"Good morning, hon; wake up." Nagising ako sa malambing na tinig na aking narinig at sa mga halik na iginagawad sa aking labi at pisngi, at agad ako na napangiti kahit na patuloy na nakapikit. "Gising na, hon, tanghali na."
"Hmm, maaga pa, honey. Mamaya na lang." sagot ko sa kan’ya.
"Wake up, sleepy head. Tanghali na, kaya gumising ka na." Muli na pangungulit niya sa akin.
"Mamaya na, inaantok pa ako." sagot ko sa kan’ya. Nagulat na lamang ako nang pangibabawan niya ako kaya agad ako na napadilat. "Royce!" sigaw ko.
"What? Ayaw mo na gumising, at ito lang ang alam ko na magpapagising sa iyo, pati sa akin." Muli niya na idinampi ang labi niya sa aking labi habang pilit ko siya na itinutulak, ngunit lalo lamang niya na diniinan ang paghalik sa akin.
"Royce, stop." Pagsasalita ko pa sa gitna ng mga halik na iginagawad niya sa akin.
"I don’t like to stop. I like kissing you every hour of every day." Tumigil siya sa paghalik at matiim siya na tumitig sa akin. Hinimas pa niya ang pisngi ko at marahan na hinalikan ako sa noo. "Let’s go." Pagyaya pa niya sa akin.
"Saan?" Nagtataka na tanong ko naman sa kan’ya.
"Saan pa? Eh ‘di sa banyo. Halika na at maligo na tayo."
"Ayaw ko, ang aga-aga pa eh." Kunyari na pagsisimangot ko pa.
"I miss you." Malambing na bulong niya sa aking tainga.
Agad naman ako na kumunyapit sa leeg niya at marahan na bumulong din sa kanyang tainga. "Mas lalo kitang na-miss."
"Miss mo ako, diba? Tara, sabay na tayo maligo." natatawa na sabi pa niya.
"Perv! Ang aga-aga ang hilig mo."
"Dapat sinusulit natin ang bawat oras, hon."
Napatigil ako sa kan’yang sinabi at nawala ang mga ngiti sa aking labi. Gustuhin ko man ay lagi na parang kulang ang bawat oras para sa amin dalawa. Minsan napapa-isip na rin ako sa sitwasyon namin. Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan ako makikiamot sa kung ano lamang ang kaya niya na ibigay sa akin?
"Rave?" tawag niya sa akin.
Pilit ako na ngumiti pabalik, "Sige na at maligo ka na."
"Sigurado ka na ayaw mo na sumabay sa akin?" maloko na tanong niya. Agad naman ako na umiling sa kan’ya tsaka siya ipinagtulakan siya sa direksyon ng banyo.
"Bahala ka, hon. Basta kapag magbago ang isip mo, sunod ka na lang." Kumindat pa siya at saka tuluyan na iniwan ako at dumiretso sa loob ng banyo.
Ako si Raven De Ocampo, at ito na ang buhay ko ngayon. Isa akong kabit. I am a mistress, and I am not proud of it, pero wala akong magawa. It was not my choice, but circumstances forced me to be one. At wala akong magawa dahil nagmamahal lamang ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay sa lalaki na may asawa at mayro’n nang nagmamay-ari pa muli na tumibok ang puso ko. Hindi ko sinasadya, pero hindi ko rin mapigilan.
Ayaw ko na mahusgahan. Ayaw ko na maalipusta. Ayaw ko na maparatangan, pero wala akong magagawa. Walang sapat na eksplanasyon kung bakit ako narito sa sitwasyon na ito. Walang tamang dahilan kung bakit ako pumasok sa relasyon na ito. Iisa lang ang alam ko. Nagmahal ako, nagmamahal ako at patuloy ko siya na minamahal sa kabila ng kaalaman na mali ang pag-ibig ko.
Si Royce ang buhay ko. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Kung kaya’t kahit alam ko na mali ay pilit ko na pinapangatwiranan ang aking nagawa. Hindi ko kaya na papiliin si Royce dahil alam ko na matimbang rin ang pagmamahal niya sa kan’yang pamilya.
Isa akong tanga at martir sa pag-ibig. Ang pinaninindigan ko na lamang ay ako ang nauna. Nauna ako na makilala si Royce at nauna siya na naging akin. Una kami na naging magkasintahan, pero sa huli ay kay Ivory siya nagpakasal.
"Hon?" Hindi ko namalayan ang paglabas ni Royce sa banyo dahil sa muli ay naiisip ko na naman ang sitwasyon namin.
"Hmm?" Sinulyapan ko siya at tinitigan lamang niya ako. Bumuntong hininga siya at naglakad papalapit sa akin sa may kama. Tumabi siya sa akin at yumakap, "Royce, you’re wet. Magpunas ka nga."
"Hon." seryoso niya na tawag ulit sa akin.
"Ha?" Pilit ako na ngumingiti kahit na nag-uumpisa na naman na maghumiyaw ang puso ko. Nagsisimula na naman ang sakit na aking nararamdaman.
"I’m sorry." bulong niya sa akin.
At ang dalawang salita na iyon ang tuluyan na nagpaguho sa lakas na pilit ko na ipinapakita sa kan’ya. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking mga luha.
Marahan niya na pinunasan ang bawat patak ng mga iyon. Kinabig niya ako palapit sa kanya at mahigpit na yumakap sa akin. "I’m sorry, Rave, dahil alam ko na nasasaktan ka na. Hindi ko sinasadya na saktan ka. I love you, hon."
Napahikbi ako lalo nang marinig ang mga salita na iyon. Lalo ako na nahihirapan, lalo ako na napapatanong sa aking sarili. Mahal niya ako, pero bakit hindi puwede na maging kami na lang? Bakit ako ang nakikihati kahit na ako naman ang nauna? Bakit hindi puwede na ako na lang? Bakit hindi maaari na sa akin na lang siya?
"Raven, mahal na mahal kita." muli niya na bulong sa akin.
"Yeah, alam ko. Mahal mo ako. Mahal mo ako, pero mahal mo na rin siya, hindi ba? At talo ako dahil si Ivory ang pinakasalan mo."
"Hon, hindi sa gano’n. At napag-usapan na natin ito, diba? Please, hon."
Agad ko na pinunasan ang mga luha na patuloy na pumapatak sa aking mata. Sasayangin ko pa ba ang natitira na sandali na kasama siya para lamang mag-away kami? Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiti ng matamis kay Royce.
"I’m okay, hon. Huwag na natin pag-usapan. Ayaw ko na magtalo pa tayo sa natitira na oras na mayroon tayo na magkasama."
Pagkasabi ko no’n ay sumilay ang ngiti kay Royce. Hinimas pa niya ang pisngi ko at muli na hinalikan ako sa labi. "Bangon ka na riyan. Naghanda ako ng almusal natin." Tumango na lamang ako at tuluyan na bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para makapag-ayos.
Royce is everything a woman can ask for. Mayaman, guwapo, romantiko, maalaga. Kaya hindi nila ako masisisi na patuloy na mahulog sa kan'ya at patuloy na mahalin siya.
Nakikihati man ako ay pilit naman niya na ipinaparamdam sa akin kapag magkasama kami na sa akin lang siya. Kaya sa kabila noon ay patuloy pa rin ako na umaasa at nangangarap na isang araw, buong-buo ko na makukuha ang pagmamahal ni Royce. At habang patuloy niya ako na minamahal ay patuloy rin ako na aasa na paggising ko isang araw, hindi na ako isang kabit.
"Hon!"
"Palabas na, hon." Agad ako na lumabas ng banyo upang matunghayan ang nag-aalala na mukha ni Royce, "May problema ba?"
"Hon, pasensya na dahil hindi na ako makakasabay mag-almusal sa’yo. Tumawag na kasi si Ivory."
Tumango naman ako at akma na tatalikuran siya para lumabas ng kuwarto ng agad niya ako na hawakan sa braso. "Hon, sorry."
"Parati ka na lang ba mag-so-sorry? Alam ko, Royce. Alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo. Ako ang nakikihati kaya wala akong magagawa kung kailangan ka na niya. Pasalamat pa nga ako na may oras ka pa para sa akin. Naiintindihan ko, hon, kaya okay lang ako."
"I’m sorry, hon. Babawi ako sa’yo, pangako." Pagkasabi no’n ay hinalikan niya ako muli sa labi at saka siya nagmamadali na lumabas ng kuwarto. At sa muli naiwan ako na luhaan. Naiwan ako na nasasaktan dahil sa isang mali na relasyon at pagmamahal na mayro'n ako para sa kan’ya.
Pagkaalis ni Royce ay muli na lamang ako na bumalik sa kama at nahiga. Wala na akong balak na mag-almusal dahil nawalan na ako ng gana.
Kailan ka kaya matatauhan, Raven? Kailan ka kaya susuko dahil sa sobra na ang sakit na nararamdaman mo? Baka hindi na kailanman at mananatili na lamang ako na tanga habang-buhay ko. Baka ito na talaga ang kapalaran ko, ang maging isang kabit buong buhay ko.
Tanggap ko na ang buhay na ito. I have accepted the fact that I can never be the legal wife until Ivory is around, at dahil wala rin naman ako na ibang pagpipilian, magkakasya na lamang ako sa pagiging kabit, hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na maging isang legal na asawa ni Royce.
Iyon ang pangarap ko, pero hanggang pangarap na lamang iyon dahil alam ko naman na ang kasal ni Royce at ni Ivory ay pang habang buhay at tangi na kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila.
Nagising na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng aking telepono. Agad ako na dumilat at inabot iyon, nagmamadali pa ako na sagutin iyon nang makita ko na tumatawag na si Ashley sa akin."Ash." Walang kalatoy-latoy na bungad ko sa kan'ya."And where are you, Raven?" mataas ang boses na sabi niya pa sa akin."Sa bahay, saan pa ba ako pupunta?""At bakit nariyan ka pa? We were supposed to meet today, Rave." Agad ko na tiningnan ang oras sa telepono ko, maaga pa naman para sa meeting namin, kaya OA na naman si Ashley sa pagmamadali niya sa akin."Maaga pa, Ash, mahigit dalawang oras pa bago ang usapan natin na magkikita tayo.""Nakalimutan mo na ba na isang malaking oportunidad ito para sa’yo? Kailangan natin na maaga na makarating doon sa casting. Get your lazy ass up, at mag-ayos ka na. Hindi ito ang oras para mag-inarte ka pa riyan.""Ash, sabi naman kasi sa’yo na ayaw ko na pumunta sa casting call na iyon.""No, Raven, na pag-usapan na natin ito. Bumangon ka riyan at pupunta tayo
"Ty, ayos ka lang ba? Bakit ba kadarating mo lang ay salubong na salubong na naman agad ang kilay mo?" tanong ni Trey kay Tyrone. "Hi, Mr. Tyrone Lorenzo, I am Ashley Buenaventura, Ms. Raven De Ocampo’s agent." Inilahad pa ni Ashley ang kan’yang kamay kay Tyrone at kahit na salubong ang kilay niya ay inabot niya pa rin iyon. "Rave, natatandaan mo si Ty, right?" muli na tanong ni Trey sa akin. "Sigurado ako na hinding-hindi mo siya nakalimutan pagkatapos niya tayo na mahuli sa kuwarto ko noon." Tumango na lamang ako at napahalukipkip kay Trey dahil sa pagpapaalala pa sa akin sa tagpo na iyon. "Hindi ko na kayo kailangan pa na ipakilala sa isa’t-isa dahil sigurado naman ako na natatandaan ninyo ang bawat isa. And, Ty, I know very well that you remember my babe." "Your babe?!" Lalo naman ang pagsasalubong ng kilay ni Tyrone dahil sa sinabi ni Trey sa kan’ya. And at this moment, I just want to disappear and leave this scene. Hindi naman pinansin ni Trey si Tyrone at muli na itinuon an
"What the hell is that all about? Kailangan ba talaga na maabutan ko kayo ni Trey sa gano’n na puwesto? At gustong-gusto mo pa talaga na nilalandi ka ng gago na kapatid ko!" Nagulat ako nang madatnan si Tyrone sa apartment ko sa pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at na-estatwa na lamang ako sa may pintuan nang marinig ang galit na tinig niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Hindi ko na rin kasi inaasahan na pupunta siya rito ngayon na wala man lamang pasabi. "And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey sa maghapon? Did you spend time with my brother again? Fuck it! What did you two do?" Galit na galit siya nang tumayo siya at agad na hinaklit ako sa braso. "Royce, what is wrong with you? You're hurting me." Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko, ngunit mahigpit ang kapit niya roon at ramdam ko ang galit niya sa akin. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Ano ba ang mga s
Magdadalawang linggo na kami na hindi nagkikita ni Tyrone matapos ang araw na iyon na sumugod siya sa apartment ko dahil sa labis na selos niya para umalis din naman agad nang tawagan siya ng asawa niya. Maski ang mag-text ay hindi na nga rin niya nagawa pa sa loob ng dalawang linggo, habang ako naman ay patuloy na umaasa at naghihintay. Ganito ang buhay ko sa piling ni Tyrone Lorenzo. Kung hindi niya ako tatawagan o ite-text man lamang ay hindi rin puwede na ako mismo ang kokontak sa kan’ya. Kailangan namin na pareho na mag-ingat sa mga kilos namin dahil baka sumakto na kasama niya si Ivory kapag bigla ako na tumawag at mag-text. Ang kailangan ko lamang na gawin ay ang maghintay kung kailan niya ako ulit maaalala at kung kailan niya ulit ako mapupuntahan. As always, I don’t own him; I don't have the right to demand anything from him because I am just a mistress and I am just borrowing him from the rightful owner. Mabuti na lamang din at naging abala kami ni Ashley sa mga kakailang
"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?""I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko."Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job."" Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingit
Alalang-alala sa akin si Trey pero hindi niya ako pinilit na magkuwento kung ano ang aking problema. Nanatili lamang siya na nakatunghay sa akin habang hinihimas-himas ang braso ko, and I gladly welcome the comfort that he is offering me. Matapos ang biglaan ko na pagluha sa harapan niya ay nagpasya kami na huwag na muna dumiretso sa boutique, kaya nag-text na lamang ako kay Ashley na nagkita kami ni Trey at nagyayaya lang na mag-snacks.Well, it was not entirely a lie, dahil totoo naman na magkasama kami na nag-sa-snacks ngayon. He was actually inviting me to the coffee shop, but of course, knowing that Tyrone and Ivory were there, I chose to go to the pastry shop instead. At dito nga ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tagpo kanina, kaya naman patuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha ko kahit pa pilit ko na pinipigilan ito."Whatever it is, Rave, I am here for you. You know that I’ll always be here for you." He kept comforting me, and I couldn't help but compare him to his brother
Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are yo
Galit si Tyrone, pero galit din kami ni Trey sa kan'ya, lalo na at sumosobra na siya sa mga sinabi niya sa amin. I get that he is mad, but is that reason enough for him to backlash us with those words? Hindi ko na rin nilingon pa si Tyrone nang hatakin na ako ni Trey papasok sa boutique dahil ayaw ko na rin na makita ang galit na reaksyon sa mga mata niya. Why is it that everything is so unfair? Siya ay puwede na makipaglandian sa asawa niya, samantalang ako ay hindi puwede sa kahit na kanina? And why does he always have to show me how much love and affection he has for her, but then he can freely accuse me of flirting when it was the other way around? Why is he being so unfair about this? Bakit lagi na siya lamang ang puwede? Dahil ba kasal sila? Nang makapasok kami sa boutique ay gulat na gulat si Ashley nang makita si Trey na inis na inis ang awra. "Mr. Lo