Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are yo
Galit si Tyrone, pero galit din kami ni Trey sa kan'ya, lalo na at sumosobra na siya sa mga sinabi niya sa amin. I get that he is mad, but is that reason enough for him to backlash us with those words? Hindi ko na rin nilingon pa si Tyrone nang hatakin na ako ni Trey papasok sa boutique dahil ayaw ko na rin na makita ang galit na reaksyon sa mga mata niya. Why is it that everything is so unfair? Siya ay puwede na makipaglandian sa asawa niya, samantalang ako ay hindi puwede sa kahit na kanina? And why does he always have to show me how much love and affection he has for her, but then he can freely accuse me of flirting when it was the other way around? Why is he being so unfair about this? Bakit lagi na siya lamang ang puwede? Dahil ba kasal sila? Nang makapasok kami sa boutique ay gulat na gulat si Ashley nang makita si Trey na inis na inis ang awra. "Mr. Lo
"Kung ako ang tatanungin mo, you are better off with Trey than that jerk of a boyfriend that you have." Kapapasok pa lamang namin ng sasakyan ni Ashley ay sinimulan na niya ako ng mga litanya niya na naman tungkol sa kinasasadlakan ko na relasyon. "I mean, clearly there is no comparison at all. Why would you settle for less when there’s someone willing to give you the best of himself? Dapat naman sa pagkakataon na ito, Rave, ay alam mo na kung sino ang nararapat at hindi nararapat para sa’yo." Naparolyo na lamang ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. I am just too exhausted from the arguments I have been having today. Mabuti na lamang din at sanay na sa amin ang driver at wala itong pakialam sa mga pinag-uusapan namin. "Ash, please stop." "No, Rave, you stop." mataray na sagot pa niya sa akin. Alam ko rin naman na nagpipigil lamang si Ashley sa akin, and I can’t really blame her for reacting this way toward Tyrone. Hinawakan niya ang kamay ko at saka nangungusap ang mga mata n
Simula pa kanina nang buksan ko ang cellphone ko hanggang ngayon na pauwi na kami ay wala pa rin na tigil ito sa pagtunog. At iisa lamang naman din ang patuloy na tumatawag sa akin. Si Tyrone lamang. Kanina pa rin pasulyap-sulyap sa akin si Trey habang nagmamaneho siya. He knows who has been calling me since earlier. He knew it was my boyfriend."Ayaw pa rin ba na tumigil ng boyfriend mo sa kakatawag sa'yo?" Naka-arko pa ang kilay niya habang tinatanong ako. "Text him that I’m already bringing you home so he can stop disturbing us."Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko upang sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko. "Trey, maybe this is really not a good idea. Ibaba mo na lamang ako sa kung saan at magpapadaan na lamang ako kay Ashley.""I won't do that, babe. I am bringing you home. Why are you afraid of him?" Nagtataka na tanong pa niya sa akin nang sulyapan niya ako ulit. “This is something new about you, Rave. I remember that you don't get easily afraid. Sa atin dalawa nga a
"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo nanggaling na dalawa?" Sunod-sunod agad ang pagtatanong ni Tyrone sa amin ni Trey nang makalapit kami sa kinatatayuan niya. "Ano ang ginagawa mo rito, Tyrone? Nasaan si Ivory?" "Just as I have thought, dito kita mahahanap, Trey." galit na sagot pa niya sa kapatid niya, pero ang mga mata niya ay patuloy na nakatutok sa kamay ko na nakakapit sa braso ni Trey. "Hindi mo na naman sinunod ang utos ko sa'yo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo?" Ang tanong na iyon ay sinabi niya kay Trey, pero pakiramdam ko ay para sa akin talaga iyon. "Kumain lamang kami ni Raven, tapos ay hinatid ko na siya rito. Ano ngayon ang problema roon?" "She has a fucking boyfriend, Trey. Are you out of your mind?" Bahagya a
"Tyrone, what’s this I’ve heard?" Umaga pa lamang ay si Trey na agad ang laman ng opisina ni Tyrone, at hindi siya natutuwa na makita ang kapatid niya ngayon. Iritadong-iritado siya sa presensya nito simula nang magbalik si Trey sa bansa at lalo pa na nadagdagan ang inis niya nang magdesisyon naman si Raven na kunin ang proyekto. Kaya naman nagsimula na rin siya na mabuwisit sa presensya ng kapatid niya lalo na at parati na magkasama ang dalawa kahit na tahasan niya na pinipigilan iyon. "Ano na naman ang problema mo at ang aga-aga ay narito ka na naman sa opisina ko?" Walang emosyon na sagot niya sa kapatid niya. Ayaw niya na magtalo na naman sila, lalo na at malimit na ang nagiging pagtatalo nilang dalawa dahil kay Raven. Ayaw rin naman ni Tyrone na mag-isip si Trey ng kung ano-ano pa, lalo pa at nagsimula na nga ang kapatid niya sa pagtatanong noon sa nararamdaman niya kay Raven nang huli sila na magkah
“Let’s pause for a break. You’re doing a good job, Raven.” Nakangiti na bati sa akin ng direktor sa shoot namin saka nag thumbs up pa sa akin. “You may take a rest while we prepare the next set. Magpahinga ka muna at tatawagin ka na lang namin kapag kukunan na ulit ang susunod na eksena mo.” “Thank you, direk.” Sagot ko sa kan’ya, saka naman ako agad na nagpaalam na. “Sa dressing room lang ako.” Agad naman na lumapit sa akin si Ashley at sumenyas sa direktor, saka niya ako iginiya papunta sa kuwarto namin kung saan ako maghihintay para sa next set ko. Pagkapasok namin ay agad niya na inabot sa akin ang telepono ko habang nakanguso pa nang magsalita. “May text message ka. Gusto ko na nga sana na burahin para hindi mo na mabasa at huwag ka nang umasa na naman sa wala, but then again, I changed my mind. Reminder lang, girl, huwag magpadala sa isang text lang at sa mga kunyari na pa-sweet ng jowa mo. Huwag shu-shunga-shunga, Raven. Hindi sa lahat ng oras ay puso lagi ang pinapairal, mins
"Ano ang ginagawa mo rito, Trey?" Galit ang boses na iyon ni Tyrone at sinasabayan niya ang pagtatanong na ginagawa ng kapatid niya sa kan’ya. "Bakit ka narito kahit na wala ka naman schedule ng shoot ngayon? Sino ang may sabi na pumunta ka rito? Hindi ba at ang bilin ko sa'yo ay sa opisina ka ngayon?" "Ikaw ang bakit na narito, Tyrone? Ano ang ginagawa mo sa shooting, hindi ba at mas marami ka pa na importante na bagay na dapat na ginagawa kaysa ang tumambay rito?" "At bakit mo kinukuwestiyon ang pagpunta ko rito? Ako ang namamahala sa kumpanya natin, at proyekto ito ng kumpanya, kaya pupunta ako rito kahit na kailan ko gusto." "Fine, as you say so. Pero hindi porke’t ikaw ang namamahala sa kumpanya ay ikaw lamang ang may karapatan na pumunta rito sa oras na gusto mo.