Share

Chapter 44

Umiling-iling ito.

“Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito.

“And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.

Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon.

“At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.”

Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki.

“Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status