“So, anong plano ninyong dalawa? Do you already have a date in mind?” panimula ni Juancho sa usapan ng nasa kalaghatian na sila ng paghahapunan.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Penelope at parehong nawalan ng imik.
Now that they were asking about the details of their wedding, everything is happening for real. Totoong ikakasal na sila at hindi na sila makakaatras pa.
Subalit, wala pa naman silang napag-uusapan ni Penelope tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi pa nito sinasabi ang desisyon nito tungkol sa proposal na iniaalok niya.
But they both knew their parents. They both knew that they will definitely rush them.
Tingin pa lang ni Timothy sa kanyang ama, alam niyang excited na ito sa nalalapit na merger ng mga kompanya nila. At napansin niyang ganoon din si Juancho Valencia.
Nais n’ya na lang mapailing sa sarili sa mga sandaling iyon.
“Ah… Kumpadre… Hindi ba mas mainam na engagement party muna ang pag-usapan natin? And then, bahala na sila to plan on their wedding,” salo ni Augusto ng parehong hindi sila sumagot.
“Oo nga naman, Juancho. Pabayaan na natin sila,” mabilis na sang-ayon ni Felomina. “I’m sure hindi naman tayo maghihintay ng matagal sa announcement nila. Di ba mga anak?”
Sabay naman silang nagpilit na ngumiti at tumango sa mga ito.
“Don’t worry, Dad… Tito… Tita… Sasabihan agad namin kayo kapag napag-usapan na naming dalawa ang tungkol d'yan. Sa ngayon, mas maganda siguro kung sundin muna natin ang sinasabi ni Dad. Engagement muna, right Penny?” malambing na wika niya sa katabing dalaga.
Bahagya naman itong natigilan bago nakuhang tumango.
“That’s a better idea,” anito at pailalim s’yang sinulyapan.
“So, how about choosing the rings?” hindi pa rin tumitigil sa pangingialam na tanong ng ama ni Penelope.
“Huwag n’yo na ring problemahin iyon. That’s my job anyway. Siguro ang mga guests na lang ang asikasuhin ninyo, dahil alam kong iyon ang mas importante sa ngayon,” suhestyon niya sa mga ito.
Tumango naman ang tatlo.
“Oo nga naman, Kumpadre.” Sabi pa ng ama niya. “We have to schedule the engagement next week. Kailangang maipaalam din ito kaagad sa publiko. Ano sa tingin mo?”
“Walang problema sa bagay na iyan, Kumpadre. Madaling gawan iyan ng paraan. Bukas na bukas din ay magpapalathala tayo sa dyaryo tungkol sa engagement nang dalawa. Then we will find a venue and plan some other details,” ani Juancho.
“I better suggest na sa amin na lang ganapin ang engagement party.” Augusto said.
“That’s a good idea!” mabilis na sang-ayon ni Juancho na kaylapad ng mga ngiti.
Nagpatuloy ang kanilang mga magulang sa pagpaplano ng mga ito, habang pareho lang silang tahimik sa pagkain ni Penelope.
Napuna niyang parang lumilipad ang isip ng dalaga. Ni hindi nito halos ginagalaw ang pagkain sa plato nito. She was also biting hard her lower lip na parang nagpipigil itong huwag maiyak.
Hindi na s’ya nakatiis. He leaned towards her and whispered, “Will you smile a bit?” utos niya rito. “Huwag mong ipahalata sa kanila na para bang katapusan na ng mundo,” dagdag pa niya.
Pinanlakihan lang siya nito ng mga mata at nanatiling walang kibo.
**
Mabilis na umakyat sa kanyang silid si Penelope pagkatapos makaalis ng kanilang mga bisita. Padapang ibinagsak niya ang sarili sa kama at nanatili sa ganoong posisyon ng ilang sandali. Pagkuwa’y naupo siya at inabot ang kanyang telepono.
“Adam…?” aniya sa gumagaralgal na tinig.
“Babe? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito ng mahimigang tila maiiyak na s’ya.
“We need to talk.” Mahinang sabi niya.
“About what?”
“You and me…”
“About us? Bakit? Anong problema sa ‘tin?” magkakasunod na tanong nito.
Huminga s’ya ng malalim.
“Ayokong bukas mabigla ka kapag nabasa mo ito sa dyaryo, kaya gusto ko ng sabihin iyon sa ‘yo ngayo pa lang…” simula niya at muli’y huminga ng malalim.
“What is it? Tell me… huwag mo na akong pakabahin pa nang husto,” naguguluhang sabi nito.
“I’m getting married and we need to end this now,” naluluhang wika niya.
“Wait, what…!? What did you say!?” gulat na gulat na tanong nito sa malakas na tinig. Narinig pa niyang may kung anong naglaglagan sa sahig.
“I’m so sorry, Adam… But I am already engaged to someone else. Sorry kung ngayon ko lang ito nasabi sa ‘yo,”aniyang hindi na maipinta ang sakit na nadarama.
Kung pwede nga lang takasan ang lahat ng nangyayari iyon sa kanya, ginawa na niya. But she can’t do that to her parents. Hindi niya kayang talikuran basta-basta ang mga ito. Siya na lang ang mayroon sila at ganoon din naman s’ya sa mga ito.
Wala sa loob na napahikbi siya.
“Tell me this is not true, Penelope…” mariing wika ni Adam sa kabilang linya. “Kaya hindi mo ba ako magawang maipakilala sa kanila dahil dito? Because I was just a freelance artist at hindi kayang tumbasan ang kayamanan ninyo?” galit ng sabi nito.
Mabilis siyang umiling na parang nakikita nito. “No… that isn’t true. I love you more than you ever know, and you know that. Nito ko lang din nalaman na may kasunduan na sina Papa at ang ama ng mapapangasawa ko,” paliwanag niya rito.
“At pumayag ka ng gano-ganuon na lang?”
“I… I don’t know what to do. Hindi ko kayang suwayin sina Papa,” umiiyak ng sabi niya.
“But you have your own mind for God’s sake! You’re already twenty-four Penelope! Hindi ka na dapat pinangungunahan pa ng mga magulang m,” nagtatagis ang mga bagang na wika nito.
“I’m really sorry, Adam… I’m really sorry…” paulit-ulit na sabi niya.
“I thought they loved you? Pero bakit ganito ang ginagawa nila sa ‘yo? Bakit ka nila pinipilit sa isang bagay na hindi mo naman gusto? Ni hindi mo nga kilala ng lubusan ang kung sinumang lalaking iyon na pinili nila para sa ‘yo.”
Hindi siya makasagot. Kahit anong sabihin niya rito ay hindi na magbabago pa ang sitwasyon nila. She has to let him go kahit na gaano pa iyon kasakit.
Adam is her first boyfriend at dalawang taon na rin silang magkasintahan. Nakilala niya ito sa isang event ng kompanya nila. Isa ito sa mga artist na na-feature nila ang gawa.
At first, napansin niya noon na may pagka-aloof at pagka-reserved ang binata. Hindi ito mahilig makihalubilo sa ibang tao, kaya napukaw nito ang atensyon niya. She tried to talk to him pero panay iwas lang ito.
And then, one time, may natanggap siyang bulaklak. Ipinadala iyon sa kanyang opisina sa Valencia Telecom at sa pagtataka niya, walang sender na nakalagay doon. Ilang beses iyong naulit, hanggang sa ito mismo ang nagdala noon sa kanyang opisina na naka-anyong delivery boy.
Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Hindi naman kasi kayang itago ng balat-kayo nito ang itsura ng lalaki. He’s tall, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, maputi at mapupula ang mga labi.
In short… gwapo.
Mula noon inaya na siya nitong lumabas-labas sila, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ito ng lubusan. Adam is a very kindhearted man. Maalalahanin ito, magalang, at masipag.
Noong una sinabi nitong gusto siya nitong maging kaibigan, hanggang sa eventually ay nanligaw na rin ito. At hindi naman niya iyon pinatagal pa. Sinagot niya kaagad ang binata, because she really likes him na nauwi sa matinding pagmamahal niya rito.
Pero sabi nga nito, sa tinagal-tagal na nilang magkasintahan ay hindi pa niya ito naipakilala ni minsan sa mga magulang niya. Alam niyang siya rin ang may kasalanan kung bakit ganoon. Ilang beses na rin naman itong nagsabi na gusto nitong pormal na magpakilala sa mga magulang niya pero hindi siya pumayag. Natatakot siya sa sasabihin ng mga ito at ayaw niyang masaktan si Adam, kaya hindi niya magawang maipakilala ito sa ama't ina.
And that’s her biggest mistake. Kung sana noon pa man ay ipinakilala na niya ang binata sa mga magulang, hindi sana makakaisip ang mga ito na ipakasal siya sa isang estranghero. Na bukod sa pangit na ang ugali ay may pagka-sadista pa.
At hindi maiwasang mag-flash sa kanyang isipan ang itsura ni Timothy.
May kalaguan ang itim nitong buhok pero bumagay naman iyon dito. Palaging seryoso kung makatingin ang mapanuri nitong mga mata na may mahahaba at makakapal na pilik. Matangos din ang ilong nito at may kakiputan ang mapupulang mga labi na hindi yata sanay na ngumingiti. Mapusyaw ang kulay nito pero hindi naman gaanong kaputian. Tamang-tama lang iyon dito. Matangkad din ito at nasisiguro niyang papasa bilang isang basketball player.
Siguro kung sa ibang pagkakataon ay nagustuhan na niya ito. But she already knew who he really is, kaya malabo ng mangyari iyon.
“Penelope… Are you still there?” untag sa kanya ni Adam mula sa kabilang linya.
Suminghot s’ya at mabilis na pinahiran ang namasang mga pisngi.
“I’m so sorry, Adam… pero kailangan na nating tapusin ito. You'll see the announcement tomorrow kaya wala na akong magagawa pa,” muli ay hingi niya ng paumanhin dito.
“No…! No, Penelope. Hindi mo magagawa sa akin ito. Hindi ako makapapayag!” At nawala na ito sa kabilang linya.
Mariin naman s’yang napapikit kasabay ng malayang paglalandas ng mga luha sa kanyang mga mata.
“I’m sorry, Sir, but Ms. Valencia doesn’t want to be disturb now.” Pigil kay Timothy ng sekretarya ni Penelope.Walang pasabing nagpunta s’ya sa opisina ng dalaga upang kausapin itong muli. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito, but she just ignored his calls. Kaya napilitan s’yang sadyain na doon ang babae.“I am not going anywhere hangga’t hindi mo sinasabi sa boss mo na naririto ako,” determinadong wika niya.“But, Sir—”“It’s okay, Cindy.” Ani Penelope ng bumukas ang pintuan ng opisina nito. Matamlay na tinignan s’ya ng dalaga bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.Tumuloy naman s’ya sa loob.“What kind of drama is this?” bungad na tanong niya rito.Naupo muna ito at walang kabuhay-buhay na tiningala s’ya.“What drama are you talking to?” patay-malisyang tanong nito.“This… You…” sagot niya sabay upo sa visitors chair na nasa harap ng lamesa nito.Huminga ito ng malalim bago tumingin sa kawalan.“Ano pa bang gusto mo? Di ba magpapakasal na nga tayo?”“But we made a deal r
“Ready?” ani Timothy ng salubungin nito si Penelope sa may gate nila at mabilis na pinaglakbay ang mga mata sa kabuan ng dalaga.Nakasuot ito ng silver na evening gown na hakab na hakab sa katawan nito. May kababaan ang neckline niyon at may slit sa isang tagiliran na hanggang kalahati ng hita, exposing her long and flawless leg. Nakalugay lang ang buhok nito na para namang hindi nagagalaw kahit liparin ng hangin.“You looked lovely tonight,” papuri niya rito at iniaro ang siko.Namula naman ang dalaga sa hantarang papuri niya bago ito lumunok at tumango. Pagkuwa’y ikinawit nito ang braso sa kanya.“Please don’t fall on the ground dahil hindi kita sasaluhin.” Birong-bulong niya rito.Tiningnan naman s’ya nito ng masama bago nagpatuloy sa paglalakad.“A fake smile would do bago pa nila mahalatang napipilitan ka lang,” patuloy pang pang-aasar niya rito.Bahagya itong humarap sa kanya while gritting her teeth. “Ganito ba?” sarkatiskong wika nito.“Better…” nakalolokong tugon niya at igin
The night went deeper at parang babago pa lang nag-uumpisa ang kasiyahan. Everyone is enjoying themselves while talking at each other. Sina Penelope at Timothy ay tila wala ring kapaguran na iniistima ang kanilang mga bisita, while their parents are busy talking with their business associates.“I need to go to the restroom,” pasimpleng bulong niya sa katabing lalaki ng makalayo sila sandali sa ilang mga bisita na bumati sa kanila.“Go ahead. Ako na ang bahala rito,” tugon ng binata.Mabilis naman s’yang kumilos at iniwan na ito doon. Pagdating sa loob ng banyo ay sumandal s’ya sandali sa may pintuan at ilang beses na nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Pakiramdam niya kasi nauubusan ng hangin ang dibdib niya sa dami ng taong bumabati sa kanila kanina.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay naghugas siya ng mga kamay. Habang ginagawa iyon ay napatingin siya sa suot niyang singsing. Bahagya pa niya iyong itinaas at pinakatitigan.She knew that the ring was a rare type. Emeral
“Is Mr. Alvarez inside?” magalang na tanong ni Penelope sa naroong sekretarya ng puntahan niya ang binata sa opisina nito.Nakangiti namang tumango ito na mukhang nakilala s’ya kaagad.“Yes, Miss Valencia. He just have a private meeting inside pero patapos na rin,” anito.Ngumiti naman siya rito. “Alright… Hintayin ko na lang s’ya rito,” aniya at naupo sa waiting area.Patamad na humugot s’ya nang isang magazine doon at binuklat-buklat. Nang walang makakuha ng interes niya ay sinulyapan niya ang relo sa bisig.“Ma'am, would you like something to drink?” tanong ng sekretarya sa kanya ng lapitan siya nito.Nakangiting umiling s'ya. “No. I’m fine.”“Would you want me to tell Mr. Alvarez that you are here?” she politely offered.Muli s’yang umiling. “It’s okay. Matatapos na rin naman sabi mo ang meeting niya, hindi ba? I’ll just wait him here. Don’t worry…”“Are you sure, Ma’am?” Nag-aalangan pang tanong nito.She nodded then smiled again. “I’m really fine. Just don’t bother yourself that
Ilang beses muna s’yang lumunok, bago marahan ang mga hakbang na nilapitan ang binata.“W-What are you doing here?” nauutal na tanong niya na hindi inaalis sa mukha nito ang mga mata.Ngumiti ito at tila naman tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo. At tuluyan na s’yang natulala sa harap nito.Mas lalo namang nilaparan ng lalaki ang mga ngiti nito. “I just want to pick you up,” swabeng-swabeng tugon nito at ipinagbukas s’ya ng pintuan.Hindi naman niya iyon napansin dahil sa patuloy niyang pagtitig dito. That’s why he leaned forward and said, “Ganoon na ba talaga ako kagwapo para matulala ka nang husto?” at sinabayan pa nito iyon ng isang pilyong ngiti.Natauhan naman s’ya sa ginagawa and immediately composed herself. Agad niyang binawi ang pansin dito at may pagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan nito. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay nagkukulay rosas na ang mukha niya sa tindi ng hiyang nararamdaman.Naiiling namang umikot si Timothy sa sasakyan at naupo sa driver’s seat
“Are you nervous?” tanong ng kanyang Kuya Hanz na hindi umaalis sa tabi niya mula pa kanina ng dumating sila sa simbahan.Kaagad naman s'yang umiling sabay tingin sa orasang nasa bisig.Natawa ang kapatid. “Hindi, pero halata naman sa kilos mo,” anito. “Just try to relax, okay? Darating din ‘yun huwag kang mag-alala.” At tinapik siya nito sa balikat.Nanatili namang tikom ang kanyang bibig at napatingin sa loob ng simbahan ng marinig na nagsalita ang wedding coordinator.“Okay, guys… let’s form a line gaya ng practice natin kahapon. The bride will be here in a minute. Go… go… moved!” Anito na sinabayan pa ng palakpak.“O, nariyan na pala. Pwede ka ng huminga ng maluwag.” Bulong pa ni Hanz sa kanya.Sinunod naman niya ang sinabi ng kapatid. Katunayan niyan, kanina pa talaga s’ya hindi mapakali at naiisip na baka sa huling sandali ay maisipan ni Penelope na umatras sa kasal nila. And he felt so much scared than being nervous thinking about it.Pagkapila niya sa unahan ay pumailanlang na
“Did you know where the two of you are heading?” bulong ng kanyang ina habang inihahatid s’ya nito patungo sa nakaparadang sasakyan na maghahatid sa kanila ni Timothy patungo sa distinasyon ng honeymoon nila.“I-I… don’t know, Mom.” Umiiling na tugon niya at tumigil sandali at sinulyapan ito sa nag-aalalang mga mata.This will be the first time na malalayo s’ya ng tuluyan dito. Because after their honeymoon, she will be living with Timothy for the rest of her life.Ngumiti ito at masuyong hinaplos ang kanyang may pisngi. “There’s nothing to be afraid of, Sweetheart... You’ll be a great wife and mother to your future children,” anito.Hindi naman s’ya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ito ng mahigpit.“Just always follow what your husband says to you and avoid fighting. Ikaw ang babae kaya ikaw ang mas dapat na umunawa sa asawa mo, dahil alam naman natin kung gaano s’ya ka-busy na tao. There were times na makakalimutan niya ang mga bagay-bagay but that doesn’t mean you’re not important
“Where are we?” tanong niya kay Timothy ng lumapag ang sinasakyan nila sa isang dalampasigan.Hindi niya maaninag kung ano ang nasa paligid nila dahil medyo may kadiliman doon, pero natitiyak niyang nasa isang isla sila.“We’re in Isla Catalina. An island in Northern Palawan na pag-aari ng pamilya namin,” anito at inalalayan s’ya sa may siko. “Careful,” sabi pa nito nang bigla s’yang matisod.“T-Thanks…” usal niya habang pilit pinakakalma ang sarili.Kakaiba kasi ang hatid na init na nagmumula sa palad nito. Nanunulay iyon sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso and made it beats unevenly.Nang marating nila ang may katamtamang villa na yari sa pawid at matibay na kahoy ay iginala niya ang paningin sa madilim na paligid. Bahagya na ring nasasanay ang mga mata niya sa kadilimang iyon.“Wala bang ibang naninirahan dito?” curious na tanong niya at napakayap sa sarili ng umihip ang malamig na hangin.Umiling si Timothy na may kung anong hinugot sa bag nito at inilagay sa balikat niya.