“Sign this, and we’re done.”
Napatitig ako sa papel na nakapatong sa lamesita. I took a deep breath and nodded. Iyon ang divorce papers namin ni Hiro Servaño. Ang asawa ko ng dalawang taon—mali. Ni minsan ay hindi niya nga pala ako itinuring na asawa. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman talaga kagaya ng ibang relasyon ang mayroon kami.
“O-Okay. I will sign it,” nahihirapang sabi ko.
Hiro and I got married because of our parents. Business partners sila at gusto nilang maging isa ang mga pamilya namin. It was okay for me, but never to him. Hindi niya gusto na makasal sa akin. Kababata ko si Hiro kaya alam ko kung bakit. May girlfriend siya na hindi naman tanggap ng mga magulang niya.
“What are you waiting for?”
Bumuga ako ng hangin at unti-unting kinuha ang sign pen na nakapatong sa papel. Nakakainis pa kasi kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay ko.
Aaminin ko, umasa ako.
Umasa ako na sa loob ng dalawang taon na magkasama kami ay magagawa niya rin akong gustuhin. Pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi iyon nangyari. Wala siyang bumakbibig kundi si Naomi. Puro na lang si Naomi. Pero ako na asawa siya, na mahal na mahal siya ay hindi manlang niya magawang tingnan. Kaya nga noong ikinasal kami ay pilit niya akong pinapirma na makalipas ang dalawang taon ay maghihiwalay rin kami.
Oo, gusto ko si Hiro. High school pa lang kami ay gustong-gusto ko na siya. Siya ang panganay na anak ng mga Servaño. Ang tagapagmana ng pinaka mataas na posisyon sa kanilang kompanya. Kaibigan ng daddy ko ang pamilya nila kaya madalas ko rin siyang makita. Lahat na siguro nang pagpapapansin ko kay Hiro ay nagawa ko na. Kaya noong sinabi ni Dad na magpapakasal ako sa kaniya ay sobrang natuwa ako. Akala ko finally ay makakalimutan na niya ang girlfriend niyang starlet.
“Done,” sabi ko pagkatapos kong pirmahan ang papel.
Agad na kinuha ni Hiro ang papel. Sandali niya iyong binasa bago tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Ibibigay ko na ‘to sa attorney ko. Siya na rin ang magdi-discuss sa ‘yo ng mga makukuha mo sa akin. You can keep this house if you want.”
Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida ko. “S-Sigurado ka na ba talaga, Hiro? Wala lang ba sa ‘yo ang dalawang taon na ‘yon?” tanong ko. Umaasa pa rin na hindi niya itutuloy ang kahibangan na ito.
Napangisi si Hiro. “Bakit naman hindi ako magiging sigurado? We had this contract since our marriage started. I am sure, Laura.” Sandali siyang tumigil at nangunot ang noo. “H’wag mong sabihin na ayaw mong makipaghiwalay sa akin?”
Nag-iwas ako ulit ng tingin. Hindi lingid sa kaalaman ni Hiro na may gusto ako sa kaniya. Kaya nga kahit na ano ang gawin kong pakikipaglapit sa kaniya ay umiiwas siya. Dahil alam niya na gusto ko siya.
“We are a mistake, Laura. You know that. Hindi ko gustong magpakasal sa ‘yo pero tinuloy ko. Dahil inirerespeto ko ang mga magulang natin. So, please. Don’t ask for too much. We can never be together,” mariin niyang sabi.
Lalong hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay may bumara na sa lalamunan ko. Parang kutsilyong tuamtarak sa dibdib ko ang mga salita niya. Napakasakit isipin na kahit na ano pala ang mangyari ay hindi niya ako magugustuhan. Kahit manlang bilang kapatid.
“I’ll go now. H’wag ka nang umasa na uuwi pa ako. My maids will take my things for me.”
Noong marinig kong nakaalis na si Hiro ay doon lang ako napabuga ng hangin. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko sana gustong makipaghiwalay sa kaniya. I want to stay with him the rest of my life. Pero ano ang gagawin ko? Ayaw niya talaga sa akin kahit na ano pa ang mangyari. Sigurado ako na tuwang-tuwa na siya ngayon dahil Malaya na niyang makakasama si Naomi.
Nasapo ko na ang bibig ko at pilit na pinakalma ang sarili. Ngunit dahil sa aking ginawa ay biglang bumaligtad ang sikmura ko. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kusina. Doon ay sumuka ako sa lababo kahit na wala namang lumalabas sa bibig ko. Hinihingal pa akong napaupo sa upuan habang nagsasalin ng tubig noong bigla akong may na alala.
Hindi pa ako nagkakaroon ng buwanang dalaw!
Napalunok ako. Oo, hindi man kami kagaya ng ibang mga relasyon ay may nangyayari sa amin ni Hiro. Pero nangyayari lang iyon sa tuwing nalalasing si Hiro. Ni minsan ay hindi niya ako ginalaw na walang alak sa sistema niya. Tapos ay pangalan ni Naomi ang palagi niyang binabanggit. Tiniis ko iyon kahit na masakit.
Agad akong tumayo at nagpunta sa kwarto namin para magbihis. Kailangan kong makumpirma ito. Baka kapag malaman ni Hiro na buntis ako ay hindi na niya maisip na ituloy ang paghihiwalay namin.
Lumabas ako ng bahay dala ang pag-asang tama ang hinala ko. Pumunta ako sa pinaka malapit na butika at bumili ng pregnancy kit. Pagkatapos ay umuwi rin ako agad para gamitin iyon.
“Yes!” masayang sabi ko habang nakatitig sa dalawang linya ng pregnancy kit. Buntis ako! Siguro kung tama ang pagkalkula ko ay isang buwan na akong buntis dahil iyon ang huling beses na mayroong nangyari sa amin ni Hiro. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Hiro. Ngunit hindi ito sumasagot. Kaya naisipan kong maligo na lang para pumunta sa opisina nito.
Pagkarating doon ay agad akong pinapasok ng guard sa building. Alam ng lahat na ako ang asawa ni Hiro kaya hindi na nila ako hinaharang. Papasok na ako sa opisina niya noong bigla akong hinarang ng sekretarya ni Hiro.
“Why?”
“Ahm, M-Ma’am. Hindi po kayo pwedeng pumasok ngayon sa loob.”
Umarko ang kilay ko. “Ako? Bakit naman? Bibisitahin ko ang asawa ko. May kailangan akong sabihin sa kaniya.”
Nangunot ang noo ko noong mapansin kong hindi mapakali ang mga mata nito. Hindi ito makatitig sa akin ng deretso. Kitang-kita ko pa ang pamamawis ng noo nito kahit na napakalamig naman sa loob. Doon ay bigla na akong nakaramdam nang kakaiba. Hindi ko na siya pinansin at dali-daling pumasok sa loob ng opisina. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong nakaupo si Hiro sa swivel chair niya, at sa kandungan niya ay naroon si Naomi na nakakuyampot pa ang mga kamay sa leeg ng asawa ko.
“Laura? What are you doing here?” nagtatakang tanong ni Hiro. Ni hindi manlang ito nag-alala sa presensya ko. Asawa niya ako! Dapat ay itinutulak na niya si Naomi!
Humigpit ang hawak ko sa pinto. Biglang Nawala ang lahat ng galak na nararamdaman ko dahil nalaman kong buntis ako. Para saan pa nga ba na sabihin ko sa kaniya ang sitwasyon ko? Masayang-masaya na siya ngayon dahil makakasama na niya ang totoong mahal niya. Ang babaeng talagang gusto niyang makasama habang-buhay.
“I-I… Nothing.”
Dali-dali na akong tumalikod at patakbong umalis sa silid. Halos madapa pa ako dahil unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko.
Ganoon na lang ba talaga iyon, Hiro? Ni hindi ka manlang nagpakita nang kahit na anong pangamba na mawawala na ako sa ‘yo. Kahit katiting manlang ay hindi mo ako magawang tingnan kagaya ng mga titig mo kay Naomi. Kahit kaunti lang sana. Kahit para na lang sa magiging anak natin.
Welcome us back, Philippines! Whoa!”Napailing ako noong marinig ko ang malakas na sigaw ni Jasmine. Ang best friend ko. She’s been with me while we are in Amsterdam. I stayed there magmula noong maghiwalay kami ni Hiro. I want to start a new beginning. Buong buhay ko ay nakaikot sa kaniya kaya minabuti ko nang malayo.“Lauren! Be careful!” I shouted in reflex when I saw my daughter was already near the automatic door. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at hinila siya palayo roon. “I told you not to let go of mommy’s hand, right?”Agad na lumabi si Lauren. “I’m sorry, mommy.”“Ano ba ‘yan? Kararating lang natin nag-aaway na naman kayong mag-ina. Let’s go na!” yaya ni Jasmine. “Come here, Lauren.”Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan si Jasmine na hawakan ang anak ko. Mas kaunti kasi ang laman ng tinutulak niyang cart. Doon niya sinakay si Lauren at nagpatuloy na sa paglabas ng airport.Walang nakakaalam na uuwi kami ngayong araw. Even my parents don’t know that I am here alread
“Sigurado ka ba talagang dadating ‘yon?” tanong ko kay Jasmine. We’ve been in the restaurant for thirty minutes already. Naubos na nga ni Lauren ang tanghalian niya dahil hindi pa rin nadating ang ka-meet-up namin.“Sabi ni Jude parating na eh. I’ve been texting her but she’s not replying.”“Try to call her instead. Naiinip na ‘tong inaanak mo.”Napatingin ako kay Lauren na nasa lapag na sa gilid ko at naglalaro ng laruan niya. Mabuti na lang at naisipan kong magdala ng scarf at mga laruan niya. At nasa restaurant kami kung saan may sari-sariling kwarto ang mga customers.“You know what? You’re right.”Tumayo na si Jasmine at naglakad na palabas ng silid. Pero hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas. May pumasok na babaeng nakasuot ng pulang bestida at para bang hapong-hapo.“Jude? Ikaw na ba ‘yan?”“Jasmine! Oh my god! I’m sorry we are late. Na traffic kami. I couldn’t reply to you kasi kausap ko rin si Miss Naomi.”Biglang nagpantig ang tainga ko noong marini
“Mommy, he is daddy, right?”Napalunok ako agad na napatitig kay Hiro. Kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Gano’n din ang dalawa pang kasama niya. Pinilit kong ngumiti at kabadong tumawa.“S-She’s a child. She calls everyone his dad.” Agad akong pumihit paharap kay Lauren at tumalungko para maging magkapantay kami. “Baby, let’s go out, okay?”Muling tumingin si Lauren kay Hiro at lumabi. “He’s daddy.”Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at tumayo na. Hihilain ko na sana siya palabas pero bigla ring tumayo si Hiro.“Let’s talk.”“What? Love!” ani Naomi.Agad na tumayo si Jasmine at hinawakan si Lauren. “I will accompany her to the toilet.”Bago pa man ako makapagreklamo ay nahila na ni Jasmine si Lauren palabas ng kwarto. Pagharap ko naman ay nakita ko si Hiro na papalit sa akin.“Everyone out,” ma-awtoridad na sabi ni Hiro.“S-Sir, there must be a mistake—”“Out!”Halos mapalundag na ako noong biglang nagtaas ng boses si Hiro. Napaatras pa ako nang kaunti dahil sa gulat. Pagt
“Is everything ready?” tanong ko kay Lauren. Isa-isa kong tiningnan ang mga gamit niya. After our encounter with Hiro, hindi na ako papayag na magtagal pa kami rito sa Pilipinas.“Yes, mommy.”Natigilan ako noong marinig ko ang malungkot na boses ng anak ko. Pagtingin ko sa kaniya ay nakasimangot siya habang nakatingin sa sahig. Nanunulis pa ang nguso at magkakrus ang mga kamay. Napabuga ako ng hangin. Kagabi niya pa ako tinatanong tungkol kay Hiro. Pero hindi ko naman masabi ang totoo. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at naupo sa tabi niya.“What’s the problem, Lauren?”“Are we really going home, Mommy? I still want to see, Daddy.”“Haven’t we talked about this already? Hindi ba sinabi ko na we can’t talk with him.”“But why, Mommy? I don’t understand why. Ayaw ba sa akin ni Daddy? Hindi niya ba ako love?”Parang biniyak ang puso ko noong marinig ko ang mga tanong ni Lauren. I wanted to tell her that he loves her. Pero paano? Pwede ba talagang mangyari na mamahalin niya ang anak ko k
“No!” mariin kong sabi.Napatigil si Mommy at Daddy na palabas na sana ng unit namin. Namimilog ang mga mata ni Mommy habang si Dad naman ay walang ekspresyon.“I can’t go home. I won’t go home!”Mom winced. “Are you seriously saying no to us now?”Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinapauwi. Pero sigurado ako na hindi iyon dahil sa gusto nila ako ulit makasama. They are all ashamed of me. I will never forget that.“Mom, please. Can you just let me go?”“At ano ang gagawin mo, Laura? Hindi ka namin hahayaan para mas lalo mo pa kami ipahiya!”Napatungo na ako dahil ayaw kong makita nila na naluluha na ako. I don’t want them to see my fears towards them. Pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko pa rin talaga magawang h’wag silang sundin. In the end, sumama kami kila Mommy kahit na pinipigilan ako ni Jasmine. Isinama ko na lang siya dahil iyon ang ginawa kong kondisyon sa mga magulang ko.“Where are we going, Mommy?” tanong ni Lauren.Napangiti ako sa kaniya a
Mom was glaring at me the whole time. Hindi ko alam kung aalis na ba ako sa ospital o maghihintay din kasama niya. Noong nawalan ng malay si Dad ay agad namin siyang sinugod sa ospital. I want to go but I am worried for my father. Hindi ko alam na may sakit na pala siya.“Look what you have done, Laura,” ani Mommy. “I swear kapag may masamang mangyari sa dad mo ay hindi kita mapapatawad!”Napatungo ako dahil sa sinabi niya. “B-Bakit kasi hindi niyo sinabi sa akin, Mom?”Umarko ang kilay ni Mommy. “Do I need to report you everything? Tsaka wala ka rito, ‘di ba?”Hindi na lang ako sumagot at nag-iwas ng tingin kay Mom. Hindi naman ako mawawala kung hindi nila ako pinalayas e. Tahimik akong naupo sa gilid waiting area hanggang sa lumabas na ang doctor sa emergency room. Agad na sinalubong ni Mommy ang doctor at kinausap.“Diyos ko, ang asawa ko!” umiiyak na sabi ni Mommy.Nilapitan ko siya at akmang hahawakan. Pero bigla akong nag-alangan dahil lalo siyang humagulhol.“This is your fault
“Here.”Tiningnan ko ang hawak na baso ni Hiro. I sigh and took it. “Where are we?”“In my unit.”Naupo siya sa katapat kong upuan. I took a deep breath and sips on the glass he gave me. Noong makita niya ako na muntik nang masagasaan kanina ay dinala niya ako rito sa bahay niya. Hindi sa akin pamilyar ang lugar na ito kaya wala akong ideya kung na saan kami. Hindi ko naman talaga alam lahat ng assets ni Hiro kahit noong mag-asawa pa kami.“Why did you bring me here?”“I was going to bring you back to the hospital, pero ayaw mo. Kaya dinala kita rito.”I bit my lips a little. Oo nga pala. I was crying earlier. Sa sobrang bigat na nang nararamdaman ko ay hindi na ako nakatanggi pa kay Hiro noong pinasakay niya ako sa saskyan. I want to go anywhere except the hospital.“T-Thank you.” Ibinaba ko na ang hawak kong baso sa lamesa at tumayo. “Sorry sa abala. Uuwi na ako.”“Ha? Wait, Laura!”I stop waling when Hiro grabs my arm. Salubong ang kilay na nilingon ko siya.“Don’t go. Hindi ka pa,
“Wife? He wants me to be his wife again? Nagpapatawa ba siya?!” inis na sabi ko. Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng kwarto habang kinakalma ang sarili.“Care to explain to me what is going on?” tanong ni Jasmine na nakaupo sa kama. Nagising siya noong dumating ako dahil daw sa mga pagdadabog ko. I said sorry to her.I stop walking and look at her. I let out a sigh and shook my head. “This is insane!” Naupo ako sa pang-isahang upuan malapit sa akin. “I met Hiro again.”I heard Jasmine gasp so I looked at her. “Seriously?!”Tumango ako. “Yes. Apparently, tinawagan siya ni Mom no’ng sinugod namin sa ospital si Dad.”“Then? What happened?”“I—” I sigh again. “It’s a long story. But I almost got in an accident, and Hiro saves me. Wala ako sa sarili ko noong dinala niya ako sa unit niya.”“You went to his house?!” gualt na tanong ni Jasmine. Tumayo pa ito at namaywang sa harapan ko. “What do you think you’re doing?!”“Okay, relax ka muna bago ka pa mag-isip ng kung ano-ano.”“Paano ako