Share

Chapter 6

"NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.

Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito.

"So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito.

"No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"

Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."

Sumimangot si Callie.

Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad na tinitigan niya si Callie. "Well, yeah, I know I'm pretty well-known around here, but the way you said my name sounds like you've known me for a while."

Mas inilapit pa ni Clyde ang mukha kay Callie at tinitigan nang maigi ang bawat detalye ng mukha nito. He had dated so many beautiful girls before but Callie's beauty was exceptional. She was like a goddess. Sa tinatagal-tagal niya nang nag-aaral sa kanilang unibersidad, nagtataka siya kung bakit ngayon niya lamang ito nakita. Ngunit ngayong natagpuan niya na ito, hinding-hindi siya makapapayag na hindi ito mapabilang sa kan'yang koleksyon ng mga babae.

"Mukhang nasobrahan na nga yata talaga ako sa pagliliwaliw sa buhay," nakangisi niyang sabi. "All the time I've spent here in this university, paanong hindi ko man lang napansin 'yang taglay mong kagandahan. I must be a fool."

Agad na umarko ang isang kilay ni Callie habang nakatingin kay Clyde. Aminado siya na natuwa siya nang muli niya itong nakita subalit habang tumatagal ang kanilang pag-uusap, nakaramdam siya ng disappointment dito. Hindi niya inakala na ganito pala ang ugali nito.

Kilala niya ang mga katulad ni Clyde. Bukod sa presko ang dating nito sa kan'ya, alam niya ring siya ang tipo ng lalaki na mahilig mangolekta ng mga babae na pagkatapos niyang pagsawaan ay basta niya na lang iiwanan.

Ngumiti si Callie at sinalubong ang mga titig ni Clyde. Naramdaman niya na tila mas ginanahan ito sa ginawa niya. "You really are a fool to think na uubra sa akin 'yang mga pambobola mo."

"What?"

"Kung ano man 'yang iniisip mo, stop it this instance. I have no plans of becoming one of your toys," malamig na saad ni Callie bago tinalikuran si Clyde.

Hindi kaagad nakaimik si Clyde sa sinabi ni Callie. Ni minsan ay hindi niya pa naranasang ayawan ng isang babae. Natawa na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayo ng si Callie.

"Wala ka ba talagang planong ibigay sa akin ang pangalan mo?!" sigaw niya.

Callie waved her hand as a no.

Naiiling na natawa si Clyde.

"Clyde! Nandito ka lang pala."

Napalingon si Clyde sa bagong dating. It was Megan, one of his friends.

"Hi, Megs!" Hindi pa rin maalis ang ngiti sa kan'yang labi.

"What's with that grin?"

Hindi sumagot si Clyde bagkus muli niyang tinanaw si Callie na malayo na ang narating.

"Callie?" nagtatakang wika ni Megan nang sundan niya ang tingin ni Clyde.

Agad na nilingon ni Clyde si Megan. "You know her?"

"Tanga lang ang hindi nakakakilala sa kan'ya. She's the goddess of the Education Department."

Natawa si Clyde sa naging tugon ni Megan. "I'm indeed an idiot," bulong niya sa sarili. "Education Department? You mean your department?"

Tumango si Megan. "Yes, she's one of my seniors."

"So, she's going to be a teacher too just like you. Okay," tumatangu-tangong sabi ni Clyde. "But how come na hindi ko siya nakikita rito sa campus?"

"Well, naroon lang naman siya palagi sa lugar na ni minsan ay hindi mo man lang binibisita."

Saglit na nag-isip-isip si Clyde. Ilang sandali lang, biglang nagliwanag ang kan'yang mukha nang mapagtanto ang lugar na tinutukoy ni Megan.

*****

"HE'S here again."

Hindi mapigilan ni Callie ang mapairap nang maramdaman ang presensya ni Clyde sa loob ng library.

Napansin niya na ilang araw nang bumibisita si Clyde sa library at hindi man nito aminin, alam niyang siya ang dahilan ng pagpunta nito roon dahil noong unang araw na nagkita sila nito sa corridor ay narinig niya ang pag-uusap nito at ni Megan. Alam niya na ring alam na nito ang pangalan niya.

Lumitaw sa kan'yang harapan si Clyde at sinamahan siya sa kan'yang mesa. Naupo ito sa bakanteng upuan sa kan'yang harapan bitbit ang isang makapal na libro. It was a book about Police Administration.

"Nandito ka ulit? Wow! Napapadalas yata ang pagkikita natin. Don't you think this is fate?" kunwaring gulat na sabi ni Clyde nang makaupo.

"So, you are a criminology student... Hindi halata," sabi ni Callie at saglit na inalis ang tingin sa librong binabasa upang tingnan si Clyde. Hindi kasi halata sa hitsura nito na isa siyang criminology student. Kumpara sa ibang mga criminology student na malinis ang mga gupit ng buhok, ang kay Clyde ay medyo mahaba na at makapal.

Natawa si Clyde nang napansin niya na nakatingin si Callie sa kan'yang buhok. "Dahil ba sa buhok ko? Well, I don't want to cut it. I look better with this style."

"At some point kailangan mo ring magpaalam diyan sa hairstyle mo, lalo na kung magpa-practicum ka na. I heard it's a requirement for you guys to have a clean cut." Ibinalik ni Callie ang mata sa librong binabasa.

Tumango si Clyde. "You are indeed right. Actually, I'm going to do the second part of my OJT next month. Meaning, madalang mo nang makikita itong mukha ko sa mga susunod na araw."

"That's good then."

Napangiwi si Clyde. "Ouch!"

"Shhhh!" saway sa kan'ya ng librarian nang bahagyang lumakas ang kan'yang boses.

Humingi ng paumanhin si Clyde sa librarian pagkatapos, muling ibinalik ang tingin kay Callie na nakatuon lamang ang mga mata sa librong hawak.

"Hey Callie, would you like to have dinner with me after class?"

"No," walang pag-aalinlangang sagot ni Callie nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Clyde.

"I know I made an impression that day pero hindi ako katulad ng iniisip mo. I'm not a f*ckboy. Kung makikilala mo lang ako, you'll see I'm also a nice guy."

Napaisip si Callie sa sinabi ni Clyde. Masyado nga ba siyang naging mapanghusga rito?

Napatingin si Clyde sa kan'yang cell phone nang may biglang tumawag. Nagpaalam siya kay Callie na sasagutin niya muna ito bago lumabas ng library.

Sinundan ng tingin ni Callie si Clyde hanggang sa makalabas. Nang nawala na ito sa paningin, dumako naman ang mga mata niya sa naiwan nitong libro. Kinuha niya iyon at napansin na may nakaipit doon na isang makapal na bagay. Nang buklatin niya ang mga pahina nito, natagpuan niya ang isang nakaipit na magazine ng mga sexy na babae rito.

"Not a f*ckboy, huh?" she smirked.

Nagtaka si Clyde nang tila naglaho nang parang bula si Callie nang nakabalik na siya sa loob ng library. Nang lapitan niya ang mesang kinauupuan nila kanina, napagtanto niya kung bakit bigla na lang itong umalis. Ang kanina'y nakatago niyang magazine ay nakatiwangwang na ngayon sa ibabaw ng mesa.

Naihilamos niya ang kan'yang palad. "Why do I always mess up in front of her?" he chuckled.

*****

"WHY is it so hard to get a hold of you these days? Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo?" tanong kay Clyde ng kaibigan niyang si Andrew.

Kasalukuyang nagtitipon si Clyde at ang kan'yang mga kaibigang sina Megan, Andrew, at Spencer sa cafeteria ng kanilang unibersidad upang magmeryenda.

Bagamat ang mga kaibigan ang kasama, si Callie pa rin ang laman ng isipan ni Clyde. Ano ba ang ayaw nito sa kan'ya?

"Megan, do I still look the same?" tanong ni Clyde kay Megan na nag-iisang babae sa kanilang grupo.

"What do you mean?" Napakunot ng noo si Megan.

"Pumangit na ba ako?" tanong ulit ni Clyde.

Nagkatinginan ang magkakaibigan, naguguluhan sa mga tanong ni Clyde.

"Teka, are you still hitting on Callie?!" bulalas ni Megan na ikinagulat nina Andrew at Spencer.

"Callie? 'Yong diyosa niyo?" si Spencer.

Tumango si Megan at pinagtawanan si Clyde. "Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo Clyde, tumigil ka na. Hindi ka uubra sa kan'ya. Callie is not into dating."

"Paano mo naman nalaman?" Sambakol ang mukhang tinitigan ni Clyde si Megan.

"Sa tingin mo ba walang sumubok sa department namin na pormahan siya?"

"With that gorgeous face, duda akong wala," komento ni Andrew.

"Hindi interesado sa lalaki si Callie," dagdag pa ni Megan. "Mas gusto niyang kasama ang mga libro kaysa sa inyo."

"Hey, we're talking about Clyde Martin here. No one says no to him. Alam nating lahat 'yan." Nakangisi namang sumandal sa upuan si Spencer. "Baka nagpapakipot lang ang babaeng 'yon."

Tila lumakas ang loob ni Clyde dahil sa sinabi ni Spencer. Totoo naman ang sinabi nito dahil kahit kailan wala pa talagang babaeng tumanggi sa kan'ya.

"Kaya ko siyang makuha," saad ni Clyde na ikinatawa ng mga kasama.

"I doubt it." Umiling-iling si Megan. "I know her. Hindi lalaki ang makapagpapatiklop sa kan'ya."

"Let's make a bet then," suhestiyon ni Andrew.

"Gusto ko 'yan!" Napapalakpak si Spencer.

Natawa na lang si Clyde. "Fine!"

"There's no need for that. I'm telling you guys, hindi mapapasagot ni Clyde si Callie."

Taas-noong tiningnan ni Clyde si Megan. "I can do it, Megs. Hindi si Callie ang makakasira sa record ko." Ngumisi siya. "Mark my word, makukuha ko siya sa loob ng isang linggo."

Napahalakhak silang lahat dahil sa sinabi ni Clyde. Tila ba siguradong-sugurado ito sa mga sinasabi nito.

Napahinto sila sa pag-uusap nang nakita nilang paparating si Callie.

Sinenyasan ng mga kaibigan si Clyde na lapitan ito. Dahil sa nagpapasikat sa mga kaibigan, sinunod namn ni Clyde ang gusto ng mga ito.

"Hey, it's you again," bati niya kay Callie na kasalukuyang nakapila sa counter.

"Yes, but don't assume that this is all because of fate. Clyde, where in the same university, natural lang na madalas na magku-krus ang mga landas natin," tugon ni Callie pagkatapos ay nginitian siya nito.

Bahagyang nagulat si Clyde sa pagngiti sa kan'ya ni Callie. Nasanay na kasi siyang tinatarayan lamang siya nito.

"Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?" tanong sa kan'ya ni Callie nang mapansing nakatulala na lang siya sa harapan nito.

"Ummm... Would you like to watch a movie with me this weekend?" bigla niyang tanong. Malakas ang kan'yang kutob na tulad ng dati, tatanggihan na naman siya nito.

Muli, ngumiti si Callie. Clyde felt his heart skip a bit.

"Sure, why not?" tugon nito na ikinagulat niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status