Share

Chapter 5

“Is everything ready?” tanong ko kay Lauren. Isa-isa kong tiningnan ang mga gamit niya. After our encounter with Hiro, hindi na ako papayag na magtagal pa kami rito sa Pilipinas.

“Yes, mommy.”

Natigilan ako noong marinig ko ang malungkot na boses ng anak ko. Pagtingin ko sa kaniya ay nakasimangot siya habang nakatingin sa sahig. Nanunulis pa ang nguso at magkakrus ang mga kamay. Napabuga ako ng hangin. Kagabi niya pa ako tinatanong tungkol kay Hiro. Pero hindi ko naman masabi ang totoo. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at naupo sa tabi niya.

“What’s the problem, Lauren?”

“Are we really going home, Mommy? I still want to see, Daddy.”

“Haven’t we talked about this already? Hindi ba sinabi ko na we can’t talk with him.”

“But why, Mommy? I don’t understand why. Ayaw ba sa akin ni Daddy? Hindi niya ba ako love?”

Parang biniyak ang puso ko noong marinig ko ang mga tanong ni Lauren. I wanted to tell her that he loves her. Pero paano? Pwede ba talagang mangyari na mamahalin niya ang anak ko kahit hindi naman niya ako gusto? Sana nga ganoon. Pero ayaw ko nang ipagsapalaran pa ang mararamdaman ng anak ko.

“You will understand when you’re older, Lauren. For now, let’s go home, okay?”

Marahang tumango ang anak ko. Kita ko pa rin na hindi niya tanggap ang sinabi ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko? This is our reality.

Matapos kong ihanda ang mga gamit naming ay binihisan ko na si Lauren. Noong handa na rin ako ay nagpa-book na ako kay Jasmine ng taxi papunta sa airport.

“Are you really going to do this, Laura Nicole?” tanong ni Jasmine. Bahagya pa akong napangiwi dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko.

“Yes, Jasmine. Kaya mo na naman dito, ‘di ba? If they want to continue the partnership. Pwedeng ikaw na lang ang kumausap sa kanila. Parehas naman tayong owner eh.”

Bumuga ng hangin si Jasmine. I could see the stress in her eyes. “Hindi naman ‘yon ang ibig sabihin ko. Do you see how sad Lauren is? She wants her dad. Sinabi ko na sa ‘yo na hindi mo kayang itago ito nang matagal.”

Tiningnan ko si Lauren na nakaupo sa sofa. Nakalabi pa rin ito habang malungkot na nilalaro ang paborito nitong stuff toy.

“I know, Jasmine. I know. I’m sorry. Pero ito ang sa tingin ko na makabubuti sa kaniya. I’m doing this for her.”

Sabay kaming napatingin ni Jasmine sa pinto noong marinig naming may nag-doorbell.

“May bisita ka?” tanong niya.

“Ako? Wala. Wala namang nakakaalam na narito tayo.”

Iwinaksi ni Jasmine ang kaniyang kamay. “Baka sa management dito. Ako na ang magbubukas. Mag-ready ka at tatawagan ko na ang driver niyo. Wait lang.”

Tumango ako. Hinayaan ko na si Jasmine na pumunta sa may pintuan. Ako naman ay lumapit kay Lauren at muling chineck ang mga bag namin. Kompleto na iyon at maayos na. Mabuti na lang talaga at hindi ko lahat inilabas ang mga gamit ko.

“So, it’s true. You are really back!”

Natigilan ako noong may marinig akong ibang boses. Agad akong nagtaas ng ulo at nanlaki ang mga mata ko noong makita ko sina Mommy at Daddy na nakatayo sa harapan namin. Nasa likuran nila si Jasmine na nakangiwi at gulat din na nakatingin sa akin. Tumayo ako at hinarap sila.

“M-Mommy—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may tumamang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Nakaramdam nga ako nang kaunting hilo pero nakatayo pa rin ako. Naluluhang tiningnan ko si Mommy.

“You dare to go back here without telling us?! Ano ba sa tingin mo ang pinagmamalaki mo, ha? Ang pipitsuging negosyo niyo?!” galit na sabi nito.

Sasagot sana ako pero narinig kong umiyak si Lauren sa likuran ko. Agad ko siyang hinarap at niyakap.

“W-Who are they, Mommy? Why is she hitting you?” umiiyak na tanong ng anak ko.

Doon ay napaluha na ako. Tiningnan ko si Jasmine at sinenyasan itong kuhain si Lauren.

“You have a daughter? Sino ang tatay niyan?” tanong ni Daddy.

Huminga ako nang malalim. “J-Jas, pakilabas muna si Lauren, please.”

“Okay, bes.”

Noong makalabas na sila Jasmine ay muli kong hinarap sila Mommy. Agad akong binalot noong muli kong masalubong ang galit na galit na mga titig ni Mommy. Si Daddy naman ay walang ekspresyon ang mukha. Pero mas nakakatakot siya kapag nasa ganitong hitsura niya.  

“U-Upo po kayo,” magalang pa rin na sabi ko sa kanila. Pero hindi natinag sila Mommy at masama pa ring nakatitig sa akin.

“Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang ginawa mo sa amin, ha? Laura Nicole? Dapat hindi ka na bumalik pa rito!” ani Mommy.

Agad akong nakaramdam nang pagkirot sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. “W-Wala rin naman po akong balak na bumalik dito eh. I just had too.”

“At talagang nagmamalaki ka na, ha?!”

“Honey, calm down, okay?” Hinawakan ni Daddy ang balikat ni Mommy at marahan iyong tinapik. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka pala?” tanong ni Daddy.

I smirked. “Wala namang may gustong narito ako, Dad. Para saan pa?”

Nakita ko agad na lalong nagalit si Mommy. Magsasalita pa nga dapat ito pero pinigilan ito ni Daddy.

“Laura, you are still our daughter. Bakit hindi mo sinabi na buntis ka pala noon?”

“For the record, it’s not what you think, Dad. Hindi si Hiro at tatay ng anak ko.”

“At ano? Nagpabuntis ka na sa kung sino-sinong poncio pilato riyan?” sabat ni Mommy.

Hindi ako nakasagot. Nag-iwas ako ng tingin at hindi masalubong ang mapanghusga niyang mga mata. Sa kanilang dalawa, si Mommy ang palaging gustong perfect ako sa mga ginagawa ko. Just because her life was perfect too like what she describes to us. Pero ang hirap gawin ang gusto niya lalo na kung imposible naman iyon.

“See? That’s your child, Roman! Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa kong kasalanan at bakit siya nagkaganito. Hindi na nadala noong hiniwalayan ni Hiro. Tapos ngayon ay nabuntis pa siya ng kung sinong lalake!” ani Mommy at bigla na lamang humagulhol.

Hindi ako sumagot. Ganoon naman palagi ang ginagawa ko. Hindi na lang ako sumasagot para lang hindi na humaba pa ang diskusyon namin. Mas pinipili kong masama ang tingin nila sa akin.

“Okay, okay,” ani Daddy. “You’ll go home now, Laura. You and your child.”

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Nalilitong tiningnan ko siya. “What do you mean?”

“Hindi ko na kaya pang hayaan kang mapariwara. You are still my daughter. Kaya uuwi ka na sa bahay. And you can’t say no.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status