Share

Chapter 2

Welcome us back, Philippines! Whoa!”

Napailing ako noong marinig ko ang malakas na sigaw ni Jasmine. Ang best friend ko. She’s been with me while we are in Amsterdam. I stayed there magmula noong maghiwalay kami ni Hiro. I want to start a new beginning. Buong buhay ko ay nakaikot sa kaniya kaya minabuti ko nang malayo.

“Lauren! Be careful!” I shouted in reflex when I saw my daughter was already near the automatic door. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya at hinila siya palayo roon. “I told you not to let go of mommy’s hand, right?”

Agad na lumabi si Lauren. “I’m sorry, mommy.”

“Ano ba ‘yan? Kararating lang natin nag-aaway na naman kayong mag-ina. Let’s go na!” yaya ni Jasmine. “Come here, Lauren.”

Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan si Jasmine na hawakan ang anak ko. Mas kaunti kasi ang laman ng tinutulak niyang cart. Doon niya sinakay si Lauren at nagpatuloy na sa paglabas ng airport.

Walang nakakaalam na uuwi kami ngayong araw. Even my parents don’t know that I am here already. Sa totoo lang, walang nakakaalam kung nasaan ako noong mga nakalipas na limang taon. Mas gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang anak ko. And yes, Hiro don’t know about Lauren. I decided not to tell him dahil nakita ko naman na masaya na siya sa bagong buhay niya ngayon.

I guess, hindi niya talaga naisip na magiging parte ako ng buhay niya. So, what’s the poin on telling him about our daughter?

Umuwi ako rito sa Pinas dahil may kailangan kaming asikasuhin sa business namin ni Jasmine. Dahil parehas kaming mahilig sa nail arts, iyon ang naisipan naming itayo ni Jasmine. Mula sa mga nail polish, acrylic nail extensions, gel polish, or kung ano-ano pang related sa pagma-manicure. Isa na rin akong registered nail tech ngayon at gano’n din si Jasmine. We named our business as LJ’s Nail cosmetics.

Noong una ay hindi naging madali ang pagpapatakbo namin. Marami kaming kakompetensya sa Amsterdam. Pero unti-unti ay naging kilala kami dahil sa ‘de kalibreng mga gawa namin. Mayroon na nga kaming mga suking international actresses.

This time, naisipan naming magbukas sa Pinas. Ayaw ko pa sana pero pinilit ako ni Jasmine dahil mayroon daw may gustong makisosyo sa amin. Since naisip ko na matagal na rin naman kaming hindi nakauwi ay pagbibigyan ko na lang siya.

“Ready na ang unit na titirahan natin habang nandito tayo. Are you sure you don’t want to go back to your family?” tanong ni Jasmine sa akin. Nakasakay na kami sa kotse na maghahatid sa amin sa bahay.

Tiningnan ko si Lauren na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa pagitan namin ni Jasmine. “H’wag na muna siguro.”

“Don’t tell me na wala ka pa ring sinabi sa kanila?”

Matipid lang na nginitian ko si Jasmine. Agad naman niyang na iikot ang mga mata.

“Nicole, I understand why you are doing this. Pero hindi mo maitatago ito nang matagal. Lumalaki na si Lauren.”

“I know, Jas. Pag-iisipan ko pa muna nang mabuti. Alam mo naman na ako ang sinisisi nila Dad sa paghihiwalay namin ni Hiro.”

“Ang hirap kasi sa ‘yo, nasaktan ka na nga ng gagong ‘yon. Reputasyon niya pa rin ang iniisip mo. Paano ka naman?” ‘

Napatitig ako sa labas ng bintana ng kotse. Noong naghiwalay kami ni Hiro ay galit na galit sa akin ang pamilya ko. Iniisip nila na hindi ako naging mabuting asawa kaya ako hiniwalayan ni Hiro. Hindi ko nga alam kung bakit sila gano’n. Eh hindi naman natigil ang pagiging magkasosyo ng mga pamilya namin. Mas gumanda nga ang negosyo nila.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ‘di ko masabi sa iba ang totoong dahilan nang paghihiwalay naming ni Hiro. Hindi ko sa kanila masabi na hindi naman talaga ginustong makasal sa akin ni Hiro. Ginamit niya lang ako para makuha ang posisyon niya.

“You know what? H’wag na natin silang isipin. Tungkol naman sa business ang pinunta natin dito eh. Hindi rin naman tayo magtatagal,” sabi ko na lang. Tiningnan pa rin ako ni Jasmine na para bang hindi siya makapaniwala.

Alam ko naman na maliit ang mundo. Napakaliit ng Pilipinas. Pero gagawin ko ang lahat para lang maiwasan silang lahat. Ayaw kong pati si Lauren ay masisi sa mga failure ko sa buhay. She’s the most important person to me now.

Hindi gano’n kalaki ang unit na nabili ni Jasmine. Pero sakto na para sa aming tatlo. Tatlo rin ang kwarto. Dalawa ang master bedroom at isa para kay Lauren. Mukhang pinaghandaan talaga ni Jasmine ang pag-uwi namin dahil mayroon na ring mga gamit sa loob.

“This will be our new house, mommy?!” excited na tanong ni Lauren. Namimilog pa ang mga mata niya habang inililibot ang mga tingin sa palagid. Napangiti na lang ako at tumango.

“Yes, baby. But not for too long only. We’ll still be going back to our place.”

“Okay, mommy! Where’s my room?”

“Ay! This is your room, baby!” si Jasmine ang sumagot. Pumunta siya sa gitnang pinto sa may gilid at binuksan ang pinto.

Sumunod ako sa kanila at maging ako ay namangha noong makita kong maayos na rin ang kwarto.

“Wow! Sofia!” tuwang-tuwang sabi ni Lauren. Paboritong-paborito niya ang cartoon character na princess na iyon. Walang araw na hindi ito pinapanood ng anak ko sa tv.

Napangiti ako nang malapad at tiningnan si Jasmine. “Thank you, friend. Hindi ko talaga alam kung wala ka sa tabi ko.”

Tumawa si Jasmine. “Ako pa ba? Eh parang anak ko na rin ‘tong si Lauren. Ako nga nagpangalan, ‘di ba?”

“Oo. Kaya thank you!”

“Sus! Ikaw kasi. Ang tigas ng ulo mo. Pero don’t worry. Kahit na ano’ng katigasan ng ulo mo, I will support you. Para ko na ring anak ‘tong si Lauren eh.”

Kumapit ako sa braso niya. “Kulang na nga lang pakasalan na rin kita!” biro ko.

“Why not? Alam mo naman ako. I am open to all.”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Jasmine. Marahan kong hinampas ang braso niya. “Sira ka talaga!”

“Tumawa rin si Jasmine. “Now, we need to settle down. Bukas na bukas ay kakausapin na natin ang magiging business partner natin.”

I nodded. Muli akong lumabas para kuhain ang maleta ni Lauren. Naglalaron na agad ang anak ko sa maliit na tent sa kwarto niya. Mayroon na rin kasing mga laruan doon.

“You haven’t told me about them.”

“Hindi ko pa rin naman kasi sila nakikilala. Si Jude lang ang nakakausap ko. She said na isang sikat na artista raw iyon.”

Bigla akong napaisip at nakaramdam nang kaunting kaba. Pero imposible naman. Napakaraming artista sa Pinas. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status