Share

Chapter 5

“I’m sorry, Sir, but Ms. Valencia doesn’t want to be disturb now.” Pigil kay Timothy ng sekretarya ni Penelope.

Walang pasabing nagpunta s’ya sa opisina ng dalaga upang kausapin itong muli. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito, but she just ignored his calls. Kaya napilitan s’yang sadyain na doon ang babae.

“I am not going anywhere hangga’t hindi mo sinasabi sa boss mo na naririto ako,” determinadong wika niya.

“But, Sir—”

“It’s okay, Cindy.” Ani Penelope ng bumukas ang pintuan ng opisina nito. Matamlay na tinignan s’ya ng dalaga bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

Tumuloy naman s’ya sa loob.

“What kind of drama is this?” bungad na tanong niya rito.

Naupo muna ito at walang kabuhay-buhay na tiningala s’ya.

“What drama are you talking to?” patay-malisyang tanong nito.

“This… You…” sagot niya sabay upo sa visitors chair na nasa harap ng lamesa nito.

Huminga ito ng malalim bago tumingin sa kawalan.

“Ano pa bang gusto mo? Di ba magpapakasal na nga tayo?”

“But we made a deal right? At hindi mo pa sinasabi sa ‘kin kung anong desisyon mo.”

“Does it really matter? Importante pa ba iyon sa ‘yo?”

“Of course, it is!” Mariing wika niya.

“Why…?” salubong ang mga kilay na tanong nito ng muli siyang tingnan.

Natahimik naman s’ya at napaisip.

Bakit nga ba? Tanong niya sa sarili.

Subalit, wala naman s’yang maisagot. Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog kakaisip sa magiging kasal nila ni Penelope, at hindi niya maunawaan ang sarili.

Everything he has done so far was very calculated. Lahat ng iyon ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga palad. That’s why he became a very successful businessman.

Pero pagdating sa pagpapakasal niyang ito, hindi niya magawang paganahin ng matino ang kanyang utak. He became so affected at naiinis siya sa sarili dahil hindi niya alam kung bakit.

“Don’t worry… I chose not to.” Anito pamaya-maya.

Nagtatanong ang mga matang napatingin s’ya rito.

“The deal you were saying.” Paglilinaw nito sa sinasabi.

Napaunat naman siya sa kanyang pagkakaupo.

“Why?” kunot-noong tanong niya rito.

“Because I valued marriage and family. Hindi porke’t pinagkasundo lang tayo ng mga magulang natin ay pwede na nating balewalain ang sakramento ng ating kasal. We will going to marry each other, and we will lived together for the rest of our lives. And marriage is sacred and should be followed accordingly. Kaya ayokong gumawa nang isang bagay na alam kung ako rin naman ang magkakaproblema sa huli.” Mahabang tugon nito.

Matagal niya itong tinitigan bago nakuhang magtanong. “But you said you love your boyfriend. Paano na lang s’ya?”

“I already broke up with him. So, you don’t have to worry about him anymore.”

“I am not worrying on something. I just want you to live your life just the way you wanted it to be.”

“So, sa akin ka pala nag-aalala, ganoon ba?” nananalakab na tanong nito na bahagya pang nangislap ang mga mata.

“No,” mabilis niyang sagot kasabay ng pag-iling. “Bakit ko naman gagawin iyon?”

Pagak itong natawa.

“You certainly just want to get married and that’s it? Ano bang alam mo sa kasunduan ng mga magulang natin and you are insisting on giving me my normal life without any intrusion coming from you? O baka naman binigyan ka ng malaking offer ng Daddy mo? Perhaps a chairmanship of Alvarez Corp. Iyon ba?” may halong panunuyang tanong nito.

Tumigas naman ang anyo niya.

“I don’t have to explain myself to you. I just want us to get married and be done with this matter. No other reasons. Kung ayaw mo sa deal na sinasabi ko, then ikaw ang bahala. Just don’t expect anything from me,” mariing sagot niya.

“I am not expecting anything from you, Mr. Alvarez. Just a pure respect—for me and for our marriage, ” she seriously whispered.

“Is that all that you want?” nananantya pang tanong niya rito.

Tumango ito. “We both know this agreement doesn’t involve love. At wala naman akong inaasahan sa ‘yo sa larangang iyon, so same goes with me. Do not expect me to love you dahil malabo iyong mangyari kahit sa hinaharap.”

Nagdikit ang kanyang mga labi at bahagyang tumango. “I knew that. Alam ko namang mahirap talaga akong mahalin, Miss Valencia.”

Matagal itong napatitig sa mga mata niya na para bang iba ang nakikita nito sa mga iyon.

“Maybe because of your personality,” anito makaraan ang ilang sandali kasabay ng pagkikibit ng mga balikat.

Napataas ang isang kilay niya at natawa.

“Hindi mo na rin kailangang sabihin iyan sa akin. I knew myself-- everything. Kahit lahat ng bagay na maiipintas sa akin nang isang tao ay alam ko. At balewala lang ang mga iyon sa ‘kin. Kung ganoon sila mag-isip, then who cares? Hindi naman noon mababago kung ano ang naabot ko ngayon,” may pagmamayabang na turan niya.

Umismid ito. “That’s really who you are.” Ang tinutukoy nito ay ang pagiging mayabang niya.

S’ya naman ang nagkibit ng mga balikat. “Bakit? Wala ba akong ipagyayabang?” nakataas ang kilay na tanong niya rito. “I can boost myself whenever and whoever I want. Problema na lang ng taong kaharap ko kung maaapektuhan sila sa akin o hindi,” dagdag pa niya.

Napailing na lang ito. “I get it. Hindi mo na kailangang ipangalandakan pa,” tila sumusukong saad nito.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. “So, hindi na ba talaga magbabago ang pasya mo? My offer will always be open if you want.” Pangungumbinsi pa niya.

Umiling ito. “After we got married… there’s nothing that I want you to do… only to respect me. Sapat na sa ‘kin ‘yon,” seryosong sabi nito.

“Are you sure? Dahil wala na talagang atrasan ito. Tomorrow will get engaged in front of many people. Then alam mo na ang kasunod after that.”

Naiinis namang tiningnan siya nito. “Bakit ba ang kulit mo? Sinabi na ngang wala akong balak na gawin ang kahit na ano sa sinasabi mo. Hindi ko sisirain ang napagkasunduan ng ating mga magulang. And please… ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa ex-boyfriend ko. Maliwanag ba ‘yon?” pa-supladang sabi nito.

Pinagmasdan muna niya itong mabuti bago tumango.

“Alright… ikaw ang bahala…” napapahinuhod na wika niya. “So, see you tomorrow?”

Umirap ito. “As if naman na hindi ako pupunta.” Bubulong-bulong na turan nito.

Bahagya siyang natawa.

“That’s not what I am thinking.” Depensa niya sa sarili kahit pa nga ang totoo ay kinakabahan na s’ya. Paano nga kung biglang maisipan nito na umatras? Ano na lang ang gagawin n'ya?

Well… hindi mo iyon kawalan. Sagot ng kabilang bahagi ng isipan niya. Sila ang may kailangan sa ‘yo at sa inyong pamilya. It would be their big loss kung hindi ito sisipot bukas.

Agad niyang ipinilig ang sariling ulo.

Ganoon na lang ba talaga s’ya palagi? Palaging may pagtatalong nagaganap sa loob ng isipan niya? Because as of this moment, no one could really predict what will happen next. Kahit siya hindi na nasusundan ang mga nangyayari sa bilis noon.

“Don’t worry Mr. Alvarez, darating ako bukas. Ikaw nga itong iniisip ko. Baka ikaw itong wala doon bukas. You looked like you’re not yourself,” komento nito habang pinagmamasdan s’ya.

“That’s not gonna happen.” Pasubali niya sa sinasabi nito.

Sarkastikong napangiti ang babae. “Of course, it won’t happen. Lalabas na kahiya-hiya ang pamilya mo kapag nangyari iyon.”

Tumayo na s’ya at hindi pinansin ang pang-aasar nito. “I’ll go ahead…” aniya at dumukwang sa mesa nito and gave her a quick kiss on her cheek.

Napatda naman ito at hindi agad nakapag-react. Lihim namang napangiti si Timothy.

“We have to be at ease with each other. And a simple PDA would do to convince the crowd,” bulong niya sa tenga nito bago ito nakatulalang iniwan doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status