Share

Chapter 3

“Sigurado ka ba talagang dadating ‘yon?” tanong ko kay Jasmine. We’ve been in the restaurant for thirty minutes already. Naubos na nga ni Lauren ang tanghalian niya dahil hindi pa rin nadating ang ka-meet-up namin.

“Sabi ni Jude parating na eh. I’ve been texting her but she’s not replying.”

“Try to call her instead. Naiinip na ‘tong inaanak mo.”

Napatingin ako kay Lauren na nasa lapag na sa gilid ko at naglalaro ng laruan niya. Mabuti na lang at naisipan kong magdala ng scarf at mga laruan niya. At nasa restaurant kami kung saan may sari-sariling kwarto ang mga customers.

“You know what? You’re right.”

Tumayo na si Jasmine at naglakad na palabas ng silid. Pero hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas. May pumasok na babaeng nakasuot ng pulang bestida at para bang hapong-hapo.

“Jude? Ikaw na ba ‘yan?”

“Jasmine! Oh my god! I’m sorry we are late. Na traffic kami. I couldn’t reply to you kasi kausap ko rin si Miss Naomi.”

Biglang nagpantig ang tainga ko noong marinig ko ang pangalang iyon. “What did you say?” Napatingin din sa akin si Jasmine na para bang nagulat din. “Who is the person who wanted to be our business partner?”

Tumingin sa akin si Jude. “Oh, you must be Miss Salazar? Yes. Si Miss Naomi B. You know? Say cheese!” Umakto itong naka-peace sign at ngumiti nang wirdo.

Napaingos na ako. Tumayo na ako at akma nang tatawagin si Lauren noong may pumasok pang babae sa loob ng silid. Doon ay bigla na akong binundol ng kaba. I can’t believe this. Halos walang pinagbago ang hitsura ni Naomi magmula noong huli ko siyang nakita. Still look pretty and classy. Hindi na nakapagtataka dahil isa siyang artista. Well maintained. Idagdag pang nahuhumaling sa kaniya ang panganay na anak ng pinaka tanyag na pamilya sa bansa. Ang dati kong asawa.

“Hi! Sorry we are late. Traffic kasi tapos may dinaanan pa kami. Ikaw ba si Jasmine Fuentes?” tanong agad nito kay Jasmine.

Muli akong naupo at mahigpit na kumapit sa laylayan ng mahabang palda na suot ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako ulit na insecure sa hitsura ko. Bakit ba kasi mahabang palda at long sleeve na blouse ang sinuot ko? Walang-wala sa black fitted dress na suot ni Naomi. Litaw na litaw ang kaputian at kaseksihan nito. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong-gusto siya ni Hiro.

“Y-Yes. You are Miss Naomi B. The actress, right?”

“Yes, I am. And I’m really excited for our partnership!” Marahan nitong hinampas ang balikat ni Jasmine. Napangiwi pa ang kaibigan ko at pilit ang mga ngiti. “Ah, wait. Kaya nagtagal kami, kinailangan ko pang daanan ang fiancée ko. Where was he?”

Sa puntong iyon ay nakaramdam na ako nang pagkataranta. Everyone knew who was her fiancée! At syempre alam ko rin kung sino iyon. My ex-husband! Napamura ako sa isipan ko at tiningnan si Jasmine. Marahan akong umiling at tumayo.

“E-Excuse me. Medyo sumama ang pakiramdam ko. I think I can’t go on with this meeting. My friend here will talk with you instead—”

Natigilan ako noong biglang may pumasok na naman sa silid. Pakiramdam ko pa ay hindi narinig ni Naomi ang sinabi ko. Or I don’t even think na napansin niya ako sa loob. Nakatuon ang atensyon niya sa lalakeng pumasok ng kwarto. Agad itong lumingkis sa braso ng lalake at ngumiti nang malapad.

“There you are! We’ve been waiting for you!” magiliw na sabi ni Naomi.

“I’m sorry. May nadaanan kasi akong business partner. So, shall we… start?”

Humigpit ang kapit ko sa tagiliran ko noong mapatingin sa pwesto ko si Hiro. Pakiramdam ko rin ay nanigas ang katawan ko at nagtayuan lahat ng buhok ko sa katawan. Wala pa rin siyang pinagbago. Those strict, serious, and cold eyes. His thick eyebrows. Ang perpektong hulma ng ilong niya at parisukat na panga. Napaka gwapo pa rin. Alam kong mali at hindi na tama pero hindi ko maitatanggi na para bang mas naging maganda ang hitsura ni Hiro ngayon na dumagdag ang edad nito.

Napalunok ako nang laway at nag-iwas ng tingin. I know he recognized me. But… like he care, right?

Tumikhim nang malakas si Jasmine. “Y-Yes! Welcome, Mister… Servaño, right?” tanong ni Jasmine.

“Yes. It’s me.”

“Okay… this is my friend, Nicole. Kami ang may-ari ng LJ’s Nail Cosmetics.”

Matipid akong ngumiti sa kanila. “H-Hi.”

“Hmm… why do you look familiar?” tanong ni Naomi na ngayon ay nakatitig na sa akin.

Bumuga ako ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili. Napansin ko na nakatitig pa rin sa akin si Hiro pero wala itong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Pero sigurado ako na wala naman siyang pakealam sa presensya ko kaya hindi ako dapat ma-bother.

“W-We do videos sometimes. Kaya siguro.”

“Anyway! Let’s sit?” yaya ni Jasmine.

Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang mga tuhod ko noong maupo ako ulit. Pinagsaklob ko pa ang mga kamay ko dahil nanlalamig na iyon.

Ano ba kasing problema sa akin?! Nakakainis!

I know, hindi ako kilala ni Naomi. Actually, halos walang nakakaalam na ako ang asawa o naging asawa ni Hiro. Sa huwes kasi kami ikinasal at pamilya lang namin ang naroon. Wala ring masyadong nangyari dahil nag-inom lang si Hiro. Pagkatapos no’n ay talagang hindi na niya ako ipinakilala sa lahat. Mas lantaran pa nga niyang ipinapakita sa iba si Naomi kaysa sa akin.

Halos wala na akong naitulong sa meeting namin. Ramdam ko rin na nag-aalala si Jasmine sa akin kaya ramdam ko na parang nagmamadali siya sa pagpapaliwanag sa mga ito. The whole time na nagdi-discuss sila ay ramdam ko ang mga titig ni Hiro. Ni hindi manlang niya itinatago na nakatitig siya sa akin.

What do I expect? Gano’n naman talaga siya. Patapos na sana kami noong bigla kong maalala si Lauren. Bigla kasi siyang sumandig sa may paanan ko kaya naramdaman ko siya.

Fuck. Hindi dapat malaman ni Hiro ang tungkol kay Lauren!

“So, Miss Lau—Nicole.”

Napakislot ako noong marinig ko ang boses ni Hiro. Pagtingin ko sa kaniya ay agad na nagkasalubong ang mga titig naming. Kagaya ng dati ay wala pa rin iyong emosyon sa tuwing napapatingin sa akin. Gano’n ba niya ako hindi kagusto?

“Y-Yes?”

“Wala ka bang sasabihin? Your friend already discusses us everything,” anito.

Nangunot ang noo ko. Nagtatanong ang mga mat ana tiningnan ko si Jasmine. Kita ko rin ang pagkagulat nito kaya napabuga ako ng hangin.

“Ano ka ba, love? Okay naman ang paliwanag ni Jasmine. For sure iyon din ang sasabihin ni Nicole,” malumanay na sabi ni Naomi.

“I’m a businessman, love. You know I need to be sure of everything. I know some from Miss Fuentes. But I still want to be sure that her partner is good.”

Pinigilan kong maiikot ang mga mata ko. Nagpapatawa ba siya? Bakit pakiramdam ko ay sinasadya niya iyon? Pinilit kong ngumiti.

“What do you want to know from me about our business, Mister Servaño?”

“Something. Like—”

“Mommy, I want to pee.”

Muli akong natigilan noong marinig ko ang boses ni Lauren. Bigla rin itong tumayo at dumikit sa akin. Nakita kong nakatingin sa amin si Hiro, at sa unang pagkakataon ay nakitaan ko siya nang pagkagulat. Agad akong tumayo at tinakpan nang marahan ang anak ko.

“E-Excuse me. Wala kasi kaming maiiwan sa kaniya.”

“You have a child?” tanong ni Hiro.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko roon. Sana pala ay tinanong ko maigi si Jasmine tungkol sa magiging kasosyo naming. Sana pala ay inusisa ko muna bago ako pumayag na sumama rito. Ang daming sana tuloy ang nabubuo sa isipan ko ngayon.

“Ahhw, that’s cute! Matagal na naming gustong magkaanak ni Hiro!” ani Naomi.

Napalunok ako. Hindi ko sinagot si Hiro at akma na sanang hihilain si Lauren. Pero bigla itong gumilid at tumingin kay Hiro.

“Mommy, he is daddy, right?”

At doon ay napapikit na talaga ako nang mariin. I forgot again, hindi ko nga pala itinago sa anak ko ang tungkol sa tatay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status