“Are you nervous?” tanong ng kanyang Kuya Hanz na hindi umaalis sa tabi niya mula pa kanina ng dumating sila sa simbahan.Kaagad naman s'yang umiling sabay tingin sa orasang nasa bisig.Natawa ang kapatid. “Hindi, pero halata naman sa kilos mo,” anito. “Just try to relax, okay? Darating din ‘yun huwag kang mag-alala.” At tinapik siya nito sa balikat.Nanatili namang tikom ang kanyang bibig at napatingin sa loob ng simbahan ng marinig na nagsalita ang wedding coordinator.“Okay, guys… let’s form a line gaya ng practice natin kahapon. The bride will be here in a minute. Go… go… moved!” Anito na sinabayan pa ng palakpak.“O, nariyan na pala. Pwede ka ng huminga ng maluwag.” Bulong pa ni Hanz sa kanya.Sinunod naman niya ang sinabi ng kapatid. Katunayan niyan, kanina pa talaga s’ya hindi mapakali at naiisip na baka sa huling sandali ay maisipan ni Penelope na umatras sa kasal nila. And he felt so much scared than being nervous thinking about it.Pagkapila niya sa unahan ay pumailanlang na
“Did you know where the two of you are heading?” bulong ng kanyang ina habang inihahatid s’ya nito patungo sa nakaparadang sasakyan na maghahatid sa kanila ni Timothy patungo sa distinasyon ng honeymoon nila.“I-I… don’t know, Mom.” Umiiling na tugon niya at tumigil sandali at sinulyapan ito sa nag-aalalang mga mata.This will be the first time na malalayo s’ya ng tuluyan dito. Because after their honeymoon, she will be living with Timothy for the rest of her life.Ngumiti ito at masuyong hinaplos ang kanyang may pisngi. “There’s nothing to be afraid of, Sweetheart... You’ll be a great wife and mother to your future children,” anito.Hindi naman s’ya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ito ng mahigpit.“Just always follow what your husband says to you and avoid fighting. Ikaw ang babae kaya ikaw ang mas dapat na umunawa sa asawa mo, dahil alam naman natin kung gaano s’ya ka-busy na tao. There were times na makakalimutan niya ang mga bagay-bagay but that doesn’t mean you’re not important
“Where are we?” tanong niya kay Timothy ng lumapag ang sinasakyan nila sa isang dalampasigan.Hindi niya maaninag kung ano ang nasa paligid nila dahil medyo may kadiliman doon, pero natitiyak niyang nasa isang isla sila.“We’re in Isla Catalina. An island in Northern Palawan na pag-aari ng pamilya namin,” anito at inalalayan s’ya sa may siko. “Careful,” sabi pa nito nang bigla s’yang matisod.“T-Thanks…” usal niya habang pilit pinakakalma ang sarili.Kakaiba kasi ang hatid na init na nagmumula sa palad nito. Nanunulay iyon sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso and made it beats unevenly.Nang marating nila ang may katamtamang villa na yari sa pawid at matibay na kahoy ay iginala niya ang paningin sa madilim na paligid. Bahagya na ring nasasanay ang mga mata niya sa kadilimang iyon.“Wala bang ibang naninirahan dito?” curious na tanong niya at napakayap sa sarili ng umihip ang malamig na hangin.Umiling si Timothy na may kung anong hinugot sa bag nito at inilagay sa balikat niya.
Pigil na pigil ni Penelope ang kanyang paghinga habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Timothy sa kanya. When he was an inch away from her, she closed her eyes and wait for his lips to touch hers.Pero lumipas na ang ilang sandali ay nanatili pa ring walang dumadampi doon. Nagmulat s’ya ng mga mata at nakitang nakatingin ng muli sa malayo ang lalaki.Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Gustuhin man niyang mainis dito ngunit hindi niya magawa. Mas lamang na sa sarili niya s’ya naiinis.She should not expect anything from him. Noon pa man ay alam na nilang pareho kung anong uri ng relasyon merun sila. And what they have together is purely bond by the agreement of their parents and nothing else.Huminga s’ya ng malalim upang payapain ang sarili, pagkuwa’y tumayo na. “You could use the bathroom now if you want.” Malamig niyang sabi rito bago ito tinalikuran.Bahagya lang namang tumango si Timothy ng hindi nililingon ang babae. Huminga s'ya ng malalim ng maram
“Saan ba talaga tayo pupunta?” hinihingal na tanong ni Penelope sa sinusundang lalaki.Inaya siya nitong ikutin ang isla, pero mukhang hindi naman ito marunong magpahinga. Tuloy-tuloy lang ito sa kalalakad na para bang wala itong kasama roon.Lumingon sa kanya ang nasa di-kalayuang si Timothy. “You’ll see.” Excited na sabi nito at muling nagpatuloy sa paglalakad.Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Mabuti na lang at wala naman silang ibang nilalakaran kundi damuhan at mga bato. Kung nagkataong matataas na puno iyon o di kaya ay mga kugon, baka tumakbo na s’ya pabalik ng villa.Bahagya niyang binilisan ang paglalakad upang makasabay dito. Malayo-layo pa rin s’ya sa lalaki ng marinig niya itong sumigaw.“We’re here!” anito.Napabilis naman ang lakad niya at humihingal na tumabi rito, pagkuwa’y kunot-noong iginala ang mga mata sa paligid. Wala naman s’yang ibang nakikita roon kundi mga damo, ligaw na bulaklak at manaka-nakang puno.Nakapamewang na hinarap niya ang lalaki.“Is that i
Hindi humihingang matagal siyang napatitig sa katawan nito lalo na sa—napalunok s’ya. At dahan-dahang namilog ang kanyang mga mata ng unti-unting nabuhay ang kanyang tinititigan.Mabilis na lumipad ang kanyang pansin sa mukha ni Timothy. She saw him breathe heavily while his lips twitched a bit. And when their eyes met, he never hide the burning passion and desire he was feeling. Para iyong tumatagos sa katawan nito papunta sa kanya.Nanuyo bigla ang kanyang lalamunan. Ang nakadadarang na init na kanyang nadarama ay mas pinatindi pa ng init nang panahon.“You should be running right now, My Dear Wife. Or else…” anito at sinadyang bitinin ang sinasabi, pagkuwa’y hinagod s’ya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay balewalang dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.Bigla namang nagpanic ang isip niya. Wala sa loob na mabilis niyang isinara ang pintuan at napaigik na lang s’ya ng tamaan noon ang kanyang tuhod.“Sh*t!” Kagat-labing wika niya at mariing napapikit habang hawak ang na
Marahas namang napahugot ng hininga si Timothy at mabilis na pinigilan ang kanyang kamay.“Don’t push me to my limit, Penelope.” Paanas na wika nito sa nagbabalang tinig. “Dahil hindi mo alam kung gaano kahirap subukang pigilan ang sarili.”Ngunit hindi man lang s’ya nakaramdam ng kahit na kaunting takot sa sinabi nito. Bagkus ay mas lalo pang lumakas ang loob niya.Mapang-akit na idinikit niya ang katawan dito bago ngumiti. “Really…?” aniya sabay kagat sa kanyang ibabang labi habang titig na titig sa namumulang mga labi nito. “I want to taste those— nang paulit-ulit. I want taste them again… it's sweetness and softness, na halos bumabaliw na isip ko.”Amused na napataas ang isang kilay nito. “As much as I want to believe everything you’ve said, hindi pa rin maitatangging lasing ka. And you are not yourself right now. Sigurado akong kapag nawala na ang kalasingan mo, pagsisisihan mo ang lahat ng ito.”Umiling s’ya. “I won’t regret what I’ve said. I meant them. Baka ikaw siguro ganoon.
“It’s really beautiful in here. Sana lang hindi na matapos ang gabing ito,” tila nangangarap na wika ni Penelope habang nakatingin sa napakagandang kalangitan. Maraming bituin nang mga sandaling iyon at bilog na bilog din ang b'wan. “You can stay a little bit longer here. Pwede namang ako na lang muna ang umuwi kung gusto mo,” ani Timothy habang inaayos ang bon fire sa harap nila. “How I wished I could do that,” aniya at binalingan ito. “Pwede naman nga… Wala namang pumipigil sa ‘yo. You can stay here as long as you want.” “Para mo na ring sinabi na ayaw mo akong makasama sa iisang bahay,” kunwari ay may paghihinampong wika niya na sinabayan pa ng paninilos ng kanyang nguso. Natawa naman ito. Hindi na sila madalas magbangayan kagaya ng dati. At nasanay na rin s’ya sa ganoong usapan nila. Paminsan-minsan ay inaasar pa rin s’ya ng asawa, pero madali naman itong bumabawi sa kanya. Sa loob nang isang linggo, nagbago ang samahan nila. Para silang naging magkaibigan. At aminin man niy