugustuhing mangyari ni Calista kung nabubuhay pa ito.

Napadako ang mga mata ni Marcus sa repleksyon ng kan'yang malaking pilat sa leeg. It was a bite mark made by Hera when she turned him into a werewolf. Noong una'y hindi sang-ayon si Hera sa kagustuhan niya na gawin siyang taong-lobo subalit nang ipaliwanag niya ang dahilan kung bakit gusto niyang maging katulad nito ay napapayag niya rin ito sa huli.

Dahil sa isa siyang mortal at higit na mahina kumpara kay Hera, kulang ang kan'yang kapasidad na maprotektahan ito laban sa mga kaaway. Isa sa pangunahing dahilan na nagtulak sa kan'ya na gawin ang desisyong iyon ay ang naging pasya ni Hera na talikuran ang kan'yang mga kalahi upang hanapin at bigyan ng hustisya ang nangyari kay Calista. Alam niyang posibleng magdulot ng kapahamakan dito ang naging desisyon nito lalo pa't pinag-iinitan ito nina Henry. Ngayong tanging si Hera na lamang ang natitirang mahalagang tao sa buhay niya, hindi siya makapapayag na may mangyaring masama rito.

"Ano kaya ang iniisip ng mahal ko at hindi niya man lang napansin na nandito na ako."

Napalingon si Marcus sa kan'yang likuran nang marinig ang malambing na boses ni Hera. Nakaupo ito sa gitna ng kama at ngiting-ngiting nakatitig sa kan'ya. Nilapitan niya ito at masuyong hinalikan sa labi.

"Alam mo namang ikaw lang ang laging laman nitong isip ko..." nakangiti niyang tugon. "Lalo na nito." Itinuro niya ang tapat ng kan'yang puso.

Mas lalo namang napangiti si Hera dahil sa sinabi niya. Itinulak siya nito pahiga sa kama at pabirong hinampas ang kan'yang tiyan. "Dapat lang, noh!"

Natawa na lamang si Marcus at tinitigan si Hera. "Where have you been?"

"Nagpahangin lang ako sa labas."

Tango na lamang ang itinugon ni Marcus. Kinuha niya ang nakapatong na remote sa bedside table at nagpasyang buksan ang t.v. Pareho silang natahimik ni Hera nang biglang naputol ang pinanonood nilang palabas at lumabas ang isang flash report.

Ang balita ay tungkol sa isang maliit na baranggay kung saan walang awang pinaslang ang ilan sa mga naninirahan doon.

"Malaking aso! Malaking aso! Nakita ko! Pinatay nito ang mga anak ko!" Halos mabaliw na ang matandang babaeng nakikipag-usap sa reporter habang walang tigil sa pag-iyak.

Naikuyom ni Hera ang mga kamao habang nakatuon ang nanunubig na mga mata sa mukha ng matandang nasa telebisyon. "This is what Althaia wants... To show everyone how powerful she is."

Hinawakan ni Marcus ang kamay ni Hera upang pagaanin ang kalooban nito.

Nilingon ni Hera si Marcus. "I think you should go back to our tribe. Tingnan mo kung ano na ang kalagayan nila roon."

Napakunot-noo si Marcus. "Ako lang ang babalik? Paano ka?"

Bumaba sa kama si Hera at sinuot ang kan'yang sapatos. "I'll continue looking for her. Kailangan ko nang madaliin ang paghahanap para matapos na ang mga patayang ito."

"Hera, paano kung wala na naman pala talaga tayong hinahana_."

"Napag-usapan na natin 'to," putol ni Hera sa sinasabi ni Marcus. Tiningala niya ito matapos niyang itali ang mga sintas ng kan'yang sapatos. "You have to trust me in this, Marcus. Nararamdaman ko na buhay pa siya."

Yumuko si Marcus at itinuon ang mga mata sa sahig. "Kung buhay pa siya bakit hindi pa rin siya nagpapakita sa'tin ngayon? Kalat na kalat na ang balita sa mga pagpaslang ng mga taong-lobo sa mga inosenteng tao, bakit wala pa rin siyang ginagawa?"

Hindi kaagad nakaimik si Hera. "Maybe she's not ready yet."

*****

NABITAWAN ni Callie ang hawak na cell phone matapos makita sa news feed ng kan'yang social media account ang balita tungkol sa baranggay na inatake ng mga taong-lobo. Napapikit siya habang inaalala ang kalagayan ng kan'yang mga ka-tribo.

Hindi lubos maisip ni Callie na dahil sa pagkawala ng dati nilang Inang Reyna ay hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ito ang itinuro sa kanila ng namayapang reyna. Kailanman ay hindi nito tinuro sa kanila na manakit ng sinumang tao.

"Ito ba ang gusto mong mangyari, Althaia?"

Natauhan si Callie nang marinig ang kan'yang Mama Mercy. "Callie, lalamig na ang pagkain!"

"Opo!" Mabilis niyang dinampot ang nahulog na cell phone at isinilid sa kan'yang shoulder bag bago sumunod sa kan'yang Mama Mercy sa hapag-kainan.

Nadatnan niya kan'yang Mama Mercy sa hapag-kainan kasama ang kan'yang Papa Simeon na abala sa pagpupunas sa punyal nito na gawa sa pilak. Saglit siyang napahinto at tiningnan lang ito sa ginagawa.

Napansin naman ni Simeon ang mga titig ni Callie subalit imbes na itago ang punyal ay tila iminuwestra pa nito ito sa harapan nito.

Bagamat limang taon na ang lumipas, malayo pa rin ang loob ni Simeon kay Calista. Marahil isa sa dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo nito kay Calista ay dahil sa tutol ito sa desisyon ni Mercy na ipangalan sa kan'ya nito ang pangalan ng namayapa nilang anak. Callie.

"Simeon, will you keep that thing, please?" inis na sabi ni Mercy nang maupo sa hapag. Nilingon niya si Callie at inaya itong maupo sa kan'yang tabi.

Naging tahimik lamang sila sa pagkain ng agahan. Nang matapos, nagpaalam na si Callie na papasok na sa paaralan.

"Sumabay ka na sa Papa mo," sabi ng kan'yang Mama Mercy. "May dadaanan siya malapit sa school niyo kaya sumabay ka na lang sa kan'ya."

Nauna nang tumayo si Simeon at lumabas ng bahay. Nag-aalangan naman itong sinundan ni Callie.

*****

TAHIMIK lamang sina Callie at Simeon sa loob ng kanilang sasakyan.

Habang nakatuon si Simeon sa pagmamaneho, hindi mapigilan ni Callie na sulyapan ang punyal nito sa tabi. Hindi niya maiwasang malungkot sa isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin itong tiwala sa kan'ya. Paano ba naman kasi ay palagi na lamang nitong bitbit kahit saan ang punyal nitong gawa sa pilak. Tingin niya, oras na may makita itong kahinahinala sa kan'ya ay handa itong gamitin ang punyal upang patayin siya.

"Bakit? Natatakot ka ba?" biglang tanong sa kan'ya ni Simeon nang mapansing nakatitig siya sa armas nito.

Umiling-iling si Callie at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. "Kung ang dahilan po kung bakit lagi niyo na lang bitbit ang punyal na 'yan ay dahil sa natatakot kayo na sasaktan ko kayo, please rest assured na wala akong gagawin para ikapahamak niyo." Naglakas-loob siyang tingnan ang kan'yang Papa Simeon. "Malaki po ang utang na loob ko sa inyo ni Mama Mercy at hindi ko rin alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan ninyo sa akin. Pero ito po ang tandaan niyo Papa, ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilyang ipinagkaloob niyo sa akin... Kahit pa kapalit nito ang buhay ko."

Natawa nang mapakla si Simeon. Napakunot naman si Callie sa naging reaksyon niya.

"Calista, how can I trust your words after witnessing how you fought against your people? Isasakripisyo mo ang buhay mo para sa amin ni Mercy na mga mortal na tao? How can I believe someone like you who has neglected her own race?"

"They were the first to turn their backs on me," nakayukong sabi ni Callie. "They killed my family... They tried to kill me."

Agad na inihinto ni Simeon ang sasakyan nang nasa tapat na sila ng gate ng paaralan ni Callie.

"Maybe they have valid reasons why they decided to kill your family," sabi ni Simeon nang hindi man lang tinitingnan si Callie. "Maybe you aren't the victim after all... You guys might have done something that caused your tribesmen to abandon you."

Agad na nanlabo ang mga mata ni Callie dahil sa mga luhang namuo sa kan'yang mga mata. Hindi niya matanggap ang mga narinig sa kan'yang Papa Simeon.

"My family did not deserve to die in such a horrible way," nanginginig ang boses na sabi ni Callie. Agad niyang pinahid ang luhang gumapang sa kan'yang pisngi. "We live a good life and never cause anyone harm," wika niya bago lumabas ng sasakyan.

Hanggang sa makapasok si Callie sa kanilang campus ay hindi niya maawat ang pagpatak ng kan'yang luha.

Nang lumiko siya sa isang pasilyo ay may nakabangga siya dahilan para matumba siya sa sahig.

She started picking up her belongings on the floor but stopped when she smelled a familiar scent. She looked up at the person she had collided with and was surprised to see the man she had seen in the hospital five years ago standing in front of her.

"Clyde?" wala sa sarili niyang nasambit ang pangalan nito.

Nakangising yumukod at umuklo sa kan'yang harapan si Clyde. Gamit ang hinlalaki, pinahid nito ang mga luha sa kan'yang mga pisngi. "Natutuwa akong malaman na kilala mo kung sino ako."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status