Share

Chapter 7.1

SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie.

Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki.

Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa.

Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita niya noon sa ospital, limang taon na ang nakararaan.

Sa muling pagbabalik ng misteryosang babae sa kan'yang alaala, muling nananariwa sa kan'ya ang mga naganap ng mga panahong iyon.

Dahil sa magulong pamilya, naglayas siya noon sa bahay upang ipakita sa kan'yang mga magulang na hindi niya na kailangan ang mga ito. Dahil doon ay napasama siya sa maling barkada at hindi nagtagal ay nasangkot na rin siya sa sari-saring gulo.

Isa sa huling kinasangkutan niya ay ang pakikipagbugbugan ng kanilang gang sa kalaban nilang isa pang gang. Ang tagpong iyon ang naging dahilan upang matagpuan siya ng kaniyang mga magulang sa ospital kung saan niya rin nakita ang babaeng unang nakapagpatibok sa kan'yang puso.

Sa tanang buhay niya ay noon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng damdamin. Sa unang beses na pagtama ng kanilang mga mata ng estrangherong babae, tila may kamao na sumuntok sa kan'yang dibdib dahilan para bumilis at lumakas ang tibok no'n.

Bagamat malabo na sa kan'yang alaala ang hitsura ng babae, hinding-hindi niya makakalimutan ang kulay ginto nitong mga mata.

"Kanina ka pa ba rito?"

Napahinto siya sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang boses ni Callie sa kan'yang likuran. Mas lalo pang nagliwanag ang kan'yang mukha nang lingunin niya na ito.

Callie was wearing a white dress paired with a white doll shoes. Maayos din na nakalugay sa kan'yang likuran ang mahaba at itim niyang buhok.

"You look great," puri niya kay Callie.

"Thanks, you're looking good as well," ganting puri ni Callie.

Napatitig si Callie sa pumpon ng mga pulang rosas na hawak niya.

"Para sa 'kin ba 'yan?"

"Ah, oo." Iniabot niya ang mga rosas at napakamot sa kan'yang batok. "I hope you like flowers."

Tinitigan ni Callie ang mga bulaklak at inamoy ang halimuyak nito. "Who doesn't? Thank you," tugon nito pagkatapos, ngumiti nang ubod ng tamis.

Napatitig siya sa malaki at kulay-abong mga mata nito. Ngayon niya lamang iyon natitigan nang malapitan. "Wow."

"Wow?" naguguluhang sabi ni Callie.

Alanganin siyang napangiti. "Nothing... Ummm, let's go?" aya niya rito.

Hindi katulad ng kan'yang mga nakagawian, naging maingat siya sa kan'yang pakikitungo kay Callie. Kung noon ay ginagamitan niya ng kan'yang mga sweet gestures ang mga babaeng inilalabas niya para mas ma-turn on ang mga ito sa kan'ya, kay Callie ay nagpaka-gentleman siya.

"Do you like the movie?" tanong niya kay Callie matapos nilang manood. Nakaalis na sila ng sinehan at nag-iisip na naman siya kung saan niya pa maaaring dalhin si Callie.

Tinanguan siya ni Callie at nakangiting yumuko.

"Hmmm... May bagong bukas na restaurant malapit dito, gusto mo bang kumain tayo_." Napahinto siya sa pagsasalita nang napansin niyang biglang huminto si Callie sa paglalakad.

Nakatuon ang atensyon nito sa digital billboard ng tv station sa kabilang kalsada.

Naka-flash sa screen ng billboard ang bago na namang balita tungkol sa patayang hinihinalang mga taong-lobo ang may gawa.

"Puro kalokohan na lang ang laman ng mga balita ngayon," komento niya dahilan para mapalingon sa kan'ya si Callie na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Hindi ka naniniwala na mga taong-lobo ang may gawa ng mga 'yan?" tanong nito sa kan'ya.

Umiling-iling siya at ngumiti. "They are not real, Callie."

"How sure are you?"

"Well, wala pa namang nakapagpapatunay na totoo sila. Duda nga ako na may nakakita na talaga sa kanila eh. You see, Callie, to see is to believe."

Nagtaka siya nang ngumiti nang makabuluhan sa kan'ya si Callie bago nagsimula muling maglakad. Ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon at umagapay na lang siya rito.

Muli, napalingon siya rito nang bigla uli itong nagsalita.

"You never know, baka nakakita ka na pala talaga pero hindi mo lang alam," pahayag nito.

*****

"PASENSYA na po, Sir, wala na po kasing available na table para sa inyo eh."

Napalingon si Clyde sa waiter na nagsalita. Nakatayo ito sa pintuan at may kausap itong matandang lalaki na sa tantiya niya nasa sitenta na ang edad.

Naawa si Clyde sa matanda at gusto niya na lamang na ibigay rito ang table nila ni Callie subalit nag-aalangan siya kung papayag ba ito.

"Ummm... Callie_." He stopped when Callie suddenly speaks.

"Let's just give our table to him," anito at ngumiti nang matipid.

Hindi niya naitago ang tuwa sa sinabi ni Callie. She's not only beautiful, she's also thoughtful.

Tumango siya at sinabihan ang waiter na papasukin na ang matanda. Wala namang tigil ang pasasalamat sa kan'ya ng matanda.

Nang makasakay na sila sa kan'yang kotse, nilingon niya si Callie at nginitian.

"Why are you staring at me like that?" naguguluhang tanong sa kan'ya ni Callie habang ikinakabit nito ang seatbelt.

"Nothing, I just find you charming."

Umirap si Callie na ikinatawa niya.

"Bolero ka talaga, ano?" wika nito, saka itinuon ang mata sa labas ng sasakyan. "Let's just go to a drive-thru and get some snacks."

"Ha? Sigurado ka?"

Tumango si Callie at ngumiti. "I know a perfect place where we can eat."

*****

"HOW did you know this place? Paborito ko ring tambayan ito!" tuwang-tuwang sabi ni Clyde nang pumunta sila sa river park kung saan tanaw ang mga city lights.

Puno ng bituin ang kalangitan at napakagandang pagmasdan ng ilog dahil sa reflection ng mga ilaw sa siyudad.

Nakaupo sila sa ibabaw ng trunk ng kan'yang sasakyan habang pinagsasaluhan ang pagkaing binili nila sa fast-food chain.

"Ito ang unang lugar na hinanap ko nang lumipat ako rito sa Duncan Mills. Mahilig din kasi akong tumambay sa ilog noon kasama ang mga kaibigan ko," tugon sa kan'ya ni Callie.

S******p muna siya sa straw ng soft drink bago nagsalita. "So, hindi ka pala rito sa 'min lumaki?"

Umiling si Callie. "I'm from Montgomery."

"I see. That's a small town kung hindi ako nagkakamali."

"It is."

"Then, bakit kayo lumipat dito?" usisa niya uli kay Callie. Napansin niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Tila bigla itong nalungkot.

"It's a long story." Pilit siyang nginitian nito.

Tumango na lamang siya at itinuon na rin ang tingin sa ilog.

Namagitan sa kanila ang nakakailang na katahimikan. Ilang sandali lang ay biglang natawa si Callie.

"Bakit?" nakangiti niyang tanong dito.

"May naalala lang ako," ngiting-ngiting sabi ni Callie.

Hindi niya maialis ang tingin kay Callie. It was his first time seeing her smiling like that. It was a genuine smile.

"I-share mo naman! Hindi pwedeng ikaw lang ang tumatawa."

Tumikhim si Callie at nakangiti siyang tiningnan. "Can you see that boulder?" Itinuro nito sa kan'ya ang malaking bato sa tabi ng ilog.

"What about that?"

"Naalala ko noong nasa Montgomery pa ako, it was a late afternoon tapos hinahanap ko 'yong dalawa kong kaibigan sa ilog. Nakaugalian na kasi namin na tumambay roon pagkatapos ng klase namin pero nang hapong iyon, nagtaka ako kasi hindi ko sila nakita."

Ngumiti si Clyde at umusog pa nang kaunti palapit kay Callie. "And then?"

Muli na namang napangiti si Callie. Tumingin ito uli sa malaking bato. "Naisip ko na baka ma-le-late lang sila kaya I decided to wait for them. Naupo ako sa ibabaw ng isang malaking bato..." she paused and giggled. "Tapos may bigla akong narinig."

"Ano'ng narinig mo?"

"I can't make out the sound at first kaya hinahanap ko kung saan 'yon nanggagaling tapos nang tumingin ako sa likod ng batong kinauupuan ko..." Inilapit ni Callie ang bibig sa kan'yang tainga at bumulong, "I saw them making out."

Pareho silang natawa.

"Did they saw you? Ano'ng naging reaksyon nila_. Wait, no, ano'ng naging reaksyon mo after seeing them?"

"Of course, I was gobsmacked. Bukod sa first time kong makakita ng gano'n, I also had no idea that they were dating," pahayag ni Callie. "Because of that, ilang araw nila akong iniwasan sa sobrang hiya."

"Naiintindihan ko sila," natatawa niyang sabi.

Nginitian siya ni Callie na tila ba tinutukso siya nito. "Bakit nahuli ka rin ba_."

"Hindi!" putol niya sa sinasabi nito. "Just like you, nahuli ko rin ang isa sa mga kaibigan ko noon doing the same thing your friends were doing... Medyo extreme lang 'yong sa kaibigan ko."

Tumawa nang kaunti si Callie. "Ano'ng sabi niya?"

"Wala siyang sinabi. He just landed a strong punch on my face." He stroke his hair as he laughs. "Well, kasalanan ko naman kasi basta na lang akong pumasok sa kwarto niya."

"He should've locked the door," komento ni Callie.

"Yeah."

Katahimikan na naman ang muling namayani sa pagitan nila.

Nilingon niya si Callie nang bumuntong-hininga ito. "Bakit?"

"I just miss my friends. I wonder what they're doing right now."

"Hindi mo na ba sila nabisita mula nang lumipat kayo rito?" tanong niya.

Umiling-iling si Callie. Ngumiti ito subalit kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niyang i-comfort ito subalit hindi niya alam kung paano. Nag-aalala siyang baka isipin nitong nananamantala siya.

"Ummm... Clyde, I have to go. Baka hinahanap na ako sa'min," biglang paalam nito.

"Gano'n ba? Sige," tumayo na si Clyde at inalalayan si Callie na bumaba sa trunk.

*****

"THANK you kasi pumayag kang sumama sa 'kin," nahihiyang pasasalamat ni Clyde.

Noon lamang siya nakaramdam ng hiya sa harap ng isang babae. He was always confident pero pagdating kay Callie ay hindi niya maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman. He must be really in love with her.

Nasa labas na sila ng sasakyan, sa tapat ng bahay ni Callie.

"Salamat din, I had a great time. Thank you rin ulit dito." Bahagyang iniangat ni Callie ang hawak na bouquet. "Sige na, papasok na ako. Ingat." Naglakad na ito sa footpath patungo sa kanilang bahay.

Nasa tapat na si Callie ng pinto nang tinawag niya ulit ito. "Ummm... Callie?"

Nilingon siya ni Callie na nakahawak na ngayon sa doorknob ng pinto. "Yes?"

"Pwede pa rin ba tayong lumabas sa susunod?"

Ilang segundo siyang tinitigan lang ni Callie. Kinakabahan siya sa isasagot nito.

Ngumiti si Callie at tumango. "Okay," tugon nito bago tuluyang pumasok sa bahay.

"Yes!" Hindi niya napigilang mapalundag sa tuwa. Abot tainga ang kan'yang ngiti hanggang sa nakapasok na uli siya ng sasakyan. Muli niyang nilingon ang bahay ni Callie. "I'll see you soon."

*****

PAGKAPASOK ni Callie sa kan'yang silid, inilapag niya sa kan'yang study table ang bouquet ng rosas na ibinigay sa kan'ya ni Clyde at sandali iyong tinitigan.

Bahagyang umangat ang isang sulok ng kan'yang labi.

Lingid sa kaalaman ni Clyde, narinig niya ang pag-uusap nilang magkakaibigan tungkol sa pustahan ng mga ito sa kan'ya.

"Looks like my scheme is working."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status