Share

Chapter 7.2

"THIS isn't you, Clyde."

Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde.

Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha.

"Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew.

"Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?"

"Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan.

"Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer.

"I just have something to tell her," katwiran ni Clyde. "Bakit ba kasi sumunod pa kayo rito? Hindi tuloy ako makalapit sa kan'ya," reklamo pa nito sa mga kasama.

"Then let's just invite her here," suhestiyon ni Megan na kaagad na hindi sinang-ayunan ni Clyde.

"Hindi pwede, baka masira pa ang diskarte ko dahil sa inyo," anito. "Diyan na kayo," paalam niya, saka tumayo upang lapitan si Callie.

Tinawag pa si Clyde ng mga kaibigan pero hindi niya na nilingon ang mga ito. Dire-diretso na siyang naglakad patungo sa table ni Callie.

Mula sa peripheral vision ni Callie, tiningnan niya ang papalapit na si Clyde. She pretended that she was still reading the book she was holding.

"Hey," bati sa kan'ya ni Clyde bago naupo sa kan'yang tapat.

"Hi," balik niya.

"What are you reading?" Bahagyang sumilip si Clyde sa binabasa niya. "Werewolves?" nakangiting sambit nito.

Isinara na ni Callie ang libro dahil ni isa wala rin namang totoo sa nilalaman no'n. They were all fiction.

"I was just bored and ito ang una kong nakita sa shelf."

Tumangu-tango si Clyde. "Okay, hmmm... Since nabanggit mo na rin naman na bored ka, gusto mo bang sumama sa akin?"

Bahagyang siyang napakunot-noo sa alok ni Clyde. "Saan naman tayo pupunta?"

Nakangiting tumayo si Clyde at inilahad ang palad sa kan'ya. "Samahan mo akong libutin ang buong Duncan Mills."

Nagdadalawang-isip niyang tinitigan ang kamay ni Clyde sa kan'yang harapan. Kung tatanggapin niya ang kamay nito, tiyak niyang mas mapapaniwala niya ito na unti-unti na siyang nagkakaroon ng interes sa kan'ya.

Sa isang iglap, hinawakan niya ang kamay ni Clyde dahilan upang mas lumiwanag pa ang mukha nito.

"Tara?" nakangiti niyang sabi.

*****

"WOOOOH! Ang saya-saya ko!"

Natawa si Callie sa sigaw ni Clyde. Kasalukuyang magkaangkas sila ngayon sa motorbike na hiniram nito kay Spencer.

Iniangat niya ang visor ng suot na helmet at tinanaw ang kulay berdeng kabukiran sa tabi ng kalsada. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at dinama ang pagdampi ng malakas na ihip ng hangin sa kan'yang mukha. It felt so refreshing.

Naramdaman niya ang lobong nagtatago sa kan'yang kaloob-looban. Tila pati ito ay natutuwa sa mga nangyayari sa pagkakataong iyon.

Hinayaan niyang ang kan'yang kulay abong mga mata na unti-unting magkulay ginto. Matagal na panahon na siyang hindi nakapag-shi-shift and that's the least thing she could do to please her wolf.

Iniangat niya ang kan'yang mga braso katulad ng isang ibong malaya. Sa tinagal-tagal nang panahon ng pamamalagi niya sa Duncan Mills, ngayon lamang niya naramdaman ang pansamantalang kalayaang iyon.

"Are you okay, Callie?" biglang tanong sa kan'ya ni Clyde.

"Yes, why?"

"Ang tahimik mo eh."

"I'm usually quiet, Clyde," nakangiting tugon niya.

Natawa si Clyde. "Hey, hold tight."

Naiilang man, sinunod niya pa rin ang sinabi ni Clyde. Dahan-dahan niyang ipinulupot ang mga braso sa baywang nito.

Unti-unting nang binilisan ni Clyde ang pagpapatakbo sa motorsiklo.

"Wooohooo!"

*****

NAPALINGON si Callie sa trabahador na nagkukumpuni sa sirang bubong ng maliit na center kung saan siya nag-volunteer na magturo sa mga street children. Pawisan na ang matandang lalaki habang nagpupukpok ng martilyo. Sunod niya namang tiningnan ang mga batang kan'yang binabantayan na naglalaro ng habulan.

"Teacher Callie, mauna na ako sa'yo, ha? Alam mo na..." Lumapit kay Callie si Odette, isa sa mga kasamahan niyang nag-volunteer din na magturo sa center. Nahihiya itong tumawa at iniipit ang maiksing buhok sa tainga. "Hinihintay na ako ng bebe ko."

Tumawa siya at kinawayan ito. "Sige na, ako nang bahala sa mga bata."

Palabas na sa maliit na gate si Odette nang bigla siyang tawagin ulit nito. Palingon na siya rito nang naamoy niya si Clyde.

"Ikaw Callie, ha." Tinapunan siya ni Odette nang makabuluhang tingin.

Nang nakalabas na ng gate si Odette, nakita niyang sumilip si Clyde.

"What are you doing here?" takang tanong niya rito. Hindi niya naman kasi sinabi rito na nagtuturo siya roon.

Kakamot-kamot sa ulo si Clyde na pumasok at pinasadahan ng tingin ang maliit na compound ng center. "Dito ka pala nag-tu-tutor."

Tinanguan niya ito. "Yes, but only on Saturdays."

Sumunod na tiningnan ni Clyde ang mga batang nagtatakbuhan. Napangiti ito sa kakulitan ng mga ito.

"Ang sarap maging bata, ano?" Nilingon siya nito.

Tumango na lamang siya bilang tugon.

Tahimik silang naupo sa isang bangko at magkasamang pinanood ang mga bata.

"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong niya kay Clyde.

"Ano ba'ng meron kayo?" balik na tanong sa kan'ya nito.

"Tubig."

Pansamantalang hindi umimik si Clyde pagkatapos biglang natawa. Pati siya ay natawa na rin.

"Tubig lang ang meron kami," wika niya.

Tumango si Clyde. "Pero sigurado akong mas masarap iyon kasi ikaw ang magbibigay," pambobola nito.

Umismid siya sa mga pasaring nito ngunit natawa rin sa huli. "Oh, there you go again."

Pumasok na siya sa loob ng maliit nilang classroom upang kumuha ng maiinom. Naisipan niya na rin na kuhanan ng maiinom ang kanilang trabahador.

Nagtaka si Callie nang paglabas niya ay wala na si Clyde sa kinauupuan nito. Naroon na pala ito sa mga bata at nakikipaghabulan na rin. Naiiling siyang napangiti habang pinanonood ito.

Nanatili lamang ang mga mata ni Callie sa tumatawang mukha ni Clyde. Pawisan na ito subalit tila wala pa rin itong kapaguran sa pakikipaglaro sa mga bata.

Sa isang iglap, tila biglang bumagal ang lahat at tanging si Clyde na lamang ang nakikita at naririnig niya. Napahawak siya sa kan'yang dibdib nang marinig ang unti-unting paglakas at pagbilis ng pintig ng kan'yang puso.

Agad niyang iniiwas ang tingin kay Clyde at mabilis na ininom ang tubig na dapat sana ay para rito. Pilit siyang tumawa. "You silly, huwag ka ngang magpapadala sa mga kilos niya. Ginagawa niya lang 'yan para mapansin mo siya," saway niya sa sarili.

Muli siyang napalingon sa dako nina Clyde nang marinig ang sigaw ng trabahador. Habang pababa ng bubong, nabitawan pala nito ang hawak na timba na naglalaman ng mga pako at martilyo.

Pare-pareho silang napasigaw nang makitang nahulog ang martilyo at babagsak sa maliit na batang babae sa tapat nito.

"Macy!" sigaw niya at akmang tatayo na sa kan'yang kinauupuan.

Natigilan siya nang makitang agad na hinapit ni Clyde ang batang si Macy at niyakap kung kaya't siya ang tinamaan ng nahulog na martilyo. Napahiyaw si Clyde nang tumama sa kan'yang ulo ang martilyo habang yakap pa rin si Macy.

"Clyde! Are you okay?!" Patakbo niyang nilapitan ito at agad na sinuri ang ulo nito kung saan tumama ang martilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may dumadaloy ng dugo sa panga nito. "You're bleeding!"

"Naku! Pasensya na hindi ko sinasadya!" paumanhin ng trabahador.

"Ayos ka lang?" nag-aalala namang tanong ni Clyde kay Macy na yakap-yakap niya pa rin.

Umiiyak namang tumango si Macy pagkatapos, tumakbo patungo sa mga kalaro nito.

"Hey, look at me!" Ikinulong ni Callie ang mukha ni Clyde sa kan'yang mga palad. "She's okay, ang alalahanin mo ang sarili mo! Look at you! You're bleeding! Did you bring your car? Dadalhin kita sa ospital!" hindi niya magkaugagang sabi.

Napansin naman ni Clyde ang panginginig ng mga kamay ni Callie na nakahawak pa rin sa kan'yang pisngi kaya mahigpit niyang hinawakan ang mga iyon. "Kumalma ka lang, Callie. Isang kiss lang, wala na 'tong sakit na nararamdaman ko."

Ang kanina'y nag-aalalang mukha ni Callie ay kaagad na napalitan ng madilim na ekspresyon. Sa isang iglap ay umalingawngaw ang hiyaw ni Clyde nang batukan siya nito.

"Aray!"

*****

"HUWAG mong kalimutan ang bilin sa'yo ng doktor. Uminom ka raw ng antibiotic para hindi na ma-infect 'yang sugat mo," bilin ni Callie kay Clyde nang ihatid na siya nito sa bahay nila. Nasa loob pa rin siya ng kotse nito at binabasa ang reseta ng doktor dito. Muli, tiningnan niya ang plaster sa ulo nito. "Masakit pa rin ba?"

"Mas masakit pa rin 'yong pambabatok mo sa 'kin," pabirong tugon ni Clyde subalit sinimangutan niya lang ito. Tumikhim ito saka muling ngumiti. "Ito naman, hindi mabiro."

"Sige na, papasok na ako," paalam niya bago bumaba ng sasakyan.

Lumabas din ng sasakyan si Clyde at mukhang plano pa nito na ihatid siya sa kabilang panig ng kalsada.

"Thank you," sabi nito nang nakatawid na sila.

Kunot-noo niya naman itong tiningnan. "Para saan?"

Kinagat ni Clyde ang ibabang labi at nahihiyang napakamot sa kan'yang batok. "Sa pag-aalala sa akin."

Hindi siya nakaimik. Totoo naman na nag-aalala talaga siya rito subalit hindi iyon ang dahilan ng kan'yang pananahimik. Hindi niya malaman kung ano ang marapat na itugon dito dahil masyado siyang balisa sa kakaibang damdamin na kan'yang nararamdaman. Bakit ganoon na lang kabilis at kalakas ang tibok ng kan'yang puso gayong palabas lang naman lahat ang kaniyang ginagawa?

"Akala ko noon ako lang ang may pake sa 'yo pero pagkatapos ng nakita ko kanina, ngayon alam ko na ang sagot," dagdag pa ni Clyde.

"Sagot sa ano?" takang tanong niya rito.

Hindi na nagsalita si Clyde at ngumiti na lamang. Nagulat siya nang bigla siyang hinapit nito sa baywang at ginawaran ng halik sa mga labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status