Share

Chapter 6

“No!” mariin kong sabi.

Napatigil si Mommy at Daddy na palabas na sana ng unit namin. Namimilog ang mga mata ni Mommy habang si Dad naman ay walang ekspresyon.

“I can’t go home. I won’t go home!”

Mom winced. “Are you seriously saying no to us now?”

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit nila ako pinapauwi. Pero sigurado ako na hindi iyon dahil sa gusto nila ako ulit makasama. They are all ashamed of me. I will never forget that.

“Mom, please. Can you just let me go?”

“At ano ang gagawin mo, Laura? Hindi ka namin hahayaan para mas lalo mo pa kami ipahiya!”

Napatungo na ako dahil ayaw kong makita nila na naluluha na ako. I don’t want them to see my fears towards them. Pero kahit na ano ang gawin ko ay hindi ko pa rin talaga magawang h’wag silang sundin. In the end, sumama kami kila Mommy kahit na pinipigilan ako ni Jasmine. Isinama ko na lang siya dahil iyon ang ginawa kong kondisyon sa mga magulang ko.

“Where are we going, Mommy?” tanong ni Lauren.

Napangiti ako sa kaniya at bahagyang hinaplos ang buhok. “To Lola and Lolo’s house.” Naramdaman ko na mas sumiksik sa akin si Lauren at yumakap.

“But they look scary, Mommy. Are they mad at us? I heard Lola shouting at you. Shouting is bad, right?”

Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Lauren. “Yes, it’s bad. Lola is just… surprised.” Hinalikan ko ang ulo niya. “Because she now has a cute little granddaughter!”

“Really?”

“Yes, Baby. Don’t worry. Mommy is here. I will protect you with all my heart, okay?”

Tumango si Lauren. Niyakap ko na siya at bahagyang hinagod ang braso para makatulog ito. Napansin ko ang pananahimik si Jasmine na nakatitig lang sa labas ng bintana. Hindi siya pabor na sasama kami sa mga magulang ko kaya alam ko na masama ang loob niya. Mabuti na lang at ibang sasakyan ang gamit namin ngayon.

“Are you okay, Jas?”

“Huh?” Biglang napatingin sa akin si Jasmine. “What? May sinasabi ka ba?”

Naiikot ko ang mga mata ko. “I’m asking if you are okay.”

“Oh.” Tumikhim siya at umayos ng upo. Muli siyang nag-iwas ng tingin at noong humarap ulit sa akin ay nakakunot na ang noo. “Are you really okay with this, Laura? Pwede namang h’wag na tayo pumunta sa kanila e.”

Napabuga ako ng hangin. “You know, Dad. Ayoko na ring marinig ni Lauren ang mga sinasabi ni Mom.”

“Sa tingin mo ba kapag umuwi tayo sa inyo ay may magbabago? I mean, hindi ko sila nakilala, ha? But by just looking at them? Especially your mom? I could tell what kind of person are they. Baka malaman pa nila ang tungkol kay Lauren.”

“Akala ko ba gusto mong sabihin ko na sa kanila ang tungkol sa inaanak mo?”

Iniikot ni Jasmine ang mga mata niya. “Noon ‘yon, noong hindi ko pa sila nakikita. Malay ko bang mataray pala ang mommy mo!” Umupo siya nang maayos. “Iniisip ko kasi noong nagkukwento ka sa akin ay istrikto lang talaga sila. But no— energies don’t lie.”

Napangiti na lang ako at tinapik ang balikat ni Jasmine. “Kaya nga sinama kita. Alam ko naman na ipagtatanggol mo kami, ‘di ba?”

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jasmine na para bang sinusuri ako. Hanggang sa napailing na lang ito at ngingiti-ngiting tinapik ang kamay ko. “Oo na. Kahit alam ko na wala naman akong binatbat sa kanila ay ipagtatanggol kita sa mga magulang mo.”

“Thank you, Best friend!”

Ngumuso lang ito sa akin na parang bata. Minsan ay naiisip ko na kapatid ko si Jasmine pero sa ibang pamilya. Kung sana ay may kapatid nga akong kagaya niya ay mas madali sanang tanggapin ang lahat. Ano kaya ang pakiramdam noong may nasasabihan kang kapatid ng problema mo? Ako kasi, never kong naramdaman iyon.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang bahay. Muli kong naramdaman ang pressure na akala ko ay matagal ko nang hindi mararamdaman. Dito ako lumakit at nagkaisip. But this place never felt home for me. All I can remember here is the pressure that my parents gave to me. Being the only child, I should be perfect in any ways. Kaya noong magkaroon sila ng anak na deborsyada ay itinakwil nila ako agad. I never thought I would come back to this place.

“L-Laura? Ikaw nga!”

Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang pamilyar na boses. Si Jasmine na ang may bitbit kay Lauren dahil tulog pa rin ito noong nakarating kami. Paglingon ko ay nakita ko si Yaya Lyn. Agad na nangilid ang mga luha ko at tinakbo siya. I forgot, hindi ko man naramdaman ang pagiging magulang sa kila Mommy. But Yaya Lyn gave me all the love I needed. Sa lahat ng mga naiwan ko rito ay siya ang pinaka na miss ko. Gusto nga sana niyang sumama sa akin noon pero ako na ang nagdesisyon na h’wag na. Isa pa, siya ang mayordoma sa mansyon namin at may pamilya ring naghihintay sa kaniya. Idagdag na ring sigurado akong malalaman nila Dad kung nasaan ako kung nakasama ko siya.

“Diyos ko! Akala ko hindi na kita makikita, anak! Kumusta ka na? Mabuti at nakabalik ka na!”

Pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya. “I-I’m fine, Yaya. Ikaw? Ang dami mo nang puting buhok,” biro ko sa kaniya.

“Oo nga e. Tumatanda na ang yaya mo.” Tumingin siya kay Jasmine. “Sino siya? At sino iyong batang dala niya?”

“Ahm, she’s—”

“Laura. Come to my office. We need to talk.”

Napatingin ako kay Dad na kapapasok lang ng mansyon. Kasunod nito si Mommy na nakasimangot pa rin. Napabuga ako ng hangin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Yaya.

“I will talk to you tomorrow, Yaya. For now, can you help my friend? She’s Jasmine.”

“Naku, oo naman. Sige na at kakausapin ka ng daddy mo.”

Muli kong niyakap si Yaya Lyn at binitawan na ito. I went to my dad’s office to talk with him. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng bintana at nakatanaw roon. Napansin ko agad ang hawak nitong brown envelope.

“Dad, I just want to tell you that—”

“Sit down,” utos nito.

Sandali akong nakaramdam ng kaba noong magsalita si Dad. Gusto ko sanang sabihin na hindi kami magtatagal dito. Sinunod ko na lang siya at naupo sa sofa. Lumapit na rin doon si Dad at naupo sa tapat ko.

“Hindi kami magtatagal dito, Dad,” sabi ko noong magkaroon na ako ng lakas ng loob. Dad looked at me without any emotions. Sa tuwing tinitingnan niya ako nang ganoon noon ay kinakabahan na ako. Gano’n pa rin naman ngayon pero nagawa ko nang salubungin ang mga tingin niya. Pero mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng bestida ko.

“Why? Can’t wait to go back to Amsterdam?”

I almost opened my mouth when I heard what my father said. How did he know where I am? Dad smirks and put the envelope on the table.

“Yes, Laura. I know everything about you when you were gone. Ang address mo, ang business mo, and even your daughter.”

Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi nito. “D-Dad…”

“Hiro didn’t know, right?”

“I told you. He is not her father,” mariin kong sabi.

“Why don’t you open that envelope and see that I am not lying.”

Nanginig na ang mga kamay ko at nangilid ang mga luha. Hindi pwedeng malaman ni Hiro ang tungkol kay Lauren. She’s my daughter and only mine!

“P-Please, Dad. Bakit mo ba ito ginagawa? Hayaan mo na lang kami umalis ng anak ko!”

“I’m sorry, My daughter. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon.”

“What? Y-You can’t decide for me anymore, Dad!”

“Hiro needs to know about Lauren.”

“No!” Napatayo na ako. “Hindi ako papayag sa gusto mo, Dad! She’s my daughter and I will decide when she could talk with her father!” Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Tama nga si Jasmine. We shouldn’t come here. Akala ko ay gusto nila ako ulit makasama. Pero mali pala ako.

“Hindi ba pwedeng makinig ka muna sa akin, Laura? Hiro needs to know about his daughter! You need to go back to him!”

“Are you kidding me? Alam nating parehas na may fiancée na siya, Dad! At ayaw ko nang magkaroon pa ng koneksyon sa kaniya!”

“Yes, pero ikaw pa rin ang gusto ng pamilya nila, Laura! Hiro will need you too because the last will of her father!”

“Then I don’t care!” tanggi ko pa rin. “Tsaka bakit mo ba ito ginagawa, Dad? Why are you selling your only daughter again? Hanggang kailan mo ba gagawin sa akin ito? Is seven years of my life being not enough suffering for your own good? Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?”

In a split of seconds, nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Dad. Hindi ko nga alam kung tama ba ang nakita ko. But I saw sadness in his eyes. Pero muling bumalik ang pagiging seryoso nito.

“Just listen now, Laura, okay? Hindi lang naman ‘to para sa pamilya natin. Your daughter also needs to know about her father. Ayaw mo bang makilala niya ang ama niya?”

“She knew, Dad. She knew about Hiro. Pero hindi ibig sabihin no’n ay papayag na ako na makita niya ang anak namin. I’m sorry, but no. Hindi mo na ako ulit mapipilit pa na gawin ang ayaw kong gawin. I agreed last time because I loved Hiro back then. I agreed kahit na alam ko naman kung ano ang gusto niyong mangyari. But this time? Hindi ko hahayaan na gamitin mo rin ang anak ko!”

“How dare you— Wala kang utang na loob, Laura!” sigaw ni Dad.

Lalo akong napaluha dahil sa sinabi niya. Bahagya pa niya akong dinuro na lalong dumagdag sa sakit na nararamdaman ko. “A-Ako pa talaga ang walang utang na loob, Dad?”

Dahil sa sinabi ko ay lalong nagalit si Dad. Nagtangis na ang mga bagang nito at lalong namula ang mukha. “You—”

Nangunot ang noo ko noong makita kong sinapo ni Dad ang dibdib niya. “Dad?” Agad akong binalot nang pag-aalala dahil nakita ko na nagpaisa-isa ang paghinga nito. Hanggang sa bibig na nito ito humihinga. Nilapitan ko na siya at pinaupo. “D-Dad? Ano’ng nangyayari?!” natataranta kong tanong. He just stared at me and kept on gasping. Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko dahil sa sobrang takot. “What is happening?! Oh, my God! Help! Help us!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status