Share

Chapter 38

“Ma'am may nagpa-deliver po nito sa inyo,” ani Cindy pagdating niya sa opisina.

Malapad naman s’yang napangiti ng makita kung ano iyon. Isang pumpon iyon ng kulay pulang rosas.

“Thanks,” aniya sa sekretarya at kinikilig na kinuha ang mga bulaklak. Dinala niya iyon sa loob ng kanyang opisina habang manaka-nakang sinasamyo.

Pagkapatong sa kanyang lamesa ay agad niyang tinangnan kung may card iyon na kasama, pero wala naman siyang nakita. Kaya agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang asawa.

“At kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagtawag mong ito?” bungad nito mula sa kabilang linya.

“Well, Mr. Alvarez, hindi ba dapat na iniabot mo na lang sa akin kanina ang mga ito kesa ipinadeliver mo pa?” natatawang sabi niya.

Narinig niyang may kumalansing na kung ano sa kabilang linya. Nahihinuha niyang nagkakape ito nang mga sandaling iyon, base na rin sa tunog ng kutsara na kanyang narinig.

“Sh*t!” malakas na pagmumura nito.

Kaagad naman s’yang napatayo sa kinauupuan. “Why? What hap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status