Share

In Love With His Brother's Woman
In Love With His Brother's Woman
Penulis: aiwrites

Prologue

"She’s a perfect ten, isn’t she?" Pagtatanong ng kaibigan ni Tyrone sa kan’ya habang abalang-abala siya sa pagtitig sa babae sa dance floor. Hindi niya magawa na alisin ang mga mata niya sa babae na iyon na parang hinihipnotismo siya sa bawat galaw na ginagawa nito. "Tyrone, baka matunaw na iyan sa kakatitig mo."

"Who is she?" tanong na lamang niya. Madalas sila ng kaibigan niya sa bar na iyon, pero ito ang unang beses na nakita niya ang babae roon. The woman is definitely hot, and he can't really take his eyes off of her. "Ngayon ko lang siya nakita rito sa bar na ito."

"I was told that she is the guest model for the event tonight. Ang ganda, hindi ba? Kaso suplada talaga, but I got some information about her already."

"Spill." utos pa niya.

"She is still a college student and a part-time model. Clearly not one of your listed dateable women, Tyrone, hindi ba at ayaw mo sa mga bata?" Pang-iinis pa ng kaibigan niya sa kan’ya.

Naiiling na lamang siya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa babae na iyon. "If that’s the case, move on to the next subject then." Move-on, pero hindi niya magawa na ilihis ang mga mata niya, lalo nang magtagpo ang mga mata nila at bahagya na ngumiti ang babae sa kan’ya.

He doesn't believe in love at first sight, but at this point, Tyrone feels that he is in love. Pero kung ano man ang nararamdaman niya para sa babae na iyon ay hanggang doon na lamang iyon. Wala siyang plano na magmahal ng mas bata sa kan'ya. He wants mature women who can drive him wild in bed.

-----

"Trey, wake-up. Let’s go." Naiinis na ginigising ni Raven ang lalaki na kanina pa mahimbing na natutulog. Naiinis na siya dahil hindi na naman tumupad sa oras ng usapan nila ang lalaki. "Trey!" sigaw pa niya.

Dahil sa malakas na boses na iyon na sumigaw sa kan'yang tainga ay napabalikwas si Trey sa kan’yang pagkakahiga at pupungas-pungas na dumilat upang makaharap ang nanlilisik na mga mata ni Raven. "Rave, babe."

"Babe?! Anong oras na, Trey? You were supposed to pick me up, but guess what? Walang Trey na dumating at ako pa ngayon ang sumusundo sa’yo rito."

"Kalma muna, babe. Pasensya ka na dahil nalasing ako kagabi. Dumating si Ty at nagyaya na mag-inuman kami. Sorry na, please. Alam mo naman na bihira na kami magkita ng mokong na iyon." Pabigla siya na hinatak ni Trey kaya naman sa gulat niya ay nawalan siya ng balanse at bumagsak sa ibabaw nito habang ang mga kamay niya ay nakalapat sa matipuno na dibdib nito.

"Trey!" Sigaw pa niya habang pinamulahanan pa siya ng mukha dahil sa sobrang pagkakalapit nila.

"Kapag hindi ka nakipagbati sa akin ay hahalikan talaga kita. At kapag hinalikan kita, sigurado ako na hinding-hindi mo iyon makakalimutan."

"Bastos!" Naiinis na itinulak niya si Trey sa dibdib habang pilit siya na tumatayo, ngunit ipinulupot pa nito ang mga braso sa kan’yang beywang at lalo pa siya na idinidikit sa katawan nito.

Natatawa naman si Trey na hinalikan siya sa noo. "Ang sungit-sungit talaga ng babe ko."

"Alam mo na ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako. Hindi mo man lamang nakuha na tumawag at mag-text sa akin." Pagsisimangot pa ni Raven.

"Babe, naman, tulog nga ako, hindi ba? Paano ko magagawa ang mga bagay na iyon kung mahimbing na mahimbing ang tulog ko?"

"Basta, galit ako sa’yo ngayon." Laking gulat ni Raven ng bigla na lamang pagbaligtarin ni Trey ang puwesto nila at pangibabawan siya nito. Hawak pa nito ang dalawang kamay niya na itinaas sa may ulo niya kaya naman hindi siya makagalaw. "Trey!"

Tatawa-tawa naman si Trey habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Si Raven ay simangot na simangot habang namimilog ang mga mata sa gulat at kaba sa puwesto nilang dalawa. Titig na titig sila sa isa't-isa at kung may ano na parang mga paro-paro na nagliliparan sa tiyan niya sa mga sandali na iyon. Unti-unti na nawawala ang pagtawa ni Trey at napapalitan iyon ng mga makahulugan na tingin para sa kan'ya.

Namalayan na lamang nila na pareho na sila na natulala at nakatitig na lamang sa bawat isa. Walang salita, pero ang mga mata nila ay pareho na nangungusap sa mga bagay na hindi nila masabi sa isa’t-isa. Pareho nilang alam ang nilalaman ng mga puso nila, pero pareho rin nila na ayaw na sumugal at sirain ang kung ano ang mayroon sila ngayon.

Unti-unti na lumalapit ang mukha ni Trey kay Raven at halos mabingi na si Raven sa lakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa, pero nag-iinit ang pakiramdam niya. Alam na niya ang susunod na mangyayari sa ganitong tagpo, at sa punto na iyon ay handa siya at nais na rin niya na mangyari ang bagay na iyon sa pagitan nila.

Napapikit na lamang si Raven at hinihintay ang pagdampi na iyon ng labi ni Trey sa kan'ya. Wala sa kan’yang isip ang tumanggi dahil para rin siyang nahihipnotismo sa mga ikinikilos ni Trey sa kan’ya.

"Rave." Malambing na bulong ni Trey sa kan’ya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kan’yang mukha at inaasahan na niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya. At wala siyang iba na naiisip kung hindi ang tugunin ang mga halik kapag nagkataon. "Rave, I love-"

"Trey! What’s your-, what the fuck?!" Napamulagat si Raven sa masungit na boses na iyon na kan’yang narinig at agad niya na naitulak si Trey sa dibdib papalayo sa kan'ya.

"What the fuck, Ty?! Hindi ka ba marunong na kumatok?" Inis na turan ni Trey na hindi pa rin umaalis sa ibabaw ni Raven.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki na nasa may pintuan kay Raven at kay Trey. Pigil na pigil ang tawa na nais na kumawala sa kan’ya sa itsura ni Trey na buwisit na buwisit sa kan’ya at sa babae na pulang-pula ang mukha dahil sa pagkakahuli niya sa balak na gawin na milagro ng dalawa.

"Itatanong ko lang kung ano ang plano mo ngayon. Hindi ko naman akalain na may kasama ka pala ngayon. But you don’t need to answer, dahil alam na alam ko na ang balak mo na gawin dito sa kuwarto mo." sagot ni Tyrone na may bahid pa ng pang-aasar ang tono.

"Trey, umalis ka na nga riyan sa ibabaw ko at nakakahiya na." Bulong ni Raven kay Trey dahil sa sobrang hiya na kan’yang nararamdaman sa oras na iyon.

Dinampian muna ni Trey ng isang halik sa noo si Raven saka siya umalis sa ibabaw nito at hinarap si Tyrone. "Why, what’s your plan?" Balik-tanong niya sa kausap niya habang pinupulot ang t-shirt na hinubad kagabi na nasa sahig.

"Babalik na ako sa condo mamaya, just checking if you’re free." Sumulyap pa si Tyrone kay Raven na hindi na nagawa na kumilos sa kama gawa ng pagkapahiya na kan’yang nararamdaman. “But it’s okay; we can bond some other time. Mukhang busy ka, at kung may ganyan din naman kaganda na nakahiga sa kama ko, hindi na rin ako lalabas at magkukulong na lang kami."

"Gago ka, Ty!"

"Hi, and who are you?" Hindi pinansin ni Tyrone ang pagmumura sa kan’ya ni Trey at itinuon ang atensyon niya sa babae na nasa kama pa rin nito.

"Leave, Tyrone. Lintik ka! Huwag ka nga manggulo rito." Inis na pagpapa-alis sa kan’ya ni Trey.

Hindi naman iyon pinansin ni Tyrone at diretso pa na pumasok sa silid, "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kan’ya? Pang-ilan mo ba siya? Bago ba?"

"Off-limits, Tyrone. At nag-iisa lang iyan sa buhay ko. Now, leave." Ipinagtulakan pa ni Trey si Tyrone papalabas ng silid na wala naman na rin na nagawa kung hindi ang lumakad papalabas ng kuwarto na natatawa-tawa pa. "I’ll just see you tonight before you leave. Aasikasuhin ko muna ang babe ko."

"Your babe? How possessive of you, Trey! This is the first time that you are this possessive of a woman." Hindi matapos-tapos na pang-iinis ni Tyrone kay Trey.

"Ang dami mong satsat, alis na. Panira ka ng araw. Lintik!" Hindi na nagawa ni Tyrone ang sumagot dahil mabilis nang isinara ni Trey ang pintuan sa kan’yang mukha.

Nang makaalis si Troy ay hinarap naman ni Trey si Raven ngunit laking gulat niya dahil sa muling pagharap niya sa dalaga ay isang unan ang sakto na tumama sa pagmumukha niya sabay ang matinis na sigaw ng babae, "Trey!"

“What the fuck, babe?!" Ibinato ni Trey ang unan pabalik sa kama at naiinis na lumakad papalapit kay Raven. "What was that for?"

"Nakakahiya ka! What are you even thinking? And really not locking your door?" Gigil na gigil si Raven dahil sa sobrang hiya niya kahit na wala naman talaga sila na ginagawa ni Trey.

Bigla na bumunghalit ng tawa si Trey sa kan’ya na lalo lamang niya na ikina-inis. "Ako pa talaga ang sinisisi mo? Hindi ba at ikaw ang huling pumasok dito sa kuwarto ko at inis na inis na ginigising ako? Bakit ngayon ay naging kasalanan ko na hindi naka-lock ang pintuan?"

Lalo naman ang pamumula ni Raven nang mapagtanto niya na siya nga ang salarin kaya hind na-i-lock ang pintuan. Pero bakit naman niya iyon gagawin kung wala naman silang ginagawa na masama? Hindi ba at mas lalo na iisipin ng mga tao roon na may milagro sila na ginagawa kung naka-lock ang pintuan?

“Stop overthinking, Raven. Si Tyrone lang iyon, and he’s always been an asshole to me."

"Kahit na, nakakahiya pa rin. Wala naman tayong ginagawa na kalokohan, pero baka isipin niya na mayro’n." Pagsisimangot pa ni Raven.

"Don’t think about it, okay. Kung gusto mo naman ay gawa na lang tayo ng kalokohan para tumama na ang hinala ni Tyrone?!" Isang malakas na hampas ang natamo ni Trey buhat kay Raven dahil sa sinabi niya na iyon.

"Stop it!" Sigaw ni Raven sa kan'ya habang patuloy naman ang makahulugan na tingin na ibinibigay sa kan'ya ni Trey. "Magbihis ka na nga at nang makaalis na tayo." 

Akma nang tatayo si Raven sa kama pero bago pa niya iyon magawa ay mga braso na ni Trey na pumulupot sa kan'yang beywang ang muli na nagpahiga sa kan'ya. "At saan ka pupunta? You stay here in my bed." malandi na turan pa nito sa kan'ya.

Bigla na kumabog ang puso niya dahil sa mga titig na iyon ni Trey na muli ay nagpapagulo sa kan'yang sistema. Pareho na naman sila na natahimik at dinarama ang mga emosyon na sa kanila ay pareho na lumulukob. 

And in that moment, they felt it. They felt something deeper for each other. A feeling they've felt before but have been trying so hard to suppress and fight all along. And a feeling that they both can't seem to disregard right now.

Namalayan na lamang nila ang unti-unti na paglapat ng kanilang mga labi, at pareho sila na napapikit sa sensasyon na kanilang naramdaman sa biglang pagdaloy ng kuryente sa kanilang mga katawan. At ngayon ay alam na nila ang tunay na isinisigaw ng kanilang puso. Isang halik lamang ang susi upang pareho nila na aminin ang mga damdamin na pilit nila na itinatakwil.

"I love you, Raven."

-----

Napapakuyom na lamang si Tyrone ng kan’yang kamao nang makabalik siya sa kan’yang silid. Patawa-tawa siya kanina at patuloy na iniinis ang kapatid niya, pero sa totoo lamang ay nagngingitngit na ang kalooban niya pagkakita pa lamang niya sa tagpo na iyon ni Trey at ng babae na kasama nito. It can't be. Hindi maaari ang naabutan niya na tagpo na iyon sa pagitan ng dalawa.

The woman with Trey right now is the same woman he had seen at that bar a couple of months ago. The same woman, whom he never saw again but who had never left his mind. The same woman who made him fall in love at first sight.

Ang babae sa bar at ang babae sa silid ng kapatid niya ay iisa, at hindi niya makuha na maging masaya para kay Trey. That woman should be his. She may not be on his list of dateable women, but he would surely find a way to get her to be his. Trey cannot have her, at sa punto na ito hindi siya handa na magparaya para sa kapatid niya. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status